Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

is my wife cheating or not? pa advice naman po

Status
Not open for further replies.
Dun po nagsabi n kung pwede i post nya s FB ung story ko, pls don’t, ung mga kwento ko po are factual events, ayaw ko namang ma-identify ako ng mga officemates ko at kaawaan, pls leave me some pride.If already there, paki-alis po.
Eto po mga nangyari these past few days, d2 pa rin ako s office, talagang nagpapagabi ako b/c i don’t wanna go home and here I am posting again.
By 4:30pm Sun, I was already home. I rcved a txt from my wife kung d daw ako pagod, sunduin ko n lang sya s work. Txtd my friend rightaway at sabi ko punta n ko s kanila. Over a 4 bottles of beer , he told me what he saw Wed early morning, bet 5 to 6am, paalis sya, pupuntahan nya daw utol nya s Crame. Bubuksan nya sana gate para ilabas ung car nila ng biglang me humintong sasakyan s may tapat nila. Ung kalye nga po pala namin is dead-end n ung kanto, dun kami malapit, kaya ung mga papunta sa amin i/o ideretso ung sasakyan nila is bumababa n lang s kanto kung hindi rin lang taga roon, kc maraming car na nakapark dun sa kalye at masikip para magmaniobra ng sasakyan. Bumaba raw s sasakyan ung wife ko, then another girl & guy, then ung driver bumaba rin at pinigilan ung wife ko sa braso. Ung friend ko hindi na raw nya ibinukas ng diretso ung gate nila kc parang me lovers quarrel daw, so silip n lang sya. Parang nagsosori daw ung guy pero d nya gaanong madinig, pero nung lumakad ung wife ko paikot ng sasakyan pinigilan ulit nung guy at dun na natapat s gate nila. Eto daw nadinig nya walang labis walang kulang, dun daw nya nakita ung face ng girl na talagang ung wife ko, sabi daw nung guy “pls sori na, paano na tayo, paano na ko, patawarin mo na ko pls, me sinabi pa raw ito n “umaasa ako e”. Ung wife ko raw galit at sabi wag syang hawakan. Ung isang girl daw biglang lumapit, galit din at sabi “ Sir, pwede ba, tigilan nyo n kc c (name ng wife ko), me asawa na ung tao..” Ung isang guy daw, ala lang, nakatingin lang, marami daw dala, me kaldero pa. Bumitaw daw naman ung guy n kausap ng wife ko napahiya daw cguro dun s isang girl. Ung wife ko diretso lang ng lakad pauwi s amin di lumilingon, kasunod ung dalawa pa. Nung pinaandar daw nung guy ung sasakyan dun agad sya lumabas, kinuha daw nya ung plate#, inabot pa s akin. Yung pisngi ko namumula n s galit, isip ko me nangyari talaga, sabi ko s friend ko tnx, susunduin ko n misis ko at kung pwede s amin lang ‘to. Pinapakalma ako ng friend ko, hintayin ko n lang daw c wife at sa bahay n raw mag-usap. Pero ung galit ko di ko nmapigilan, kaya ung friend ko inoffer n lang ung car nila, samahan daw nya ko.
Mga 7pm nasa mall n kami, diretso ako dun sa lugar ng wife ko, kita nya sa mukha ko ung galit, sabi ko mag-undertime sya, hindi ako aalis dun at hihintayin ko sya. Nakita ko ung takot s face nya, saglit lang daw papaalam sya. Biglang lumapit ung friend ko tinuturo ung guy malapit s escalator n nakatingin s amin, un daw ung nakita nya. P*&%^, c kamote nga, ung mukha ko pulang pula n cguro s galit noon, ganun kc ako lalo n pag nakainom. Nung lingunin ko parang namutla, at pababa ng escalator c loko. Habol ako, kasunod ung friend ko. Ambilis ni kamoteng lumakad nakahalata cgurong ako ung asawa ng nilalandi nya. Sigaw ko “pare saglit” pero diretso pa rin ito, nagmura na ako “pi naman e, saglit sabi”, alam ko nakakatawag n ako ng pansin ng ibang tao pero wala kong pakelam, c gago nakalusot s employees entrance, me guard doon, pinigilan ako, bawal daw, sabi ko kkausapin ko lang ung pumasok, ayaw talaga. Noon ko lang napansin dumadami ng tao sa paligid, wife ko nasa likod ko n pala umiiyak, sabi ko uwi n kami. Sasabihan nya lang daw si Ate G, para ipagpaalam sya. Hinintay ko n lang sya dun sa isang corner. Sa kotse d ko mapigilan galit ko. Sabi ko akala mo cguro di ko malalaman na di ka pumasok nung mga nakaraang araw (though hindi ako sure), may nakakita sa yo nung Wed, may naghatid din sa yo pauwi, ba’t ang dami-dami mong lihim sa akin, ano bang kasalanan ko s kanya, na kung gusto n nyang sumama dun ke kamote wala n kong pakelam, hakutin na nya gamit nya at magsama cla sa impyernong mga p.i nila.Iyak lang ng iyak ung wife ko, wala raw silang relasyon di daw sya ganun. Ayaw namang mangatwiran iyak lang ng iyak, pnakalma n ko ng friend ko, sa bahay n lang daw namin pag-usapan.
Sa bahay 2loy ung galit ko sabi ko, “pi, ano? naiputan mo n ko s ulo, sabi ko antanda-tanda n nun a, malaki p tyan (kc napansin ko, me tyan n c kamote), pera ba, kaya ko ring kitain un ah. Ung sama ng loob ko noon, parang naiiyak n ako, sabi ko magsama n clang 2, binuksan ko ung cabinet naming at inihagis s kanya mga damit nya, sabi ko lumayas n sya. Yung wife ko diretso lang ng iyak dun sa dulo ng sofa, hayaan ko daw syang magpaliwanag. Ano n naman sabi ko, lulusutan mo n naman ako, ggwin mo n naman akong tanga, 2loy 2loy lang salita ko. Nung medyo kumalma ako dun sya nagsalita. Eto ung kwento nya, nung Tues daw, talagang iniiwasan nyang magsolo silang dalawa, lagi sya s tabi ng friends nya, nagtxt p raw ito, na usap cila pero d nya pnancin. Nung ngtxt daw sya s akin na matulog n ko noon, nagpaalam n sya kna Ate G kc nga nahihilo n sya, inaya daw nya ito n magshower n cila para mkapag-rest n, cge daw sabi ni Ate G susunod n sya kc kumakanta p ung bf, last 2 song n lang daw. Ung isa daw nilang friend e kausap ni kamote kaya d na nya inaya. Ung CR daw is, walang pinto pero, may ihian ng boys s loob, may 3 cubicles w/ door, 2 dito shower rooms, ung isa wlang shower, toilet seat lang. Maliligo n sya ng kinatok ni kamote at inaabot ung cp nya n nklimutan pala nya. Nung bahagya daw nyang buksan para abutin ito, itinulak daw ung door, pumasok, bigla syang niyakap at ang sabi mahal n mahal sya at bakit siya pinapahirapan. Sinara p daw ung door at pilit syang hinahalikan. Di daw nya alam ang gagawin buti n lang daw at sumunod c Ate G at pilit pnabubuksan ung pinto. Sinenyasan p raw sya ni kamoteng tumahimik pero tinabig nya ito at binuksan ung pinto. Dun n raw sya umiyak k Ate G, c kamote walang imik daw na umalis. Sagot ko k wife me nangyari ng ganun pero wala syang sinabi s akin. Bakit di sya sumigaw, bakit di nya hinintay ung mga kasamahan nya bago magshower and of all things ung cp maiiwan nya e lagi nga nyang dala? ang dami kong butas n nakikita s kwento nya. Tinanong ko rin kung nakitaan ba sya ng katawan ni kamote, hindi daw, nakadamit p raw sya. Sabi ko so hindi k nga pumasok nung mga nakaraang araw at di mo sinabi s akin, at kung hindi pa may nagbalita sa akin n nakita ka di mo rin sasabihin. Natatakot daw sya baka magwala ako pag nalaman ung nangyari, baka kung ano ang gawin ko. Kaya di siya nakapasok talagang sumama pakirandam nya s nangyari, at ayaw nyang makita ung bisor nila. Sabi ko sabi mo ung cp mo na nabasa at nasira, so di rin totoo yun? tanong ko ulit. Di raw, nawalan daw talaga sya ng ganang sumagot kahit s anong txt o tawag nung araw n un. Pusa, labo talaga, kailangan bang isa-isahin ko p ung mga kasinungalinan nya, ano p bang mga di ko alam? tanong ko, kc sabi ko, di ko na alam kung maniniwala pa ako s ‘yo, andami mong itinatago. Wala daw cila talagang relasyon, maniwala daw ako, sorry daw s paglilihim nya. Sa inis ko, lumabas ako ng bahay parang di ako makahinga, dun ako nag-stay s may gate namin. Bumili ko ng beer s tapat, at uminom pero di ako pumasok ng bahay, pumasok lang ako ng gate at naupo s harapan. Mga 11pm, me kumatok, si Ate G, worried lang daw sya. Sabi ko walang nagyari dun s kaibigan nya, buhay pa. Pinagbuksan ko ng pinto, nasilip ko ung wife ko, andun p rin s pwesto nya, umiiyak p rin, ung mga damit n ibinato ko andun pa rin. Pumasok c Ate G, nag-usap cila, wala akong nadinig, sinarahan ko kc ung pinto pagkapasok nya at bumalik s pwesto ko, sa isip ko, bahala kayo, magkutsabahan p kayo. After mga 20min cguro lumabas ito, lumapit s akin, kung pwede raw kaming mag-usap. Wala daw talagang relasyon ung wife ko at c kamote, sa kanya raw lagi nagco-confide wife ko. Nung pinagtsitsismisan n raw ung 2 tungkol s closeness nila, sinabihan nya ung wife ko tungkol doon, umiiwas daw naman ito pero c kamote lang ung talagang lumalapit. Close daw ung group nila at since di naman maiiwasan talaga since same work at superior nila ito, nakikiride-on lang ung wife ko. Wala akong tinatanong pero tuloy ung pagtatanggol nya sa wife ko. Nung Wed daw, nung magpaalam ito na magsho-shower na, sinabihan sya n sabay n cila, pero kumakanta p nga ung bf nya. Sa isip ko saktong-sakto ung mga kwento nya kung ano ung sinabi ng wife ko ah. Pinauna nga nya to at sinabing susunod n sya. Katabi nya daw ito at napancin nga nya na naiwan ung cp, nung tumayo daw ung wife ko, nakatingin c kamote, at napancin din ung cp ni wife at sabi sya n ang magbibigay kasi na-c-CR din sya. Nag-excuse daw ito dun s isang friend nila at sabi babalik sya, saglit lang. Natapos n raw ung 2 song nung bf nya, d pa rin nabalik c kamote kaya sumunod n sya. Narinig nga daw nya ung ingay sa shower room kaya talagang kinatok nya, nagulat nga sya andun c kamote s loob at wife ko. Umiiyak daw c wife kaya alam nya n malamang binastos ito ni kamote. Iyak raw ng iyak ung wife ko at nag-aaya ng umuwi. Sinabi nya daw ito sa bf nya pero wala nga raw silang masasakyan kc madaling araw na. Bakit daw naman cila nagmamadali e uuwi rin cila ng mga 4am. Di raw nya masabi s bf nya ung problema. Pagbalik nga raw niya sa room nila, umiiyak pa rin wife ko. Mga 4am daw umalis n cila ng Laguna pero inihatid p daw nila ng bf nya sa bahay ung wife ko, kahit mauna sila dapat bababa, para di maiwan k kamote ung wife ko. Sakto n sana ung kwento nya, pati s kwento ng friend ko, kaya lang naitanong ko, ano suot ni wife nung makita nya sa loob ng banyo ung wife ko at c kamote. Dun ito medyo natigilan, sabi e ano...naka-bra n lang wife mo, pero suot p rin ung short, malamang daw nakapag-alis na ito ng tshirt nung pasukin ni kamote kc nga magsho-shower. Napamura n naman ako, p*&^%% ang sabri nya s akin, nakadamit pa sya, anong kasinungalinan n naman un. Nagulat c Ate G s reaction ko, wag ko raw pagalitan c wife, di raw nito gusto ung nyangyari. Bigla akong tumayo at pumasok s bahay, sabay tanong k wife kung bakit nagsinungalin n naman sya, sabi ko, “sabi mo may damit kp nung pasukin ni gago e bakit sabi nito (itinuro ko c ate G, na nakasunod n agad s akin) naka-bra ka na lang!” Nagkatinginan pa ung 2, ung wife ko na humihikbi na lang e umiyak na naman, again, natakot daw sya sa maaari kong gawin, pero idinidiin nya n walang nangyari. E bakit kp nakapasok ng Sabado, bakit di kayo nagreklamo, tanong ko ulit. Ayaw daw nya ng eskandalo, again, wala daw namang nangyari. Ililihim n lang daw sana nya ang lahat. Nung Sat daw knausap nya c si kamote at pinagbantaang irereklamo na ito pag naulit ung nangyari at kung pwede wag n magdidikit s kanya. Ung ulo ko parang umiikot na talaga sa mga kwento nila. May kapani-paniwala, may hindi. Nasuntok ko ung pinto s kabwisitan, lumabas ako ng bahay at dahil di ko alam ang gagawin. Tumambay lang ako s kanto, natanaw ko p c Ate G ng pauwi mga 1hr after cguro. Umuwi ako ng bahay mga 2am n at s sofa n lang natulog. Nagising ako ng 7am, naghanda s pagpasok, nakita ko sya’ng nagluluto.D ko na pinancin, naligo lang ako at gumayak para pumasok. Lumapit sya s akin, kain n raw kami, hindi n raw sya papasok s work. Sabi ko wala akong pakialam, at kung gusto nya sumama n sya dun k kamote, sinabayan ko ng alis. Sa office di ako makawork ng ayos, dami kong tanong s sarili. Bakit di nya sinabi n di sya pumasok ng Wed to Fri, nagkita kaya sila sa bahay, kung totoo na binastos sya bakit di sya sumigaw, wala n pala syang pang-itaas, ano nangyari nung mga time n yun, halik lang ba? Paano kaung di sya kinatok, hahayaan n lang nya lahat, sabi nya nahihilo n sya nun, so ibibigay n lang nya? O baka naman nagtagpo talaga sila s CR, gumawa ng milagro at ung kwento nilang pagkatok ni Ate G e gawa-gawa n lang nila. Kung totoo man kwento nila, nasobrahan yata sya ng paglalandi k kamote, di ba nabanggit ng friend ko na tanong nito `paano n tayo’ so parang me unawaan na nga ung dalawa. Nabubuwang n yata ako, baka sa bawat araw ng pumapasok ako ngayon, naiisip ko, baka pinag-uusapan n ako nilang dalawa o baka naman nagtatagpo n sila. Hindi ko n yata siya pwedeng iwan mag-isa ng walang iisipin. Ang totoo nyan from Mon to this day, cold treatment kami, maghahanda sya ng breakfast/dinner pero di ko ginagalaw, nagpapa-late ako lagi ng uwi, punta dun s friend ko, inom ng konti, makalimot lang. Mon, tapos naming uminom ng konti, nag-aya akong balikan naming sa mall c kamote, masapak man lang, pero nakaleave daw ito sabi nung napagtanungan naming. Tues, ung friend ko na ang nag-ayang balikan namin kc nga baka naman niloloko kami nung napagtanungan namin, isang oras kaming paikot-ikot dun s floor, wala talaga .
Etong wife ko , cge p rin ang sorry s akin,. Kanina nga, kahit di ko pinapansin, nakuha pang magpaalam sa akin, magpapaalam lang daw sya ng ayos sa office nila. Sinagot ko bago ko binirahan ng alis, “di ba sami ko, wala n aking pakialam sa iyo, magtrabaho ka o hindi wala akong pakialam, magkita man kayo ni gago, saan man kayo pumunta, wala akong pakialam!”
Alam nyo what’s torturing me, ung time n nasa CR sila, and picture of his hands on her always comes out of my mind. Part of me says kalimutan ko na lahat, pero naiisip ko, paano ung mga time n wala sya s paningin ko, mapagkakatiwalaan ko p ba sya? Tuwing aalis n lang ba ako, magiisip ako ng kung ano-ano? I think we’re leading to separation, nawala n talaga ung trust ko sa kanya.

