Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

How to invest in The Stock Market-Bro. Bo Sanchez tut

Ang ganda ng port ni sir clark a. hehehe. Last august ako nag-open pero so far naglalaro pa lang din sa 2-5k yung gain ko. Aside from the SAM table, ang ginagawa ko ay chincheck ko yung details ng company na balak ko bilhin kasama na yung 52week high and low saka yung fair value. Like for example, nung august september, bumagsak yung PGOLD (puregold) sa 31/share pero ang fair value nya ay 40+ kaya bili agad ako ng marami. Ayun tumaas na ulit sya sa 38/share. Hinihintay ko umabot sa fair value then sell ko na. May tinitingnan din akong website na may detailed analysis ng mga stocks including forecast for the next 12 months.
 
^ slamat sa tip..

share ako ng sam daily tutal lagi nman ako online at sayang membership sa trc, baka mag-unsubscribe den ako next monht..

8843844751_dec15.PNG
 
my portfolio as of today.. Dec 15, 2014
pansinin nyo yung CEB.. i bought it last Nov 20 @ 72.3 p/s .. dahil sa patuloy na pagbaba ng gasolina.. patuloy naman pagtaas ng value nya since mas tumaas ang profit nya at mas maraming investors ang nagiinvest..
Note: hinde ko pinagmamayabang yung port ko.. I just want to inspire other investors lalo na yung nagbabalak pa lang.. the only key is to start early and buy below lang.. happy investing!
50qhrs.png
 
salamat sir clark sa walang sawang pag update. bilib na talaga ko sa TRC kailan lang nila nirecomend yung CEB pumalo na agad sa 88, pede na i sell malapit na sa target price na 90. haha sayang hindi ako bumili. lesson learned.
 
Last edited:
salamat sir clark sa walang sawang pag update. bilib na talaga ko sa TRC kailan lang nila nirecomend yung CEB pumalo na agad sa 88, pede na i sell malapit na sa target price na 90. haha sayang hindi ako bumili. lesson learned.

you still have a chance. new tp is 150. now is the time to buy.
pwd pang mag-250 per share according to COL depende if bababa pa gasolina.
no hype.
 
Re: Philippine Stock Market (With free ebook)

ask lang sir kung saan pwedeng mag open ng account ?
 
Re: Philippine Stock Market (With free ebook)

ask lang sir kung saan pwedeng mag open ng account ?

sa col website, andun instruction.. pwede mo send sa napili mo courier (lbc etc) o punta ka sa office kung mlapit ka sa ortigas o makati..
 
Re: How to invest in The Stock Market-Bro. Bo Sanchez tut --- salamat dito

maraming salamat dito -- soon mag iinvest na rin ako -- keep us posted like this thread --






[
PLEASE DONT FORGET TO SAY THANK YOU SA MGA NATULUNGAN


:thumbsup::thumbsup::thumbsup:[/QUOTE]
 
Re: How to invest in The Stock Market-Bro. Bo Sanchez tut --- salamat dito

JFC @ 200 per share! bili na, biglang taas nito after ng correction.. or baka mas bumaba pa sya.. lol
 
@zagvot - Base on TRC (as of today) buy below is still 78.26 and target price is 90. Stop buying daw muna. Sa COL, new FV was raised to 150.

Nakakaenggencyong bumili nitong CEB. hahahah. pero ilalagay ko na lang pera ko kay PGOLD. namamahalan pa rin ako pag lumampas na sa 50pesos ang stocks. hehehe
 
@zagvot - Base on TRC (as of today) buy below is still 78.26 and target price is 90. Stop buying daw muna. Sa COL, new FV was raised to 150.

Nakakaenggencyong bumili nitong CEB. hahahah. pero ilalagay ko na lang pera ko kay PGOLD. namamahalan pa rin ako pag lumampas na sa 50pesos ang stocks. hehehe

oo nga kaya... sayang di ako naka bili nung una sa CEB ang bilis tumaas ng presyo eheheh...
LRI at SMPH nalang siguro...

@all Minimum Boardlot ba binibili niyo or kada 15 eh isang stocks lang binili (2.5k lang kasi kada 15days kaya ko eheheh)
 
ako kasi, kung anu mura dun ako bumabawi, or hanggat buy below ang pagbili mo hinde ka lugi pagdating ng araw.. tinitingnan ko din yung percent growth ng isang stock lets say LRI, ang expected percent growth nito as we speak is 66.84%. , MER is 35.29% , so common sense nalang kung san ka mas kikita.. edi dun nako sa LRI, pero hinde ibig sabihin nun ibubuhos ko lahat ng pera ko sa LRI.. ibig sabihin lang ay malaking portion ng monthly savings ko ay iaalot ko dun..

malalaman mo kung sagad sa mura ang isang stock through charting, example natin itong JFC from bloomberg website.. http://www.bloomberg.com/quote/JFC:PM

http://i57.tinypic.com/27xez3q.jpg


pag knlick nyo yung 1Y na range, makikita nyo yung buong chart since last year or since Nov 4 2013.. makikita natin na yung lowest nya is 151 or 150.8 to be exact (based on 52week range).. dun ko naiidentify kung mura talaga ang isang stock or sobrang baba, pero malabo na siguro bumaba pa yan sa 151 since uptrend nga ang market..

- - - Updated - - -

oo nga kaya... sayang di ako naka bili nung una sa CEB ang bilis tumaas ng presyo eheheh...
LRI at SMPH nalang siguro...

@all Minimum Boardlot ba binibili niyo or kada 15 eh isang stocks lang binili (2.5k lang kasi kada 15days kaya ko eheheh)

gnagawa ko yung sinabi ni clark_styx dati.. bumibili ako basta't below buy price, sa palagay kong mura un at kaya ko sempre.. kapag may target naman ako, halimbawa AC.. ipon muna hanggang maka buno ng pang minimum boardlot.. minsan may ilang cut off akong hindi bumibili para makapag giveway sa stocks na trip ko.. most importantly, sundin mo si SAM para safe ka.. :)
 
Last edited:
Magandang basehan din itong advice ni sir catfood sa thread na ito: http://www.symbianize.com/showthread.php?t=981149&page=3 iquote ko lang sya:

"that if my chosen stock is level 1 - i make sure that i have no less than 100,000 units in my portfolio

level 2 = my minimum of 1,000 units

level 3 = my minimum of 1,000 units also"


Ibig sabihin, dapat iweightdown mo muna yung balak mong paglagyan ng pera. Kung limited lang ang pera mo, better na magstick ka sa mga small stocks (not generally penny stocks). Sample computation nya:

"halimbawa 20K pera mo at ang stock price ay 2K isa . . . = 10 units

10 units tumubo ng 15 pesos - 10 X 15 = 150

compare mo naman sa level 1 stock

na ang value ay 0.15 lang pero makakabili ka naman halimbawa 100,000 units or more

0.15 naging 0.17 may 0.02 kang gain

100,000 x 0.02 = 2000

so you decide which is better?"


Ganito din yung basehan ko kaya ayaw kong bumili ng stocks na higher than 50pesos.
 
Last edited:
Ano computation kung the other way around? Bumaba, hindi tumubo. Magkano ang mawawala?
 
@gabotron - Halos pareho lang ang computation. Lets say may 1000 shares ako kay PGOLD at ang average noong binili ko ito ay nasa 35pesos so ibig sabihin ay 1000x35 = 35000 yung value ko. E biglang bumagsak si PGOLD at naging 30pesos na lang. Kung icocompute ang loss 35-30 = 5pesos/share ang lugi ko. Kaya 5pesos x 1000 shares = 5000 pesos ang loss mo.
Wag kang matakot na bumaba ang stock price kasi natural naman na nagpafluctuate ang market. At isa pa, uptrend talaga in the long run lahat ng stocks (unless mabankrupt ang company). Medyo bagsak lang sa ngayon ang stock market dahil sa correction pero dapat mas maengganyo ka dahil ibig sabihin nito ay SALE ang stock market. hahaha..
 
Maam wait muna sa market,, do not enter immediately,, the market is in correction,, pag nabasag ang 7000 level may possibilities n 6800 ang next support,, dun k bumili,,

tiyak wala k pang avg down incase the market falls down again,, nasa wave (a) n ata,, so pwdeng bumaba pa

a ang stock price kasi natural naman na nagpafluctuate ang market. At isa pa, uptrend talaga in the long run lahat ng stocks (unless mabankrupt ang company). Medyo bagsak lang sa ngayon ang stock market dahil sa correction pero dapat mas maengganyo ka dahil ibig sabihin nito ay SALE ang stock market. hahaha..

sir @sopiaoAsado,naeengganyo akong bumili ngayon dahil sa sinabi nyong SALE,kaso lang,sabi nyo ngang dalawa ni sir @chrisjohn123456,nasa correction ngayon ang market,ayon nalito tuloy ako,Shakespearean soliloquy,to buy or not to buy hahaha..please update nyo sana kami kung kelan maganda nang pumasok. THanks.
 
Back
Top Bottom