ty po sa mga nag-advice
as usual di na naman ako makatulog, ang hirap ng ganito...
gusto ko nga po palang sabihin, 23 pa lang ako, my wife is 20 turning 21, wala kaming problema sa kakayahang magka-baby, decision namin not to make one yet, gusto kc namin magkabahay muna, our plan is to make a loan next year. Nagpi- pills po sya.
Nasapul naman ako nung advise nung isa na baka naman ako ung nag-chi-cheat o nag-cheat, yes, i cheated on her twice, one time noong dalaga pa sya at 3 silang gf ko. Nahulihan lang nga pala sya ng father nya ng pills sa bag, syempre, ano pa nga ba ibig sabihin nun, ipinatawag ako nung father nya, at to make the story short, yun yung reason sa biglaang pagpapakasal sa amin. About dun other 2 gf ko, nahulihan nya ako sa text, at pinatawad din naman ako kc di ko na rin naman talaga sineryoso ung 2, bz kc ko sa school graduating kc ako noon. Di rin kami nagsama agad, kc nga ala pa ko work, inisip ko nga noon pwede pa ko tumakbo, ayaw ko pa nga kc sa married life, tapos namatay p ung erpat nya 4 mo. after we got married, so feeling ko pwede ko makasibat. Pero naawa rin ako s kanya kc nga namatayan sya tapos punta ng punta sa haus namin talagang umaasa na magsama kami, yun kasi yung usapan ng mga parents namin dati. So after a year ng maregular ako sa work, kinuha ko n sya & we rented an apartment. So kung iisipin 2 years p lang kami leaving on the same haus. 2nd time ko nga palang mag-cheat is after my regularization, bago p lang kaming nagsasama noon, may kaofficemate akong maganda rin, niligawan ko, at me itsura rin naman po ako d naman sa pagyayabang, naging kami nung girl though alam nyang married na ako.
3mo. lang tumagal ung relationship kc naaprub ung petition ng mommy nya sa kanya sa US, me nangyari din sa amin. I don't think me alam ung wife ko dito, coz she never ask me about it, pera lang kung ginagabi ako ng uwi na sabi ko naman OT.
Kung totoo nga yung karma, ang bilis namang bumalik sa akin
At ang pinakanakakainis, ewan ko kung matutuwa ako, kc ang tagal ko ring hinintay nung chance na ito, next week e ipapadala ako ng Co. sa Cebu for some training & seminars for 1 week. Ung
mga pinadadala kc rito after going back e na-pro-promote. My supervisor congratulates na nga, sabi nya, alam mo na!
Pusa naman! kung kelan kailangan kong mag-stay saka ako paaalisin. Anyway, balak ko sunduin ulit ung wife ko ng biglaan tomorrow.
Sa nagtatanong bakit di ko sya kausapin, i did try, kaya lang laging irritable, nagdududa raw ba ako. Minsan naman tatalikuran na lang ako at umiiwas sa conversation. Naalala ko tuloy ung mga times na ako ung nangloloko, again, ambilis yata ng karma!
And adding salt to injury, next week rin pala is b-day nya plus malalaman na rin daw nya kung mareregular sya sa Sunday, her 6 mo. in work, the day na aalis naman ako.
Dun sa nagsabi naman ng pa-install ako nga kung anong software dun sa phone ni wifey, paano po ban yun? tsaka magagawa po ba ito ng madalian? lagi kc sa tabi nya ung phone, syempre magtataka un pag kinuha ko. Ayaw ko n rin ng away, lately kc nadadalas ung di namin pagkikibuan.
Sa nag-aadvise na gawin ko ulet ung mga sweetness n ginagawa ko sa kanya nung nanliligaw pa ako, i'm planning to do it pagbalik ko from Cebu, pramis ko talaga sa sarili ko yan.
Sa mga prayers salamat po, pls keep praying for us, totoo pala, kung me problema ka, un ung times n npapalapit k sa Kanya.
Dun sa nag quote about woman & man n medyo grin, salamat pre, napatawa mo ko kahit saglit.