Pride lang yan.. Tanungin kita ts.. mahal mo pa ba yan kasi kung oo accept mo apologies niya at pagtiwalaan mo siya kung hindi naman hiwalayan mo na. I takes time.. pag isipan mu muna bago ka gumawa hakbang.. mahirap mawalan ng minamahal..
 
haha di ako babae:lmao:pero mali din na tratuhin mo ng ganon yung girl kung ikaw nga mismo nagawa mo manloko dati:rofl:

hindi ka nga babae
pero lalake ka ba?:noidea:
obvious naman na lugi si ts e
kakampi ka pa sa babae?:excited:
 
Pride lang yan.. Tanungin kita ts.. mahal mo pa ba yan kasi kung oo accept mo apologies niya at pagtiwalaan mo siya kung hindi naman hiwalayan mo na. I takes time.. pag isipan mu muna bago ka gumawa hakbang.. mahirap mawalan ng minamahal..

tama to boss...

pero bigyan mo ng isa ung kamote kung di man i reklamo mo sa opisina nila karapatan mo yan bilang asawa.... act of lasciviousness
wag mo pag walang kibo un .. dun na tayo sa talaga wala sila relasyon mas lalong mabigat ang panalo mo sa batas na yan lapit ka sa womens desk..... sama mo esmi mo bakit sya matatakot sa eskandalo kung talagang wala naman sila relasyon

nasa iyo ang huling halakhak pag naka posas na kamay nya... dun ka sa precint na malapit sa mall na pinapasukan nila mag reklamo .. balitaan mo nlang kami.....
 
Last edited:
^ tama to. idaan sa tamang proseso. kaya lang pano kung si wifey na yung ayaw magreklamo? ibang usapan na yun.

malakas na kaso yan. yun nga lang eh kung gugustuhin niyo na magreklamo. sabi mo kasi ts wala ka na pakialam eh. :(
 
wow dami ng mga nag comment,dami talaga nag aabang,mga true to life events pa ung ibang comment, dami ko natutunan... sana mag update ulit si ts...
 
^ tama to. idaan sa tamang proseso. kaya lang pano kung si wifey na yung ayaw magreklamo? ibang usapan na yun.

malakas na kaso yan. yun nga lang eh kung gugustuhin niyo na magreklamo. sabi mo kasi ts wala ka na pakialam eh. :(

Kung ayaw ni wifey sa desisyon ni ts na magreklamo eh di isama siya reklamo pati yung Ate G ba yun hahaha, ADULTERY yung ginawa nila:slap: pagbayarin si Kamote:ranting:

nakiki-sempatya ako kay TS sa hirap na pinagdaanan nya at the same time kay Misis niya na naghihirap din:slap:

Peru dito ako Galit kay KAMOTE:upset:
 
Last edited:
hindi ka nga babae
pero lalake ka ba?:noidea:
obvious naman na lugi si ts e
kakampi ka pa sa babae?:excited:

Hindi mapaparanoid ang mga lalaki kung walang ginawa o ginagawang kalokohan.

Tsaka ano yun, kapag lalaki ang nanloko ang excuse niyo lang "Nature niyo" Pero pag babae, "Malandi, pokpok, slut..etc lahat na"
:wow:

Ano naman kung lalaki siya at kakampi siya sa babae?
La ka pakels. :beh: Mas marunong lang siya umintindi sayo. haha!

Di porket lalaki ka, negative na iisipin mo dun sa babae.
you're not even in the situation to take sides. :)
Imbes na timbangin yung sitwasyon, gumagawa agad ng conclusion na nanloko yung babae.
At isa pa, may napatunayan ba?
Yung kamote lang naman talaga nagpapagulo e.

