- Messages
- 504
- Reaction score
- 1
- Points
- 28
basically tama naman. clarify ko lang din:
1. as for opening an account, di mo need un 5k. makakapagopen ka ng account kahit ala pa un. pero to start investing, need mo ng pera. which is sa COL e 5k ang minimum nila. (not sure sa ibang broker).
2. since 5k lang initial mo, tama ka na kaunti lang ang mabibili nyan. pero depende pa din sa company na kukuhan mo ng stocks. kung 2PHP lang price non stock/share e marami rami na din yan and pag nagdeclare ng dividend, marami rami yan. so kung mas marami kang pera, mas marami kang shares hence more "possibility" of income.
3. ang dividend di yan regular at di lahat ng company e nagdedeclare ng dividend. so pwedeng meron ka this year, then ala last year. dyan ngayon papasok un kikilalanin mo un company na papasukan mo. so chances are, pag lugi un company o kaya e mababa ang income nila, then alang dividend. pero di naman don natatapos un chance mong kumita.
4. aside sa dividend, kikita ka din sa paglaki ng value ng stocks mo. to give an example, ang stock ng Jolibee non 2010, i believe e less than 50PHP lang. halimbawa un 5k mo that time e binili mo lahat ng Jolibee stocks (100 shares), then hinold mo lang. hanggang last week which ang price na nya eh 180+/ share. un 5K mo noon e 18k n ngayon. wala pa don un dividend.
5. pag kumita ka na at naisipan mo ng ibenta mga shares mo, nasayo na un kung ano ulit ang gusto mong bilhin. bigger price ng stocks does not guarantee higher income. pero kung ang titingnan mo e un percentage, yes mas malaki sila. kase kung naginvest ka ng 5k tas kumita xa ng 10%, 500 lang yan. compare sa 50k na 5k agad ang 10%. gets?
6. and lastly, lahat ng kikitain mo e credited lahat sa account mo. dividend, proceeds ng sales, pati un amount na di mo napambili. as long as di xa nakatali sa stocks, pwede mong withdrawin anytime (subject sa process ng broker).
NOTE: un amount lang na nakatali sa stocks ang kikita at malulugi ha. pero ang alam ko, sa BPI Trade e un di mo nagagamit na amount e nageearn pa din ng interest (di ko sure yan. research mo na lang).
thank you very much sir for answering some of my queries, plan ko na rin pasukin itong stock market, syang kasi ung pera na natutulog lang sa banko tapos liit ng interes, by the way un mga tanong ko is about stock trading (buy and sell of stock) how about stock investment?
pano ka kikita sa stock investment? same principle ba sa stock trading? ang alam ko is long term sia at monthly need mo magdeposit ng certain amount..
Thanks na rin po sa mga sasagot
Last edited: