Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Help - last pay at back pay di pa rin makuha

Status
Not open for further replies.

miroy18

Recruit
Basic Member
Messages
5
Reaction score
0
Points
16
Mga sir/ma'am,

Gusto ko sana ireklamo yung dati kong employer, resigned na ko last may 3, 2018 and until now wala pa din yung last pay at back pay ko. Meron naman akong turnover letter na may sign ng boss ko at nung pumalit sakin.

Mahihirapan na ba kong makahanap ng trabaho kung sakaling magreklamo ako?

Ano po ba possible na pwedeng gawin para makuha ko na ang dapat na sa akin?

Salamat po ng marami.
 
pag ganyan po at ayaw ibigay ang last pay,, talk to DOLE para makapagfile ng case at assistance
 
Pumunta ka sa NLRC office at ireklamo mo yung employer mo. Pero bago mo gawin yun, magsend ka sa HR department nila ng Final Notice para makuha yung Backpay at last pay. Actually sa Backpay medyo mahihirapan ka dahil dumedepende lang sya sa company policy nyo. NLRC will summon both parties para masettle yung problema. If the employer found to have VIOLATED your rights, pwede mo siyang ireklamo at magrequest ng compensation. Also don't forget your COE at Income Tax Return.


Mahihirapan na ba kong makahanap ng trabaho kung sakaling magreklamo ako?
No. Actually di naman ito karaniwang cinoconsider ng mga companies na pagapplyan mo in the future. You have the RIGHT to do it.
 
Last edited:
Yung 13th month pay mandatory na makuha mo yan. Pero yung last salary kase, pwedeng mabawasan yan kapag meron kang nasirang bagay or nawalang pera sa company. Kase ma-reflect sa payslip mo yun as liability. Kung katumbas ng liability mo dun ang last pay mo, malamang wala ka na talaga makukuha sa last salary. Pero kung wala ka naman liability sa kanila or less than naman sa last pay mo yung liability mo, ireklamo mo na sila sa DOLE.

"Mahihirapan na ba kong makahanap ng trabaho kung sakaling magreklamo ako?"

Hindi naman. Hindi makaka apekto sa qualifications mo yan pag nag apply ka. Matatagalan ka lang makahanap ng bago kase nga effort yang pag sampa ng kaso.
 
Last edited by a moderator:
NLRC will help, depende kasi sa Employer mo yun eh at sa Status mo doon sa kanila. Kung may mga charges ka nung umalis ka, malamang ibabawas yung sa lastpay/backpay mo. Or kung alam mo naman wala kang pagkukulang sa employer mo dati. Pwede ka magreklamo sa ating government for employee e.g. DOLE , NLRC. Or else try to follow up sa employer. Email, call and text or sumadya ka doon sa kanila.

HTH
 
Gumawa ka ng official document or sulat na ang laman is regarding sa last pay mo.
Make sure na i-receive yun ng kahit sino sa company ng employer mo.
Importante kasi ang documentation for that part.

Kung kaya mo naman makausap ang boss mo sa cellphone,
subukan mo i-record ang conversation para may proof ka ng conversation.

So far, yung received document ang proof na nakipag usap ka sa kanila regarding the matter.
Then punta ka sa DOLE or NLRC para magfile ng complaint.
At that point, possible na hingan ka ng paper requirements and proofs.
 
Thanks po sa inyo mga sir, big help po and nakapagdecide na po ko kung ano na po ang gagawin ko...

Maraming maraming salamat po ulit.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom