Hello mga ka SB, first time ko po magsulat ng story dto sa original literature forum.
di ko kasi alam kung okay o panget ba yung mga gawa ko pero napagdesisyonan ko nang ipost ito dto.
kaya lang po on going pa kasi ito. sana po kung may mali ako sa mga salitang ginamit ko pakicomment nalang po!
thank you guys!!! please i need feedbacks!!!
please read and i hope you'll enjoy!!
Chapter I - First day
"hindi ko na kayang itago tong nararamdaman ko sa 'yo kian, ngunit hindi tayo bagay..."
"langit ka, at lupa ako..."
bigla nalang umalis ang babaeng nagsabi sakin ng mga salitang yan.
hindi ko alam pero bigla nalang tumulo ang mga luha sa aking mga mata.
Gusto ko siyang habulin,
kaso bigla akong nadapa!
BLAAAAAAAAAAG!...
"Kian, wake up son..." paggising ni mommy. "may pasok ka diba?" muling salita niya.
Panaginip lang pala 'yon? pero parang totoo ang mga pangyayari.
Makabangon na nga lang at baka maiwan pa ko ng driver. Bwisit kasi kasabay ko nanaman
tong kambal kong kupal, oo tama sobra kupal. Kahit nga yata sobrang yaman namin,
eh mauubos nitong ungas na to eh.
pabili dito. pabili doon.
hay naku..
buti pa ko simpleng gwapo lang, walang bisyo mataas lang tumalon
Ako nga pala si Kian Rosales, 17 years old, anak ng Chairman ng Rosales group of companies.
Sabi nila masarap daw magaral, sabi ko naman mas masarap matulog. kaso wala naman akong magagawa eh,
siyempre kailangan ko ring magaral.
Literal na ang talino ko, ngunit hindi ganun kataas ang grado ko nung hayskul dahil sa idol ko si juan tamad.
Oo. si juan tamad nga. yun bang nasa ilalim lang ng puno? naghihintay ng paglaglag ng santol,joke lang.
ibang kuwento na ata yun? alamat ata ng santol yun no? san tol?
sarap kasi maghintay lang ng bunga sa ilalim ng puno diba? parang ako eto
naghihintay lang matapos ang klase.
**Programming 101 class**
Programming Prof: "goodmorning class, since today is your first day in this subject.
Let's start by intruducing ourselves. I hope we could be professional in this class.."
"I am Engr. Popoy Eugenio, Bachelor of Science in Engineering,
Major in Computer Engineering. How about you guys?... " -dugtong pa niya.
pagkatapos ng pagpapakilala ng bawat isa, nagsimula namang magtanong ang prof namin
kung ano ba ang ineexpect namin sa kanyang klase.
at ang magaling na tadhana ay ako ang napili na matawag ng prof namin.
Sir Popoy: "Mr... What is your name again?"
Kian: "Kian, Kian Rosales sir"
Sir Popoy: "okay, what do you expect in this class?"
Kian: "Nothing sir."
Sir Popoy: "What an excellent answer. You may go now Mr. Rosales."
Ayos nga naman, unang subject ko palang sa araw na to pinalabas na ako.
at sabay-sabay nagtawanan ang mga kaklse ko.
Dahil sa pagkakapahiya, napatakbo ako sa labas ng kwarto na iyon.
Asar nga naman, sa dinami-dami ng tao, eh bakit ako pa ang tinanong?
samantalang wala naman akong interes sa klase niya.
naisip ko nalang.
bakit nga ba kailangan ng isang engineer na matuto magprogram? eh hindi ba't pang IT na kurso iyon?
para ka kasing nanonood ng singer na sayaw ang talent at dancer na kanta ang ginagawa.
minsan ang wirdo rin ng pamahalaan ng paaralan no?
sa paglabas ko ng kwartong iyon.
minabuti kong kumain nalang sa malapit na fastfood sa school namin.
Pano kay aga-aga e isang buwisit na professor agad ang makikita ko, at pinalabas pa ko.
Habang patungo ako sa aking paroroonan..
..sa kamamadali ay may nabangga akong babae.
BLAAAAAAAAAAG!!!
Kian: "So..Sorry miss. nagmamadali kasi ako."
hindi ko alam e nahulog pala ang dala niyang notebook. nagmamadali rin pala ang babaeng iyon.
ngunit hindi na siya nagatubiling lingonin ako at nagmamadaling naglakad papalayo.
sa paglalakad ko papunta sa malapit na fastfood ay may bigla akong natapakan.
pagkapulot ko ay nakakita ako ng isang id. nalaglag pala ito noong babaeng nabangga ko kanina.
kung hindi ka ba naman minamalas e kailangan ko pa ngayong isoli ito sa kanya, kaso pano ko siya mahahanap?
di ko naman kilala to.
tinignan ko muli ang id na napulot ko. at..
nabasa ko ang pangalan na "Josephine Reyes"
**Sephie's POV**
"hu..."
"wag m.."
"kong iwan..."
"josephine..."
"ano ba josephine?!!! hindi kapa ba papasok?!!! ang mahal mahal ng pang matrikula mo.
bangon na diyan!!!!!" sigaw ni nanay.
biglang pag tayo ko sa aking kama dahil sa boses ng isang halimaw sa baba.
"opo nay.. babangon na po." sagot ko kay nanay habang kakabangon lang at nagtungo sa
banyo upang mag hilamos.
Ang aga aga sermon na naman ang naririnig ko. Sigaw dito, sigaw doon. parang akala mo
laging may sunog, o di kaya e may rambol.
ito ang almusal ko sa araw araw,hingid sa mahirap lang kami, e ito na talaga ang naririnig
ko sa umaga.
Maagang namenopause si nanay. at dahil wala na si itay siya narin ang naging tatay namin
ng sampu kong mga kapatid.
Masipag kasi ang nanay at tatay e. sa sobrang sipag nila e isa nalang at isang dosena na
kaming magkakapatid, buti nga namenopause si nanay e.
Noong isang taon lang namapaya si tatay dahil sa nakalimutan niyang huminga, biro lang.
Namatay ang tatay dahil sa pagkakalubog ng barko na kung saan e pauwi na dito sa pilipinas.
Tama na nga ang kuwento baka maiyak lang ako sa kakatawa. biro lang ulit.
ganito talaga ang buhay ko dinadaan ko nalang sa tawa, sa totoo lang may pag ka maldita
talaga ako, pero kadalasan ay maloko ako.
teka nakalimutan ko may pasok pala ako ngayon kaya pala parang sirena ang bunganga
ni nanay. makababa na nga!
makalipas ang kalahating oras..
...
...
narating ko din ang school na ito! hay.
"sa wakas andito na rin ako sa school, first day na first day late ako. utak highschool parin talaga ko"
ang sabi ko sa aking sarili habang nagmamadaling maglakad papunta sa unang subject ko,
nang biglang....
BLAG!!!!!!
sa kakamadali ko nakabunggo ako ng isang matangkad at gwapong lalaki.
nakatingin siya sakin at sinabing..
"sorry miss.. nagmamadali kasi ako."
pero di ko siya pinansin, nahihiya kasi ako eh. sa sobrang kabang naramdaman ko,
pinulot ko nalang ang nahulog kong notebook at sabay naglakad ng mabilis.
sa buong buhay ko ngayon lang ako napahiya ng ganito, sa harap pa ng gwapong lalaki.
Noong highschool di naman ako ganito eh, katunayan ako pa nga ang prom queen noon.
papasok na sana ako sa gate ng biglang pag tingin ko sa aking bag ay wala na pala ang id ko.
tumalikod ako at inalala ang mga nangyari.
"nabangga nga pala ako ng isang lalaki!!!"
naisip ko na baka nalaglag ko ito at siya ang nakapulot!
Malas nga naman ano!!
pinagpasiyahan ko nang hanapin ang lalaking iyon at nagsimulang tumakbo, nang biglang..
BLAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAG!!!
nabangga na naman ako! at sa pagkakataong ito ay natumba na ako. mga ilang minuto
pa e bumalik narin ako sa katinuan.
may lalaking nagabot ng kanyang kamay. sa akmang pagtayo ko ay bigla akong nakakita
ng isang anghel.
**Jared's POV**
Hi I'm Jared Rosales, 17 years old, Son of Rosales Group of Companies' Chairman.
This is my first day in college. Hindi naman sa pagmamayabang, pero ako lang naman
ang kaunaunahang Valedictorian ng Su'z rn Highschool.At hindi yan lang, leader din ako
ng isang sikat na grupo sa eskuwelahan na yan.
Sa lolo ko nga pala yan. Ang school namin ang may pinakamataas na gusali,
pinakamahal na tuition, at may pinakagwapong magaaral na kagaya ko.
Nagtataka ka ba? eh kung marunong lang mag drowing tong si ms. author edi nakita
niyo na kung gaano ako kagwapo.
Wag na, lugi ako. Next time nalang. Anyway, Late na yata ako sa klase ko, mabuti pa
at magmadali na ako.
But somehow, deep inside of mine, I know there are alot of new challenges here.
New Challenges...
New Challenges...
BLAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAG!!!
Sa kakaisip ko ng new challenges, naknang tokwa naman oh! nabangga pa ako.
at sa isang madungis na babae pa talaga!
S*n *f a b****!!!!!! kung di ka naman nga susuwertehin e mas mamalasin ka pa.
Ano bang dahilan na ang gwapo at sobrang elegante kong porma e malalagyan
ng mantsa ng isang babaeng madungis? Buwisit!!!
Inabot ko ang kamay ko sa kanya. naawa ako, babae eh. ngunit sa sobrang kagwapuhan
ko at kataas ng pride ko. nagsalita ako.
Jared: "Miss ba't napakatanga mo? ang laki-laki ng kalsada, dito ka pa dadaan sa dinadaanan ko.
Alam mo ba kung gano kamahal tong suot ko na dinumihan mo?"
hindi na nagsalita ang pulubing to. malamang, at mas mabuti na 'yon. kaysa
naman makipaglaban pa siya sakin ng laway eh wala naman siyang magagawa.
una sa lahat, sobrang gwapo ko. pangalawa, kayang kaya naming ipasara ang pinagtatrabahuhan
ng magulang nito o ibagasak ang pamilya ng mahirap na yan.
Ayos! talagang natameme na siya. makaalis na nga at matawagan ang driver namin para magpadala
ng bagong longsleeves na lacoste. Yung parang patch yung buwaya ah? hindi yung nakapasok mismo sa damit.
Fake yun!
akmang tatalikod na ako, nang biglang...
PAAAAAAAAAAAAK!
Jared: Araaaaaaaaaaaaay!!!
sinampal ako ng babae...
itutuloy.