Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

How to invest in The Stock Market-Bro. Bo Sanchez tut

newbie here.. ask ko lang kung pwede ba mag buy and sell kahit closed ang market? parang sa virtual.
 
newbie here.. ask ko lang kung pwede ba mag buy and sell kahit closed ang market? parang sa virtual.
Ang brokers ko ay COL at Philstocks. Walang virtual simulation. You have to execute an actual order at hintayin mo kung anong mangyayari once the market opens.

Sa COL, pwedeng mag-buy/sell through Off Hours Order (also known as ATO). You can order between 6:01 PM and 8:55 am the next day. Your orders will be executed at market pre-open (9:15-9:30 am). Market opens at 9:30 am and 1:30 pm.

Sa Philstocks naman, only through Good Til Cancelled Order (GTC). Ang GTC options ng Philstocks ay GT(Week), GT(Month), GT(Year).

Ano ang kaibahan ng ATO at GTC orders? Ang ATO, i-execute sa pag-open ng market. Kung walang match, the order will be cancelled. Ang GTC naman, the order will stay as long as the time or price condition is not met.
 
Ts nice sharing. Sana po my tuitorial sa pag manage ng stocks. Gusto ko matutunan ito.
 
newbie here.. ask ko lang kung pwede ba mag buy and sell kahit closed ang market? parang sa virtual.

Pwede ka po mag buy and sell kahit close ung market using the OFF HOURS ORDER, hanapin mo lang un O-H Order tab katabi ng Portfolio Tab, then dun pwede ka mag place ng entry mo kahit close ung market, once mag open ung market COL will match our order if same parin ung price mag tutuloy ung order mo if not they will notify you. :) happy investing God bless
 
may pdf po ba kayo ng the trading code by jason cam? pashare naman po. tia
 
Salamat lodi another newbie question.. bali ang price po e closing price dba ma eexecute po ba agad or ipipila pa po sa opening ng market? Pano po pag nag gap up/down?
 
kakastart ko palang sa stock market napakahirap talaga hindi mo alam kung anong bibilhin at kung kailan mo ito ibebenta. Napakahirap aralin yung basics ng stocks kailangan atang may mentor ka talaga. marerecommend niyo po bang sumali nalang ako sa Truly Rich Club ni Bo? or other na pwedeng makatulong sakin basis or guide ko. Salamat!
 
Long term po ang strategy ni Bro. Bo. Ang tip po ni Bo ay huwag masyadong mag-alala kasi di naman pipitsugin yung mga kumpanya na pinipili nila. Di maba-bankrupt ang mga yan sa isang iglap.

May Buy Below price po yung stocks table ng TRC para signal sa iyo na bili lang nang bili habang mababa pa.

Ang problema po kasi ng karamihan sa atin ay di natin nakikita ang konteksto o ang kabuuan ng stock market. Di natin alam kung saan nanggaling, kaya di rin natin alam kung saan patungo.

Isang halimbawa po, yung PLDT o TEL ay Php 22.17 noong January 30, 1984. Ngayon po ay anlaki na ng ibinaba ng stock na yan (from Php 3,486 down to 1,500). Kung apat na dekada mo pong hinawakan ang stock na yan at bili ka lang nang bili nung 80's at 90's, sa tingin mo po ba ay iiyakan mo pa ang presyo niya ngayon?

Ito po ang monthly chart ng stock market index natin simula 1985 hanggang sa kasalukuyan (February 22, 2018). Ang pinapakita po diyan ay kung nag-hold ka ng stock na blue chip for at least 10 years, may makukuha kang tubo kahit papaano.

Ang financial markets po ay parang alon. Minsan pataas, minsan pababa. Sa long term goal, huwag po masyadong ma-distract sa maliliit na alon.

ZBndCzL.png
 
https://i.imgur.com/ZBndCzL.png

salamat po sa iyong pagpansin sa aking post. So recommended din po pala na sumali ako sa TRC ni Bo? yun po kasi napapanuod ko sa youtube hindi mo nakailangang magaral pa ng stocks kasi may sam table silang binibigay as guide ng members. Laking tulong rin po para sa katulad ko na baguhan sa stocks at walang oras para magaral. Salamat.

- - - Updated - - -

Halimbawa nagmember po ako sa TRC anong pong pinagkaiba ng SAM Table sa Investment guide ni Colfinancial. Saka ano po pang pinagkaiba ng Stock sa mutual fund na nasa Sam Table ni Bo Sanchez. Mraming Salamat po.:help:
 
Depende po sa iyo yan. Pwede ka pong mag-subscribe ng isang buwan, isang taon o hanggang kaya mo. Wala naman pong lock-in period ang membership ng TRC.

