Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

is my wife cheating or not? pa advice naman po

Status
Not open for further replies.
wala pa update?! TS kamusta na? kala ko magpopost ka pagkabalik mo ng Cebu? dami na nagaantay dito.

alam mo masarap pag-usapan yan over two bottles of beer. hehehe. kung kelangan mo ng kainuman pm mo lang ako. sagot ko first round ng toma. :salute:
 
Good share TS, I've been in the same situation as you some years ago, only difference is I'm not married (lucky me, although I felt the same pain) and I didn't cheat (so no karma for me :lol:)

I hope she'll remember what the two of you swore in front of God. Same to you.

Just hoping you'll win your wife back.

:thumbsup:
 
alam nyo kaya cguro ayaw ng mag-update ni TS kc ginagawa nyo'ng biro ung buhay nya e. May nagcocomment pa na pangMaalala Mo Kaya ung story nya, kesyo exciting, me nagsabi p ilalagay nya s FB, bakit pinayagan kb?...walang ganun mga 'dre. Verdict nung iba baka iniputan n sya sa ulo, sure na cila n cheater ung wife nya. Wag ganun, kung mag-a-advice tayo, ung matino, ung makakagaan ng loob nya. Madaling magpayo, madaling mag-speculate, pero ingatan naman natin ung salita natin, down n ung tao, wag na nating itulak pa. Ung nagsabi i-po-post nya s fb, o di para mo na ring pinakita ung identity nung tao, remember, how many millions are fb users, at ung mga facts s buhay nya, current events un ng buhay nya, gusto nyo p yatang malait ung tao ng mga kakilala nya e.
Wala lang, something to think about lang, mga repapeeps, peace:)
 
sir frequent visit to her work place will be fine kausapin mo misis kasi kung mahal ka nya d cya gagawa ng makakasira ng relssyon nyo.kung mayron third party daanin mo nalang in a legal way you know what i mean
 
alam nyo kaya cguro ayaw ng mag-update ni TS kc ginagawa nyo'ng biro ung buhay nya e. May nagcocomment pa na pangMaalala Mo Kaya ung story nya, kesyo exciting, me nagsabi p ilalagay nya s FB, bakit pinayagan kb?...walang ganun mga 'dre. Verdict nung iba baka iniputan n sya sa ulo, sure na cila n cheater ung wife nya. Wag ganun, kung mag-a-advice tayo, ung matino, ung makakagaan ng loob nya. Madaling magpayo, madaling mag-speculate, pero ingatan naman natin ung salita natin, down n ung tao, wag na nating itulak pa. Ung nagsabi i-po-post nya s fb, o di para mo na ring pinakita ung identity nung tao, remember, how many millions are fb users, at ung mga facts s buhay nya, current events un ng buhay nya, gusto nyo p yatang malait ung tao ng mga kakilala nya e.
Wala lang, something to think about lang, mga repapeeps, peace:)
Very well said. TS I hope you're fine, I'm one of those that prays that in the end
it's still you and your wife together.
 
wag masyadong atat sa updates guys... :lol:

seriously, pag nakita nyong walang update, hayaan niyo na lang...
simula't sapul kung mapapansin niyo, hindi naman talaga regularly nag-a-update si ts eh. kaya wag niyo sa i-pressure...
swerte na nga natin at nakakapagbigay pa siya ng updates para satin.

busy din naman siya sa buhay niya kaya keep calm and just wait.. :D
 
Last edited by a moderator:
Kami ni gf we ussualy exchange phones. Kung sa tingin mo she's becoming unfaithful and one way of doing that is thru phone. try mong makipagpalit and do it as if ur not making hinala and doubtful. Kapag hesitant most likely yun na nga yun. :(
 
hala .. handa muna sarili mo sir, merOn yan .. magugulat ka nlang bUntis na yan .. stk stk stk. hirap nyan bOSs !!
 
binasa ko page 1 to 18,pa bm po, ganda ng kwento ni ts, sana happy ending to...
always have faith above TS, life always has trials...
ang dami na naming naka abang sa update mo, ramdam din naman ang sadness at pain mo kahit hindi ganun ka tindi sa nararamdaman mo,
so be strong have faith in your wife remember nung umalis ka kung ga ano ka sincere ang feelings nyo that night, there's forgiveness, above all ung love nyo sa isa't isa...
Our prayers and wish that May God thru Christ guide you and your wife to a life full of love,peace and blessing...
 
Last edited:
napaparanoid ka lng ts c:
wag ganun.
cguro sa mga time ngaun masaya kana c:
d mo na kame bnibisita ee.. hahahaha jk :)
 
Hindi kaya naaksidente yung asawa ni ts sa swimming kasi hindi nya na makontak diba. sana huwag naman. update ka na kasi ts.
 
Dun po nagsabi n kung pwede i post nya s FB ung story ko, pls don’t, ung mga kwento ko po are factual events, ayaw ko namang ma-identify ako ng mga officemates ko at kaawaan, pls leave me some pride.If already there, paki-alis po.
Eto po mga nangyari these past few days, d2 pa rin ako s office, talagang nagpapagabi ako b/c i don’t wanna go home and here I am posting again.
By 4:30pm Sun, I was already home. I rcved a txt from my wife kung d daw ako pagod, sunduin ko n lang sya s work. Txtd my friend rightaway at sabi ko punta n ko s kanila. Over a 4 bottles of beer , he told me what he saw Wed early morning, bet 5 to 6am, paalis sya, pupuntahan nya daw utol nya s Crame. Bubuksan nya sana gate para ilabas ung car nila ng biglang me humintong sasakyan s may tapat nila. Ung kalye nga po pala namin is dead-end n ung kanto, dun kami malapit, kaya ung mga papunta sa amin i/o ideretso ung sasakyan nila is bumababa n lang s kanto kung hindi rin lang taga roon, kc maraming car na nakapark dun sa kalye at masikip para magmaniobra ng sasakyan. Bumaba raw s sasakyan ung wife ko, then another girl & guy, then ung driver bumaba rin at pinigilan ung wife ko sa braso. Ung friend ko hindi na raw nya ibinukas ng diretso ung gate nila kc parang me lovers quarrel daw, so silip n lang sya. Parang nagsosori daw ung guy pero d nya gaanong madinig, pero nung lumakad ung wife ko paikot ng sasakyan pinigilan ulit nung guy at dun na natapat s gate nila. Eto daw nadinig nya walang labis walang kulang, dun daw nya nakita ung face ng girl na talagang ung wife ko, sabi daw nung guy “pls sori na, paano na tayo, paano na ko, patawarin mo na ko pls, me sinabi pa raw ito n “umaasa ako e”. Ung wife ko raw galit at sabi wag syang hawakan. Ung isang girl daw biglang lumapit, galit din at sabi “ Sir, pwede ba, tigilan nyo n kc c (name ng wife ko), me asawa na ung tao..” Ung isang guy daw, ala lang, nakatingin lang, marami daw dala, me kaldero pa. Bumitaw daw naman ung guy n kausap ng wife ko napahiya daw cguro dun s isang girl. Ung wife ko diretso lang ng lakad pauwi s amin di lumilingon, kasunod ung dalawa pa. Nung pinaandar daw nung guy ung sasakyan dun agad sya lumabas, kinuha daw nya ung plate#, inabot pa s akin. Yung pisngi ko namumula n s galit, isip ko me nangyari talaga, sabi ko s friend ko tnx, susunduin ko n misis ko at kung pwede s amin lang ‘to. Pinapakalma ako ng friend ko, hintayin ko n lang daw c wife at sa bahay n raw mag-usap. Pero ung galit ko di ko nmapigilan, kaya ung friend ko inoffer n lang ung car nila, samahan daw nya ko.
Mga 7pm nasa mall n kami, diretso ako dun sa lugar ng wife ko, kita nya sa mukha ko ung galit, sabi ko mag-undertime sya, hindi ako aalis dun at hihintayin ko sya. Nakita ko ung takot s face nya, saglit lang daw papaalam sya. Biglang lumapit ung friend ko tinuturo ung guy malapit s escalator n nakatingin s amin, un daw ung nakita nya. P*&%^, c kamote nga, ung mukha ko pulang pula n cguro s galit noon, ganun kc ako lalo n pag nakainom. Nung lingunin ko parang namutla, at pababa ng escalator c loko. Habol ako, kasunod ung friend ko. Ambilis ni kamoteng lumakad nakahalata cgurong ako ung asawa ng nilalandi nya. Sigaw ko “pare saglit” pero diretso pa rin ito, nagmura na ako “pi naman e, saglit sabi”, alam ko nakakatawag n ako ng pansin ng ibang tao pero wala kong pakelam, c gago nakalusot s employees entrance, me guard doon, pinigilan ako, bawal daw, sabi ko kkausapin ko lang ung pumasok, ayaw talaga. Noon ko lang napansin dumadami ng tao sa paligid, wife ko nasa likod ko n pala umiiyak, sabi ko uwi n kami. Sasabihan nya lang daw si Ate G, para ipagpaalam sya. Hinintay ko n lang sya dun sa isang corner. Sa kotse d ko mapigilan galit ko. Sabi ko akala mo cguro di ko malalaman na di ka pumasok nung mga nakaraang araw (though hindi ako sure), may nakakita sa yo nung Wed, may naghatid din sa yo pauwi, ba’t ang dami-dami mong lihim sa akin, ano bang kasalanan ko s kanya, na kung gusto n nyang sumama dun ke kamote wala n kong pakelam, hakutin na nya gamit nya at magsama cla sa impyernong mga p.i nila.Iyak lang ng iyak ung wife ko, wala raw silang relasyon di daw sya ganun. Ayaw namang mangatwiran iyak lang ng iyak, pnakalma n ko ng friend ko, sa bahay n lang daw namin pag-usapan.
Sa bahay 2loy ung galit ko sabi ko, “pi, ano? naiputan mo n ko s ulo, sabi ko antanda-tanda n nun a, malaki p tyan (kc napansin ko, me tyan n c kamote), pera ba, kaya ko ring kitain un ah. Ung sama ng loob ko noon, parang naiiyak n ako, sabi ko magsama n clang 2, binuksan ko ung cabinet naming at inihagis s kanya mga damit nya, sabi ko lumayas n sya. Yung wife ko diretso lang ng iyak dun sa dulo ng sofa, hayaan ko daw syang magpaliwanag. Ano n naman sabi ko, lulusutan mo n naman ako, ggwin mo n naman akong tanga, 2loy 2loy lang salita ko. Nung medyo kumalma ako dun sya nagsalita. Eto ung kwento nya, nung Tues daw, talagang iniiwasan nyang magsolo silang dalawa, lagi sya s tabi ng friends nya, nagtxt p raw ito, na usap cila pero d nya pnancin. Nung ngtxt daw sya s akin na matulog n ko noon, nagpaalam n sya kna Ate G kc nga nahihilo n sya, inaya daw nya ito n magshower n cila para mkapag-rest n, cge daw sabi ni Ate G susunod n sya kc kumakanta p ung bf, last 2 song n lang daw. Ung isa daw nilang friend e kausap ni kamote kaya d na nya inaya. Ung CR daw is, walang pinto pero, may ihian ng boys s loob, may 3 cubicles w/ door, 2 dito shower rooms, ung isa wlang shower, toilet seat lang. Maliligo n sya ng kinatok ni kamote at inaabot ung cp nya n nklimutan pala nya. Nung bahagya daw nyang buksan para abutin ito, itinulak daw ung door, pumasok, bigla syang niyakap at ang sabi mahal n mahal sya at bakit siya pinapahirapan. Sinara p daw ung door at pilit syang hinahalikan. Di daw nya alam ang gagawin buti n lang daw at sumunod c Ate G at pilit pnabubuksan ung pinto. Sinenyasan p raw sya ni kamoteng tumahimik pero tinabig nya ito at binuksan ung pinto. Dun n raw sya umiyak k Ate G, c kamote walang imik daw na umalis. Sagot ko k wife me nangyari ng ganun pero wala syang sinabi s akin. Bakit di sya sumigaw, bakit di nya hinintay ung mga kasamahan nya bago magshower and of all things ung cp maiiwan nya e lagi nga nyang dala? ang dami kong butas n nakikita s kwento nya. Tinanong ko rin kung nakitaan ba sya ng katawan ni kamote, hindi daw, nakadamit p raw sya. Sabi ko so hindi k nga pumasok nung mga nakaraang araw at di mo sinabi s akin, at kung hindi pa may nagbalita sa akin n nakita ka di mo rin sasabihin. Natatakot daw sya baka magwala ako pag nalaman ung nangyari, baka kung ano ang gawin ko. Kaya di siya nakapasok talagang sumama pakirandam nya s nangyari, at ayaw nyang makita ung bisor nila. Sabi ko sabi mo ung cp mo na nabasa at nasira, so di rin totoo yun? tanong ko ulit. Di raw, nawalan daw talaga sya ng ganang sumagot kahit s anong txt o tawag nung araw n un. Pusa, labo talaga, kailangan bang isa-isahin ko p ung mga kasinungalinan nya, ano p bang mga di ko alam? tanong ko, kc sabi ko, di ko na alam kung maniniwala pa ako s ‘yo, andami mong itinatago. Wala daw cila talagang relasyon, maniwala daw ako, sorry daw s paglilihim nya. Sa inis ko, lumabas ako ng bahay parang di ako makahinga, dun ako nag-stay s may gate namin. Bumili ko ng beer s tapat, at uminom pero di ako pumasok ng bahay, pumasok lang ako ng gate at naupo s harapan. Mga 11pm, me kumatok, si Ate G, worried lang daw sya. Sabi ko walang nagyari dun s kaibigan nya, buhay pa. Pinagbuksan ko ng pinto, nasilip ko ung wife ko, andun p rin s pwesto nya, umiiyak p rin, ung mga damit n ibinato ko andun pa rin. Pumasok c Ate G, nag-usap cila, wala akong nadinig, sinarahan ko kc ung pinto pagkapasok nya at bumalik s pwesto ko, sa isip ko, bahala kayo, magkutsabahan p kayo. After mga 20min cguro lumabas ito, lumapit s akin, kung pwede raw kaming mag-usap. Wala daw talagang relasyon ung wife ko at c kamote, sa kanya raw lagi nagco-confide wife ko. Nung pinagtsitsismisan n raw ung 2 tungkol s closeness nila, sinabihan nya ung wife ko tungkol doon, umiiwas daw naman ito pero c kamote lang ung talagang lumalapit. Close daw ung group nila at since di naman maiiwasan talaga since same work at superior nila ito, nakikiride-on lang ung wife ko. Wala akong tinatanong pero tuloy ung pagtatanggol nya sa wife ko. Nung Wed daw, nung magpaalam ito na magsho-shower na, sinabihan sya n sabay n cila, pero kumakanta p nga ung bf nya. Sa isip ko saktong-sakto ung mga kwento nya kung ano ung sinabi ng wife ko ah. Pinauna nga nya to at sinabing susunod n sya. Katabi nya daw ito at napancin nga nya na naiwan ung cp, nung tumayo daw ung wife ko, nakatingin c kamote, at napancin din ung cp ni wife at sabi sya n ang magbibigay kasi na-c-CR din sya. Nag-excuse daw ito dun s isang friend nila at sabi babalik sya, saglit lang. Natapos n raw ung 2 song nung bf nya, d pa rin nabalik c kamote kaya sumunod n sya. Narinig nga daw nya ung ingay sa shower room kaya talagang kinatok nya, nagulat nga sya andun c kamote s loob at wife ko. Umiiyak daw c wife kaya alam nya n malamang binastos ito ni kamote. Iyak raw ng iyak ung wife ko at nag-aaya ng umuwi. Sinabi nya daw ito sa bf nya pero wala nga raw silang masasakyan kc madaling araw na. Bakit daw naman cila nagmamadali e uuwi rin cila ng mga 4am. Di raw nya masabi s bf nya ung problema. Pagbalik nga raw niya sa room nila, umiiyak pa rin wife ko. Mga 4am daw umalis n cila ng Laguna pero inihatid p daw nila ng bf nya sa bahay ung wife ko, kahit mauna sila dapat bababa, para di maiwan k kamote ung wife ko. Sakto n sana ung kwento nya, pati s kwento ng friend ko, kaya lang naitanong ko, ano suot ni wife nung makita nya sa loob ng banyo ung wife ko at c kamote. Dun ito medyo natigilan, sabi e ano...naka-bra n lang wife mo, pero suot p rin ung short, malamang daw nakapag-alis na ito ng tshirt nung pasukin ni kamote kc nga magsho-shower. Napamura n naman ako, p*&^%% ang sabri nya s akin, nakadamit pa sya, anong kasinungalinan n naman un. Nagulat c Ate G s reaction ko, wag ko raw pagalitan c wife, di raw nito gusto ung nyangyari. Bigla akong tumayo at pumasok s bahay, sabay tanong k wife kung bakit nagsinungalin n naman sya, sabi ko, “sabi mo may damit kp nung pasukin ni gago e bakit sabi nito (itinuro ko c ate G, na nakasunod n agad s akin) naka-bra ka na lang!” Nagkatinginan pa ung 2, ung wife ko na humihikbi na lang e umiyak na naman, again, natakot daw sya sa maaari kong gawin, pero idinidiin nya n walang nangyari. E bakit kp nakapasok ng Sabado, bakit di kayo nagreklamo, tanong ko ulit. Ayaw daw nya ng eskandalo, again, wala daw namang nangyari. Ililihim n lang daw sana nya ang lahat. Nung Sat daw knausap nya c si kamote at pinagbantaang irereklamo na ito pag naulit ung nangyari at kung pwede wag n magdidikit s kanya. Ung ulo ko parang umiikot na talaga sa mga kwento nila. May kapani-paniwala, may hindi. Nasuntok ko ung pinto s kabwisitan, lumabas ako ng bahay at dahil di ko alam ang gagawin. Tumambay lang ako s kanto, natanaw ko p c Ate G ng pauwi mga 1hr after cguro. Umuwi ako ng bahay mga 2am n at s sofa n lang natulog. Nagising ako ng 7am, naghanda s pagpasok, nakita ko sya’ng nagluluto.D ko na pinancin, naligo lang ako at gumayak para pumasok. Lumapit sya s akin, kain n raw kami, hindi n raw sya papasok s work. Sabi ko wala akong pakialam, at kung gusto nya sumama n sya dun k kamote, sinabayan ko ng alis. Sa office di ako makawork ng ayos, dami kong tanong s sarili. Bakit di nya sinabi n di sya pumasok ng Wed to Fri, nagkita kaya sila sa bahay, kung totoo na binastos sya bakit di sya sumigaw, wala n pala syang pang-itaas, ano nangyari nung mga time n yun, halik lang ba? Paano kaung di sya kinatok, hahayaan n lang nya lahat, sabi nya nahihilo n sya nun, so ibibigay n lang nya? O baka naman nagtagpo talaga sila s CR, gumawa ng milagro at ung kwento nilang pagkatok ni Ate G e gawa-gawa n lang nila. Kung totoo man kwento nila, nasobrahan yata sya ng paglalandi k kamote, di ba nabanggit ng friend ko na tanong nito `paano n tayo’ so parang me unawaan na nga ung dalawa. Nabubuwang n yata ako, baka sa bawat araw ng pumapasok ako ngayon, naiisip ko, baka pinag-uusapan n ako nilang dalawa o baka naman nagtatagpo n sila. Hindi ko n yata siya pwedeng iwan mag-isa ng walang iisipin. Ang totoo nyan from Mon to this day, cold treatment kami, maghahanda sya ng breakfast/dinner pero di ko ginagalaw, nagpapa-late ako lagi ng uwi, punta dun s friend ko, inom ng konti, makalimot lang. Mon, tapos naming uminom ng konti, nag-aya akong balikan naming sa mall c kamote, masapak man lang, pero nakaleave daw ito sabi nung napagtanungan naming. Tues, ung friend ko na ang nag-ayang balikan namin kc nga baka naman niloloko kami nung napagtanungan namin, isang oras kaming paikot-ikot dun s floor, wala talaga .
Etong wife ko , cge p rin ang sorry s akin,. Kanina nga, kahit di ko pinapansin, nakuha pang magpaalam sa akin, magpapaalam lang daw sya ng ayos sa office nila. Sinagot ko bago ko binirahan ng alis, “di ba sami ko, wala n aking pakialam sa iyo, magtrabaho ka o hindi wala akong pakialam, magkita man kayo ni gago, saan man kayo pumunta, wala akong pakialam!”
Alam nyo what’s torturing me, ung time n nasa CR sila, and picture of his hands on her always comes out of my mind. Part of me says kalimutan ko na lahat, pero naiisip ko, paano ung mga time n wala sya s paningin ko, mapagkakatiwalaan ko p ba sya? Tuwing aalis n lang ba ako, magiisip ako ng kung ano-ano? I think we’re leading to separation, nawala n talaga ung trust ko sa kanya.
 
Yown. May update ka na. :clap: Haba.. Basahin ko na. :read:
 
hirap nyan sir kung android phone un cp nya hiramin mo po apos installan mo ng apps na pang track ng message at ma forward sa number meron po dito nun sa android apps section
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom