Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Serial Story HILING [on going]

Hello mga ka SB, first time ko po magsulat ng story dto sa original literature forum.
di ko kasi alam kung okay o panget ba yung mga gawa ko pero napagdesisyonan ko nang ipost ito dto.
kaya lang po on going pa kasi ito. sana po kung may mali ako sa mga salitang ginamit ko pakicomment nalang po!


thank you guys!!! please i need feedbacks!!! :D

please read and i hope you'll enjoy!! :) :) :) :)






Chapter I - First day




"hindi ko na kayang itago tong nararamdaman ko sa 'yo kian, ngunit hindi tayo bagay..."


"langit ka, at lupa ako..."




bigla nalang umalis ang babaeng nagsabi sakin ng mga salitang yan.

hindi ko alam pero bigla nalang tumulo ang mga luha sa aking mga mata.

Gusto ko siyang habulin,





kaso bigla akong nadapa!






BLAAAAAAAAAAG!...










"Kian, wake up son..." paggising ni mommy. "may pasok ka diba?" muling salita niya.


Panaginip lang pala 'yon? pero parang totoo ang mga pangyayari.


Makabangon na nga lang at baka maiwan pa ko ng driver. Bwisit kasi kasabay ko nanaman
tong kambal kong kupal, oo tama sobra kupal. Kahit nga yata sobrang yaman namin,
eh mauubos nitong ungas na to eh.

pabili dito. pabili doon.


hay naku..


buti pa ko simpleng gwapo lang, walang bisyo mataas lang tumalon :)



Ako nga pala si Kian Rosales, 17 years old, anak ng Chairman ng Rosales group of companies.


Sabi nila masarap daw magaral, sabi ko naman mas masarap matulog. kaso wala naman akong magagawa eh,
siyempre kailangan ko ring magaral.


Literal na ang talino ko, ngunit hindi ganun kataas ang grado ko nung hayskul dahil sa idol ko si juan tamad.


Oo. si juan tamad nga. yun bang nasa ilalim lang ng puno? naghihintay ng paglaglag ng santol,joke lang.
ibang kuwento na ata yun? alamat ata ng santol yun no? san tol?



sarap kasi maghintay lang ng bunga sa ilalim ng puno diba? parang ako eto
naghihintay lang matapos ang klase.








**Programming 101 class**



Programming Prof: "goodmorning class, since today is your first day in this subject.
Let's start by intruducing ourselves. I hope we could be professional in this class.."

"I am Engr. Popoy Eugenio, Bachelor of Science in Engineering,


Major in Computer Engineering. How about you guys?... " -dugtong pa niya.




pagkatapos ng pagpapakilala ng bawat isa, nagsimula namang magtanong ang prof namin
kung ano ba ang ineexpect namin sa kanyang klase.


at ang magaling na tadhana ay ako ang napili na matawag ng prof namin.



Sir Popoy: "Mr... What is your name again?"

Kian: "Kian, Kian Rosales sir"

Sir Popoy: "okay, what do you expect in this class?"

Kian: "Nothing sir."

Sir Popoy: "What an excellent answer. You may go now Mr. Rosales."




Ayos nga naman, unang subject ko palang sa araw na to pinalabas na ako.


at sabay-sabay nagtawanan ang mga kaklse ko.


Dahil sa pagkakapahiya, napatakbo ako sa labas ng kwarto na iyon.
Asar nga naman, sa dinami-dami ng tao, eh bakit ako pa ang tinanong?
samantalang wala naman akong interes sa klase niya.



naisip ko nalang.

bakit nga ba kailangan ng isang engineer na matuto magprogram? eh hindi ba't pang IT na kurso iyon?

para ka kasing nanonood ng singer na sayaw ang talent at dancer na kanta ang ginagawa.

minsan ang wirdo rin ng pamahalaan ng paaralan no?




sa paglabas ko ng kwartong iyon.

minabuti kong kumain nalang sa malapit na fastfood sa school namin.
Pano kay aga-aga e isang buwisit na professor agad ang makikita ko, at pinalabas pa ko.


Habang patungo ako sa aking paroroonan..


..sa kamamadali ay may nabangga akong babae.









BLAAAAAAAAAAG!!!