Ayun lang. :hat:
 
Last edited:
hindi ka nga babae
pero lalake ka ba?:noidea:
obvious naman na lugi si ts e
kakampi ka pa sa babae?:excited:


hahaha at pagdudahan pa ko..:lmao: duda ko nga ikaw yung kamote na sinasabi ni TS eh:rofl: naamoy ko..

ang sabi ko mas magandang manimbang siya..mahirap magsisi sa huli..

una kasal sila..pangalawa mahal niya yung asawa niya.. :D

walang masama kung magpapatawad...wag mo na palalain para makuha mo asawa niya kamote:rofl:
 
:think: Pagkatapos ko mabasa yung last update. poot-hinagpis-pagkamuhi-galit yung naramdaman ko para dun kay kamote. :upset:

Sabihin mo lang TS kung gusto mo na ipatumba si kamote nang mailabas ko na yung mga Fighter Jets sa junk shop :lol: loko lang TS hehe

Dama ko ang galit ng kalalakihan dito sa wife ni TS ah. Ang maganda siguro nyan pagawan din ng Thread dito yung Wife ni TS entitled "Is my bride cheating or not? pa advice naman po" para malaman din natin yung side ni Misis :lmao:

biro lang TS ah pinapagaan ko lang loob mo wala kasi ko ma advice wala pako asawa eh. Nag subscribed lang sa thread mo para kung sakali maranasan ko ito pag nag asawa nako alam ko kung ano yung dapat kong gawin.
 
Last edited:
to alphaq2qc:
ok lang kung hindi mo basahin comment ko o ng kahit sinong babaeng mapopost dito, the post we posted were not meant for you naman diba?
and yun kampihan issue? hindi ganun yun eh. We all dont know what really happened to them, ano bang side ni wife or even yun side ni husband, were not so sure if its the entire truth. We are here to give advice and not to make kampihan o paghatiin ang mga babae at lalaki. We are also not here to tell who's fault or who's the masama. who's kawawa and who's not.

he cheated, she cheated
he lied, she lied
he got hurt, she got hurt
he cried, she cried
he loved, she loved
see, pareho lang.

NOBODY's perfect... kung ang advice natin is to leave the wife and move on, look for another. then the cycle wont end. Hindi yan matatapos na kapag nasaktan ka ginago ka hanap ka iba. Kasi kahit san relationship ka papasok, it's either masaktan ka o ikaw ang makasakit. Uulit-ulit ang same scenario. Kasi nga nobody is perfect. If we want to make the relationship perfect, then we have to accept that fact na di tayo perfect. makakasakit ang masasaktan tayo.. That's part of the relationship, that's part of life.

Rather than complaining, ginago, niloko, pinasinungalingan tayo...let's just look into it more maturely and responsively. If we, ikaw TS o ikaw alphaq2qc, nakagawa ka ng kasalanan kung sa kahit kaninong tao, and you want to be forgiven, gusto mo tanggapin ka rin at pagkatiwalaan ng buo. It's vice versa, dapat ganun din yun pagpapatawad na ibigay mo dun sa taong nagkasala sayo.

Hindi issue dito ang gender, lalaki o babae, hindi porke't lalaki ka bawal ka lokohin at di porke't babae kame pwede kameng lokohin maka-ilang beses. ang issue dito is pare-pareho tayong individual, may puso, damdamin...

matuto kang magpatawad...don't dare to think na kapag nagawa nya ng isa, magagawa nya ulit. kung ganyan ang isip nating lahat, wala ng dapat patawarin, wala ka dapat kaibigan, wala ka dapat gf, wala ka dapat asawa, magisa ka na lang dapat dahil inuulit ko hindi tayo perfect, its either masaktan ka o ikaw ang makasakit.

rather than complaining, why dont you TS love the one you have same as to your wife. Leave all things behind and start a new. Wag mo ng ibalik ang dating TRUST na nabasag na kung pwede naman kayong bumuo ng bagong tiwala sa isat-isa.

forgive and be forgiven
live and love like as if it was a new feeling every morning.
make God the center of your relationship
 
nawala na si kamote:hunter:

dapat talaga sa mga kamote sila yung inaaway kasi sila yung gumagawa ng gulo.


ang point lang kasi is kasal sila at di sila mag BF/GF lang..magkaiba yun..



ayun oh dumating na ang babaeng pula.. :D kamusta ka na? :D

pula ka na pala ah..:D
 
Last edited:
ask ko lang anu pong mga apps ung pang detect na yan..ung nde lang po pang android kc puro android normally eh...thanksss..ganyan din kc naging experience ko...nde nman nagcheat ayoko na lng tlga ung prang di kna mkpgtiwala sknya dhil lgi ngsisikreto..my nkakita na ayaw pa sbhn
 
dimanda mo na si kamote ts. tingnan mo kung ano reaction n misis mo. mahirap tlga sitwasyon mo ts. pwedi kasi maging tama ka at pwedi din na mali ka at na exagerate mo lng ang sitwasyon.. dami na ng'aabang nito ah. nabasa ko lahat ng comment dito. hati ang sila b/w sa sa inyo ng misis mo.. :rofl::rofl::rofl:
 
Kung ayaw ni wifey sa desisyon ni ts na magreklamo eh di isama siya reklamo pati yung Ate G ba yun hahaha, ADULTERY yung ginawa nila:slap: pagbayarin si Kamote:ranting:

tama pwede si ate g pero sa tingin ko di un papayag dahil sa trabaho nya .. asawa mo talaga pilitin mo mag reklamo ikaw na bahala pano mo sya mapapayag... kung talagang ayaw ng wife mo pati si ate g.... try mo pumunta ng office at kausapin mo ung manager try mo sulatan o email ung manager for appointment... pag wala lapit ka ng dole... makaganti ka manlang sa kahihiyan na inabot ng wife mo sure ako na alam na din un ng iba nila co workers na kasama di naman sila bata para di maka ramdam sa naka paligid sa kanila..... sure ako na mag take action ang manager nila di nila hayaan yan .... sabihin mo pag di sila nag take action ikaw ang gagawa ng hakbang papa media mo.

pero best way parin boss sa precint . sureball yan posas ang katapat nyan sama mo si wife . mag salita ka lang ng kabastusan yari kana eh yan pa meron akap at halik "act of lasciviousness" .. wag mo yahaan maka takas si kamote... sure ako na gagaan ang nararamdaman mo pag katapos ma posasan yan kamote na yan:beat:

may nag comment ng demanda alam ko pwede din yun kahit wala si wife mo..... asawa ka karapatan mo yan... papatawag naman yan sa court si wife kung sakali..... (labas mo muna sa usapan ang cheat ng wife mo tutal sabi nya wala naman talaga relasyon. insist mo ung pag akap at pag halik sa wife mo ) baka lumabas ang katotohanan pero madalas kasi pag ganyan inaakusahan sasabhin ng kabilang partido eh may relasyon sila may kaso parin un boss adultery :) kung mapatunayan mo nag nag talik na sila .hehehehe
 
Last edited:
pwede nga siya idemanda ng attempted rape..since may testigo.

yung si Ate G.

ang tanong papayag ba ang asawa mo?

mas masarap sa pakiramdam ang magpatawad..kung diyos nga marunong magpatawad..ikaw pa kaya? :)
 
share ko lng po: they are not broken just bent (ts and her wife)

some lyrics po sa: "Just Give Me A Reason"
(feat. Nate Ruess)


Just give me a reason
Just a little bit's enough
Just a second we're not broken just bent
And we can learn to love again
It's in the stars
It's been written in the scars on our hearts
We're not broken just bent
And we can learn to love again

I'm sorry I don't understand
Where all of this is coming from
I thought that we were fine
(Oh, we had everything)
Your head is running wild again
My dear we still have everythin'
And it's all in your mind
(Yeah, but this is happenin')

You've been havin' real bad dreams, oh, oh
Used to lie so close to me, oh, oh
There's nothing more than empty sheets
Between our love, our love
Oh, our love, our love

Just give me a reason
Just a little bit's enough
Just a second we're not broken just bent
And we can learn to love again
I never stopped
You're still written in the scars on my heart
You're not broken just bent
And we can learn to love again