Mali po yung pananaw ninyo na di na kailangang mag-aral ng stocks kasi may SAM table na. May company updates rin po sa Stocks Update newsletter. Yung mga numero po dun ang kailangan ninyong pag-aralan. Halimbawa, ano ba ang ibig sabihin ng revenue, net income, market cap, dilution? Does a lower value mean it's good or bad?

Diyan po papasok ang pag-aaral, kahit dahan-dahan lang. Huwag ka pong papayag na sunud-sunuran ka lang palagi sa mga nirere-komenda nila. Yung pong tinatawag na herd mentality ang dahilan kung bakit maraming naha-hype sa mga stocks.

Tsaka parang ampangit naman po kung halimbawa, 5 years from now, manghihikayat ka ng stocks sa kamag-anak o kaibagan at ang idadahilan mo lang ay: kasi recommended ni Bo Sanchez.

-------------------------------

anong pong pinagkaiba ng SAM Table sa Investment guide ni Colfinancial
Sa pagkakaalam ko po, si Mike Viñas na stock picker ng TRC ay Corporate Accounts Officer ng COL. Sila po ang assigned sa mga seminars.

So parang lumalabas po na yung SAM table ay personal picks ni Mike at ang Investment Guide ay stock picks ng COL Research team na pinamumunuan ni April Lynn Tan.

-------------------------------

ano po pang pinagkaiba ng Stock sa mutual fund na nasa Sam Table ni Bo Sanchez
Isa pong alternatibo para sa mga COL investors ang mutual fund. Dati po kasi, ang mga fund na yan ay isa-isa mo pang a-applyan sa mga kumpanya kung nasaan ang fund. Halimbawa, mag-fill up ka ng application form sa Philequity kung gusto mong pumasok sa Equity fund nila. Fill-up ka na naman ng application form sa Metrobank kung gusto mong pumasok sa First Metro Equity Fund, and so on. Ngayon po, you have access to funds from Philequity, BPI, Metrobank, ATRAM/Maybank, Sun Life and Philam with a single COL account.

Ang mutual fund po ay group of stocks at iba pang securities na aktibong mino-monitor ng isang fund manager. Hindi na po kailangang mag-stock picking ng TRC diyan kasi yung fund manager ang may control. May bayad po ang fund manager, pero di mo na mapapansin yun kasi kinukuha na dun sa investment mo ang porsiyento niya.

Ang maganda sa mutual funds ay nagkakaroon ka rin po ng limited access sa mga non-stock securities tulad ng Bonds, Money Market at Foreign Currencies. Ika nga nila, Don't put all your eggs in one basket.
 
Napakausefull po ng mga sinabi mo sakin sir Gabotron pwede po ba akong magpatulong sa inyo gusto ko sanang magpaturo sa kalakaran ng stock market. Kailangan ko po ng guidance ng mentor baka pwede pong makuha FB account mo or any way na makachat ka. Godbless po. SAlamat.
 
Pasensya na po at wala akong panahon sa mga ganyan. Wala din po ako sa posisyon na magturo sa iyo kasi di naman po ako expert. Simpleng investor lang po ako na mas nauna lang kaysa sa iyo. Lahat po tayo dumaan diyan. Andiyan po si Bo Sanchez kung gusto mo ng mentor.

Di po ako mahilig magbasa ng libro, pero nagsimula po ako sa libro ni Bo na My Maid Invests In The Stock Market at ni Kiyosaki na Rich Dad Poor Dad. Diyan po nagsimula ang financial literacy journey ko. At marami din po ang tulad ko na nagbasa ng mga sikat na libro na yan.

Simpleng payo ko lang po: Learn at your own pace, at your own time. Wala pong exam dito at lalong walang deadline. Mas maganda nga po kung nalugi ka kaagad sa unang stock mo - kasi failure is the greatest teacher.
 
Sige po salamat po ng marami. OPO GUSTO KO RIN SANANG MATUTO SA KALAKARAN kaso hindi ko po talaga alam kung paano magsisimula. Nagbabase nalang po ako sa sam updates dito sa thread. Saan po ba kayo natuto sir? May reference po ba kayo? Anyway long term naman po ang gusto ko hindi naman po active trading kasi alam ko napakahirap aralin nun.
 
Suggestion ko po na magsimula ka rin dun sa My Maid Invests In The Stock Market. Nasa page 1 po ang download link ng PDF ni TS. Parang stock market at financial literacy basics na rin po yun.
 
same parin po yata ang laman ng previous sam table. no need to update.
 
Back
Top Bottom