Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Hindi makontrol na galit - Hypoglycomea or Low Blood Sugar

Astral12

Amateur
Advanced Member
Messages
136
Reaction score
2
Points
26
Mga guys naexperience niyo na ba yung hindi makontrol na galit. Ako kasi kapag nagalit nakakapagsalita ako nang masasakit na bagay. Minsan nasasapak ko ang binti ko o ang pader un bang parang gusto mong ubusin ang lakas mo o saktan ang sarili mo para lang kumalma pero sandali lang naman at nawawala din agad. Lagi kong pinagsisisihan sa huli at iniisip kung bakit hindi ko nakontrol/kinontrol. Since bata kasi ako hindi ko talaga makontrol ang galit ko pero hindi naman madalas sumpungin.

Naghanap ako sa google at nakita ko na Hypoglycomea or Low Blood Sugar ang dahilan ng mga ito pero hindi pa din ako sigurado since hindi pa ako nakakapagpacheckup recently ng aking blood sugar pero nung last na check up ko ay nung 2011 ata :noidea: at yung result eh low blood sugar nga ako.

Hindi ako sure kung may Hypoglycomea lang ako o talagang ugali ko lang yung ganito. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na pipigilan ko yung galit ko pero wala talaga pag andyan na. Share naman kayo kung ganyan din yung naexperience nio. :help::help::help:
 
hahaha ganyan din ako, magmura ka lng ng magmura, libre naman un e keisa bumili ka pa ng gamot. hahaha
 
hahaha ganyan din ako, magmura ka lng ng magmura, libre naman un e keisa bumili ka pa ng gamot. hahaha

Minsan nga gusto kong gawin yan ehh nagkakataon lang kasi na may kasama ako at dun ko nabubuhos ang galit ko. Gusto ko sana kapag alam ko magagalit na ako yun bang pumunta ka sa walang tao at saka ka magsisigaw.
 
Wag ka magmura, ung stress ball na ang, magkano lang naman....

Correct kong Hypoglycemia un
 
dude si incredible hulk ka ba? joke lang :)

mas mabuti pa i konsulta mo yan sa doctor..., mapanganib ang ganyang behavior... para kang si nathan ng walang hanggan... sa sobrang galit napunta sa mental...

advice lang naman dude...
 
ako ts pag galit ako nanununtok ako...
ang ginawa ko, sinunod ko ung advice ni eminem sa kanta nyang love the way you lie
ung part na "next time im pissed ill lay my fist at the dry wall"
meaning pag galit ako, imbes sa tao ko isusuntok, sa pader na lng...
super effective pero ngaun basag na kamay ko, may dalawang buto nabali :upset::weep:
 
Reasonable naman ako magalit yun nga lang hindi ko lang makontrol ang sarili ko.

ako ts pag galit ako nanununtok ako...
ang ginawa ko, sinunod ko ung advice ni eminem sa kanta nyang love the way you lie
ung part na "next time im pissed ill lay my fist at the dry wall"
meaning pag galit ako, imbes sa tao ko isusuntok, sa pader na lng...
super effective pero ngaun basag na kamay ko, may dalawang buto nabali :upset::weep:

So far naman sakin hindi pa pero effective nga yung ganyan.
 
hhahhahah TS ung sinasampal mo ung pisngi mo ng malakas? pag nag sisimula na? or kung anong gawin mo sa sarili mo pag galit ka? tapos minsan kung my hawak ka nasisira?... or kung my gamit na gustong gusto mo tangalin tapos ayaw ei nasisira din? ganyan din ako TS parihas lng tayo... then after a minute kalmado na at titignan ung mga nasira then magsisi
 
Ok yan mga brad..Pampabata yang mga ganyang aksyon..
Hindi kayo tatanda nyan..:lol::lol:
Suggests ko lang sa inyo : MEDITATION..
I google nyo n lang kung paano..
I was once like that.Meditation helped a lot.
 
Sang-ayon po ako dun sa nagsuggest sa meditation. Ito rin po ang aking nirerekomenda. Ang pinakamagandang at angkop na meditation po para sa'yo ay yung tinatawag na Vipassanā (विपश्यना). Subukan mo pong alamin ang tungkol dito, pero mas maganda kung didirekta ka po sa isang Buddhist monk na pamilyar po dito para magabayan ka. Basahin mo muna po iyong mga nasa baba

  1. Practical Vipassana Exercises by Ven. Mahasi Sayadaw
  2. Dhamma Discourses on Vipassana Meditation by Ven. Sayadaw U Kundala
  3. Invitation to Insight Meditation by Ven. Visuddhacara
  4. The Vipassana Retreat by Ven. Pannyavaro
  5. For the Stilling of Volcanoes by Ven. Sujiva

Pagkatapos po nito, pwede mo rin pong isama sa praktis mo po ang Samatha (ཞི་གནས) at ang Mettā-bhavana (loving-kindness, मेत्ता) na malaki po ang maitutulong po lalo na sa pagkontrol po ng nararamdaman mo pong galit. :)
 
ts wala yang connection sa hypoglycemia dahil ang tao pag nagka hypoglycemia ang symptoms ay weak, drowsy and some collapsed, anger management ang kailangan mo.
 
thanks sa inyo guys. So far naman hindi napipigilan ko na pero susubukan kong magmedidate mukhang yan ang kulang sakin kasi pala isip kasi akong tao. :)
 
nakakatakot ka pala bro. minsan ganan din ako meron akong pinagsusuntok di ko napigilan galit ko e.
 
Sir, sa akin... ganyan din ako.. :/ lalo na kung nagagalit ako.. :/
Hindi naman ako hypoglycemic kasi medtech ako nachecheck ko at normal blood sugar ko..
Hindi din ako High blood... Sa tingin ko lang eh.. sa utak talaga yan.. :/ may connection ang pagiging hypo glycemic sa daloy ng katawan at mood natin.. pero sa emotion hindi niya nacocontrol.. kaya calma lang sir.. ako kung ganyan eh.. mag "Exercise" ako para maka relieve ng stress.. XD at itutulog ko.. pag gising ko.. ayun. :D medyo calmado ka na. :D
 
nakakatakot ka pala bro. minsan ganan din ako meron akong pinagsusuntok di ko napigilan galit ko e.

ako natatakot sayo pre nagawa mo na eh :rofl::rofl::rofl:

Sir, sa akin... ganyan din ako.. :/ lalo na kung nagagalit ako.. :/
Hindi naman ako hypoglycemic kasi medtech ako nachecheck ko at normal blood sugar ko..
Hindi din ako High blood... Sa tingin ko lang eh.. sa utak talaga yan.. :/ may connection ang pagiging hypo glycemic sa daloy ng katawan at mood natin.. pero sa emotion hindi niya nacocontrol.. kaya calma lang sir.. ako kung ganyan eh.. mag "Exercise" ako para maka relieve ng stress.. XD at itutulog ko.. pag gising ko.. ayun. :D medyo calmado ka na. :D

nagpatest na ako last year ata. Tama lang naman blood sugar ko. Emotion talaga yung kalaban kaya need ng meditation :chaku::chaku::chaku:
 
I think there's no correlation about your anger and being hypoglycemic. I am a medtech student who studies blood, being a hypoglycemic you should feel weak and restless. Better look for medical assistance, Sir.
 
Back
Top Bottom