Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

[HELP] Mabisang pamatay sa dust/mold mites?

shiningpomm

Novice
Advanced Member
Messages
43
Reaction score
0
Points
26
Need help mga ka-symbianize. Umpisahan ko sa ganito.

Inaamag kasi yung wooden closet at cabinet sa loob ng kwarto ko. Yung amag kulay puti, tuyo at powdery. Pagkatapos kong magsearch sa internet, sa tingin ko mildew ang tawag dito. Di ko kasi madalas binubuksan yung pinto at bintana kaya yung hangin stagnant sa loob. Nagamot ko naman gamit ang suka, sabon at nakabukas yung pinto at bintana buong umaga, sarado lang pag gabi na.

Eto na problema. Pumalit naman yung sobrang liit na kulay puting insekto. Yung size sobrang liit parang alibok lang. Akala ko nga mildew pero nung nakita kong gumagalaw, eh alam kong insekto na to.

Ayon kay Google, dust or mold mites ang tawag dito. Ang problema ko ngayon eh anong mabisang pamatay sa mga bulinggit na to, dumadami na kasi. Infected na yung unan ko, bakal na ulonan ng kama, closet at cabinet. Ang kati ng ulo ko tuwing umaga. Buti yung kutson hindi tinitira, ewan ko kung bakit.

Sa unan di pwedeng labhan, de-tahi kasi. Pinaarawan ko na. Bumalik lang sila ulit. Papano kaya gagawin dito?

Sa iba naman, balak ko sana yung baygon chalk kaso di ko alam kung epektib. Naexperience nyo na ba to? Help mga sir and maam.
 
Last edited:
Back
Top Bottom