Guys ask ko lang if tama ba pagkakaintindi ko dito sa Investment on Stock market
First you need to have a capital of 5k para makapag open ng account at makabili ka ng stock of a certain company
Ung 5k pesos kaunting stock lang mabibili nun kaya kaunti lang ang share mo sa dividend kapag maganda performance ng company kaya need mo mag invest ng additional money and combine it with your dividend para makapag invest ng mas maraming shares for more income (tama ba)
Pano kapag lugi? Wala kang matatanggap na dividend o mababawasan ung 5k na investment mo?
If halimbawa medyo malaki na ung kinita mo pede mo na ibenta ung old shares mo at bumili ng mas mahal na mga shares which yield more income (tama ba uli)
Ung dividend na kikitain mo will be credited to your account? halimbawa medyo malaki na pede mo b ito withdrawin anytime?
basically tama naman. clarify ko lang din:
1. as for opening an account, di mo need un 5k. makakapagopen ka ng account kahit ala pa un. pero to start investing, need mo ng pera. which is sa COL e 5k ang minimum nila. (not sure sa ibang broker).
2. since 5k lang initial mo, tama ka na kaunti lang ang mabibili nyan. pero depende pa din sa company na kukuhan mo ng stocks. kung 2PHP lang price non stock/share e marami rami na din yan and pag nagdeclare ng dividend, marami rami yan. so kung mas marami kang pera, mas marami kang shares hence more "possibility" of income.
3. ang dividend di yan regular at di lahat ng company e nagdedeclare ng dividend. so pwedeng meron ka this year, then ala last year. dyan ngayon papasok un kikilalanin mo un company na papasukan mo. so chances are, pag lugi un company o kaya e mababa ang income nila, then alang dividend. pero di naman don natatapos un chance mong kumita.
4. aside sa dividend, kikita ka din sa paglaki ng value ng stocks mo. to give an example, ang stock ng Jolibee non 2010, i believe e less than 50PHP lang. halimbawa un 5k mo that time e binili mo lahat ng Jolibee stocks (100 shares), then hinold mo lang. hanggang last week which ang price na nya eh 180+/ share. un 5K mo noon e 18k n ngayon. wala pa don un dividend.
5. pag kumita ka na at naisipan mo ng ibenta mga shares mo, nasayo na un kung ano ulit ang gusto mong bilhin. bigger price ng stocks does not guarantee higher income. pero kung ang titingnan mo e un percentage, yes mas malaki sila. kase kung naginvest ka ng 5k tas kumita xa ng 10%, 500 lang yan. compare sa 50k na 5k agad ang 10%. gets?
6. and lastly, lahat ng kikitain mo e credited lahat sa account mo. dividend, proceeds ng sales, pati un amount na di mo napambili. as long as di xa nakatali sa stocks, pwede mong withdrawin anytime (subject sa process ng broker).
NOTE: un amount lang na nakatali sa stocks ang kikita at malulugi ha. pero ang alam ko, sa BPI Trade e un di mo nagagamit na amount e nageearn pa din ng interest (di ko sure yan. research mo na lang).