Kian: "So..Sorry miss. nagmamadali kasi ako."


hindi ko alam e nahulog pala ang dala niyang notebook. nagmamadali rin pala ang babaeng iyon.

ngunit hindi na siya nagatubiling lingonin ako at nagmamadaling naglakad papalayo.




sa paglalakad ko papunta sa malapit na fastfood ay may bigla akong natapakan.

pagkapulot ko ay nakakita ako ng isang id. nalaglag pala ito noong babaeng nabangga ko kanina.
kung hindi ka ba naman minamalas e kailangan ko pa ngayong isoli ito sa kanya, kaso pano ko siya mahahanap?

di ko naman kilala to.

tinignan ko muli ang id na napulot ko. at..

nabasa ko ang pangalan na "Josephine Reyes"















**Sephie's POV**



"hu..."


"wag m.."


"kong iwan..."


"josephine..."


"ano ba josephine?!!! hindi kapa ba papasok?!!! ang mahal mahal ng pang matrikula mo.
bangon na diyan!!!!!" sigaw ni nanay.


biglang pag tayo ko sa aking kama dahil sa boses ng isang halimaw sa baba.


"opo nay.. babangon na po." sagot ko kay nanay habang kakabangon lang at nagtungo sa
banyo upang mag hilamos.


Ang aga aga sermon na naman ang naririnig ko. Sigaw dito, sigaw doon. parang akala mo
laging may sunog, o di kaya e may rambol.



ito ang almusal ko sa araw araw,hingid sa mahirap lang kami, e ito na talaga ang naririnig
ko sa umaga.


Maagang namenopause si nanay. at dahil wala na si itay siya narin ang naging tatay namin
ng sampu kong mga kapatid.


Masipag kasi ang nanay at tatay e. sa sobrang sipag nila e isa nalang at isang dosena na
kaming magkakapatid, buti nga namenopause si nanay e.


Noong isang taon lang namapaya si tatay dahil sa nakalimutan niyang huminga, biro lang.
Namatay ang tatay dahil sa pagkakalubog ng barko na kung saan e pauwi na dito sa pilipinas.


Tama na nga ang kuwento baka maiyak lang ako sa kakatawa. biro lang ulit.

ganito talaga ang buhay ko dinadaan ko nalang sa tawa, sa totoo lang may pag ka maldita
talaga ako, pero kadalasan ay maloko ako.

teka nakalimutan ko may pasok pala ako ngayon kaya pala parang sirena ang bunganga
ni nanay. makababa na nga!








makalipas ang kalahating oras..


...


...







narating ko din ang school na ito! hay.

"sa wakas andito na rin ako sa school, first day na first day late ako. utak highschool parin talaga ko"
ang sabi ko sa aking sarili habang nagmamadaling maglakad papunta sa unang subject ko,




nang biglang....







BLAG!!!!!!



sa kakamadali ko nakabunggo ako ng isang matangkad at gwapong lalaki.

nakatingin siya sakin at sinabing..


"sorry miss.. nagmamadali kasi ako."


pero di ko siya pinansin, nahihiya kasi ako eh. sa sobrang kabang naramdaman ko,
pinulot ko nalang ang nahulog kong notebook at sabay naglakad ng mabilis.


sa buong buhay ko ngayon lang ako napahiya ng ganito, sa harap pa ng gwapong lalaki.
Noong highschool di naman ako ganito eh, katunayan ako pa nga ang prom queen noon.


papasok na sana ako sa gate ng biglang pag tingin ko sa aking bag ay wala na pala ang id ko.


tumalikod ako at inalala ang mga nangyari.

"nabangga nga pala ako ng isang lalaki!!!"

naisip ko na baka nalaglag ko ito at siya ang nakapulot!
Malas nga naman ano!!




pinagpasiyahan ko nang hanapin ang lalaking iyon at nagsimulang tumakbo, nang biglang..










BLAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAG!!!



nabangga na naman ako! at sa pagkakataong ito ay natumba na ako. mga ilang minuto
pa e bumalik narin ako sa katinuan.


may lalaking nagabot ng kanyang kamay. sa akmang pagtayo ko ay bigla akong nakakita
ng isang anghel.











**Jared's POV**


Hi I'm Jared Rosales, 17 years old, Son of Rosales Group of Companies' Chairman.
This is my first day in college. Hindi naman sa pagmamayabang, pero ako lang naman
ang kaunaunahang Valedictorian ng Su'z rn Highschool.At hindi yan lang, leader din ako
ng isang sikat na grupo sa eskuwelahan na yan.


Sa lolo ko nga pala yan. Ang school namin ang may pinakamataas na gusali,
pinakamahal na tuition, at may pinakagwapong magaaral na kagaya ko.


Nagtataka ka ba? eh kung marunong lang mag drowing tong si ms. author edi nakita
niyo na kung gaano ako kagwapo.


Wag na, lugi ako. Next time nalang. Anyway, Late na yata ako sa klase ko, mabuti pa
at magmadali na ako.




But somehow, deep inside of mine, I know there are alot of new challenges here.








New Challenges...








New Challenges...









BLAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAG!!!






Sa kakaisip ko ng new challenges, naknang tokwa naman oh! nabangga pa ako.
at sa isang madungis na babae pa talaga!


S*n *f a b****!!!!!! kung di ka naman nga susuwertehin e mas mamalasin ka pa.
Ano bang dahilan na ang gwapo at sobrang elegante kong porma e malalagyan
ng mantsa ng isang babaeng madungis? Buwisit!!!


Inabot ko ang kamay ko sa kanya. naawa ako, babae eh. ngunit sa sobrang kagwapuhan
ko at kataas ng pride ko. nagsalita ako.




Jared: "Miss ba't napakatanga mo? ang laki-laki ng kalsada, dito ka pa dadaan sa dinadaanan ko.
Alam mo ba kung gano kamahal tong suot ko na dinumihan mo?"


hindi na nagsalita ang pulubing to. malamang, at mas mabuti na 'yon. kaysa
naman makipaglaban pa siya sakin ng laway eh wala naman siyang magagawa.


una sa lahat, sobrang gwapo ko. pangalawa, kayang kaya naming ipasara ang pinagtatrabahuhan
ng magulang nito o ibagasak ang pamilya ng mahirap na yan.


Ayos! talagang natameme na siya. makaalis na nga at matawagan ang driver namin para magpadala
ng bagong longsleeves na lacoste. Yung parang patch yung buwaya ah? hindi yung nakapasok mismo sa damit.

Fake yun!






akmang tatalikod na ako, nang biglang...







PAAAAAAAAAAAAK!

Jared: Araaaaaaaaaaaaay!!!







sinampal ako ng babae...






itutuloy.

 
Hi Sis! Eto pala yung story mo.. Okay din ah! Pareho pa ng name yung isa nating character! LOL! :D

Keep it up sis! :)
 
sino ang parehas na character? haha sorry ha haha. gsto ko sanang ipost yung katuloy kaso lang wala kasi nagcocomment e hahaha
 
Chapter II - Mistery Girl




Sa pagsusuri pa ni Kian ng ID ni josephine, nakita niya ang "First Year - Architecture. Arch110A". Napagtanto niyang kasing gulang niya rin pala ito sa kolehiyo at higit pa doon ay magkalapit ang building nila sa isa't isa. Ang tanging problema niya lang ay kung saang klase ito hahanapin.


Kian: first year, architecture... Akalain mo may swerte ka rin pala Kian.



Dahil breaktime pa naman, hinanap ni kian ang klase kung nasaan nandoon ang hinahanap niya na si josephine. Ngunit pag dating niya sa klaseng iyon ay natapos na pala ang kanilang leksyon. Minabuti muna niyang tumambay muna sa basketball court bago pumasok sa kanyang susunod na klase. Isa sa dahilan kung bakit doon napunta si Kian dahil gusto niyang mag tryout sa varsity ng school nila ngayon.

Kian: ayos din pala dito, ang daming players kaso parang ang tatangkad nila lahat kulang ng point guard. kailan kaya ang tryout dito?

Estudyante sa likod ni Kian: ikaw gusto mo ba magtryout? kaso parang hindi ka naman marunong eh kutis mayaman ka eh. parang hindi nadudumihan.

Kian: Sino ka?

Estudyante sa likod ni Kian: ay sorry. Ako nga pala si James, Team Captain ng cavaliers. mahigit 4years narin simula noong huling mag champion kami. Ang problema ngayon wala ng magaling na nagta-tryout.

Kian: ganon ba? Ako nga pala si Kian, first year engineering. Tuwing kailangan ba ang tryout? gusto kong subukan.

James: Itong darating na sabado magkakaroon na ulit ng tryout para sa mga freshman na tulad mo. Para to sa Team B. kasi yang pinapanood mo Team A yan, sila yung lumalaban sa UBL (Universities' Basketball League).

Kian: sige pupunta ako. maraming salamat james.



Tuwang tuwa si Kian ng marinig niyang magkakaroon ng tryout para sa basketball team ng unibersidad na pinapasukan niya ngayon. Noong highschool kasi siya, Siya ang team captain at star player ng Su'z rn highschool. Pangarap niya ring maglaro sa UBL dahil iba't ibang kilala at malalaking school ang kasali dito.


Habang naglalakad papunta sa susunod na klase, Nakasalubong ni Kian si sophie, ngunit hindi niya agad napansin na ito ang kanyang hinahanap. Naalala niya lang na ang nakasalubong niyang babae ang kanyang hinahanap noong nasa klase na siya.


Kian: (Salita nito sa kanyang utak) sh*t nakasalubong ko na pala kanina yung nasa picture ng id na to!! badtrip naman.


Biglang lumabas si Kian ng klase niya at akmang tatakbo ng mabilis para habulin si sophie, Ngunit pinigilan siya ng kanyang propesora.


Algebra Professor: Mr Rosales! saan ka ppunta? alam mo bang major subject ito? at kapag nag cutting class ka sa major subject ay malaking offense ito?

Kian: Ma'am pasensya na po emergency po kasi.. uhm, hindi ko na po kasi kaya.. lalabas na po..


tawanan ang buong klase sa narinig nila mula kay Kian. at nagtagumpay naman si Kian sa pagsisingungaling niya sa kanyang propesora.


Kian: Ngayon asan kana Ms.Sophie...


Binalikan ni Kian ang tulay na nagkokonekta sa Engineering building at Architecture building kung saan sila nag kasalubong ni Sophie, Ngunit wala siya dito. Tumakbo siya ulit ng mabilis upang libutin ang building at hanapin si Sophie, ngunit sa kamamadali nito ay may nabangga siyang estudyante..


BLAG!!!!!!!!!


Kian: aray. Ang tigas ng ulo nito ah, halos mahiwalay na yung bungo ko.

Jared: sh*t ka. Takbo ka kasi ng takbo para kang bata. Abnormal ka talaga Kian.

Kian: Jared?

Jared: Oo. sa katangahan mo ako pa ang binangga mo. Teka nga muna bakit andito ka sa building namin?

Kian: ahhh wala may napulot kasi akong id, isosoli ko lang.

Jared: Akin na ako nalang maghahanap. Chicks ba yan?

Kian: Wag na ako nalang. Baka pagtripan mo lang.

Jared: Sige kung gusto mong abutin ka ng tatlong oras dito, mapapagalitan ka pa ng prof nyo. Di ba may klase ka ngayon?

Kian: sh*t oo nga pala. o sige na eto na nga. (inabot ni Kian ang id ni sophie kay Jared).


"Josephine Reyes? hmm. Parang nakita ko na to knina ah." Sambit ni Jared sa isip habang naglalakad lakad sa architecture building upang hanapin ang may-ari nito. Tapos na ang klase ni Jared kaya napagpasiyahan nitong hanapin muna ang may-ari ng id bago magpasundo sa kanyang driver.

Jared: Arch110A? ahh sakto, dito sa room 703 sila nagkklase ngayon.


Kumatok si Jared sa klase ni Sophie...





**Sophie's POV**


Filipino Professor: Ngayon at natapos na ang ating pagpapakilala sa ating mga kamag-aral... (dinig ang lakas ng pagkatok ni Jared sa kanilang pintuhan).
Sandali lang class ha may kumakatok ata.

Binuksan ng propesor ang pinto at nabalandra ang mukha ni Jared sa kanilang klase. Agad agad ay nag tilian agad ang mga kaklaseng babae at binabae ni Sophie.


Filipino Professor: oh Mr. Pogi anong kailangan mo sa klase ko?

Jared: Ahh ehh. Ma'am mayron bang Josephine Reyes dito?

Katabi ni Sophie: Wow echusera ka te first day of school pumapagibig ka na?

Malanding kaklase: Ako si sophie babe! halika dito!!!

Katabi ng malanding kaklase: Hoy Ruben pangalan mo echusera ka!

Filipino Professor: Ohh Ms Reyes ikaw pala ang hinahanap oh.


Akmang pag silip ni sophie sa lalaking nasa pintuan, biglang kumunot ang kanyang noo at nasabi sa kanyang isip na, "SI MR YABANG TO AH!!!!!!"





















- - - Updated - - -

Chapter III - Jared's killer smile


Sophie: Oh Mr. Yabang? Bakit naparito ka?

Bulungan agad ang mga kaklase ni sophie dahil naisip nila na matagal ng magkakilala ang dalawang ito. "Siguro LQ tong dalawang to. idadamay pa tong klase natin", Chismis ng isang kaklase na malapit sa kinauupuan ni sophie. Hindi alam ng mga kaklase nila na ngayong araw lang din nagkakilala ang dalawa.

Jared: Bat parang... kakaiba ka?
Sophie: Ha? anong pinagsasabi mo Mr. yabang?

(Ang ganda niya, hindi katulad kanina na mukhang katulong) bulong ni jared sa sarili niya.

Jared: Ah wala. Ito nag pala yung id mo. napulot ko kanina. sorry nga pala sa nasabi ko kanina ah maiinit lang talaga ulo ko.

(Wow! knight in shining armor? siya pala nakakuha?) nawala ang pagkainis nito kay jared at ngumiti.

Sophie: Salamat ah.
Jared: Ah if you don't mind antayin kita after class mo.
Sophie: Okay ikaw bahala. (Kinilig).
Propesor: Oh sya sya Mr. Pogi at nagkakaklase pa kami mamaya na yang ligawan niyo.



Yiiiiiiiiiiiiiiiiiiiieeeeeeeeeeeeeeeeeee.

Hiyaw ng mga kaklase nila sophie at nagpatuloy na sila sa kanilang klase.

Samantala, sa pagkakainip ni Jared sa paghihintay kay sophie, Naisipan niya tignan ang kanyang cellphone upang silipin ang kanyang facebook account. Nakita niyang in-a-relationship na ang kanyang dating kasintahang si Natalie. Naalala niya kanina noong pag sulyap niya sa itsura ni Sophie sa kanyang klase ay may hawig ito kay Natalie. Naisip niya, ano kaya kung ligawan ko tong si sophie tapos ipost ko agad sa facebook? magseselos kaya si Natalie?

Maya maya't natapos narin ang klase ni sophie at lumabas na ito sa kanyang silid aralan.

Pssssst. Dito! Sumitsit ang isang lalaki. si Jared, na may kasamang matatamis na ngiti sa kanyang labi.


Sophie: (Mr.yabang pero ang gwapo niya talaga!) Hi Jared. sorry ha naghintay ka pa ng matagal.
Jared: hindi okay lang. naghihintay lang din ako sa driver ko eh.
Sophie: Aba gwapo na mayaman pa! Dream guy na to bes.
Bulong ni sophie.
Jared: ano yun?
Sophie: Ah wala sabi ko tara uwi na tayo.
Jared: sige sandali tatawagan ko lang si mang randy.
Sophie: Okay.


Pagkalipas ng 20 minuto, dumating na rin si mang randy at tumawag kay Jared.

Jared: tara sophie, andyan na yung driver sa tapat ng gate.


Paglabas nila ay laking gulat ni sophie. hindi lang pala basta mayaman si Jared, kundi sobrang yaman pala nito. Dahil ang sumundo sa knila ay isang limousine na pinakabago sa taong ito. Hindi akalain ni sophie na tama lang pala ang tingin sa kanya ni Jared dahil sa sobrang yaman nga ng pamilya nito.

Sophie: wow. sobrang gara ng sasakyan mo ha.
Jared: halika sakay kana at maihatid kana namin.
Sophie: salamat talaga ha. ngayon lang ako nakasakay sa ganito kagarang sasakyan. sa pelikula ko lang nakikita yung mga ganito eh.
Jared: hahaha. ikaw talaga sophie. umpisa palang yan, may susunod pa diyan. San ka nga pala nakatira?
Sophie: ahh diyan sa may navotas. along c3 lang kahit sa kanto nalang ako kakahiya naman kasi.
Jared: ah hindi okay lang. hatid ka na namin sa inyo mismo.
Sophie: sige ikaw bahala kaso masikip dun ha saka baka mapagtripan pa kayo.


Pag pasok sa kanto ng bahay nila Sophie, naglapitan ang mga adik sa lugar nila sophie.

Adik1: wow pare limusin. isang side mirror lang niyan yayaman agad tayo!

Nagbukas ng binatana at sumigaw si sophie.

Sophie: Hoy mahiya ka nga! lahat nalang ng magarang sasakyan na dumadaan dito trip nyo ha?
Adik2: ayan na si madam bertud kaya hindi nagkaka boypren sobrang sungit eh. nyahahahaha.
Adik1: tara sibat na hahahaha.


Jared: ayos ah siga ka pala dito ha. hahaha.
Sophie: ui hindi no haha. pasensya kana. mga gag* kasi yang mga yan eh. dami ng napagtripan dito.
Sophie: ayan hinto kana. ito na yung bahay namin.
Jared: ito???
Sophie: oo. bakit gulat na gulat ka? ang liit no pasensya na ha.
Jared: (Diyos ko po mukang madumi at mabaho sa loob.)
Sophie: sige dito nalang. salamat ulit ha.

Bumukas bigla ang pintuan ng bahay nila Sophie at bumungad ang inay nito.

Nanay ni Sophie: Oh anak andito kana. Aba sino yan ha boypren mo?
Jared: opo.
Sophie: shhh. Hindi po nay. schoolmate ko po si Jared. hinatid lang po ako aalis narin siya.
Nanay ni Sophie: hindi. halika iho pasok ka muna. pagpasensyahan mo na itong maliit na bahay namin ha.


Laking gulat ni Jared ng makita niyang na napakalinis ng bahay nito, at gulat na gulat pa ito ng makita niya ang dami ng kapatid ni sophie na nakaupo sa sala nila.

Jared: Kapatid mo lahat sila?
Sophie: hahaha oo. Dami namin no? mukang sobrang gulo?
Jared: hindi okay lang. nakakainggit nga kayo eh. samantalang sa bahay namin dalawa lang kami ng kapatid ko tapos lahat maid na. Siguro ang saya saya niyo dito no?
Nanay ni Sophie: sinabi mo pa iho pero magulo rin at mahirap lang buhay namin. O siya, Sophie bakit hindi mo ipagtimpla ng maiinom itong kaibigan mo.
Sophie: Opo nay.



habang nagttimpla ng juice si Sophie, inusisa ng ina ni Sophie ang kabuhayan at katayuan sa buhay ng pamilya ni Jared.

Nanay ni Sophie: iho, ano nga pala trabaho ng mga magulang mo? at saan kayo nakatira?
Jared: CEO po si mommy at President naman po si daddy ng sarili naming kumpanya, Rosales Industries po.
Nanay ni Sophie: diyos ko, eh sobrang yaman nyo pala iho.


Rosales Industries. 2 Main branches sa pilipinas, 100 branches sa iba't ibang bansa: singapore, malaysia, australia, italy, at iba pa. Ang pamilya nila Jared at Kian ang pinakamayaman sa buong pilipinas, ang networth ng kanilang pamilya ay 20 Bilyong dolyar (1,008,100,000,000 pesos). Ang pagaaral ng dalawa ay upang makuha lamang ng degree at maipagpatuloy ang business ng kanilang pamilya. Napagtanto ito ng nanay ni Sophie, at sa isip nito ay kung mapapangasawa ni Jared si Sophie ay siguradong yayaman sila.

Matapos ng kwentuhan ng dalawa ay bumalik na si Sophie at dala ang maiinom. hindi rin nagtagal at nagpaalam narin si Jared kila Sophie at sa kanyang ina.


Jared: Aling ano, salamat po sa pagpapatuloy sa akin ha.
Nanay ni Sophie: Tita Ish nalang iho. (Ismeralda kasi ang tunay na pangalan ng ina ni Sophie). Salamat din sa paghatid sa anak ko.
Jared: sige po Tita Ish. Mauna na po ako.

Sophie: Bye Jared! See you sa school nalang ulit.
Jared: Bye Sophie.

Bago pa man makalayo si Jared ay muli itong nilingon ang nananatiing nakatingin na si Sophie, at binigyan niya ito ng isang matinding ngiti.
 
Last edited:
Back
Top Bottom