Ika Dalawang Baitang
PART 1
*soundtrip sa umaga "Pag-Agos by: UpDharmaDown" Year 2005
Unang araw sa hayskul.
Lunes alas-6 ng umaga, shit.
Inaantok pa ako.
Mag painit ng tubig pang ligo, inom ng milo. Nag
hahanda para sumabak sa unang araw ng pagiging
ika dalawang baitang na estudyante.
Saglit na hihinto sa tindahan ng tinapay para bumili
ng pandesal. Mainit, mura (50 cent isa), pang
masa. Masarap.
Papasok sa eswelahan. Ang aga pa, gusto ko na umuwi.
Sabay sabay na dumadating ang mga estudyante.
May tumatakbo,sumisigaw,nag haharutan at kung
ano pang kabalbalan na mapapaisip ka nalang kasi
ang aga pa pero . . . punyeta, beastmode agad sila.
Flag ceremony at kung ano pang announcement
ang bumungad sa unang araw ng pagiging
sophomore ko. Expected na to.
Sa tingin ba nila may pake ako sa mga pinag
sasabi nila? Wala.
Nasaan kaya ang magiging silid ng "karunungan"
ko? Ang lugar kung saan ako bubuo ng isang
makabuluhang istorya habang may nag tuturo na
guro. Tulala sa bintana habang nakatingin sa langit.
Hindi ako mahilig makipag salamuha sa mga tao.
Ayoko sa mga maiingay at makukulit kong ka klase.
Mas gusto ko ang mag basa ng libro at mag masid
masid, tinitignan ang mga tao na nakapaligid sa
akin habang inuunawa ang mundo at ang pag iisip
ng mga tao. Magulo.
Wala akong naging "kaibigan" nung unang taon ko
dito sa iskwelahan na ito.
Kakain mag isa sa canteen, at pagkatapos ay mag
babasa ng libro sa kung saan may pinaka tahimik
na lugar sa loob ng eskwelahan. Sa sulok ng silid
aklatan. Doon ay maari kang mag lakbay sa mga
lugar na hindi mo napupuntahan. Ang tanging
kailangan mo lang ay libro at imahinasyon.
Lumipas ang 3 buwan, paulit ulit lang.
Pero teka, parang may iba.
Ang alam ko ay paraiso ko lamang ang sulok na ito
sa silid aklatan.
Pero sino itong babae na to?