Nanood ako kanina ng pelikulang pambata, kung saan tinanong ni Santa Claus si Jack Frost kung ano ang sentro ng kanyang sarili kung bakit siya nilikha. Bago matapos ang palabas nadiskubre nya na ang sentro ng kanyang pananatili ay upang magbigay ng tuwa sa mga bata tuwing panahon ng niyebe. Tuwa na tila ba'y kay daling dumapo sa mga musmos, ngunit hindi sa tulad nating nabubuhay sa mabilis na mundo, hindi makawala sa tanikala ng responsibilidad at gapos ng lipunan. Madalas naghahanap tayo ng pansamantalang kaligayahan sa mga bagay na labas sa ating katotohanan. Ating hinahanap ang pansamatalang niyebe na magbibigay ng sandaling ngiti sa ating mga labi ito galing man ito sa mundong tinatawag nating bertwal.
Sabi nga sa dokumetaryo ng Pirate Bay nang tinanong si Peter Sunde kung kailan nya nakilala si Gottfrid at Fredrik in IRL. Sinabi nya na hindi nila ginagamit ang acronym na IRL(in real life) sa halip ay AFK(away from keyboard) dahil ang totoong buhay nila ay nasa Internet. Na kung iisipin mo ay maaring totoo dahil ilang oras ba sa maghapon ang ginugugol natin sa harap ng teklado at montor habang binabagtas ang kung anu mang sulok ng internet gamit ang ating kompyuter. Ito may trabaho, libangan o paraan ng komunikasyon. Idagdag mo ang kung ilang oras na pagtulog, ilan na lang ba ang natitira para sa sinasabing totoong buhay mo?
Magkaminsa'y naipaghahalo natin ang katotohanan at kathang isip lamang, minsa'y mapag iisip ka kung saan mo ba mas gugustuhing humimpil. Sa iyo bang realidad kung saan nakikita mo ang liwanag at dilim ng iyong kahapon o sa iyong imahinasyon na tila na hindi mahalaga ang bukas at ngayon? Ano ba ang mas mahalaga ang mabigat na krus ng buhay na iyong pinapasan o ang hinabi-habing panaginip na tila ba'y hindi mo kailanman mahahawakan. Subali't sa bawat sitwasyon at sa bawat pagkakataon, mayroon katang-tanging eksepsyon. Mga panagip na naging katotohanan, mga kuwentong naging kaganapan.
Ngunit kailangan pa rin nating sagutin ang katanungang...
Saan mo ba gustong humimpil kaibigan?