Hello po. Meron po kasi kaming project sa Industrial Electronics lab. Controller circuit po ang pinropose namin kasi nakahanap kami ng schematic ng circuit with thyristor. (hindi po kasi pwedi yung walang thyristor). Gagamit daw po kami ng isang arduino, kailangan po magsusupply po ng 5 volts yung circuit. Kailangan daw po ng GUI, hindi po kasi namin alam kung paano gawin yung GUI ng circuit, sinuggest po ang visual basic 6. Ngayon lang po kasi namin gagawin yung project na to, para daw po may experience na kami. 3 circuit daw po ang coconnect sa arduino, same schematic pero iba ang kinocontrol na appliance. pano po kaya susupply yung 5 volts and yung mga codes. Salamat po sa lahat ng makakatulong.