Our tear ducts can rust
I'll fix it for us
We're collecting dust
But our love's enough
You're holding it in
You're pouring a drink
No nothing is as bad as it seems
We'll come clean
 
to alphaq2qc:
ok lang kung hindi mo basahin comment ko o ng kahit sinong babaeng mapopost dito, the post we posted were not meant for you naman diba?
and yun kampihan issue? hindi ganun yun eh. We all dont know what really happened to them, ano bang side ni wife or even yun side ni husband, were not so sure if its the entire truth. We are here to give advice and not to make kampihan o paghatiin ang mga babae at lalaki. We are also not here to tell who's fault or who's the masama. who's kawawa and who's not.

he cheated, she cheated
he lied, she lied
he got hurt, she got hurt
he cried, she cried
he loved, she loved
see, pareho lang.

NOBODY's perfect... kung ang advice natin is to leave the wife and move on, look for another. then the cycle wont end. Hindi yan matatapos na kapag nasaktan ka ginago ka hanap ka iba. Kasi kahit san relationship ka papasok, it's either masaktan ka o ikaw ang makasakit. Uulit-ulit ang same scenario. Kasi nga nobody is perfect. If we want to make the relationship perfect, then we have to accept that fact na di tayo perfect. makakasakit ang masasaktan tayo.. That's part of the relationship, that's part of life.

Rather than complaining, ginago, niloko, pinasinungalingan tayo...let's just look into it more maturely and responsively. If we, ikaw TS o ikaw alphaq2qc, nakagawa ka ng kasalanan kung sa kahit kaninong tao, and you want to be forgiven, gusto mo tanggapin ka rin at pagkatiwalaan ng buo. It's vice versa, dapat ganun din yun pagpapatawad na ibigay mo dun sa taong nagkasala sayo.

Hindi issue dito ang gender, lalaki o babae, hindi porke't lalaki ka bawal ka lokohin at di porke't babae kame pwede kameng lokohin maka-ilang beses. ang issue dito is pare-pareho tayong individual, may puso, damdamin...

matuto kang magpatawad...don't dare to think na kapag nagawa nya ng isa, magagawa nya ulit. kung ganyan ang isip nating lahat, wala ng dapat patawarin, wala ka dapat kaibigan, wala ka dapat gf, wala ka dapat asawa, magisa ka na lang dapat dahil inuulit ko hindi tayo perfect, its either masaktan ka o ikaw ang makasakit.

rather than complaining, why dont you TS love the one you have same as to your wife. Leave all things behind and start a new. Wag mo ng ibalik ang dating TRUST na nabasag na kung pwede naman kayong bumuo ng bagong tiwala sa isat-isa.

forgive and be forgiven
live and love like as if it was a new feeling every morning.
make God the center of your relationship


tama!!:praise::praise::praise:
 
tama to boss...

pero bigyan mo ng isa ung kamote kung di man i reklamo mo sa opisina nila karapatan mo yan bilang asawa.... act of lasciviousness
wag mo pag walang kibo un .. dun na tayo sa talaga wala sila relasyon mas lalong mabigat ang panalo mo sa batas na yan lapit ka sa womens desk..... sama mo esmi mo bakit sya matatakot sa eskandalo kung talagang wala naman sila relasyon

nasa iyo ang huling halakhak pag naka posas na kamay nya... dun ka sa precint na malapit sa mall na pinapasukan nila mag reklamo .. balitaan mo nlang kami.....


akalain mong tagasubaybay ka dito. Baka si darwin reader na din nito.. :D


kay billc,

dre dont do crazy things na lang.. Wag mo ng balikan si kamote.. Idaan sa legal na paraan. Attempted rape or ireport sa office.. May testigo naman si ate G.. Kung umamin si kamote na may relasyon sila at di rape yung then may kaso pa din...

Mahirap ang sitwasyon lalo na mahal mo ang babae..

Sa mga girls naman, sabihin na nating nature ng lalaki ang mangaliwa pero sa oras ng komprotahan, aamin na din lang sa nangyari bakit di pa yong totoo para wala ng part 2 yung away..

Para sa akin madali mapatawad ang pangangaliwa pero yung pagsisinungaling kahit mababaw mahirap yan.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom