Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Others Hiling

Special mention: request ni Demon Spade :naughty:
hindi ko alam kung love story na masasabi pero try ko :alright:



“Ganito na lang ba parati ang sasapitin ko sa tuwing magmamahal ako?”
mga salitang bigla na lang nabigkas ng lalaking nagmumuni-muni habang nakatambay sa isang tahimik na lugar at nakatingin sa mga bituin.

“Hanggang kailan ba ko magiging ganito, ano ba ang pagkukulang ko at ganon na lang ang nagiging kapalit ng effort na ginagawa ko?”
Napabuntong hininga sabay nagsalita ulit.

“hay ito na ata ang kapalaran ko, parang ayoko na magmahal kung sakaling may dadating pero mahirap magsalita ng tapos aaarrrgh….ano ba nangyayari sakin”

Maraming bagay ang gumugulo sa kanya kung ano talaga ang magiging desisyon niya dahil sa simpleng bagay na sinapit, kung isasara na ba niya ang puso niya para magmahal. Ang sagot walang nakakaalam kundi siya lang.

Habang siya’y tulala parin at nakatitig sa mga bituin sa langit, may naalala siyang bagay na talagang nakakalungkot kaya hindi niya namalayan na naiiyak na pala siya.

“shit! Ayoko ng ganito, ayoko maging malungkot”
sabay pahid ng kanyang luha.

Sa ganong pagkakataon buo na agad ang desisyon niya, ang baguhin ang kanyang sarili at kalimutan ang lahat ng mapait na sinapit. Alam niya sa sarili niya paggising niya hindi na siya basta-basta masasaktan ulit.

Kinabukasan maaga siyang nagising kaya’t bumangon na siya agad para mag-almusal, alam niyang sabado pero ugali na niyang magising ng maaga dahil hindi nagbabago ang kanyang body clock. Dali-dali siyang lumabas ng kwarto at pumunta sa lamesa para kumain ng almusal.

“aga mo nagising anak, ano ba nakain mo?”
“ma, wala naman po gusto ko man po matulog ulit pero ayoko dahil ang bigat po sa katawan kapag nasobrahan ako sa tulog”

“pwede ka naman matulog ulit kung gusto mo, ay may pasok ka pala pag sabado na ko sigurado dadalawin ka ng antok mamaya sa school”
“ma, nakalimutan niyo na po ata na pag sabado wala po akong pasok”
“ay oo nga pala sorry anak, absent minded lang hahaha…”
“okay lang po ma, ahmmmmmmmm……..ma aalis po ko mamaya”

“at saan ka naman pupunta aber?”
“sa mall po ma, may titignan lang po akong libro na gusto kong bilin”
“at anong libro naman ang balak mong bilin, na ko anak parang hindi ata ikaw yan ano ba nakain mo at nagkakaganyan ka, kailangan ko na ba tawagin ang lahat ng santo dahil sa pagbabago mo”
“si mama talaga, wala pong nangyari saking masama, gusto ko lang po maglibang kahit konti”

“ganon ba anak? Hmmmmmmmmm……..kung aalis ka isama mo yung girlfriend mo teka ano nga ba pangalan niya iho”

Tipid ang sagot dahil ayaw na pagusapan at maalala.

“len-len ma”
“ayun len-len pala, isama mo si len-len anak para hindi ka mambabae”

“si mama talaga, nasa itsura ko po ba ang sinasabi niyong nambababae?”
“ahmmmmmmmm…..siguro kahit sabihin natin na nasa gitna ng gwapo at cute ka parang malapit ka narin sa pagiging babaero”

“Hindi na po ma, ako na lang po mag-isa ang aalis”
“bakit may nasabi ba kong hindi maganda anak?”

“wala po ma, okay lang po ako promise”
“sigurado ka ba sa sinasabi mo anak? sa tono ng boses mo alam ko kung ano ang nangyari, break na kayo”

“parang ganon na nga po ma, pero wala na po sakin yun”
“hay…..okay lang yan anak, lahat tayo nasasaktan kahit sino naranasan yung sinapit mo sa tuwing may nangyayaring hindi maganda sa buhay, bumabangon tayo agad dahil ayaw natin maging ganon habang-buhay, maaring nasaktan ka ngayon pero dahil sa sakit na sinapit mo may natutunan ka pero isang bagay ang huwag na huwag mong gagawin porket nasaktan ka anak, ang isara ang puso mo”

Napaisip siya ng konti, tama lahat ng sinabi ng mama niya.

“salamat po ma”
“wala yun ano ka ba, ayokong nakikita kitang malungkot o nasasaktan teka hindi mo pa siansabi kung ano ang dahilan ng break-up niyo ni len-len”

“ma bigla ko pong napansin na parang interesado kayo sa nangyari”
“hindi naman anak, curious lang si mama hihihi….”

“parang may ibig sabihin po yung tawa niyong iyon ma, simple lang po ang dahilan kaya naghiwalay po kami ni len-len, may pagka-user po siya kaya nagdesisyon po akong makipaghiwalay sa kanya”
“tama lang ang ginawa mo anak kaya dapat huwag kang manghinayang sa kanya, marami pang iba dyan saka hindi lang siya ang babae sa mundo, hala kumain ka na muna”
“sige po ma, salamat po ulit”
“wala yun, anytime anak”

“sabay na po tayo kumain ma”
“mauna ka na anak, sabay na kami kakain ng papa mo”

“okay kayo po ang bahala”

After 10 minutes.

“anak ako na bahala sa pinagkainan mo”
“hindi ma, ako na po maghuhugas ng plato ko”

“hmmmmmmmm…..nakakapanibago ka talaga anak”
“hay…..eto na naman po kami”

Pagkatapos maghugas.

“ma, balik lang po ako sa kwarto ko”
“sige magpahinga ka muna saglit pero kung gusto mong matulog ikaw bahala pero magpatunaw ka muna ng kinain”

“hindi po ako matutulog ma, ihahanda ko lang po yung damit na gagamitin ko para mamaya”
“sabagay alas-diyes pa naman nagbubukas ang mall anak saka maaga pa naman, kung gusto mo manood ka na lang muna ng tv o kaya mag-computer sa kwarto mo”

“mamaya ko na lang po gagawin yun ma, pagkatapos ko ihanda yung damit na gagamitin ko”
“okay”

Bumalik siya sa kanyang kwarto, imbis na ihanda ang damit na isusuot sa pag-alis ay iba ang nangyari, naisipan niyang buksan ang kanyang computer. Dali-dali siyang nag-log in sa account niya sa isang social networking site pero sa hindi inaasahan.

“f@*^! napalitan niya agad ako, ang bilis ah tama lang pala yung ginawa kong makigpahiwalay sa kanya”

Tuliro ulit siya sa nakita kaya’t nagbasa siya ng status ng iba pero sa hindi inaasahang pagkakataon.

Mahal kita pero mas mahal ko ang pera mo.


“dahil sa pera lumabas ang totoong ugali mo hay…..mga tao nga naman kahit kailan, bwisit kang babae ka, bakit hindi ka pa mamatay ngayon!”

Sa sobrang inis naglog-out na lang siya para mawala ang tension na bumabalot sa pagkatao niya. Sana hindi na lang niya nabasa ang pinost ng ex niya kaya ang nangyari sira na naman ang araw niya.

“shit! Shit talaga aaarrrgh…..naiinis ako sa kanya hay…..subukan ko na nga lang magsoundtrip para mabawasan ng konti ang inis ko”

Binuksan niya ang winamp, naghanap ng kanta ngunit halos lahat napagsawaan na niya, inisip na lang niya na kahit ano na lang ma-i-play para mabawasan lang ang inis na nararamdaman. Pagka-play palang ng napiling kanta ay parang nagkaron ng kaginhawaan sa paligid.

God gave me a song that the angels cannot sing
I've been washed in the blood of the crucified one
I've been redeemed


Lyrics na paulit-ulit isama mo pa yung beat na parang malungkot pakinggan pero nakakarelax.

“ayos to ah…it’s a dreamy song, mukha lang nakakatakot sa una pero nakakarelax pala pero mukhang pampatulog ah okay lang maganda naman ang vocal eh parang orchestra”

Sa paulit-ulit niyang pakikinig sa sinasabing “Dreamy song” ay nakaidlip siya bigla.


After 4 hours.

“anak! gising na, malapit na magtanghali”
“uhhhmmm….anong oras na po ba ma?” habang naghihikab.

“alas 11 na kaya anak, hala bumangon ka na dyan at magayos para hindi ka ma-trapik sa pupuntahan mo”
“uuuhhhmmm…sige po ma” sabay hikab ulit.

After 30 minutes.

“ma, alis na po ako”
“kumain ka muna bago ka umalis, sigurado aabutan ka ng gutom sa biyahe”

“okay lang po ako ma, sige po mamaya na lang po ulit ahmmmmmmm….si papa po asan?”
“wala anak tulog pa hanggang ngayon, mukhang puyat na naman hayaan mo na”

“ganon po ba? sige mauna na po ako”
“ingat ka anak”

Nang makarating siya sa mall nagikot-ikot lang muna siya saglit dahil hindi naman siya nagmamadali, ng makaramdam siya ng gutom ay bigla siyang nagdesisyon.

“bilin ko na muna yung librong gusto ko bago ko kumain” sambit sa kanyang sarili.

Nang papunta na siya sa cahier para magbayad.


Itutuloy...
 
Last edited:
Galing ni TS, nangangati na mata ko sa kakacheck kung may kasunod na... :spy::bye:
 
Blag!

“aray ko naman, hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo” reklamo ng dalaga.
“sorry miss, hindi ko napansin na may mababangga pala ko pasensiya na talaga” habang pinupulot ang mga pinamili ng dalaga.

Pagkatapos pulutin ng lalaki ang pinamili ng dalaga ay bigla siyang umalis dahil may nakalimutan siyang bilin kaya hindi muna siya pumila. Habang hinahanap niya yung bagay na kulang ay bigla siyang napaisip.

“teka bibilin ko pa ba yung kulang o hindi na hmmmmmmmmmmm……..nah hindi na lang siguro saka tom jones narin ako at baka magwala yung mga anaconda ko sa tyan”

Nang pabalik na siya sa cashier ay napansin niyang mahaba ang pila, wala siyang ginawa kundi pumila kahit alam niyang aabutin siya ng siyam-siyam bago makabayad.

After 5 minutes.

“Pssssst!” sambit ng isang nakapila sa cahier.

Nung una hindi pinansin ng lalaki kung sino yun kaya naghintay na lang siya ngunit maya-maya.

“Psssssssssssssssssssssssssst!” medyo mas mahaba na.

Tinginan ang lahat ng tao sa bookstore pero ang lalaki parang walang paki sa nangyayari. Sa sobrang inis ng tumatawag ay nilapitan niya ang lalaki para kausapin.

“hoy magaling na lalaki, kanina pa kita tinatawag, bakit hindi mo ko pinapansin ha?”

“eh malay ko ba kung sino yung tinatawag mo kaya hindi ko pinapansin”
“bulag ka na nga, suplado ka pa” medyo nainis.

“pasensiya na miss, akala ko ibang tao ang tinatawag mo kaya hindi ako lumilingon.

Lumapit ang dalaga sa kanya para may sabihin.

“isabay mo na yang pinamili mo sakin para hindi ka na mag-antay ng matagal dyan” sambit sa mahinang boses.

“na ko huwag miss, bad yung iniisip mo”
“ano gusto mo, mabilis kang makaalis dito o maghintay ka ng siyam-siyam”

“eh ano ba gagawin ko?” medyo nagtataka.
“basta sakyan mo lang ako, sigurado gets mo agad ang sasabihin ko”

“sige sabi mo eh”
“pag umalis ako tapos bumalik ako sa pila ko yun na ang hudyat okay?”

“okay sige miss” medyo tuliro ng konti.

Nang bumalik ang dalaga sa kanyang pila sa cashier.

“ang daya mo naman sabi mo may bibilin ka lang saglit pero pinaghintay mo ko kaya eto konti lang ang nabili ko” sabay kindat sa lalaki.

“pasensiya na, medyo naligaw ako sa loob eh” habang papalapit sa dalaga.

Nang magkatabi na sila sa pila

“isabay mo na tong binili ko kung okay lang” sambit ng dalaga.
“sure yun lang pala eh akin na”

“eto oh” sabay abot

Medyo pinagtinginan sila ng ibang nakapila pero isa lang ang naglakas loob na magreklamo.

“miss masama yang ginagawa mo, bakit mo pinasingit yang kasama mo” medyo mataas ang tono ng boses.

“hoy! For your information ako po yung pinapila niya kanina pa, hindi ko lang siya nakita agad dahil may binili pa siyang iba hindi ko napansin na mahaba na pala ang pila” paliwanag ng dalaga.

“talaga lang ha?” sabay tingin sa kasama ng dalaga.
“oo sir siya po yung pinapila ko kanina kasi may nakalimutan akong bilin” paliwanag niya.

“sa susunod kasi magtanong muna para hindi mapahiya, gusto pa gumawa ng eksena sigh” medyo naiinis na.

Sa sobrang hiya ng lalaking nanita ay wala siyang nagawa kundi umalis na lang kaya bulungan ang ibang nakapila pero balewala lang sa dalaga ang nangyari kaya hindi na lang niya pinansin, Nang nabayaran nilang dalawa ang pinamili ay sabay na silang umalis sa bookstore. Habang naglalakad ang dalawa ay parang may namumuong tensyon at nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita.

After 5 minutes.

“miss salamat pala” sambit ng lalaki.
“wala yun” sambit ng dalaga.

“ahmmmmmm…..miss ano pala name mo?”
“job interview ba to?” pagtataka ng dalaga.

“hindi, gusto ko lang malaman ang name mo”

Nagkaron ng katahimikan saglit.

“Alexa” sambit ng dalaga.
“ay akala ko alexis ang name mo kasi para kang lalaki kung umasta eh”

“tse! lalaki ka dyan alexa nga name ko a.l.e.x.a. gets mo ba?”
“opo ms. Alexa” sabay ngisi

“ngayong alam mo na ang name ko baka pwede ko ding malaman ang name mo”
“sure yun lang pala eh I’m fred nice to meet you” sabay nakipagkamay

“hello fred”
“may nabasa ako tungkol sa name mo ms.alexa” sambit niya.

“at ano naman ang nabasa mo tungkol sa name ko mr.fred ha?”
“ang totoo ms.alexa eh yung ibig sabihin lang ng name mo yung nabasa ko sa isang libro”

“oh talaga? ahmmmmm…..sige nga kung alam mo eh ano ibig sabihin ng name ko”
“man’s defender ang ibig sabihin ng name mo ms.alexa”

“ah talaga? ngayon ko lang nalaman yun ah saka please lang sana wala ng miss, alexa na lang itawag mo sakin”
“sorry alexa nahihiya lang ako kausapin ka ng hindi formal pero dahil sinabi mo na wala ng ms. sa dulo eh sige”

“ahmmmmm…..fred may pupuntahan ka pa ba pagkatapos?”
“wala naman alexa, bakit mo natanong”

“nagugutom na kasi ko eh samahan mo naman ako kumain”
“sige yun lang pala eh ako rin kasi gutom na, hanap tayo ng pwede kainan”
“okay”

Habang naglalakad ang si fred at alexa ay hindi nila makalimutan ang nangayring eksena sa loob ng bookstore kaya tawa parin sila ng tawa, nagdesisyon silang kumain sa isang sikat na kainan na alam ng lahat, nang nakaupo na silang dalawa.

“alexa ano sayo?”
“kung ano yung oorderin mo yun na lang din sakin”

“ganon ba? sige ako na bahala”
“okay thanks fred”

“sige saglit lang at pipila lang ako”

Habang nakapila at naghihintay si fred, di mawala ang tingin niya kay alexa dahil ngayon lang niya napansin na maganda pala ang dalaga, hindi niya agad napansin ang panlabas na anyo ng dalaga dahil nung mga oras na magkausap sila ay sobrang absent minded niya kaya late niya napansin ang taglay na ganda nito. Sa tuwing napapatingin si fred at nahuhuli siya ni alexa ay bigla itong naiwas ng tingin para hindi siya mabuking.

After 15 minutes.

Pabalik na si fred sa pwesto nila dala yung inorder niya para sa kanilang dalawa ni alexa at umupo.

“sorry kung matagal, ang haba ng pila eh”
“okay lang, ganyan naman talaga kapag lunch marami talagang tao”

“oo nga eh, tara kain na tayo alam kong gutom ka narin”
“mabuti pa nga”

Nang tapos na silang kumain.

“pssssssssssst………may napansin ako sayo kanina habang nakapila ka” sambit ng dalaga.
“ano naman ang napansin mo sakin alexa”

“napansin ko lang kanina habang nakapila panay ang tingin mo sakin hihihi…akala mo di ko pansin yung ginagawa mo ha?”
“ay ganon ba? sorry alexa akala ko kasi nakakita ako ng anghel kaya panay nakaw tingin ako, ang ganda mo kasi eh”

“bolero ka pala hay na ko fred wala akong pera”
“uy hindi bola yung sinabi ko, I’m just being honest”

“weh talaga lang ha?”
“okay lang kung ayaw mo maniwala sakin basta ang sinabi ko totoo at hindi ka-plastikan yun”

“hindi ko naman sinabing nakikipag-plastikan ka sakin fred pero salamat sa papuri mo flattered ako”

“no worries alexa ganon talaga ko maka-appreciate ng babae pero may napansin ako sayo” sabay ngisi
“at ano an naman ang napansin mo ha fred”

“ahmmmmmmmm……..sasabihin ko pa ba?”
“sabihin mo kundi magagalit ako”

“hay…….sige sige sasabihin ko pero hiya ako eh”
“sus! ngayon ka pa nahiya sabihin mo na kasi kung ano yun”


Itutuloy...
 
May napansin ako, special mention ako dito :slap:
- - -
maganda siya, ipagpatuloy mo yan mr.tse!.
Anlakas mambitin haha.nae-excite ako sa susunod na mangyayari.
Atsaka pansin ko din andun pa rin yung pagiging bitter type na tema sa unang chapter nito,hehe di nawawala yun..
Maganda at smooth ang takbo ng kwento para sa akin,
waiting for the next update :salute:
 
hehehe.....request mo yan boss di ba? :yes: saka sinubukan ko lang eh bumenta :lmao:

mukhang kailangan ko na talaga tapusin yung 3 am na kwento para ituloy to hehehe....


:thanks: sa pagbasa
 
“nasaan ang pakpak mo?”
“ha? ano daw”

“ang sabi ko alexa nasaan ang pakpak mo”
“bakit mo naman nasabing asan ang pakpak ko”

“kasi di ba sinabi ko kanina na nakakita ako ng anghel kaya tinatanong ko kung nasaan ang pakpak mo”
“ay ako ba yung sinasabi mong anghel hihihi” sabay hampas ng mahina
“pinuri na nga nanakit pa”

“arte mo naman mahina lang yung paghampas ko pero salamat sa papuri, pinasaya mo araw ko ngayon fred sa totoo lang”
“ganon ba? salamat napasaya pala kita ahmmmmmmmm….bakit may problema ka ba?”

“wala, gusto ko lang maglabas ng stress toxic kasi masyado kapag may ginagawa sa school eh”
“ganon ba bakit ano ba course mo?”
“management, ikaw?”
“computer science”

“oh eh di magaling ka sa computer”
“sakto lang alexa, more to go pa ko sa course ko”

“bakit anong year mo na ba?”
“second year”

“same year lang pala tayo eh magka-batch pala tayo”
“ay ganon, ngayon ko lang nalaman na same year tayo” sabay ngiti

“hihihi ….now you know”
“hahaha…yeah”

“matanong ko fred ahmmmm…….bakit ka nagpunta sa bookstore”
“may binili lang akong libro na tingin ko pwede magtanggal ng sama ng loob ko”

“bakit naman masama ang loob mo” medyo nagtaka
“sorry alexa ayoko na pagusapan, change topic na please”

“okay ikaw bahala, sabihin mo sakin kung okay ka na I mean kung kailan ka pwedeng mag-share”
“ganon ba? hmmmmmmmm…..sige pero nakakahiyang magkwento saka ngayon lang tayo nagkakilala eh”

“okay lang fred, willing ako makinig ng kwento ng iba mas maganda kung may pinagsasabihan ka ng problema kasi kapag sinolo mo yan baka masiraan ka ng bait sa huli”
“hindi naman siguro aabot sa ganon, nasa katinuan pa ko kaya malabong mangyari yung sinabi mo”

“hihihi….akala ko lulusot eh”
“eh hindi lumusot eh hahaha”

“hmp oo nga eh kainis ka”
“hehehe….”

“fred uwi na tayo medyo madilim na eh”
“ganon ba? sige tara”

Habang naglalakad palabas ang dalawa sa mall

“ahmmmmm….alexa saan ka ba nauwi?”
“sa san pedro lang, eh ikaw?”

“sa san pedro din lang ako”
“ganon ba? sabay na tayong umuwi fred”

“sige tara sakay na tayo ng van para hindi mainit”
“sige”

Nang nasa labas na sila ng mall

“alexa ayun oh may van na malapit na umalis tara bago pa tayo maunahan” sabay turo
“oo nga, tara na”

After 2 minutes ng nakasakay na sila sa van, tahimik sa loob ng sasakyan dahil karamihan ng kasabay nilang pasahero ay tulog oh di kaya’y may mga sariling mundo pero isa sa kanila ang naglakas loob na magsalita.

“alexa ahmmmmmmm….” medyo kinakabahan
“ano yun fred”

“pwede ko ba hingin number mo”
“ahmmmmm…..bakit mo hinihingi number ko”

“wala para ma-text kita just in case na pupunta ulit ako sa mall para may kasama ako, boring minsan umalis kapag ikaw lang mag-isa”
“hay sinabi mo pa, kung hindi lang ako stress sa school eh hindi talaga ko pupunta sa mall ngayon ay! Oo nga no para may communication tayo kahit di tayo magkita wait bigay ko sayo number ko” kinuha sa bulsa ang cellphone sabay pinakita ang number

“wait save ko lang, ayun naka-save na salamat”
“no problem fred” sabay ngiti

Nang malapit na ang dalawa sa kanilang destiansyon ay biglang nagsalit si fred

“boss sa kanto lang”
“sige po,saglit lang park ko lang para hindi makaabala” binagalan ang pagmamaneho

Nang nakahinto na ang van na sinakyan ng dalawa ay naunang bumaba si fred at inalalayan si alexa.

“salamat fred” sambit niya
“walang anuman” sabay ngiti

Habang naghihintay sa kanto ang dalawa

“fred pwede humingi ng favor”
“sige ano yun”

“samahan mo naman akong tumawid kasi natatakot ako eh”
“sige yun lang pala eh”

“thank you” sabay ngiti
“no problem” gumanti ng ngiti

After 2 minutes

“ayun alexa naka-stop na tara tawid na tayo”
“okay”

Nang patawid na ang dalawa ay biglang hinawakan ni fred ang kamay ni alexa para iparamdam sa kanya na safe siya sa binata habang tumatawid sa daan, nagulat ang dalaga ng gawin niya yun akala niya dumidiskarte na agad ang binata pero naramdaman niya bigla na gusto lang ipakit ng binata ang pagka-gentleman niya, nang makatawid na ang dalawa.

“fred dito na lang ako”
“huh? bakit” medyo nagtataka

“kasi dyan lang yung terminal ng tricycle na sinasakyan ko” sabay turo
“ah ganon ba? gusto mo haitd na kita hanggang sa bahay niyo”

“nako fred saka na, medyo strict ang parents ko eh”
“ganon ba? okay lang alexa, nest time bawala na tumanggi” sabay ngiti

“oo promise fred” gumanti ng ngiti
“okay sabi mo yan ha?”

“sige mauna na ko sayo, ingat ka pauwi bye” sabay sakay sa tricycle na nakapila
“sige salamat sa oras alexa, ingat ka rin” sabay kaway

Nang nakaalis na ang sinakyang tricycle ng dalaga ay saka lang umalis ang binata para umuwi, nang nakasakay na siya ng jeep ay hindi mawala sa sarili niya ang saya sapagkat may bagong babae na nagbigay na naman ng kulay sa kanyang pagkatao, ayaw niya munang isipin na hindi don matatapos ang kanilang pagkakaibigan dahil alam niya sa sarili niya na lagpas sa pagkakaibigan nila ang susunod na mangyayari.

Nang makarating siya sa kanilang bahay ay may napansin ang kanyang mama

“mukhang masaya ang anak ko ah, kamusta naman ang lakad mo” sabay ngisi
“okay po ma, kumpleto ang araw ko ngayon”

“at bakit mo naman nasabi na kumpleto ang araw mo aber” pilit hinuhuli ang susunod na sasabihin ng anak niya

“ahmmmmmm…..kasi ma may bago po akong kaibigan na for sure magugustuhan
niyo ni papa pag pinakilala ko sa inyo ahmmmmmmmm….teka asan nga po pala si papa”
“ayun nasa gimikan, biglang nayaya ng mga dati niyang classmate sa college kasi matagal na sila di nagkikita-kita pero may tiwala naman ako sa papa mo, subukan lang niya mambabae nako lagot siya sakin”

“ma, huwag po kayong mag-alala kay papa, alam ko pong di niya gagawin yun kasi mahal niya po kayo”
“pareho kayo ng papa mo, bolero hihihi”
“ma naman, nagsasabi lang po ako ng totoo”
“oo na anak, naniniwala na ko sayo” sabay ngisi

“parang duda po ko sa ngiti niyo ma”
“bakit mo naman nasabi anak” medyo nagtataka

“kasi yung ngiti niyo po eh parang may ibig sabihin”
“anak walang ibig sabihin ang ngiti ko, masama lang si mama sa sinabi mo, pero bago mo ako mahuli eh kwento mo naman yung tungkol sa bagong kaibigan mo hihihi”

“ahmmmmmmm……..bat parang bigla po kayong naging interesado ma” medyo nagtaka
“wala lang anak, gusto lang malaman ni mama” sabay ngisi

“hmmmmmmmm…….sige kahit konti lang po sabihin ko parang kagaya ng pantalon” sabay ngisi
“parang pantalon? ano ang ibig mong sabihin anak” medyo duda

“parang kagaya po ng pantalon, medyo bitin” sabay ngiti
“hay naku anak, pinapatagal mo pa ikwento mo na kay mama” medyo excited

“sige po sabi niyo eh, may nakilala po akong girl sa bookstore her name is alexa akala ko nga po nung una eh suplada siya kasi unang tingin mo palang sa kanya talagang matatakot ka kasi may pagkamataray siya pero nung nagkaron po kami ng conversation hindi naman siya mataray talaga kasi sobrang bait po niya”

“talaga anak ahmmmmmmmm…..tapos?”
“kumain po kami sa labas kasi nagutom po kaming dalawa pagkatapos naming pumila para magbayad ng pinamili medyo nagulat nga po ko sa kanya kasi kinabahan po ko sa ginawa niya sa bookstore”

“bakit ano ba ginawa nung nakilala mo” medyo nagtataka
“kasi po kanina nung nasa pila ako at babayaran ko na po yung binili kong libro ay napansin kong mahaba pala ang pila, nabangga ko po kasi siya nung papunta na po ko sa cashier humingi po ako ng sorry sa kanya tapos pinulot ko po yung dala niya sabay po umalis ako kasi po parang may nakalimutan po ako kaya umalis po ako agad tapos kagaya nga po nung sinabi ko eh mahaba na po ang pila nung bumalik ako, may sumitsit pero di kop o pinansin nung una tapos may sumitsit po ulit medyo malakas na po kaya tinginan po yung mga nakapila tapos mga ilang segundo may lumapit po sakin nalaman ko lang po sa huli na siya pop ala yung sumitsit, nung una po medyo nainis po siya sakn kasi po hindi ako nalingon pero nagpaliwanag naman po ako kung bakit tapos bigla siyang may binulong sakin na ikinagulat ko”

“ano naman yung binulong niya sayo anak”
“sinabi lang po niya kung gusto ko makaalis agad sa bookstore, sinabi niya rin po na isabay ko na po yung pinamili ko sa pinamili niya para hindi na po ko maghintay ng siyam-siyam”

“oh tapos ano yung sumunod na nangyari” medyo excited
“so ayun nga po, sinabi niya po sakin na pagkabalik po niya sa pila niya eh yun na po ang go signal para makasingit po ako sa pila”

“tapos ano pa nangyari anak?”
“ayun nga po ma, nung saktong nagsalita siya eh lumapit na po agad para hindi po halata na pinasingit niya po ako sa pila hehehe….success nga po eh kasi walang nagreklamo pero akala ko po wala pero may isang malakas ang loob na nagreklamo samin”

“ganon ba anak, hmmmmmmmm….bakit ano ba sinabi sa inyo nung nagreklamo”
“ah yun po ba ma, medyo sinermunan lang po kaming dalawa ni alexa nung isang lalaki sinabi po niya na masama po yung ginawa ni alexa pero si alexa eh hindi po nagpatalo sa kanya, pinaliwanag po niya ng maayos, tinarayan niya nga po yung lalaki kanina sa pila kasi nahalata niya pong gusto lang gumawa ng eksena yung lalaki pagktapos po nun umalis na po yung lalaki kasi napansin niyang pinaguusapan na siya ng ibang tao sa pila”

“natawa ko sa ginawa ng kaibigan mo anak hihihi……gawain ko kasi yan dati nung college pa ko pero shhhhhhhhhh….huwag ka maingay at baka malaman ng papa mo” sabay takip sa bibig ng anak at sumenyas na huwag maingay
“hehehe….gawain niyo din pop ala yun dati ma hahaha…hindi ko alam yun ah”

“oo kaya huwag ka maingay sa papa mo at baka pagalitan ako nun hihihi”
“oo naman ma, don’t worry your secret is safe”

“pero tingin ko anak bagay kayong dalawa”
“bakit niyo naman po nasabing bagay kami ma” medyo nagtataka

“basta anak bagay kayo”
“hindi ko po ma-gets yung ibig niyo pong sabihin ma” medyo nalito

“yung gusto mong itanong sakin anak ikaw lang ang makakasagot ng ibig kong sabihin”
“hmmmmmmmmm…….medyo napaisip po ko sa sinabi niyo ma, ay maiba pop ala tayo ma kumain na po kayo”

“oo anak, si papa mo sa labas na daw kakain kung gusto mo kumain ulit eh kumain ka huwg mo kalimutang hugasan yung pinagkainan mo mamaya”
“sige po ma pagkatapos ko magbihis, akyat lang po muna ko sa kwarto ko”

“sige anak”
“saglit lang po ma”

Nang nasa kwarto na si fred ay bigla niyang kinuha ang phone niya para may i-text

Nasa bahay nako, salamat sa oras at kulitan ingat ka lagi –Fred




Itutuloy...
 
Parang gusto kong maging nanay yung nanay ni fred :v
by the way maganda ang update na ito.. Good job..
 
plano ko pa naman na sa tuwing aabot ng 3 pages yung karugtong eh ipo-post ko agad kaso umabot ng 5 pages sa draft :slap: pero okay lang ang maganda eh okay parin ang kinalabasan :yes: salamat sa patuloy na pagsuporta boss :salute:
 
sorry kung natagalan ang update, busy lang sa ibang projects eto na yung karugtong.



After 3 minutes ay biglang may nagreply kay fred, nagulat siya dahil nagreply ang bagong kaibigan niya na kasama niya kanina sa mall.

Thanks din sa time mo, take care always – Alexa

Akala ni fred ay tulog na si alexa kaya nagulat siya nung nagreply sa tinext niya, kaya nagtext ulit siya.

Be right back, kain ulit ako

After 2 minutes

Okay, take your time

Pagkatapos mabasa ni fred ang reply ni alexa ay dali-dali siyang bumaba para kumain, nagulat siya dahil gising pa ang mama niya.

“ma, bakit gising pa kayo?”
“inaantay lang kita kumain anak tapos matutulog narin ako”

“ganon po ba? hmmmmmmmm……..si papa hindi niyo na po hihintaying dumating”
“na ko hindi na, malaki na siya saka alam kong late na makakauwi yun dahil naharang na naman ng mga classmate niya nung college”

“ay oo nga po pala hahaha…”
“maiba tayo anak, mukhang nagmamabutihan na ata kayo nung bago mong kaibigan ah ahmmmmmmm…ano nga pala pangalan niya” nag-iisip ng konti

“sirit na po ba kayo kung ano talaga pangalan niya?”
“teka huwag mo muna sabihin, huhulaan ko pa teka ahmmmmmmm……..anna ba tama?

“mali po” sabay ngisi
“ahmmmmmmmm…..anne?

“mali parin po ma”
“hay……..sige na nga, sirit na ko anak” napakamot sa ulo

“her name is alexa and she looks like an angel” sabay ngiti
“hmmmm……nice name ha? talaga bang mukha siyang anghel anak ” sabay ngti

“opo ma, pag nakita niyo siya sigurado magugustuhan niyo siya”
“hmmmmmmm….nililigawan mo na ba?”

“ma naman nasa getting to know stage palang kami saka kakakilala ko palang po sa kanya”
“biro lang anak hihihi…sana kung maging kayo eh hindi siya kagaya nung ibang naging girlfriend mo”

“who knows ma kung sakaling maging kami eh mas okay di ba po?” sabay ngisi
“ngiti ka ng ngiti dyan, hala ubusin mo na muna yung hapunan mo”

“opo ma, malapit narin po ko matapos”
“sige anak, take your time antayin na kitang matapos dyan at sabay na tayo matulog”

“eh ma hindi niyo po ba talaga aantayin si papa dumating?” medyo nagtataka
“hindi na anak, may duplicate namang susi ang papa mo kaya okay lang malalaman kong nakarating na siya kapag may naririnig akong humuhilik hahaha….”

“hay…si mama talaga” sabay ngiti

After 10 minutes

“ma tapos na po kong kumain, hugasan ko lang po tong pinagkainan ko” sabay tayo at diretso sa lababo
“sige lang anak, hindi naman ako nagmamadali”

Ater 3 minutes

“ma, tapos na po ko maghugas”
“ganon ba? tara akyat na tayo inaantok narin ako eh”

“sige po ma”

Nang nasa kwarto na si fred ay bigla niyang tinignan ang phone niya kung may nag-text ngunit malas ata siya dahil wala siyang natanggap ni isang mensahe kaya’t tinext niya agad ang bagong kaibigan na si alexa

“I’m done, still awake?”

Maya-maya’y may nagreply agad

“yap why?”
“wala naman, sinubukan ko lang kung gising ka pa eh nagreply ka it means gising ka pa hehehe…”

“hay….ikaw talaga :-)
“nyak bakit naman ako ha?” medyo nagtataka

“wala lang hihihi…”
“weh di nga? Talaga bang wala, baka meron ha?”
“wala nga, kulit mo :-)

“okay sabi mo eh :D
“so kamusta naman ang hapunan mo? nabusog ka ba”

“yap basta luto ng mom ko always busog ako :-)
“talaga? eh di masarap pala magluto mom mo?”

“oo sobra :-)
“hmmmmmmm…..sabihin mo sa mom mo gusto ko ma-try ang luto niya pag pinakilala mo ko sa kanya”

“oo ba, makakarating sigurado matutuwa mom ko kapag nalaman niya yung sinabi mo sakin :-)
:-)

“uy antok na ko fred, bukas na lang ulit tayo magkulitan thanks sa time”
“likewise alexa oyasumi nasai”

“huh? ano ibig sabihin nun”
“it means goodnight in Japanese :-)

“oh I see likewise”
:-)

Hindi na nagreply ulit si fred sa huling text ng kanyang bagong kaibigan dahil talagang bagsak na ang mata niya dahil sa antok.

Kinabukasan maagang nagising si fred kaya’t bumangon agad siya sa higaan para maghilamos, maya’maya’y lumabas ng kanyang kwarto para mag-almusal kaya laking gulat ng magulang niya.

“anak ang aga mo nagising ah hihihi…”
“eh ma, gusto ko nga po sana matulog ulit kaso ayaw na po dalawin ng antok kaya bumangon na po”

“uy anak kamusta lakad mo kahapon? balita ko may nakilala ka daw na anghel” sabay ngisi
“papa talaga oh O.A. kayo masyado, kung anghel po yung nakilala ko sa mall kahapon eh malamang nasa langit na po ko di ba?” sabay ngisi”

“hahaha….ikaw ha? humihirit ka pa”
“Hindi naman po pa hehehe….”

“oh siya kumain na muna tayo at baka magkapikunan pa kayong mag-ama dyan”
“mabuti pa nga po ma, sigurado di po ako titigilan ni papa sa kakaasar sakin”

Dinaan na lang sa tawa ang sagot ng mama ni fred samantlang ang papa niya ay ngiting aso ang ginanti.

After 15 minutes

“fred iwan mo na lang sa lamesa yung pinagkainan mo, ako na bahala”
“sige po ma, salamat”

“ma, yung sakin di ba iiwan ko narin” sabay ngiti
“sige lang pa, ako na bahala pero next time ikaw naman ang maghuhugas hmp! lagi na lang ako” nagkunwaring inis.

“oo ma, basta ikaw ang nag-utos wala akong reklamo” sabay ngiti
“hihihi….talaga pa? ikaw na araw-araw maghuhugas ng pinagkainan natin” medyo nagtataka

“oo pa hihihi…” medyo nagpipigil ng tawa
“ay takusa pala kayo pa hehehe…” sabay ngisi

“takusa? ano naman ibig sabihin nun anak” medyo nagtataka
“takot po sa asawa ibig sabihin nun ma”

“hihihi….ikaw talaga anak puro ka kalokohan”
“hindi naman po ma, narinig ko lang po sa isang classmate ko nung one time nagpunta ko sa bahay nila para maglibang eh sakto andon po pareho parents niya at napansin kong under po yung father niya, kaya nasabi na lang po sakin ng classmate ko eh takusa ang papa niya”

“loko kang bata ka di ako takusa, masunurin lang ako sa mama mo” sabay ngisi
“aha! masunurin ka lang pala sakin ha? di ka tatabi sakin matulog mamaya” pinipigilang matawa

“joke lang ma, ito naman di mabiro hehehe…”
“weh? joke lang daw po ba talaga yung sinabi niyo pa” sabay ngisi

“oo anak, bakit may reklamo?”
“hehehe….wala po” sabay ngisi

“oi tumigil na nga kayong dalawa dyan at baka magkapikunan pa kayo”
“yes dear” sabay ngiti

“opo, ma doon lang po ako sa kwarto ko tawagin niyo na lang po ako pag may ipaguutos kayo”
“sige anak”
 
bitin ang update :more: pa hehe medyo nakakarelate na ko sa kwento kaya dapat may update na ito hehe nice mr.tse!

 
ang isang kwento ay maihahambing sa pantalon, parang bitin hehehe....:naughty:

update ko na lang kapag sinipag ako hahaha....panalangin mo na sana topakin akong mag-update :lmao:

:thanks: sa pagbasa :salute:
 
Habang nag uubos ng oras sa kwarto si Fred bigla niyang naisipang buksan ang computer at mag browse sa kanyang Facebook, sa hindi inaasahang pangyayari na aksidente niyang na click ang profile ng ex niyang gold digger. Biglang nasira ang gabi niya dahil sa nabasa niyang status ng ex niya.

“Mahal niya talaga ko, ang hindi niya alam yung pera niya ang mas mahal ko”

Sa sobrang asar ni fred binlock na lang niya ex niyang gold digger para mabawasan kahit papano ng basura sa friend list niya at para na rin magkaron siya ng peace of mind. Bigla niyang naisipang lumabas sa kwarto para mag muni-muni, akala niya tulog na magulang niya kaya’t napansin siya ng mama niya parang nasa kawalan ang kanyang utak.

“Anak, mukhang may problem aka ata?”
“Wala po ito ma, kailangan ko lang po ng peace of mind”
“Kunwari ka pa, kilala kita anak kapag hindi ka kumikibo, kapag tahimik ka malalim ang iniisip mo. Teka ano ba kasi iniisip mo?”

“Hindi naman po masyado ma, nasira lang araw ko dahil sa nakita ko sa facebook status ni ex”
“Ex mo? Sino don yung pinerahan ka lang tapos sumama sa iba?”

“Ayoko na po maalala ang lahat ma, kaya nga po mas pinili kong lumabas sa comfort zone ko para kahit papano makapaglibang ako at para na rin makalimutan ko yung nangyari”
“Alam mo anak masisiraan ka lang ng bait kapag hindi mo kinukwento sa iba, kung ako sayo magkwento ka, willing makinig si mama mo ano ka ba”

Napabuntong hininga si Fred saka nagkwento kung ano talaga ang nangyari.

“Ganito po kasi yun ma, nung nagbrowse ako sa facebook aksidente ko na click profile nung ex ko ang masama pa eh nasira araw ko ng mabasa ko latest status niya”
“Ano ba kasi ang nabasa mo na ikinasira ng araw mo anak? Masyado kang pa suspense” sabay ngisi

“Hahaha…hindi naman po ma, grabe hindi po ako pa sunspense”
“Hala sige! Magkwento ka pa”

“So ayun na nga po nung aksidente kong na click profile ni ex tapos po nabasa ko yung latest status niya na ganito ang nakalagay: Mahal niya talaga ko, ang hindi niya alam yung pera niya ang mas mahal ko.”

Napakunot ang noo ng mama ni fred pero pinilit niya maging kalmado para mapagaan ang loob ng kanyang anak.

“Hayaan mo na anak move on ka na, imbes na mag mukmok ka mag enjoy ka habang bata ka pa”
“Ganon nga po ginagawa ko ma, kaya nga po lumalabas ako para hindi ko po maisip yung ginawa sakin”

“Pero kulang”
“Alam ko po ma, kaya nga po lumalabas ako kapag wala akong klase imbes na matulog ako gumagala ako, kung hindi ako pumunta last time sa mall hindi ko po makikilala si Alexa”

“Inlove ka nga talaga sa kanya anak, Wow sign yun!” sabay ngisi.
“Ma talaga hahaha….getting to know stage pa lang po kami”

“Getting to know stage ka dyan, tigil tigilan mo nga ko fred, magaral ka muna bago relasyon”

Nagulat si Fred sa sinabi ng mama niya, ilang segundo biglang tumawa ng malakas mama niya.

“Joke lang anak hihihi….okay lang na pumasok ka sa isang relasyon basta huwag mo pabayaan pag aaral mo kasi yun ang hindi kayang nanakawin sayo tandaan mo yan lagi.”
“Opo ma, hindi ko po nakakalimutan yun, kailangan po balance lahat di ba po?”
“Oo naman anak, teka kamusta naman status niyong dalawa?”

“Umamin ka na ba sa feelings mo para sa kanya?”
“Nagpaalam ka na bang manligaw sa kanya?”

Mga tanong na ikinagulat ni Fred dahil hindi niya inaasahan na ganon pala ugali ng mama niya.

“Ma, isa isa lang po mahina kalaban”
“Joke lang anak hihihi…to naman hinuhuli lang kita” sabay ngisi

“Ma talaga oh, pero may doubt po ako”
“At ano naman yun aber?”

“Na baka I reject niya ko”
“Ano ka ba anak, paano mo malalaman na may chance ka kung hindi mo susubukan ika nga try lang ng try kesa yung hindi mo pa nga sinusubukan umaayaw ka na”

“Ma kasi……”
“Kasi ano?”

“Baka hindi niya ko po magustuhan”
“Bakit mo naman nasabing hindi anak?”

“Kasi po ma baka mataas ang qualification niya sa isang lalaki”
“Anak makinig ka sakin at ipapaliwanag ko.”

“Sige po ma, I’m listening”

“Alam mo anak, sa panahon ngayon hindi na uso ang pa torpe effect. Bakit ko nasabi? Kung babagal bagal ka sa panliligaw sa isang babae ikaw ang mag suffer kasi naunahan ka ng ibang karibal mo sa kanya”

“Kahit nga di nabiyayaan ng magandang mukha nagiging pogi sa paningin ng babae, bakit? Simple lang ang sagot, it’s either joker yung guy o kaya may sense of humor kaya nagustuhan siya ng babae kaya naging sila. Pero may iba na hindi ganon yung iba dinadaan lang sa yabang”

“Ano po ibig niyong sabihin ma”
“Ganito yan anak, ibig kong sabihin eh pa cool yung iba para magpa impress sa babae na gusto nila, may mga nabubulag sa ganon anak marami may iba hindi pinapatulan bakit ko nasabi? Kasi nagiging observant sila in the end hindi sila nabobola, tandaan mo anak sa panahon ngayon gwapo man o hindi marunong na mambola, pati mga babae ganon din yung first encounter niyo ni Alexa inoobserbahan ka na nun kaya tingin ko may chance ka sa kanya pero anak aware ka dapat sa paligid mo, alam kong maganda siya so panigurado marami kang karibal pero anak lagi mong iisipin na hindi ka nakikipag kompitensiya sa mga karibal mo, sa’yo alam mo ba kung ano iniisip nila?”

“Ano po ma?”
“Simple lang pero may laman: May the best man win!”

“Ganon po ba yun ma?”
“Oo anak ganon yun, alam mo naman ang mga lalaki ma pride yang mga yan. May iba gumaganti porket hindi sila ang pinili tapos ginagawa nilang miserable buhay, in short ayaw nila maging masaya ang tao”

“May iba pa nga eh gumagawa pa ng paraan para maging sila nung babae tapos yung mahal talaga ng babae eh bigla na lang nawawala” dagdag niya.

“Grabe naman po ma, ang sama naman”
“Ganon talaga anak, hindi patas ang mundo. Alam mo ba kung paano kami nagkatuluyan ng papa mo?”

“Sige po, paano?”
“Nung dalaga pa ko anak, marami talagang nanliligaw sakin pero naging observant ako kahit nung high school pa lang ako pero ang priority ko noon pag-aaral talaga kaya lahat ng nanliligaw sakin noon hindi ko pinansin kasi habang tumatagal unti-unti lumalabas pagkatao nilang pangit. May nanligaw pa sakin noon hindi kagwapuhan pero hindi ko pinansin kasi nga priority ko talaga noon pag-aaral muna, after ko tanggihan yung alok ng nanliligaw sakin doon lumabas totoong ugali niya, mayabang, feeling sikat saka namemersonal, ako nga nabiktima pero hinayaan ko na lang kasi wala naman akong mapapala sa kanya, sa huli tinigilan ako kasi tinanggap na niya na hindi magiging kami”

“Kasi napalaki ako ng magulang ko na maging humble kahit pangit ang ugali ng nasa paligid mo araw-araw, maraming insecure sakin bakit ko nasabi? Kasi sa tuwing makakasalubong ko sila sa isang lugar kilala ko man o hindi ang mata nila mapapansin mong nangungutya pero hinayaan ko lang kasi masasayang lang oras ko.”

“Yung iba nagbanta pa sakin na hahagisan ako ng muruatic sa mukha pero tinawanan ko lang yung sinabi sakin, imbes na ako yung na karma bumalik sa kanya. Yun ang tinatawag na Law of Karma”

“Ano po ibig sabihin ng Law of Karma ma?”
“Ganito yan anak, When you do good, good karma will come, when you do bad, bad karma will come” paliwanag niya.

“Okay po ma, get’s ko na po”
“Ang papa mo ganon din ang naranasan, mas malala pa nga eh”

“Hindi ko po get’s ma, paano pong malala?”
“Ganito yan anak, nung time na maraming nanliligaw sakin magkaiba yung school na pinapasukan namin ng papa mo kaya bihira niya ko makita, coincidence lang sa isang lugar sa tuwing nakakasabay ko siya pag sumasakay ako sa jeep kasi halos magkapit bahay lang kami, dalawang kanto ang pagitan. Alam niya kung ano nangyayari sakin sa school ko at kung sino yung mga suitors ko.”

“Nyak, ganon po ba? Para pa lang ninja si papa noon”
“Hindi lang ninja, isang alamat ang papa mo pagdating sa ganon hihihi…”

“Hahaha…mama talaga oh, tuloy niyo po kwento please” makaawa niya.
“Sige”

“Hindi ko siya nakakasabay sa pagpasok dati, sa paguwi lang tahimik papa mo. Observant din gaya ko kaya nagkaron agad ng mutual understanding, nung time na napansin ng isang nanliligaw sakin yung ginagawa ng papa mo noon pinagbantaan siya pero ang papa mo hindi natinag, nagpost pa sa social media yung isang manliligaw ko as in talagang galit sa papa mo” paliwanag niya.

“Ano po ibig niyong sabihin ma” pagtataka niya.

“Sige para maintindihan mong mabuti anak, in short pinahiya papa mo sa social media”
“Public humiliation” sabat niya.

“Oo anak, tama ka” dagdag niya.
“Alam mo ginawa ng papa mo nung nalaman niya ganon ang ginawa sa kanya ng isang nanliligaw sakin?”
“Ahmmmmm….ano po ma?”

“Wala anak, tahimik lang siya. Saka lang gumawa ng hakbang para matigil yung ginawa sa kanya, hindi kasi don nagtatapos ang kalbaryo ng papa mo noon, continues yun pero hindi kumibo papa mo, hindi siya nagpo post sa social media na galit siya o kung ano ginagawa niya araw araw kasi hindi naman siya kagaya ng ibang tao sa social media na magyayabang, magbabanta, yung pasikat effect at kung anu ano pa, humble ang papa mo kahit may banta sa buhay niya noon”

“Ma, may kulang po kayo sa explaination” reklamo niya.
“Ano ba kulang sa paliwanag ko anak?”

“Yung ano po ginawa ni papa don sa nagbanta sa kanya, sabi niyo po kanina wala siyang ginawa so paano po nahinto?” tanong niya.

“Ah yun ba? Simple lang anak, yung lolo mo nakapansin sa kinikilos ng papa mo noon. Napansin ng lolo mo na sobrang tahimik ng papa mo, yung iniisip eh nasa kawalan at wala sa realidad” paliwanag niya.

“Ano po ginawa ni lolo nung napansin po niya na ganon kinikilos ni papa?”
“Kinonpromta mismo ng lolo mo si papa mo anak”

“Ah direct to the point, tama po ba?”
“Tumpak anak! Pero hindi sumagot papa mo nung tinanong siya ng lolo mo, alam mo ginawa ng lolo mo?”

“Sige ano po ma”
“Nagisip maigi, maraming tanong na gumugulo sa isip ng lolo mo kung bakit sobrang tahimik ng papa mo dati, ang ginawa niya nagpatulong siya sa mga dati niyang kasama, ngayon ko lang sasabihin sayo to anak. Dating detective ang lolo mo pero bago siya humingi ng tulong sa mga dating kasama niya nagisip siya ng maraming beses bago kumilos, kasi ayaw niya magkamali dahil matindi ang balik sa kanya”

“Ay marami po akong kilalang detective lalo na po sa social media pero lahat po sila mga huwad na detective”
“Napansin mo rin pala yun anak hihihi…nagmana ka samin ng papa mo” pang aasar niya.

“Sige po ma, tuloy niyo na po kwento”
“Sigurado ka anak sa sinasabi mo?” dagdag niya.

“Opo ma” sabay ngisi

“Sige anak, tuloy ko, teka! Asan na ba ko sa kinukwento ko?”
“Yung tungkol po kay lolo”

“Ah okay, so ayun na nga anak. Nung nakaisip na lolo mo kung ano gagawin saka siya gumawa ng paraan. Hindi alam ng papa mo yun saka lang niya nalaman nung malapit na mag paalam lolo mo”


“Yung mga dating kasama ng lolo mo lahat ng school sa buong Pilipinas naghanap pati nga sa ibang bansa eh, malawak ang network ng lolo mo anak pero medyo nahirapan sila bago nila matunton yung gumawa ng ganon sa papa mo.”
“Inabot ng 2 buwan bago nila nalaman kung saan talaga matatagpuan yung taong nagbanta sa papa mo, nahanap ng mga kasama ng lolo mo yung kasabwat, hindi ko alam kung ano ginawa nila para mapaamin yung kasabwat, hindi naman nila sinaktan sa totoo lang, may paraan ang lolo mo para malaman ang isang bagay kahit hindi na daanin sa dahas, kung ano man yun sorry anak hindi ko masasagot ang tanong na yan.”

“Okay lang po ma, tuloy niyo po kwento” pangungulit niya.
“So ayun nga after nila malaman ang totoong kwento kung bakit ganon ang kinikilos ng papa mo, natawa na lang lolo mo pati mga kasama niya dati.”
“Insecure sa papa mo, napaka babaw na dahilan sa totoo lang.”

“Sobrang babaw nga po talaga ma, bakit ganon? Gumawa ka ng mabuti may magagalit, gumawa ka ng masama ganon parin hay…”
“Life is unfair anak ang mabuti mong gawin ay maging mapagkumbaba kahit kinukutya ka ng ibang tao, kilala mo man o hindi, hindi mo ikakamatay ang ginagawa nila tandaan mo yan anak.” Paliwanag niya.

“Opo ma, tatandaan ko po lagi, may times po talaga na gusto ko na patulan pero sabi ko na lang po sa sarili ko, ipagdadasal na lang kita”

“Marami na po akong na encounter na ganon lalo na sa social media, kahit po sa forum world, may nabasa nga po ko dati kaya nagbackfire yung pinagbantaan na isang tao kasi nakikielam daw sa relasyon ng bestfriend niya, kunwari lang po na wala siyang alam pero ang totoo ma insecure yung taong yun sa bestfriend nung babae, paano nalaman ng lalaki na insecure sa kanya? Naramdaman niya nung una pa lang saka lang po nag sink in kasi according sa nabasa ko busy sa totoong buhay yung bestfriend niyang lalaki kaya hindi siya naka focus sa ganon pero naging malinaw po sa kanya ang lahat, naka maskara pala yung dating boyfriend ng bestfriend niya ang nakakatawa pa po sa nabasa ko ma yung mga sumawsaw po sa issue, sinuhulan pa po yung lalaki na I live daw po sa social media, kakainin ng buhay, hindi na daw makakauwi ng kumpleto katawan.” Paliwanag niya.

“Ay ganon ba anak, iba na talaga panahon ngayon no, tuwang tuwa sila sa public humiliation, akala naman nila ikaka pogi nila yun, hindi tunay na lalaki yun anak maniwala ka sakin.” Dagdag niya
“Ma, may nakalimutan po kayo” sabat niya

“Ay oo nga pala, pasensiya na anak hihihi…”
“Tuloy niyo na po tungkol kay papa ma, mamaya ko po itutuloy yung karugtong ng nabanggit ko”

“Okay anak, inom lang ako ng tubig saglit. Nakakapagod din magkwento hahaha”

After one minute.

“okay, game na ulit” sabi ng mama niya
“okay po ma, game!” sambit ni fred

“Nung napaamin ng mga kasama ng lolo mo yung kasabwat sa ginawang pagbabanta sa papa mo pinatawad siya pero may iniwang salita yung mga kasama ng lolo mo na lolo mo mismo nagpasabi bago nila iwan ng mga kasama niya”

Medyo natuliro si Fred sa sinabi ng mama niya.

“Hindi ko po na gets ibig niyong sabihin ma, ano po ba sinabi ng mga kasama ni lolo doon sa kasabwat nung insecure kay papa” pagtakaka ng binata

“Simple pero malalim ang ibig sabihin” sabay ngisi
“I’m watching you” sambit niya

“I see” walang naisagot si Fred kaya napaka tipid ng kanyang sinabi

“Do not test me” dagdag ng mama niya

“Huh?” pagtataka ni Fred
“O bakit ka nagtaka anak?”

“Ano po ibig sabihin nung huling sinabi niyo ma” pagtataka niya
“Ah yun ba? Hahaha…ang ibig sabihin nun anak maliit na mundo mo, bawat kilos mo binabantayan namin, huwag mo subukang magsumbong kung ayaw mong gawin naming impyerno buhay mo” paliwanag ng mama nisaya.

“Ano po sumunod na nangyari ma?”
“Hindi na nagpakita yung kasabwat doon sa insecure sa papa mo anak”

“Medyo magulo pa rin po sakin ma, ano po ang totoong dahilan nung insecure kay papa” pagtakaka niya
“Marami anak, makakatulog ka pag inisa isa ko hahaha….” Pang aasar ng mama niya

“Okay lang po ma, linggo naman po bukas eh”
“Sabihin ko ang dahilan na maiintindihan mo agad anak” dagdag niya

“Sige po ma”
“Talented ang papa mo pero humble pa rin siya, maraming dumidikit sa kanya dahil sa attitude na meron siya pero marami pa ring inggit sa kanya isa na don yung nabanggit ko” paliwanag niya

“Kagaya nga ng sinabi ko very observant ang papa mo lalo na sa paligid niya, once na nalaman niyang gagamitin lang siya para makaangat sa tao eh iniiwasan na niya agad bago pa lumala”
“Isa pang dahilan kaya maraming insecure sa papa mo, kung ano yung dapat na meron sila nasa papa mo lahat kaya insecure sila sa papa mo” dagdag niya

“Ano po ibig niyong sabihin ma” pagtataka niya
“Halimbawa sa school academics, papa ang stand out sa lahat pero hindi niya pinagyayabang yun kahit sinasabihan siyang magaling siya pero ngiti lang pinapakita niya, maraming nagsasabi na mayabang siya pero maraming naniniwala na kaya ganon ang sinasabi sa kanya dahil sinisiraan lang siya, ano ginawa ng papa mo? Wala hinayaan niya lang, focus lang siya sa pag aaral wala siya pakialam sa paligid niya kung natutuwa o nagagalit, ang nangyari tinanggap na nila na hindi kaya maging katulad ng papa mo” paliwanag ng mama niya

Biglang may pumasok sa isip ni Fred na isang salita na talagang napakaganda ng meaning

“Boastful people are people” sambit niya
“Sinabi mo pa anak, kaya iniiwasan ng papa mo ang mga ganong tao” dagdag niya

“Unfair nga po talaga ang mundo no ma, maganda ang panlabas na anyo mayabang pala, hindi na nga maganda ang panlabas na anyo mayabang pa rin sigh”
“Ganon talaga anak, ang mabuting gawin mo hayaan mo lang sila dahil masasayang lang oras mo sa mga ganong klasing tao, huwag ka magpaapekto sa kanila. Hayaan mo silang ma stress hihihi…” sambit niya

“Oo nga po hahaha…alam ko na maraming insecure sakin lalo na po sa school ma pero hindi ko na lang po pinapansin kasi naka focus ako sa pagaaral ko para sa future ko” paliwanag niya
“Bakit ngayon mo lang sinabi sakin yan anak? Hala magkwento ka” pangungulit ni mama niya

“Bago po ako magkwento ma, ituloy niyo yung kwento tungkol kay papa” sabay ngisi
“Hahaha…loko kang bata ka”



Itutuloy....
 
Last edited:
markahan ko muna ito, ulitin ko from the top pag hindi na busy, medyo limot ko na story line niya e..
 
markahan ko muna ito, ulitin ko from the top pag hindi na busy, medyo limot ko na story line niya e..

okay lang boss :lmao:

post ko agad ang kasunod kapag may free time :yes:
salamat sa pagbisita :salute:
 
“O sige anak, tuloy ko ang kwento” sambit ng mama niya

“Nung dumating yung ganong time na sasaktan na papa mo nung taong insecure sa kanya doon nagsimulang bantayan papa mo kahit saan siya magpunta, ninja din ang mga kasamahan ng lolo mo” sabay ngisi
“Hahaha…matindi din pala kasamahan ni lolo” sambit niya

“Kasama sa propesyon nila anak, kailangan nila bantayan ang gusto nilang protektahan whatever it takes. Hindi pwede magpabaya ganon sila anak” paliwanag niya

“Hmmmmmmm…..” pagtataka niya
“So yung taong insecure sa papa mo walang nagawa kundi tanggapin na talo na siya sa papa mo kasi hindi talaga makalapit yung gusto manakit sa papa mo noon kahit saan pa magpunta kasi madalas ma distract yung galit sa papa mo anak” paliwanag ng mama niya

“Kamusta na po yung relasyon nung insecure at ni papa?” tanong niya
“Hindi pinapansin ng papa mo anak kasi nakatunog na siya dati pa, ang ginawa lang papa mo noon aware siya sa mga nangyayari sa paligid niya” paliwanag ng mama niya

“So ano po sunod na nangyari?” tanong niya
“Nung una ayaw sumuko nung taong insecure sa papa mo kasi akala ng papa mo wala siyang alam sa nangyayari gaya ng sabi ko very observant ang papa mo sa tao, unang kita pa lang niya sayo kinikilatis na niya” paliwanag ng mama niya

“Kaya po pala sabi niyo sakin kanina na ganon si Alexa nung unang pagkikita namin” sabat niya
“Oo anak kaya be cautious pag magkasama kayo”
“Sa huli sumuko na ng tuluyan yung taong insecure sa papa mo anak, sa tuwing nagku krus ang landas nila sa isang lugar umiiwas na sa papa mo kasi napansin din niya na parang lumiit na mundo niya” paliwanag ng mama niya
“Ano po ibig niyong sabihin ma?” pagtataka niya
“Napansin din nung galit sa papa mo na parang may nagbabantay sa bawat kinikilos niya sa tuwing gagawa siya ng hindi maganda na kahit alam niyang magtatagumpay siya pero sa huli bigo pa rin siya sa binabalak niya” paliwanag niya
Napaisip si Fred at pilit iniintindi ang paliwanag ng mama niya, nang hindi niya mahanap ang sagot sa kanyang isipan inantay na lang niya ang susunod na sasabihin ng mama niya.

“Simula noon anak wala nang nagtangka sa papa mo, napaisip ng maigi yung ibang gusto magbalak na saktan papa mo alam ng papa mo na magpa hanggang ngayon marami pa ring insecure sa kanya pero hindi lang pinapansin ng papa mo kasi wala naman siyang mapapala kung papatulan pa niya. Hindi sa ayaw niya ng gulo anak, wala lang talaga siyang pakialam sa tao kung sakaling saktan siya doon lang siya gaganti, alam mo ba anak na nasa loob din ang kulo ng papa mo. Hindi lang niya pinapakita kasi ayaw niyang magbago ang tingin sa kanya ng mga taong close sa kanya”
“Isang beses ko pa lang nakitang magalit papa mo noon, noong imimbita niya ko sa JS Prom nila kasi wala siyang partner sa Prom, akala ng iba loser ang papa mo pero nung umattend kami ng papa mo ginulat niya lahat ng classmate at schoolmate niya, pati nga babae kasi ang papa mo parang mafia boss ang suot samantalang ako simple lang kasi hindi ako trying hard na nagpapaganda, mas gusto ko yung naka lipstick lang kesa yung todo make up kaartehan yun” paliwanag niya
“Nung time na niyaya akong magsayaw ng papa mo, sweet kasi ang music habang dinadama naming dalawa ang musika nagulat ako kasi may humawak sa pwet ko kaya napasigaw ako buti hindi malakas kasi nakakahiya kung marinig ako ng iba saka hindi naman ako istudyante sa pinapasukan ng papa mo kaya hindi ako gumawa ng eksena” dagdag niya

“Ano po sunod na nangyari ma?” pagtataka niya
“Hindi kumibo papa mo, tinignan lang niya saglit pero yung nambastos sakin sinindak ang papa mo pagkatapos ng nangyari”
“Brod type ko yung kasama mo, baka ko din siyang isayaw, kahit galit na papa mo hindi niya pinakita sinagot niya ng maayos kasi once na sumagot siya ng pabalang mag aaway talaga sila kaya sagot lang papa mo sa nambastos sakin, Pre partner ko siya kung gusto mo ng partner hanap ka ng walang partner na schoolmate natin hindi yung mambabastos ka pa ng ibang tao” paliwnag niya
“Medyo napahiya yung schoolmate ng papa mo dahil sa sinabi niya, nag walkout na lang basta habang papalapit sa papa mo napangiwi siya ng konti, napansin ko na nakangiti pa yung nanakit sa papa mo habang papalayo samin, yung papa mo nag iba bigla ang mood parang ibang tao na siya pero hindi niya pinapakita sakin.”
“Umupo kami after ng sweet music, todo alalay ako noon sa papa mo kasi pansin ko na sinadya talagang saktan siya, paglingon ko sa malayo andon yung nakasagutan ng papa mo. Kumindat pa ang loko pero nandiri ako eeewwwwwww!”
“Bakit naman po kayo nandiri ma? Pogi ba yung nakasagutan ni papa?” pagtataka niya
“No comment anak, alam mo na sagot hihihi….” Pang aasar ng mama niya

“Mama talaga ang daya, ayaw pa sabihin” tampo niya
“Anak, pag sinabi kong no comment ibig sabihin 50/50” paliwanag niya
“Okay, get’s ko na po” sambit niya
“Alam kong malalim iniisip ng papa mo habang nakaupo kami, pinipiglan ko siya dahil ayaw ko rin ng gulo kasi lugi papa mo, may kasama pa palang anim yung nakasagutan niya pero papa mo ayaw talaga paawat. Ang ginawa ng papa mo nilapitan niya bigla yung nakasagutan niya kaya yung anim nakatingin lang sa totoo lang anak yung anim na kasama ng nakasagutan ng papa mo hindi talaga tutulong yun kasi napansin niyang nanginginig at pinagpapawisan, kilala pa lang bully sa school nila yung nakasagutan ng papa mo pero hindi lang pinapansin ng papa mo kasi ayaw niya magbulakbol, maraming takot don sa nakasagutan ng papa mo pero hindi nagpadaig papa mo” paliwanag niya

“Nung kaharap nang papa mo yung nakasagutan niya binigyan niya ng pasimpleng suntok sa tyan at pasimpleng sakal sa batok, habang naghahabol ng hininga yung nakasagutan niya kinausap niya saglit. Alam ko ikaw yung kilalang bully sa school natin, anong akala mo wala akong alam hindi ako natatakot sa’yo kahit pa sa kasama mong anim, subukan nilang tumulong pati sila idadamay ko. Maaring ibang tao kaya mo pero ako hindi, subukan mong manakit at mambastos ulit lalo na sakin pati sa mga taong close sakin, pakisabi na rin sa ibang balak ako saktan buburahin ko sila at ang tanging maaalala sa kanila ng buong batch natin ay kahihiyan tandaan mo yan saka naglakad palayo papa mo” dagdag niya

“Ano pa sumunod na nangyari ma?” sambit niya
“Habang papalayo papa mo yung anim na kasama nung nakasagutan niya tinignan lang niya ng masama kaya walang nagawa yung anim kaya pinuntahan na lang nila yung nakasagutan ng papa mo, although gusto gumanti yung anim walang nagawa anak, papa mo pasimpleng naglakad na parang walang nangyari talaga kahit pinagtitinginan na siya ng ibang tao.”

“Nung normal na araw kumalat sa buong school ang nangyari sa pagitan ng kilalang bully at ng papa mo, Papa mo hindi nakibo kasi hindi naman big deal sa kanya yung nangyari” sabay ngisi

“Pinatawag pa siya sa Guidance office para lang don anak, tinanong siya kung totoo yung balita na kumakalat sa school nila. Tanging sagot lang na papa mo: “Hindi ko po alam”

Kahit litong lito na si Fred sa mga kwento ng mama niya, pilit pa rin niyang iniintindi lahat. Hindi niya akalain na ganon pala ugali ng papa niya nung kapanahunan niya na minsan napapansin din pala niya na nagiging ganon na rin pala siya, Like father like son ika nga.

“Alam naming hindi ikaw ang nagsimula ng gulo dahil alam namin na pinalaki kang maayos ng magulang mo, nasaktan ka syempre gaganti ka kasi wala kang ginagawang masama saka ayaw mo na nababastos ang mga nakapaligid sa’yo lalo na ang mahal mo. Ginawa mo lang ang tama Mr. Ferdinand Morea, panigurado maraming nag aabang sa’yo sa labas ng school sa tuwing uuwi ka kaya payo ko lang magingat ka. Yan yung sinabi ng Principal sa papa mo” paliwanag niya

“Pero papa simple lang sinabi pero may laman, “Sir, marami na pong nagtatangka sa buhay ko kahit hindi pa kami nung date ko sa prom night, bakit ko po nasabi? Dahil sa tuwing magkasama kami sa isang lugar may mga napapansin akong mga matang mapanghusga kulang na lang po ipapatay ako sa sniper na hinire nila pero sa tuwing gagawin na ang binabalak nila laban sakin lagi po hindi natutuloy, hindi ko po alam kung bakit na lang lagi pero ang alam ko po maraming nagbabantay sakin, iniisip ko na lang po na guardin angel ko sila. Sir hindi po ko takot mamatay kahit marami pong banta sa buhay ko, kung mangyari man yun maraming malulungkot lalo na po yung mahal ko sa buhay pati po yung babaeng ka date ko nung prom, ang tanging maipagmamalaki ng magiging anak ko kung sakaling buhay pa ko eh yung pagiging patas ko sa lahat ng bagay at hindi kailangang makipagtaasan ng ihi para lang masabi na magaling siya, mama na po niya ang magkukwento nun kung sakaling mangyari yun pero sir isa lang po sasabihin ko at pakisabi na rin po sa ibang may balak na masama laban sakin “Buburahin ko sila, kahit magtulong pa silang lahat hindi po ako natatakot” nagulat yung principal kasi biglang nag iba pagkatao ng papa mo kaya napalunok na lang pagkatapos sabihin yun ng papa mo”
Paliwanag niya

“ Pero after niya sabihin yun bumalik sa normal papa mo, nag sorry siya sa principal dahil sa inasal niya na tinanggap naman ang paghingi niya ng dispensa, pagtakapos nun nagpaalam na siya para bumalik sa klase niya” dagdag niya

“Natatakot pala si papa, may dual personality” sambit niya
“Oo anak, ganon papa mo maaring sa tingin mo hindi siya makabasag pinggan pero once na may nangyari sa mga mahal niya lalo na sa’yo wala siyang doubt na bumalik sa dati. Ang gusto lang niya maging masaya at walang nakaka away basta lahat happy lang”

“After ng nangyari halos lahat maraming gusto makipagkaibigan sa kanya pero isa isa niyang kinilatis, yung mga taong alam niyang gagamitin lang siya nilayuan niya, yung mga taong alam niyang inaapi naging kaibigan niya, minsan nga may isang istudyante na lower batch sa kanya na lumapit at humingi ng tulong sa kanya kasi madalas siya ma bully ng kaklase niya, ang sabi lang ng papa mo “puntahan na lang kita lagi sa classroom mo huwag mo isipin na sasaktan ko, gusto ko lang malaman niya kung sino man siya kahit anak pa siya ng presidente na ako magwawakas ng ginagawa niya sa’yo”

“Tumupad naman sa usapan ang papa mo, lagi niya pinupuntahan yung lumapit sa kanya. Sa tuwing pumupunta siya sa classroom walang nangyayari, casual lang saka normal na araw nung una hindi nakilala papa mo pero after ng ilang araw nakilala na siya, yung nambubully? Hindi na umulit lumayo na lang kasi nabalitaan niya don mismo sa naka away ng papa mo kung ano sinabi sa kanya after ng nangyari”

“Natakot?” sabat niya

“Hindi ko alam anak, siguro natakot nga may iba kasi na ayaw tanggapin na talo na sila kahit alam nilang wala na talagang pag asa” paliwanag niya.




Samantala sa isang Mansyon


“Aray! May nakaalala ata sakin” sigaw niya
“Hahaha…..sino naman sa tingin mo yung nakaalala sayo Ferdie?” sagot ng kaibigan niya

“Hindi ako alam pre, ang alam ko sa tuwing makakagat mo dila mo eh may nakakaalala sayo ewan ko lang kung totoo yun. Baka naman hoax lang yun” sabay tawa
“Malay mo may katotohanan yung sinabi mo, malay natin wala” sabay ngisi

“Ah ewan hahaha….bahala na si Batman basta huwag na isama si Joker” sabay lagok sa baso na may lamang beer
“Nyak, langya ka Ferdie ano connect ni Batman at Joker sa sinabi mo?” pagtataka niya

“Wala naman pre, for a change wahahaha….” Sabay inom ulit
“Labo mo pre hahaha…..Kampay!” sabay taas ng baso at naki pag cheers sa ka bonding niya

“Ferdie maiba ko”

Limang segundo nagkaron ng katahimikan

“Ano yun?” pagtataka ni Ferdie
“Ano pala balita don sa ka-batch natin dati? Yung naka away mo nung Prom” tanong niya

“Ah yun ba? Hindi ko alam pre, pero alam mo ba nung pagdating ko sa college eh nagulat ako kasi nakita ko ulit siya. Parang sinusundan ako kasi nag enroll din sa school na pinapasukan ko at eto pa ang nakakatawa Cesar, sumali pa sa Frat yun” paliwanag niya
“Langya Ferdie, ano naman dahilan at sumali pa siya sa Frat sa school niyo” pagtataka niya
“Simple lang sagot Cesar, gusto niya gumanti sakin, alam mo naman ang puno’t dulo di ba?” sagot niya

“Ay oo ako pa hahaha….type niya si ano……ahmmmmmmm…..nasa dulo na ng dila ko eh” sabay tawa
“Ano sabihin mo Cesar, umamin ka” sabay pabirong sinakal

“Help! Call 911 hahaha….” Pilit pa ring gusto kumawala sa pagkakasakal sa kanya ng kaibigan
“Just kidding pre” sabay bitaw sa leeg

“Eliza” sambit niya
“Ah sabi mo nga hahaha….kamusta na pala kayo ni Eliza?” tanong niya
“Okay naman kami, masaya sa relasyon bilang mag asawa kung magkaron ng problema naaayos agad naming dalawa” paliwanag niya
“Ah I see, tuloy mo kwento kanina Ferdie. Ano na sumunod na nangyari after sumali sa Frat yung naka away mo” Tanong niya

Napabuntong hininga saglit sabay tinuloy ang kwento

“Nung nabalitaan ko na sumali nga siya sa Frat hinayaan ko lang, bakit sino ba siya anak ba siya ng Presidente o anak ng Drug Lord? Kilala mo naman ako pre akala ng iba wala akong pakialam sa paligid ko pero akala lang nila yun, ang hindi nila alam kinikilatis ko maigi” sabay inom sa baso
“Matindi talaga galit sayo nun no? Teka ano ba ulit pangalan nun?”

“Rommel ” sagot niya
“Pero may lumapit sakin na brod niya at kinausap ako tungkol sa gap naming dalawa at kinumpronta ako kung ano talaga puno’t dulo ng away namin sabi ko lang siya ang may mali hindi ako, kung iba ang version ng kwento niya siya ang may problema hindi ako” paliwanag niya

“Pakisabi sa ibang brod niyo kung gusto nila ko pagtulungan para lang makaganti sakin pakisabi na rin hindi ako natatakot, itutumba ko sila. Naiintindihan ako nung kumausap sakin kasi malawak ang pagunawa niya saka alam niyang kwentong barbero pinagsasabi ni Rommel” dagdag niya
“Buti napaliwanag mong maigi kung hindi ka nakausap nun malamang naniwala na yun sa sinasabi ni Rommel, lagot ka Ferdie parang isang barangay kalaban mo” pananakot niya

“Cesar , alam mo naman dati pa na marami ng tangka sa buhay ko hanggang ngayon naman ganon pa rin kaya nagiingat ako at bihira lumabas di ba? Sa tuwing umaalis ako sa bahay dapat walang nakakaalam, pati nga address ng bahay ko kayo kayo lang nakakaalam just in case na ma torture kayo para lang umamin atleast wala silang makukuhang impormasyon sa inyo” paliwanag niya

“Saka alam kong nasa paligid lang ang mga tauhan ng tatay ko, langya saka ko lang nalaman na binabantayan pala ko nung malapit na mamatay na tatay ko kahit hanggang ngayon nga eh, ewan ko lang kung nasabi na ni Eliza kay Fred yung tungkol don, okay lang naman kung malaman niya ang totoo atleast aware siya” dagdag niya

“Mabuti na rin yung ganon atleast at ease ako sa tuwing lumalabas ako pero kailangan pa ring magingat lalo ka na Cesar pero walang problema kasi may communication ako sa mga kasamahan dati ng tatay ko, madalas ko kayo nakukwento sa kanila kaya safe kayo”

“Teka Ferdie! Asan na yung ibang kasamahan natin?” pagtataka niya
“Ayan oh tignan mo, lahat sila wasak na yung iba dalawang beses na nga nagtawag ng uwak sa cr” sabay turo

Natawa na lang si Cesar sa sinapit ng ibang kainuman nila

“Ferdie, hindi ba nakakahiya dito sa bahay ng kaklase mo dati? Kasi parang outcast ako saka ako lang ang hindi mo naigng classmate nung college”
“Loko hindi. Ako bahala, madalas kita makwento sa kanila kaya walang dapat ipag alala. Hala shot pa!” sabay abot ng baso

“Kampay!” sambit niya
“Langya ka Cesar! Sunog baga ang datingan mo ah hahaha…..” sabay lagok sa baso

“Hahaha…minsan lang to pre, you know” sabay dighay
“Hahaha…..sabagay may point ka” sambit niya

“Nga pala Ferdie, ano sumunod na nangyari after mo makausap yung isang brod niya?” pagtataka niya
“Wala naman, hindi naman ako binalikan sa tuwing dumadaan ako sa tambayan nila tinitignan lang nila ko hanggang sa makalayo ako kahit andon pa si Rommel, yung kumausap sakin ang unang bumabati sakin good terms kami kahit papano”

“Saka siya ang madalas mag update sakin kung ano nangyayari kay Rommel kahit hindi naman dapat pero okay lang thankful ako sa effort niya” paliwanag niya
“Huling usap namin hindi naka graduate si Rommel, panay bulakbol daw kwento sakin” dagdag niya

“Eh balita doon sa anim na kasama niya dati? Yung gusting rumesbak?” pagtataka niya
“Wala, ganon din ang sinapit nila Cesar yun na ata karma nila after ng ginawa nila sakin eh hindi ko naman pinagdasal na mangyari yun kilala mo naman ako kahit malayo na narating ko humble pa rin ako” sabay ngti

“Oo nga eh kakaiba ka, thankful ako sa ginawa mo noon kung hindi ako lumapit sayo malamang hanggang ngayon miserable buhay ko dahil sa kanila”
“Ano balita pala sa kanila Cesar? Ginugulo ka pa rin ba?” sambit na

“Hindi na Ferdie, dumistansya na sila after nun kaya wala kang dapat ipagalala” sabay ngisi
“Langya ka yang ngiti mo ngiting manyakis” sabay tawa

“Hahaha….parang siya hindi ganon” ganti niya
“Na ko usapang lashing na to hahaha…”

“Shot na lang tayo Ferdie boy, maaga pa naman” sabay inom sa baso
“Mabuti pa nga” sambit niya

Sa isang tagong lugar

“Pre, nalaman na naming kung sino yung nadiskarte kay Alexa” sambit ng isang lalaking naka casual na suot
“Ah talaga, paano mo naman nalaman yun? Pagtataka ng binata

“Pinasundan ko sa mga kasama ko kung saan sila nagpunta nung nagkita sila nung lalaki, una sa bookstore tapos kumain sila tapos nagusap ng matagal, ang nakakatawa pa eh nag jeep sila hanggang sa hinatid niya sa terminal ng tricycle” paliwanag niya

“Tingin ko maganda simula nila” dagdag niya
“Paano mo naman nasabi eh bago pa lang silang magkakilala” medyo nainis sa kwento ng kausap

“Hindi ako papayag na sa iba mapunta si Alexa tandaan mo akin lang si Alexa akin akin!” sigaw niya
“Saka na tayo kumilos Roman kapag kabisado na natin ang mga galaw niya, hindi kailangang magpadalos dalos alalahanin mo kung ano nangyari sa kaibigan ng papa mo, naging miserable buhay dahil sa isang tao baka ganon din sapitin mo” sambit niya

Biglang tumayo si Roman at kinuwelyuhan ang binata

“Mag ingat ka sa sinasabi mo Zandro, huwag mo ko itulad sa sinapit ng kaibigan ng ama ko. Kung si Tito Rommel marunong tumanggap ng pagkatalo pwes ako hindi tandaan mo yan” banta niya
“Easy ka lang pre, masyadong mainit ulo mo binibiro lang kita” paliwanag niya

Saka binitawan sa kwelyo ang lalaking kausap

“Tingin mo ba magiging sila ni Alexa?” tanong niya
“Hindi natin masasabi, Only time will tell” sambit niya

“Bago pa mangyari yun buburahin ko na siya” sambit niya
“Dahan dahan lang Roman, huwag muna sa ngayon babantayan ko muna mga kilos niya oras na malaman ko kung ano balak niya kay Alexa, balitaan agad kita ora mismo” paliwanag niya

“Ah ganon ba? Ano pangalan nung magaling na lalaking yun?” tanong niya

“Frederick Morea” sambit niya

“Ganon ba? Sige bantayan niyo muna mga kilos niya tapos don tayo gagawa ng paraan hindi sila magkatuluyan” sabay ngisi

“Okay noted Roman” sabay umalis

Nang magisa na lang si Roman

“Gagawin kong miserable buhay mo Frederick Morea dahil sa pakikialam mo, hindi pa ikaw yung pinanganak na magiging balakid sa mga balak ko” bulong niya
 
Last edited:
Sa bahay ng mga Morea

“Ma tuloy niyo na po ang kwento tungkol kay papa” pangungulit niya
“Sigurado ka ba anak? Baka mamaya makatulog ka sa kwento” pang aasar ng mama niya
“Mama talaga oh, hindi po willing ako makinig sa kwento niyo kahit gaano pa kahaba” hamon niya
“Sige sabi mo anak” sabay ngisi

“Nagulat ang papa mo dahil nagkita ulit sila nung naka away niya sa prom nung nasa kolehiyo na siya, hindi niya akalain na parehong school sila nag aral, ano pa nga ba ang dahilan syempre gusto bumawi sa papa mo yung naka away niya, Romel pala pangalan nung nakaaway ng papa mo anak” sambit niya

“Natawa na lang papa mo nung nalaman niyang sumali ng frat si Rommel kasi kaduwagan tawag don anak, kasi kung gusto mo gumanti sa isang tao dapat ikaw magisa hindi yung hihingi ka pa ng tulong sa iba. Walang bayag ang tawag sa ganong tao”
“Pasensiya na anak kung pangit ang nasabi ni mama” paliwanag niya

“Okay lang po ma, matured na po ko para sa ganong bagay saka may punto naman po sinabi niyo” sambit niya

“Nung pauwi na papa mo galing school may biglang lumapit sa kanya na istudyante din at tinanong siya kung ano puno’t dulo ng away nila ni Rommel ang sabi lang ng papa mo habang nakatitig siya sa mata ng kausap niya siya ang nagumpisa hindi ako” sambit niya
“Napangiti na lang yung kausap ng papa mo sabay umalis pero may sinabi siya na biglang nagpabago sa mood ng papa mo”

“Mag ingat ka pre, balita ko hina hunting ka nila”
“Kung kasama mo sa kapatiran si Rommel pakisabi sa kanya pati na rin sa ibang Brod niyo na hindi ako natatakot, bata pa lang ako marami ng banta sa buhay ko pero lahat sila naglaho ng hindi ko alam ang rason, subukan nila kong saktan mas triple ang ibabalik ko sa kanila kahit magsama sama pa sila kaya ko burahin ang samahan niyo, alam ko hindi ka kagaya ng mga Brod mo kasi napansin ko una pa lang na ikaw mismo ang gumawa ng paraan para makausap ako kaya nagpapasalamat ako. Wala akong sama ng loob sayo ang sakin lang hangga’t maari ayoko ng gulo kaso gulo ang unang lumalapit sakin so ano gagawin ko? Syempre lalaban ako pag nasaktan ako, wala akong sama ng loob kay Rommel yung nangyari samin dati kinalimutan ko na yun matagal na pero siya yung bitter hindi matanggap yung nangyari problema na niya yun, hindi naman ako magdadala nun habang buhay basta ako masaya ko kung ano ko, tanggap ko kung ano yung nasa paligid ko maganda man o pangit” dagdag niya

“Nagulat din yung kumausap sa papa mo pagkatapos niya sabihin yun kasi hindi niya lubos akalain na may dual personality pala siya pero humingi ng sorry papa mo after niya sabihin yun kasi aminado siya na mali siya”

“Wow! Nakakatakot pala si papa” sambit niya
“Pag alam niyang nasa panganib siya doon lang nagiiba pagkatao niya anak kaya huwag kang matakot sa papa mo” paliwanag niya

“Nung pauwi na papa mo dahil tapos na klase niya napadaaan siya sa isang tambayan sa loob ng campus, malayo pa lang tinitignan na siya mas naging matalim ang titig sa kanya nung papalapit na siya” kwento niya

“Nung saktong dumaan ang papa mo lahat ng nakatingin sa kanya isa-isang na lang napayuko dahil natauhan sila bigla, malamang nalaman nila ang sinabi ng papa mo sa nakausap niya nung nakaraang linggo pero si Rommel ang hindi natinag. Talagang nakipagtitignan ng matagal sa papa mo pero sa huli natinag din dahil nakita niya ulit yung ibang pagkakato ng papa mo sa mga mata niya, nagbago lang mood ng papa mo nung nakita siya nung kumausap sa kanya, tango lang ang tanging sagot bilang pagbati, ngiti lang ang iginanti ng papa mo anak” paliwanag niya

“So ma ano na po nangyari pagkatapos? Ginugulo pa rin po ba si papa?” pagtataka niya
“Hindi na anak, simula nung tagpong yun parang bigla na lang silang nawala pero yung nakausap ng papa mo madalas magtagpo landas nila kahit saaang lugar anak kapag may pagkakataon, updated papa mo sa nangyayari kay Rommel hanggang sa dumating ang araw ng graduation, napansin ng papa mo na hindi na niya nakikita si Rommel kahit anino sa campus na ipinagtaka niya. Nagulat na lang siya nung binalita sa kanya na tumigil na pagaaral dahil panay bulakbol, okay lang magbulakbol paminsan minsan basta hindi napapabayaan ang pagaaral tandaan mo yan Fred” sambit niya

“Opo ma, alam niyo po ba may time na minsan gusto ko gawin yun pero natatauhan ako bigla, kahit anong yaya sakin ng mga kaklase ko tumatanggi ako kasi iniisip ko rin po na sayang ang isang araw, mas gugustuhin ko pa po na andito sa bahay at nag aaral kesa gumala pagkatapos ng klase kasi ayoko pong masayang ang pinaghiripan niyo mabigyan lang ako ng magandang future” paliwanag niya

“Hindi naman bawal anak basta ang lagi mong tatandaan I balance mo lang at huwag mo papabayaan ang pagaaral mo” sambit niya
“Opo ma, hindi ko po napapabayaan ang pagaaral ko kasi po ayoko matulad sa ibang tao na saka lang nagsisi dahil hirap sila sa buhay at saka lang po nila naisip na kung hindi lang ako nagbulakbol dati hindi ganito ang magiging buhay ko, parang ganon po ang naiisip ko tuwing nakakakita ako ng taong hirap sa buhay” sambit niya

“Ganon talaga anak, wala tayong magagawa nagloko sila ayun ang kapalit kaya hirap sila sa buhay, may iba naman na kaya hindi nakapagtapos dahil walang pang aral ang masakit pa anak kahit walang nagpapa aral sa kanila sana gumawa sila ng paraan kahit mahirap kaso kuntento na ang iba kung ano meron sa kanila” paliwanag niya

“Ma, may pagkain na po ba? Nagugutom na po kasi ko” sambit niya
“Kanina pa ko nagluto anak, Hala! Kumain na muna tayo nagutom ka tuloy sa kwento ko” sambit niya

Napatitig saglit si Fred sa mama niya na ipinagtaka nito

“May gusto ka bang sabihin anak?” pagtataka niya
“Ma, kung okay lang po tuloy niyo po ang kwento tungkol kay papa” sambit niya

“Sigurado ka anak? Baka makatulog ka kasi ang kwento namin ng papa mo katumbas ng isang libro” sabay ngisi
“Okay lang po ma, ikwento niyo po pagkatapos nating kumain” pakiusap niya
“Sigurado ka ba sa sinasabi mo anak?” pagtataka niya
“Opo ma, marami po akong gusto malaman lalo na po sa inyong dalawa” sabay ngisi
“Loko kang bata, Hala! Kumain ka na dyan” sambit niya


Samantala

Nakahiga ang dalaga sa kanyang kama at mahimbing ang kanyang tulog, nagising siya dahil walang tigil ang pag ring ng kanyang cellphone dahil nakalimutan niyang I silent bago matulog, minulat niya ang mata para malaman kung sino ang tumatawag sa linya pero napansin niya agad na hindi naka register sa phonebook niya. Unknown Number ang nakadisplay, sa inis ng dalaga sinagot niya ang tawag.

“Kung sino ka man po na tuwamag pakiusap magpakilala ka” sa mataray na boses
“Kamusta ka na Alexa?” sabi sa kabilang linya

“Pwede ba magpakilala ka, bakit mo alam ang pangalan ko for your information hindi tayo close kaya huwag kang feeling kuya” sambit niya

“Hahaha….totoo pala ang balita na mataray ka nga, kamusta ang araw mo Alexa?”
“Kagaya ng sinabi ko huwag kang feeling okay? Sino ka ba para tanungin ako kung kamusta ang araw ko” sagot niya pataray

“Huwag mo naman ako tarayan Alexa, gusto ko lang makipagkaibigan kaya tumawag ako” sambit sa kabilang linya
“Wala akong balak makipagkaibigan sayo, kung maari tigilan mo na ko” sabay baba ng tawag

Habang hawak ng dalaga ang kanyang cellphone ay bigla siyang nakatanggap ng text message

“Kamusta na kayo nung nakilala mo sa bookstore? Balita ko nagkakamabutihan na kayo ah, kung ako don sa kasama mong lalaki hindi na ko makikipagkita dahil may mangyayaring masama sa kanya dahil akin ka lang Alexa akin!”

Nagtaka ang dalaga kung bakit ganon ang sinabi sa text, kahit naiinis na siya sinagot niya ng casual

“Kuya, kung sino ka man, wala kang pakialam sa buhay ko at sa mga nangyayari sakin. Hindi naman ikaw ang bumubuhay sakin kaya wala kang karapatang sabihin sa iyo lang ako hello! Boyfriend ba kita? Nananaginip ka ba ng gising o sadyang nakatambay ka lang sa ilusyon na ikaw lang nakakaalam, sana magising ka po sa katotohanan para hindi ka nagkakaganyan. Oras na malaman ko kung sino ka kuya kahit saang lupalop ka magtago matatagpuan kita at hindi ako natatakot sayo” sabay send ng mensahe

Makalipas ang limang segundo

“Talaga lang Alexa? Hindi mo ko kilala pero ikaw at yung kasama mong binata kilala ko, pakisave ang number ko para may komunikasyon tayo”

“Hindi tayo close, for your information I don’t need useless number on my phonebook!”
“K”

“L M N
O P Q R S T U V W X Y X may namiss ba ko?” sagot ng dalaga sa mensahe

“Pilospo ka ah! Tandaan mo sinabi ko Alexa, akin ka lang akin!” sabi sa mensahe
“In your dreams magaling na lalaki, over my dead body. Che!”

“Tandaan mo sinabi ko Alexa”
“Ay may amnesia na ata ko hahaha….” Sagot ng dalaga

“Alaskador ka ring babae ka ah, mawawala yang pagkataray mo kapag naging akin ka at yung binatang kasama mo maglalaho tandaan mo yan” sabi sa mensahe

“Wala akong pakialam sa nararamdaman mo! Pikon ka lang” pang aasar niya

Naghintay pa ng ilang segundo ang dalaga ngunit walang panibagong mensahe, kahit alam niyang walang mangyayaring masama ay medyo kinabahan siya.

“Kailangang malaman ni Fred ang lahat, kailangan ko siyang makausap ng personal” bulong niya

Sa Isang Mansyon

“Oh Ferdie boy, tahimik ka ata. May problema ba?” tanong ni Cesar
“Wala pre, medyo napaisip lang ako ng konti. Huwag mo ko intidihin Cesar”

“Sigurado ka ba pre?” pagtataka ni Cesar
“Oo pre, tuloy na natin ang happenings” sambit niya

Bago pa man niya sabihin sa kaibigan na okay lang ang lahat ay nakaramdam siya ng kakaiba, alam niyang may paparating na panganib ngunit sino? Panandalian niya munang kinalimutan ang iniisip para hindi na magalala ang kaibigan ngunit may naisip siyang paraan. Minabuti niyang ituloy na lang ang happenings sa mansyon ng isang kaklase niya nung colloge kasama si Cesar. Saka na niya gagawin ang balak niya once na nakauwi na siya sa bahay kasama ang pamilya niya.

Sa bahay ng mga Morea

“Burrrrrp! Solve na naman ang alaga kong anaconda” habang hinihimas ang tyan
“Next time anak, magsabi ka ng excuse me, bad manners yan” sermon ng nanay niya

“Sorry po ma, nakalimutan ko eh” sabay ngisi
“Loko kang bata ka, teka maghuhugas muna ko ng pinagkainan natin” sambit niya
“Ako na po ma para matunaw agad yung kinain ko” sabay tayo
“Sigurado ka ba anak? Hmmmmmmm……mukhang may gusto ka atang hilingin kay mama kaya nag volunteer kang maghugas” sabay ngisi

“Wala po ma, gusto ko lang po maghugas saka ayoko po magpaka señorito, nakakahiya naman po kung kayo lagi ang naghuhugas di ba po dapat nagpapahinga kayo kasi halos kayo ang gumagawa dito sa bahay kapag wala si papa” paliwanag ng binate
“Anak may sakit ka ba? Hala! Anong nangyari sayo” pang aasar ng mama niya
“Si mama talaga oh, wala po akong sakit gusto ko lang po maghugas ng pinagkainan natin” paliwanag niya

Napabuntong hininga si Eliza sabay napangiti sa ginagawa ng anak, hindi niya akalain na nagmature na talaga ang nagiisa niyang anak.



Sa isang tagong lugar

“G**o ka talaga Roman bakit gumawa ka ng hakbang di ba sabi ko babalitaan kita” sabi sa kabilang linya
“Ano ka ba Zandro nagparamdam lang ako kay Alexa at nagiwan ng mensahe, malamang nagiisip na yun ngayon” sambit ng binate

“Kahit na Roman hindi tayo pwede magkamali kaya nga lahat ng ginagawa natin dapat walang butas” sermon ng binata
“Huwag mo ko pagalitan Zandro tandaan mo kung sino ang nagligtas sa buhay mo nung nasa bingit ka ng kamatayan” banta niya sa kabilang linya
“Alam ko yun Roman hindi mo na dapat ipaalala sakin, thankful ako sa ginawa mo dati ayoko na maalala ang lahat naiinis ako sa tuwing naaalala ko ang nakaraan ko. Nangako ako sa tatay mo noon na kasama ako sa ano mang balak mo bago siya malagutan ng hininga ang sakin lang huwag kang padalos dalos, kailangan nating pagisipan ang lahat para hindi nila malaman na may balak tayong masama” sabi sa kabilang linya

“So may naisip ka na bang bago Zandro?” sambit ng binata
“Meron na Roman pagusapan natin pag nagkita tayo” sambit sa kabilang linya
“Uy! Gusto yan hahaha….malay mo may maitulong akong maganda sa ideya mo” sabay ngisi
“Puntahan kita kapag okay na ang lahat Roman, asikasuhin ko lang yung ibang kliyente natin yung iba takot pa makipag negosasyon satin” sambit niya
“Alam mo na kung ano gagawin Zandro, itumba mo kapag ayaw makipag transaksyon satin para wala tayong problema” sambit ng binata
“Ako bahala Roman yun nga plano ko para masolo na natin ang iba pang source ng drugs” sambit sa kabilang linya
“Magaling Zandro ikaw na bahala sa lahat!”
“Okay Roman keep in touch” sabay baba ng tawag

Sa isang malayong lugar

“Kamusta ang ginagawa mo? Nagawa mo na ba yung pinapagawa ko” tanong ng lalaki
“Sir okay na po yung pinatrabaho niyo sakin, na wire tap ko yung paguusap ng dalawa” sambit ng binata
“Magaling hindi ako nagkamali sa paghire sayo, maaasahan ka talaga so ano natuklasan mo?” sambit ng lalaki
“Sir masamang balita yung tumawag kay Alexa ay may masamang balak kay Fred, nalaman ko na Roman ang pangalan nung tumawag sa dalaga” paliwanag ng binata
“Paano mo nalaman?” pagtataka ng lalaki
“Sir narinig ko habang naguusap si Zandro at Roman sa telepono, may balak silang masama kay Fred, mukhang hindi marunong tumanggap ng pagkatalo tong si Roman nalaman ko rin na leader siya ng sindikato at nagpapalakad ng drug trade dito sa pinas at sa ibang bansa, malaking isda makakabangga natin sir” paliwanag ng binata
“Huwag kang matakot Fernan ako bahala sayo basta tuloy mo ang surveillance, mahihirapan tayo sa mga yan kahit yung tatay ni Ferdinand nahirapan din dati kaya ibinilin niya sakin na by hook or by crooked kailangang mahuli lahat ng sangkot sa drug trade, hindi ka nagiisa tutulong kami ng mga kasama ko sa abot ng aming makakaya” sabay tapik sa balikat ng binata

“Sir ang inaalala ko eh nasa panganib si Fred at Alexa, dahil lang sa pagibig mapapahamak silang dalawa” pagaalala ng binata
“Yun nga din ang iniisip ko Fernan kailangan nating gumawa ng hakbang bago mahuli ang lahat, itutuloy namin ang paghahanap ng iba pang impormasyon kay Roman basta tuloy mo surveillance at bantayan mo mga kilos ni Zandro kung maari maghire ka pa ng iba yung mapagkakatiwalaan natin para hindi ka mahirapan” sambit ng detective

“Balitaan ko kayo sir kapag nakausap ko na sila, alam ko kung saan sila matatagpuan” sambit ng binata
“Ikaw na bahala sa bagay na yan Fernan gusto ko lang tapusin ang nasimulan ng tatay ni Ferdinand, pasensiya na kung marami akong pinapagawa sayo gusto ko na talaga putulin ang problema sa drugs, iba pa rin kung sa bawat araw na lalabas ka wala kang iniisip na panganib, iba pa rin yung pwede mo gawin ang lahat dahil malaya ka sana wala ng masirang buhay ang drugs” paliwanag niya

“Sir matagal ko na kayong kilala pero nagtataka lang po ako sino po ba talaga kayo?” pagtataka ng binata
“Franciso Manansala pero tawagin mo kong Detective Franz” sambit ng detective
“Sige sir bigyan nyo po ako ng one week sa pinapagawa niyo sakin” paliwanag ng binata
“Hindi naman kita minamadali sa assignment mo Fernan, bast balitaan mo ko agad kapag natagpuan mo na yung sinasabi mong mga kakilala mo” sabay alis

“Sir saan po kayo pupunta?” pahabol ng binata
“Sa mga kasamahan ko, kailangan nila malaman ang balita saka na namin sasabihin sa tatay ni Fred kapag napagaralan na namin ang gagawin nila sa totoo lang risky tong gagawin natin pero kailangan nating sumugal para hindi mapahamak ang anak ni Ferdie” sambit ng detective

“Sir isa pa pala bantayan niyo rin ikinikilos nung isa pang kasama ni Roman, sa pagkakaalam ko anak yun nung isa sa anim na kasama nung nakaaway ng tatay ni Fred” sambit niya
“Ganon ba? Bweno ipapa surveillance ko ang sinasabi mo, ano ba pangalan at paano mo nalaman?” pagtataka ng detective
“Sir bago niyo po ko hinire sa operasyon madalas po akong tambay sa tindahan malapit samin, araw araw may nakikita akong dalawang SUV na itim na pupumunta sa lugar namin at humihinto sa isang apartment na katabi ng bahay namin. Na curious ako kaya nilagyan ko ng spy camera ang apartment na tinutuluyan nila nung time na walang tao na wire tap ko rin ang mga cellphone nila kaya alam ko kung ano ang pinaguusapan nila, Rogelio Sandoval anak po yun nung isang kasama nung nakaaway ng tatay ni Fred dati” paliwanag ng binata

“Ganon ba? Sige kami na bahala salamat sa impormasyong binigay mo, magiingat ka lagi Fernan kung maari wala dapat makaalam ng ginagawa natin” sambit ng detective
“Para po sa malayang bansa gagawin ko po ang lahat matigil lang ang problema ng lahat sa drugs” sabay pakita ng thumbs up

Itutuloy...
 
Last edited:
Biglang nagising ang dalaga dahil sa isang panaginip kaya’t bumangon agad siya at naupo sa kanyang kama.

“Hay…panaginip lang pala” sabay buntong hininga
“Kailangan ko makausap si Fred, sino kaya yung tumawag sakin paano niya nalaman ang lahat” pagtataka niya

Taimtim na nagdasal ang dalaga bago tuluyang bumangon sa kanyang kama, Pagkatapos ay bumaba para mag almusal dahil ayaw niya mahuli sa kanyang klase.

“Good morning anak” sambit ng kanyang mama
“Good morning po ma” ganti ng dalaga

“Kung ano man ang iniisip mo ngayon anak, mamaya mo na isipin kung ano ang solusyon sa problema mo. Kumain ka na muna baka mahuli ka sa klase mo” sambit ng mama niya
“Wow! Mama talaga nahulaan niyo po agad na may problema ako” habang nakuha ng almusal
“Sus! Ano ka ba syempre anak kita no kaya kilala kita kapag may problema ka o wala, teka ano ba problema mo anak?” pagtataka ng mama niya

Tinapos saglit ng dalaga ang pagnguya sa pagkain

“Ma, tungkol po sa isang kaibigan na nakilala ko sa bookstore nung umalis ako magisa” sambit niya
“Bakit ano meron anak don sa kaibigan mo?” pagtataka niya

“Ma, nasa panganib po siya hindi ko po alam kung bakit ma. Kasi nung isang araw may tumawag po sakin na hindi naka register sa cellphone ko, sa tono ng boses niya may balak siyang masama sa kaibigan ko na hindi ko po alam ang dahilan pero ma nasa panganib po ang kaibigan ko” paliwanag ng dalaga
“Na ko anak kailangan mo nga makausap yung taong tinutukoy mo sa lalong madaling panahon” sambit ng mama niya

“Opo ma, hindi ko pa po alam kung kalian. Baka busy po siya sa activities niya school” paliwanag ng dalaga
“Uuuuuy! Sino kaya yung tinutukoy mo anak, girl ba siya o boy?” pang aasar ng mama niya
“Uy ma, huwag po kayong showbiz hahaha…” kabig ng dalaga

“Inaasar lang kita anak kasi dati hindi ka naman ganyan kasaya hmmmmmmmm…..ano ba nakain mo?” sabay ngisi
“Wala po ma, kayo talaga” sambit niya

“Pero anak sino ba siya?” pangungulit ng mama niya
“Soon ma, papakilala ko siya sa inyo ni papa pero ma, pakiusap huwag niyo naman po takutin ni papa baka after ko siya ipakilala sa inyo hindi na dumalaw yun dito” paliwanag niya

“Hihihi…wala kaming gagawing masama ng papa mo anak, gusto lang namin makilala yung future son in law namin ng papa mo” pang aasar ng mama niya
“Son in law? Agad agad? Ma masyado naman po kayong mabilis hahaha…di ba po dapat kilalanin niyo munang maigi?” paliwanag ng dalaga
“To naman masyado kang siryoso anak hihihi…” pang aasar ng mama niya
“Oh siya! Maligo ka na at baka mahuli ka pa sa klase mo” dagdag niya
“Sige po ma, salamat po sa almusal” sabay umalis sa lamesa

Habang naliligo ang dalaga hindi niya maalis sa isip niya ang paparating na panganib para sa kanyang kaibigan pati na rin sa kanya. Sino ang misteryosong lalaki na tumawag sa kanya at bakit ganon na lang ang pagnanasa sa kanya maangkin lang siya.

“Fred, magingat ka sana lagi, nasa panganib ang buhay mo” sabay pumikit


Sa isang lugar sa Batangas.

“Sir, alam ko pong unexpected ang pakikipagkita ko sa inyo may dapat po kayong malaman dahil involved po ang anak niyo” sabay pinakita ang ID
“Okay lang detective walang problema, mabuti na rin yung dito tayo nagkita yung walang nakakakilala satin, bweno tungkol ba saan yung sasabihin mo saka bakit involved ang unica hija ko” pagtataka ng lalaki.

“Bago ang lahat sir ako nga po pala si Detective Francisco Manansala” pakilala ng detective
“Nice to meet you detective” sabay inabot ang kamay para makipag kamay sa detective

“Ano ang atin detective?” tanong ng lalaki
“Sir kagaya po ng sinabi ko kanina involved po ang anak niyo sa sinasabi ko” paliwanag ng detective

“Pwede ko ba malaman kung tungkol saan involved ang anak ko detective” pagtataka ng lalaki
“Sir matagal na po namin minamanmanan ang isang grupo na involved sa drugs , si Roman po ang pinuno nila at ang kanang kamay niya ay si Zandro. Si Roman po ay anak ni Rommel siya po yung nakaaway dati nung tatay ng kaibigan ng anak niyo” paliwanag ng detective

“Ferdinand Morea, tatay ni Frederick Morea ang pangalan ng kaibigan ng anak niyo sir” dagdag niya
“Teka detective medyo nakakalito sinabi mo, diretsuhin mo na ko” pamililit ng lalaki

“Huwag kayo mabibigla sa sasabihin ko sir” pagbabanta niya
“Okay lang detective, lagi akong handa” hamon niya

“Si Ferdinand po ay may nakaaway si Rommel dahil isang babae na nanay na ngayon ni Frederick, akala ni Ferdinand don na maghihiwalay ang landas nilang dalawa pero nung college nagkrus muli ang landas nilang dalawa, nabalitaan pa ni Ferdinand na sumali pa sa frat si Rommel after nun hindi na namin alam ang sumunod na nangyari, ang bali balita naligaw ng landas si Rommel hanggang sa nasawi. Kaya ang anak niyang si Roman ang nagpatuloy ng nasimulan ng tatay niya, kagaya ng sinabi ko kanina si Roman ang pinuno ng isang grupo sa drug syndicate kaya gagawin niya ang lahat para mapasa kanya ang anak niyo” paliwanag niya
“Hindi ako papayag!” sigaw ng lalaki

“Sir alam ko po na hindi kayo papayag sa gusto niya mangyari” sambit ng detective
“Sa mga oras na to sir alam na po ng anak niyo ang nangyayari dahil na tap ng isang tauhan ko ang paguusap nila ni Zandro after tawagan ni Roman ang anak niyo, paano ko nalaman? Pinatrabaho ko sa nahire kong tao kamakailan lang” dagdag niya

Nag iba ang mood ng lalaki dahil sa rebelasyon na kanyang narinig, ngunit hindi niya pinakita sa kausap na detective.

“Sir alam kong galit kayo, nakikita ko po sa mga mata niyo” habang nakatitig siya sa mata ng lalaki
“Nabigla lang ako detective, pasensiya na. sige tuloy mo ang kwento” sambit niya

“Kailangan po makagawa tayo ng hakbang sa ano mang balak nila, hindi lang po si Frederick ang nasa panganib pati rin po ang anak niyo” sambit ng detective
“So detective may naisip na ba kayong hakbang?” tanong ng lalaki

“Sa ngayon po sir wala pa pero ginagawa po ng tauhan ko ang lahat, sa totoo lang hindi na po dapat nadamay ang anak niyo kasi po wala po siyang kasalanan, matagal na po namin minamanmanan ang grupo nila Roman nung una akala namin ibang grupo sila, nalaman din namin kung ano talaga ang puno’t dulo, sa ngayon hindi pa po alam ng ama ni Frederick ang nangyayari pero sa tingin ko nakatunog na siya kahit hindi niya kami kausapin alam namin na alam na niya ang panganib na paparating” paliwanag ng detective

“Bakit kailangan pang madamay ng anak ko detective?” pagtataka ng lalaki
“Simple lang po ang sagot sir, gustong gumanti ni Roman kaya pati illegal pinasok niya dahil alam niya na tatay ni Frederick ang rason kaya napariwara ang ama niya kahit may galit pa siya sa tatay niya noon pero naging malinaw sa kanya ang lahat after masawi ng kanyang ama” paliwanag ng detective

“O dahil naiinggit siya kay Frederick kahit hindi naman sila magkakilala” dagdag niya
“Iba talaga nagagawa ng tao kapag inggit ang pinairal, kapag nilamon ka ng inggit kung anu anong nagagawa mong kademonyohan sa tao, napaka babaw ng rason detective sa totoo lang, sobrang babaw” sambit ng lalaki

“Tama kayo sir, sobrang babaw talaga” sang ayon ng detective
“Sa ngayon sir bantayan niyong maigi ang anak niyo kahit saan man siya magpunta dahil ano mang oras pwedeng magpakita sa anak niyo ang grupo ni Roman” dagdag niya

“Pakiusap detective kung maari kayo na magbantay sa anak ko kasi lagi akong wala sa bahay, lalo na ngayon na nasa panganib ang anak ko ayoko madamay buong pamilya ko pakiusap detective!” makaawa niya
“Makakaasa kayo sir, bago po ako tuluyang umalis, hindi ko pa po alam kung sino at ano po pangalan niyo” pagtataka ng detective

“ Alexander Perez, ako nagbigay ng pangalan sa unica hija ko. Balitaan mo na lang ako detective kung ano ang update, magiingat kayo lagi detective lalo na’t alam niyong malaking pader ang kalaban niyo” sambit niya
“Salamat sa paalala Mr. Perez” nakipagkamay ulit at saka tuluyan umalis

“Diyos ko sana maging okay ang lahat” sabay buntong hininga

Sa loob ng isang kwarto, habang hindi pa nagsisimula ang klase kung saan makikita ang isang binata na nakatingin sa salamin at tinitignan ang nasa labas. Malalim ang kanyang iniisip na sa hindi malamang dahilan. Hindi niya nalamayan na dumating na pala ang kanyang professor.

“Okay class, lumabas na ang result ng exams niyo. Sad to say isa lang ang nakakuha ng perfect score” sambit ng guro

Biglang umingay sa buong classroom dahil sa announcement na kanilang narinig maliban sa isang binata na walang pakielam sa kanyang paligid.

“Sigurado ako yung sinasabi niyong nakakuha ng perfect score sir” sambit ng binata

“Sad to say iho hindi ikaw” sambit niya

“Malamang ako ata yun” sambit ng dalaga

“Unfortunately iha hindi ikaw”

Medyo napahiya ang dalaga kaya hindi na siya nagsalita muli

“Gusto niyo talaga malaman kung sino?” hamon ng guro

“Yes sir!” madiing sabi ng mga istudyante niya

“Huwag sana kayo makaramdam ng inggit sa taong ito, imbis na mainggit kayo be inspired dahil kahit may sarili siyang mundo sa klase ko lagi niya kong ginugulat sa tuwing may quiz o exam, nung una akala ko hindi siya nakikinig pero nagulat ako sa ginawa sa niya totoo lang, just a piece of advice class hindi niyo kailangang makipag compete sa kanya tandaan niyo walang naidudulot na mabuti ang inggit, kagaya ng sinabi ko be inspired sa taong to kaya Good job Mr. Morea”

Lahat napatingin sa pinakahuling row kung saan matatagpuan ang binatang malalim ang iniisip. Nang napansin niyang lahat ay nakatingin sa kanya saka lang siya nagsalita.

“Salamat po sir” sambit niya

“Mr. Morea may nais ka bang sabihin para sa mga classmate mo” sambit ng guro

Dahang dahang tumayo si Fred at biglang nag iba ang mood niya

“First of all hindi ko po inaasahan na ako yung nakakuha ng perfect score, classmates kagaya po ng sinasabi ni sir be inspired sa isang tao, huwag po kayong mainggit sakin dahil wala po akong gusto patunayan sa inyo, ang sakin lang ginawa ko lang po ang tama na walang tinatapakang tao. Just a piece of advice lang para sa mga gusto makipag compete sakin isa lang sasabihin ko, wala akong pakielam kung tingin sakin ay balakid sa lahat ng bagay, hindi ako kikibo kahit ano pa sabihin sakin kahit nakatalikod pa ko pero isa lang titiyakin ko, ibigay niyo lahat ng makakaya niyo kung gusto niyo ko higitan sa isang bagay academic man o hindi, in short all out! Dahil kapag hindi habang buhay ka na lang sa ilalim ko” madiin niyang sabi

Kinilibutan ang guro dahil sa sinabi ng binata, hindi niya inaasahan na ganon ka siryoso si Fred maliban sa isang classmate niya na mataas ang pride.

“Hihigitan kita Fred, tandaan mo yan” bulong ng binata
“T*nga ka ba? Hindi mo ba naintindihan ang sinabi niya, All out pre ALL OUT!” madiin na sambit ng katabi niya

“Kaya ko yun sus! All out lang pala eh” pagmamayabang ng binata
“Sana nga kaya mo gawin, panindigan mo yan” hamon sa kanya

“Palagay mo sakin hindi ko kaya?” madiin na sambit ng binata
“Siguraduhin mo lang kasi kain bubog ka kay Fred sa totoo lang, hindi mo pa kaya Raphael” sambit ng binata

“Tingin mo hindi ko ba kaya ha Gerard” madiin niyang pagkakasabi
“Sinasabi ko lang ang totoo Paeng, tandaan mo mahirap makabangga si Fred kahit tatahi tahimik yan hindi mo alam kung ano ang iniisip niya sa ngayon lalo na sa paligid niya, mabubulaga ka na lang na tapos na pala” paliwanag niya

“Hihigitan ko siya sa lahat, as in Lahat” madiin niyang sabi
“Bahala ka Paeng, gawin mo gusto mo basta tandaan mo bago mo ituloy binabalak mo magisip kang mabuti” paliwang ng binata

Lingid sa kaalaman ng dalawa ang hindi nila alam may isang binata ang nakakarinig ng pinaguusapan nilang dalawa na kunwari’y walang pakielaman sa kanilang dalawa, mas minabuti na lamang na hindi marinig ang pinaguusapan ng dalawa ngunit sadyang hindi maalis sa kanyang isipan ang binabalak ng kanyang kaklase sa iisang tao, walang iba kundi si Fred na kahit alam niyang walang ginagawang masama sa kanila ang binata, naisip niya na sa mundo lahat hindi patas gumawa ka ng mabuti masama pa rin ang tingin sayo, gumawa ka ng masama maari pang maging tama.

“Krrriiinnnnnnnnnnnng!” hudyat na tapos na ang klase

“Class, next week discussion lang ng lesson natin pero mas maigi kung mag advance reading kayo para pag nagtanong ako sa inyo may maisasagot kayo. Malay niyo magpa surprise quiz ako” sabay ngiti ng guro.

“Okay class dismissed!” sambit ng guro

Lahat ay nagkanya kanyang alis maliban kay Fred na sadyang nagpahuli lumabas dahil ayaw niya makipag siksikan sa pinto, bago pa siya makalabas ng classroom bigla siyang tinanong ng guro

“Mr. Morea kausapin kita saglit” sambit ng guro
“Sige po sir, ano po yun?” pagtataka ng binata

“Tungkol sa sinabi mo kanina nung pinagsalita kita para sa isang speech nagulat ako sa inasta mo, napansin ko na nagdeklara ka ng hamon sa mga classmate mo” paliwanag ng guro
“Sana mali ang iniisip ko sayo Mr. Morea” dagdag niya

“Sir nung sinabi ko po yun kanina matagal ko na pong napapansin na karamihan sa mga classmate ko halatang nakikipag kompetensiya sakin, akala po nila hindi ko napapansin yun. Kaya ko po sinabi kanina na ibigay nila lahat para pagbutihan pa nila lalo, tingin ko po tumatak sa isipan nila ang salitang sinabi ko kanina, alam ko po na karamihan sa mga classmate ko sir nakikipag plastikan lang sakin, ayoko ng ganon sir, mas maganda pa po na magpakatotoo sila hindi yung nakikipag plastikan pa sila sakin, bakit ko po nasabi? Halata ko sa kinikilos nila siguro sir napansin niyo po na kahit tahimik lang ako sa klase niyo at nakatingin lagi sa bintana eh wala na kong pakielam sa paligid ko, kaya ko po nalaman na nakikipag plastikan lang sila sakin dahil sa tuwing napapatingin ako sa kanila everytime na nakakasalubong nila ko hindi sila makatingin at nakakarinig ako ng bulungan, napansin niyo rin po siguro na observant akong tao sir.” Paliwanag ng binata

“Parehong pareho kayo, anak ka nga talaga ni Ferdinand” sambit ng guro
“Tama po ba narinig ko sir? Kilala niyo po papa ko?” pagtataka ng binata

“Gusto ko sana ikwento sayo lahat, kung paano ko nakilala tatay mo kaso sa ibang pagkakataon na lang Fred, kung kalian ka libre para hindi abala sa pagaaral mo” sambit ng guro
“Kayo po bahala sir, alam ko na marami po kayong kwento tungkol sa tatay ko” sambit ng binata
“Bigay mo na lang sakin contact number mo Fred, pakisabi sa tatay mo kinakamusta ko siya” sambit ng guro
“Makakaasa po kayo sir, sabihin ko po kay papa” sambit ng binata
“Itext mo lang ako kung kailan ka libre Mr. Morea” sambit ng guro


“Oh bweno Fred, mauna na ko sayo at may klase pa ko sa kabila, basta magiingat ka lagi lalo na sa paligid mo” sambit ng guro
“Sila dapat ang magingat sir!” madiin niyang sabi

Napailing na lang ang guro sa sinabi ng binata, Mayamaya ay lumabas na ng kwarto ang kanyang guro kaya’t lumabas na rin si Fred. Hindi pa siya nakakalayo sa kanyang classroom ay may isang boses ang tumawag sa kanyang pangalan.


“Frederick Morea!”



Itutuloy...
 
Last edited:
Napatigil saglit ang binata dahil may tumawag ng kanyang pangalan, Imbis na iwasan hinarap niya ang tumawag sa kanya.

“Bakit?” tanong pagtataka niya
“May kailangan kang malaman” sambit ng kausap niya

“Ako nga pala si Allan Pampolina, classmate mo sa isang subject” sabay nakipag kamay
“Oo kilala kita” sambit ng binata

“So ano atin Allan?” pagtataka ni Fred
“Mukhang may makaka away ka sa klase natin Frederick” sambit ni Allan

“Pwede ko bang malaman kung sino tinutukoy mo at bakit ko naman siya makaka away?” sambit ni Fred
“Narinig ko kasing pinaguusapan ka kanina ni Raphael saka ni Gerard tungkol sa result ng exam, mukhang gusto kang higitan ni Raphael” sambit ni Allan

“Ah kilala ko siya, Paeng tawag sa kanya di ba?” sambit ni Fred
“Paano mo alam na Paeng sa tawag sa kanya” pagtataka ni Allan

“Hahaha…ano ka ba? Kaya ako tahimik at lagi nasa dulo ng classroom dahil inoobserbahan ko lahat ng nakapaligid sakin, ikaw matagal ko ng kilala. Halos pareho tayo ng personality pero mas vocal ka kesa sakin” sambit ni Fred
“Ah ganon ba? Akala ko hindi mo ko kilala kaya ako na nagkusang lumapit sayo” paliwanag ni Allan

“Wala kang dapat ipaliwanag kasi sa nakikita ko sayo okay ka at hindi ka naiinggit sakin dahil alam kong down to earth ka” sambit ng binata

Ngiti ang tanging sagot ni Allan dahil nagulat siya na kilalang kilala pala ng binata ang kanyang tunay na ugali.

“May lahi ka bang detective Frederick? Alam na alam mo tungkol sakin eh” sabay ngisi
“Lolo ko dating detective pero late ko na nalaman, alam mo ba na hanggang ngayon yung mga kasama ng lolo ko eh andyan lang sa paligid, ibinilin ata ko ng lolo ko sa mga kasamahan niya kaya sa tuwing may mangyayari saking masama hindi natutuloy” kwento niya

“Fred na lang itawag ko sayo, okay lang?” tanong ni Allan
“Okay lang, ikaw bahala kung ano gusto mong itawag sakin” sambit ni Fred

“Fred, tara don tayo sa tambayan ko” yaya niya
“Saan ba yung tambayan mo?” pagtataka ng binata

“Malapit lang tara!” aya niya
“Sige tara!”


Nang makarating sa sinasabing tambayan

“Wow! Ayos pala tambayan mo, ang ganda ng ambiance” mangha ni Fred
“Ako pa lang nakakaalam nito, dito ako madalas after ng klase kasi nakaka relax ang paligid saka hindi nakakasawang tignan ang nasa paligid” paliwanag niya

“Ibig sabihin dalawa na tayong nakakaalam nito” sabay ngisi
“Hahaha….hindi ka nagkakamali” sambit niya

“Teka! Bakit mo pala ko dinala dito?” pagtataka ni Fred
“Mahirap na at baka may makarinig sa pinaguusapan natin alam mo na maraming connection si Paeng” paliwnag niya

“Sabagay” sang ayon ni Fred
“Ano ba gusto mong sabihin sakin Allan?” dagdag niya

Humingang malalim ang binata

“May gusto ako sabihin na dapat tayong dalawa lang nakakaalam, ayos ba sayo yun” sambit niya
“Sige ano bay un?” pagtataka ni Fred

“Mas okay na walang makaalam na magkakilala tayo kapag nasa klase tayo o sa kahit saang lugar just in case magkaron ng pagkakataon na magkita tayo sa isang lugar na hindi natin inaasahan dahil pwede maging bala ni Paeng yun, kagaya ng sinabi ko maraming connection si Paeng pati ata sa Frat at sindikato meron” paliwanag niya
“Ganon ba? Walang problema Allan mas okay na yung ganong set up na gusto mo, kumbaga dito na lang tayo magkita sa tambayan mo just in case gusto mo ko makausap” paliwanag ng binata

“Salamat at naunawaan mo Fred, mula ngayon ako ang magiging mata at tenga mo sa school natin, pwede ko ba mahingi number mo?” sambit niya
“Sige basta ibabalik mo pagkatapos” sabay ngisi

“Hahaha…loko ka rin no? paano pag hindi ko naibalik” sabay ngisi
“Eh di palitan mo na lang hahaha….” Pang aasar ni Fred

“Loko ka rin pala hahaha…” sambit ng binata
“Ano ka ba? Hindi naman ako laging siryoso, kaya ko naman maging kengkoy pag alam ko na kalog din kausap ko” paliwanag niya

“So observant ka rin gaya ko?” tanong niya
“Oo” sambit niya

“Kaya pala lagi kang tahimik” sambit niya
“Pero may times na hindi ako tahimik” dagdag niya

“Ay! Times lang pala, akala ko madalas” sabay ngisi
“Pansin ko nga hahaha..” sambit niya

“Maiba tayo Fred member ka ba isang group sa social media?” tanong ni Allan
“Oo pero sa isang group lang, tingin ko nga member ka rin don eh” sambit ng binata

“Oo pero hindi ako gaanong nakikihalubilo sa kanila kasi halos karamihan ng mga member don kanser” paliwanag ni Allan
“Kanser? Ano ibig mong sabihin” pagtataka ng binata

“Ang ibig sabihin ng kanser ay epal sa lahat ng topic, in short toxic kahit sa totoong buhay may ganong tao, maaring kamag anak mo, pinsan, kaibigan at kung anu-ano pa. sa social media sobrang dami nila at hindi sila nauubos” paliwanag niya
“Hmmmmm…..bakit Allan naka experience ka na ba ng ganong tao sa social media?” tanong ng binata

“Hindi Fred, may nakwento sakin yung isang kaibigan ko na may Bipolar Disorder, escape route niya ang pagsusulat bale matagal na siyang writer akala nga ng iba sikat na siya pero sabi niya accidental writer lang siya na namana niya sa nanay niya yung gift na meron siya pero para sa kanya sumpa yung gift na meron siya kasi doon niya nilalabas lahat ng galit niya sa tao at kung anu-ano pa, marami na rin siyang bad experience lalo na sa forum world kagaya ng naback stab siya ng hindi niya alam kasi may nagkwento sa kanya tapos may nakikipag compete sa kanya sa poetry kahit matagal na niyang napapansin pero hinayaan niya lang pati moderator ng isang forum binangga niya nung hindi makatarungan ang naging hatol sa isang member na akala mo sobrang galing sa poetry eh basura naman lahat ng mga gawa niya, ang nangyari na banned siya sa forum na yun pero bago nangyari yun binawian niya yung taong nang backstab tapos yung nakikipag compete naman sa kanyang self-proclaimed writer eh binawian din niya, ang ginawa niya pinapost niya sa isang co-writer din niya. Natawa nga siya sa nangyari kasi usok pwet nung self-proclaimed writer kasi kung hindi siya affected hindi siya magrereact di ba kaso ayun nag react eh di guilty tuloy siya, walang nagawa yung self-proclaimed writer hindi na nakabawi balita ko nga eh hanggang ngayon hindi pa rin nabura yung poem na ginawa niya, hindi ko rin alam kung bakit siguro hindi pa rin naka move on” paliwanag ng binata

“Nung naging member siya sa isang group sa social media nung una okay kaso habang tumatagal andami niyang nadiskubre kasi hindi maiiwasan na may pasaway meron ding mabait kuno at meron ding may hidden agenda” dagdag niya

“Grabe naman experience ng kaibigan mo, nakakatakot siya mahirap pala siya maging kaaway kasi sa ginagawa niya eh parang unti-unti kang pinapatay ng bawat salita” sambit ni Fred

“Ganon nga sinabi niya sakin Fred, kasi one time nung pumunta ko sa bahay nila naabutan ko siyang nakatutok sa desktop niya at may tina type akala ko gumagawa lang siya ng thesis yun pala nagsusulat pala ang dami nga niyang nasulat” sambit ng binata

“Oi Allan medyo lumalayo ka sa usapan, tuloy mo na yung kwento mo” sabay ngisi
“Ay oo nga hahaha…sorry” sambit ng binata

“Sige tuloy ko, asan na ba ko sa kwento? Ayun nga kagaya ng sinabi ko kanina habang tumatagal siyang member sa isang group sa social media unti-unting lumalabas totoong kulay ng mga member don kagaya ni Andrea Mauriz Javier isang mod sa group pero simula nung naging mod lumaki ulo paano nalaman ng kaibigan ko? May nagsabi sa kanya thru pm at nagsend ng screenshot ang nagsabi kung sino? Walang iba kundi si Percival Merlin okay pa siya nung inadd pa nga yung kaibigan ko pero hindi siya nakikipagusap don kasi sobrang busy niya sa totoong buhay, tapos may isa pang nag add sa kanya si Charlez Aquilino pero hindi niya kinakausap pero one time aksidente niyang tinignan profile ni Charlez nadismaya siya kasi basura lahat ng mga post niya yung iba pa nga eh puro patama na wala namang sense tapos may post pa na kunwari good boy pero may sungay din pala ang nangyari inan follow na lang niya para hindi niya mabasa mga post ni Charlez take note ni like pa niya yung isang post ng kaibigan ko regarding sa karma pero sa isip isip ng kaibigan ko naiintindihan kaya ni Charlez yun o nagpapanggap lang na may alam siya kaya nilike niya pero wala na siyang pakielam don. Nagkaron nga ng issue sa group na kung saan member yung kaibigan ko kasi aksidente niyang nabasa yung pinned post ng isang mod don na si Percival ang tinutukoy kasi paulit-ulit siyang nambabara sa ibang member may screenshot pa nga eh ayun andaming comment, may nagtatanggol sa kanya pero mas maraming nainis dahil sa inasal niya kasi feeling niya untouchable na siya porket pioneer na siya sa group akala naman niya ikinapogi niya yun ang nangyari naka mute siya tapos siya na nagkusang nagleave sa group, after ng nangyari hindi na masyadong active yung kaibigan ko kasi naging busy siya kaya madalang siya magpost karamihan yung mga nagawa niyang art kasi graphic artist trabaho niya, dahil nga naging busy siya hindi niya namalayan na buwan na pala inabot kasi hindi niya napapansin kung ilang araw na ang lumipas kaya nagulat na lang niya nung may nagpm sa kanya na kakilala din niyang member sa group na pati siya nadamay although hindi naman literal na binanggit ang pangalan niya pero matic na siya yun kasi nakilala siya sa catch phrase niyang awooooo kaya ang ginawa ng kaibigan ko nagpm siya kay Percival at sinabi ang totoo, sinabi niya lahat na kilala niya kung sino mga alipores niya at idadamay niya lahat, sinabi din niya na hindi siya natatakot kay Percival dahil hindi siya takot mamatay at kung hindi siya magbabago sa ugali niya baka yun ang maging mitsa ng buhay niya, ang sinabi lang ni Percival nakakatakot daw kaibigan ko pero front lang yun, sinabi din ng kaibigan ko na screenshot niya sinabi ng kaibigan ko para sumikat siya lalo ang sabi lang ni Percival talagang I screenshot ko to dahil ebidensiya to dahil pinagbabantaan daw siya eh sabi ng kaibigan ko hindi rektang sinabi sa kanya, ang pagkakaintindi ni Percival eh papatayin siya ng kaibigan ko sinabi pa ni Percival na walang pakielam sa kaibigan ko ang mga taong tinutukoy niya pero bago yun hinamon ni Percival yung kaibigan ko kung totoo ang paratang niya, hindi nasagot ni Percival yung sined na screenshot ng kaibigan ko don pa lang durog na siya pero hindi nagpatinag si Percival. After ng paguusap nila hindi pa lumilipas ang isang araw ginawa na siyang pulutan sa post ni Percival sa sariling timeline niya natawa na lang yung kaibigan ko sa nabasa niya kasi pinagyayabang niya na sikat siya na kesyo naka 1 million views daw yung music video kung saan nafeature siya, marami ding nagsabi sa kaibigan ko na after mafeature si Percival sa music video eh lumaki ang ulo at feeling niya sobrang sikat na siya, sinabi lang ng kaibigan ko na walang permanente sa mundo sa ngayon nasa tuktok siya pero unti unti siyang mapupunta sa ibaba. Sumawsaw pa sa issue si Andrea Mauriz Javier sinabi niya na pwede isumbong sa cyber crime ang ginawa ng kaibigan ko tapos ito namang si Charlez Aquilino nagyabang pa na kesyo akala ng kaibigan ko wala silang kilalang pulis at nagkamali ng binangga yung kaibigan ko, sumawsaw pa si Joyce Rimo na akala ng kaibigan ko totoong tao yun pala toxic din puro walang kwenta ang mga post pero hinayaan lang niya dahil wala namang atraso sa kanya” paliwanag ni Allan

“May nagkwento pa sa kaibigan ko na pina blotter na siya dahil sa sinabi niya kasi may sinend sa kanyang screenshot yung isang kaibigan niya, sa loob loob ng kaibigan ko panakot lang yan sabi pa niya maniniwala lang siyang totoo ang sinabi ni Percival kung may warrant of arrest na dadating sa bahay niya, nag abang pa ng dalawang araw yung kaibigan ko pero walang dumating, nadismaya yung kaibigan ko at natawa dahil napaka walang kwenta pala ni Percival at puro kayabangan lang ang alam lalo na sa social media kahit si Charlez Aquilino ganon din, si Andrea Mauriz Javier na sumasawsaw sa issue at kumampi pa sa dalawa na akala niya nasa tama yung kinampihan ewan ko lang kung alam na niya na sinuwag siya ni Percival simula nung naging mod siya sa group pero hindi na inalam ng kaibigan ko dahil masasayang lang ang oras niya, nalaman din ng kaibigan ko na sobrang plastic ni Andrea Mauriz Javier in short pakitang tao lang sa ibang member saka halata naman kasi matagal ng napansin yung ng kaibigan ko pero hinahayaan niya lang. Nung mainit pa ang issue sa pagitan ng kaibigan ko at ni Percival at member pa rin siya sa group naisip ng kaibigan ko na magbackfire sa pinagmamalaki ni Percival na sikat na siya at may 1 million views yung music video na inangkin niya pero ang totoo hindi naman talaga sa kanya yun, masyado lang assuming si Percival” dagdag niya

“So ano ginawang hakbang ng kaibigan mo Allan” sambit ni Fred
“Ano pa nga ba eh di ginamit niya yung pagiging writer niya pero matagal na niya nagawa yun, umayon lang sa sitwasyon. Tanyag ang title nung sinulat niya dati nung nabasa ko nga talagang intense lahat ng content na ganito ang nakasulat:

Nagtataka ka kung bakit hindi ako sikat
Simple lang ang sagot
Wala akong gustong patunayan sa lahat

Mas minabuti kong itikom ang bibig
Kahit walang gusto makinig

Kuntento kung ano ang meron
Hindi pwede ikumpara sa karamihan
Na walang ginawa kundi makipagtaasan ng ihi
Para lang masabing sila ang magaling
Ngunit ang totoo tunay silang mga mang-mang

Pilit tinatago ang kahinaan
Hindi marunong tumanggap ng pagkakamali
Pilit inaangat ang kanilang mga sarili
Dahil sila’y mga makasarili

Hindi na hinintay ng kaibigan ko kung ano magiging sagot ni Percival sa ginawa niya kasi don pa lang panalo na siya dahil pag binasa mong maigi ang nilalaman ng akda niya sapul na sapul ang taong tinutukoy niya kahit walang nakalagay na pangalan ganon katindi magsulat ang kaibigan ko kapag may kaaway forum world man o group page walang nakakaligtas sa kanya. Pagkatapos niya ipost yun sa group page after ng ilang araw nagleave na siya para magkaron siya ng peace of mind kasi kahit naman sumagot pa si Percival at pagtulungan pa nila ni Charlez yung ginawa ng kaibigan ko hindi na sila makakabawi, nalaman din ng kaibigan ko na si Charlez eh si boy gatong tapos si Henry Jimenez eh naging katulad na rin nila Percival at Charlez kasi may nagkwento sa kaibigan ko na hindi naman ganon dati si Henry na brainwash lang nila Percival at Charlez kaya naging kanser na rin si Henry lalo na ngayon ang hilig pumutak lalo na sa social media, inadd nga din ni Henry yung kaibigan ko pero inan friend din niya kasi trip lang niya saka naramdaman niyang may something kay Henry which is tama lang ang ginawa ng kaibigan ko, meron pa lang isa si Juan Miguel Isip Gener inadd din yung kaibigan ko tapos out of nowhere biglang nagpm sa kaibigan ko si Juan na unang message pa nga eh kamusta daw, maayos naman sumagot kaibigan ko saka para narin magkaron ng paguusapan at sinabi na bihira na siya magbukas ng account sa social media, out of nowhere sinabi bigla ni Juan na boring na daw sa group which is sinasakyan lang ng kaibigan ko mga sinasabi ni Juan tapos biglang bumanat na balita niya toxic na yung group kaya napaisip yung kaibigan ko, in short hinuhuli siya ni Juan pero hindi nagpahalata kaibigan ko nagtanong pa si Juan sa kaibigan ko na sino sa tingin niya yung toxic, ang sagot lang ng kaibigan ko yung mga newbie kasi karamihan puro pasaway, after nun humirit na naman si Juan ng panibagong tanong kung kaibigan daw yung isang member don sabi lang ng kaibigan ko sakto dahil bihira siya magbukas ng account, ang sagot ba naman eh k****al daw siya nung tinutukoy niyang tao na hindi na pinansin ng kaibigan ko kasi sa unang pm pa lang at mga tanong niya halatang nanghuhuli once magkamali ng sagot ang kaibigan ko kaya nagpm siya isang kaibigan niya tungkol sa pinagusapan nila ni Juan, nalaman ng kaibigan ko na bataan nila Percival si Juan kasi sinend ng kaibigan ko yung screenshot ng paguusap nila ni Juan” paliwanag ni Allan

“Tama lang ginawa ng kaibigan mo Allan, buti nahalata agad niya kasi kung magkamali siya sa mga sagot niya lalong lalaki issue tapos gagawin siya lalong pulutan ni Percival at Charlez” sambit ng binata

“Oo Fred, hanggang ngayon ata ganon pa rin ginagawa nila Percival at Charlez pero hindi na pinapansin ng kaibigan ko kasi masasayang lang oras niya sa mga walang kwentang tao, sa backfire pa lang ng kaibigan ko tapos na agad, inaasahan pa naman ng kaibigan ko na tatagal si Percival pero nadismaya lang siya “small fry” lang pala si Percival” dagdag niya

“Small fry, ano yun?” tanong ni Fred
“Small fry as in pipistsugin, in short walang kwenta” sambit ni Allan

“Ah okay get’s ko na, yun pala ibig sabihin ng small fry” sabay ngisi
“Payo ko sayo Fred kung sakaling mangyari sayo ang nangyari sa kaibigan ko, kung nasa tama ka matuto kang lumaban pero kung alam mong mali ka magpakumbaba ka dahil hindi kaduwagan ang pagiging mapagkumbaba bagkus sign of maturity yun kaya huwag ka gumaya kina Percival, Charlez, Andrea, Joyce, Henry at kay Juan kasi yung mga kagaya nila wala ng pagasa magbago, kaya naging ganon sila dahil na rin sa mga nakapaligid at sa kinalakihan nilang lugar kahit itago pa nila ang mga sariling baho lalabas at lalabas pa rin kumbaga ginusto nila maging ganon pero pag nakaharap mo yung mga kagaya nila hindi nila kaya gawin yung mga sinasabi nila sa social media kasi don lang nila kaya maging matapang” sambit ni Allan

“Oo Allan, tatandaan ko lahat ng sinabi mo sakin, salamat ng marami yung mga nabanggit mo pakiramdam ko parang mangyayari na sa totoo lang” sambit ni Fred
“Ah yung sinabi ko na tungkol kay Paeng, kahit ako Fred ramdam ko na mangyayari yun ang mabuting gawin mo paghandaan mo para hindi ka mabulaga basta basta dahil si Paeng mataas din ang pride nyan pero yung madalas niyang kasama na si Gerard eh parang tuta lang niya pero hindi balakid yun” paliwanag niya

“Sigurado ka ba dyan Allan?” pagtataka niya
“Oo kasi napansin ko na siya yung pumipigil kay Paeng kapag may binabalak siyang masama, parang nagbibigay lang ng advice si Gerard pero hindi naman siya pinapakinggan kasi matigas ang ulo ni Paeng” paliwanag niya

Lumipas ang halos tatlong oras, hindi namalayan ng dalawang binata na lumalalim na ang gabi

“O bweno Fred, uwi na tayo at baka hinahanap na tayo ng mga magulang natin” sambit ni Allan”
“Oo nga eh pero maiintindihan naman ako ng magulang ko kung bakit late na ko makakauwi” sambit ng binata

“O siya uwi na tayo” sambit ni Allan
“Tara na!” sambit ni Fred


Itutuloy....
 
Last edited:
Back
Top Bottom