Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

is my wife cheating or not? pa advice naman po

Status
Not open for further replies.
ayun sa pagka2sabi mo na may katxt xa at hnd mo na naki2ta or naba2sa pa.. She's having an affair na nga.. Dun pa lang magduda ka na.. Try m0 mkipagswap ng cp sa asawa m0.. Then pag nagreas0n xa na magtetxt mga friends nia sbhn m0 i4ward na lang sa kanya.. Pag nagalit mer0n tlaga.
 
Well. Medyo di ako agree sa "white lies" kuno ni babae. Let's just say na, sige pinasok nga sya sa banyo para magtake advantage. Then, hindi sya nagpaparamdam sa'yo for a day. Tae, isip naman kahit konti. May asawang tao si babae! Pinakasalan nya, bestfriend nya, boyfriend nya at asawa nya si ts! Kung may ginawang kagaguhan si kamote kay babae, bakit di sya agad nagsabi kay ts? Eh asawa nga nya si ts diba? Kung tayo nga nung mga bata pa, nagsusumbong agad tayo sa magulang naten pag may umalipusta saten diba? Isa pa, alam mo na ngang may tama sa'yo yung tao, eh bakit sumama ka pa sa nightout nyo? Para ano? Para dagdagan yung problema? Kung makakaiwas ka, bakit di mo ginawa? And dont give a sh*t na dahil sa promotion kaya sya nananatili dun at nakikisama? I dont think so. Kung ikaw, alam mo na ngang may lumalandi sayo, at alam ng asawa mo. Yet, pinilit mo pa din "makisama" sa taong may gusto sayo just for the promotion kahit ang kapalit nito eh yung marriage at utak ng asawa mo kakaisip kung ano nangyayari? Wag tanga diba? Alam mo na dapat gawin mo. Trust? Oo, pero di mo masasabi. Gaya ng nangyari, may trust nga pero pinasok si misis sa banyo at HINDI pa sinabi kay ts? Wew. Eto pa, tulad ng sabi ng iba na try to trust her. Pwede ba? Kung kayo yung nasa kalagayan ni ts, masasabi nyo kaya yan? Be more reasonable. Kung kayo siguro yung nasa katayuan nya, at sa inyo manggaling yang mga kataga na yan eh baka maniwala pa ko. Nga pala, bakit ganito comment ko? Kasi naranasan ko na yan. Huli na eh, kahit pabanguhin pa nya yung pagtatakip nya eh di pa rin mababago yung KATOTOHANAN na NAGSINUNGALING sya sa asawa nya. Ewan, payo ko sa'yo ts. Palamig. Isipin mo maige yung nangyari. Wag mo antayin na yung mga sariling mata mo pa ang makakita ng dapat mo makita. Goodluck.

--
Eto pa pala, she doesnt want to end the marriage diba? Dapat naisip nya yan bago nya sakyan yung trip ni kamote. Dapat naisip nya yan nung medyo alangan na si ts sa pag pasok ng work ni misis. Im not being biased or what pero, sa mga pinakita ni babae kay ts? Ewan. Grabeng white lies kase yan, dala cp hanggang banyo? Tapos sasama pa sa outing kahit andun si kamote? Wow ha. :)
 
Last edited:
1 question..

Do you really love your wife?

if no, then end everything.

if yes, then suck it all up for now, the lies, your pride and everything else. FOCUS on one thing, that is BOTH OF YOU MUST SURVIVE, for the time being you need to help her, she is weak as well as you, (emotionally)..


i have so many things to say pero nakikita kung ang dali lang magsabi at pag nasa same situation na eh ang hirap pala i apply ng mga knowledge ng mga quide, ng mga cousel. but the fact is YOU MUST TRY!
 
Hi. I have read and finished reading your story now.
I am a WIFE and my man also cheated on me. For how many times, I dont want to know.
But nevertheless, I did not cheated on him. Not just because of the fact that I love him but because I respect myself more.

Now in all honesty, I was tempted to do the same. The same thing that your wife has done. Flirt, to be happy and to get even. Same as you guys, naiputan din kame sa ulo and hindi nyo kame masisisi kung isipin naming gumanti. But eventhough, eventually we can realize na mali yun ginawa o gagawin namin. We often act because of the emotions we have. So according to your story, it all started nun nagtampo sya sa'yo...nasaktan. Maringgan mo ba naman from your husband na nagsisisi syang sya ang pinakasalan (believe me, I know that feeling so I fully understand your wife) So due to the emotion, she looked for a person where she can tell all her stories and sadness. When she felt alone and someone offered a shoulder to cry on, that's her only option so she grabbed the opportunity. Then eventually that one time build friendship and closeness THAT the man gave malice. It's not your wife's fault if, just if the man falls to her.

Most MAN takes advantage of girls weaknesses...lalo na't he knew na may cracks ang relationship nyong mag-asawa. He tried to enter from those cracks but I your wife refused.

Yun pagpasok naman nya sa work after all the incidents and yun pangungulit nung lalaki sa kanya. I guess it's pride. Meron din kme nun hindi lang kayo. The feeling na your earning your own money, self fulfilling yun ts. Yung hindi umaasa sa asawa. Remember that, hindi lang sya WIFE mo, individual din sya. May sarling talino, galing, na dapat gamitin hindi lang sa loob ng bahay. Maybe, iniisip din nya na what if you left her over that ex-gf, atleast my fall back syang mapagkukuhanan ng pera which is her work. So she ate her pride and worked kahit na she's not comfortable with her bisor.

If sumasama pa rin sya sa mga gimiks ng group, pakikisama. Kayo man diba? Lagi nyo rin excuse na nakikisama kayo kaya kahit na ayaw ni misis/gf pupunta pa rin kayo dahil sa pakikisama lalo na't work related. So that's what I think of what she's doing. She told you rin naman na umiiwas sya...just believe her.

Yun mga questions mo, yun mga malabong sagot nya...clear your mind. Because of the TAKOT, ang tendency natin (mapa-lalaki at mapa-babae) to tell excuse, lie or tell the half truth para lang maiwasan ang galit ang away. Don't tell me you haven't dont the same!? Yun malaman mo lahat ng totoo while you're still in Cebu, can you promise her and to yourself not to flew back to Manila just to f*cking kill that kamote? She just spared you your sanity. Na wag ka magisip ng masama while your in Cebu. Ok na sigurong magisip ka ng masama about her, but ng masama about some people just like to kill someone because of what he does to your wife, iniwasan nya yun. Iniwasan nyang magworry ka.

Or kung sinabi nya sayo na naka-bra lang sya nun time na pinasok sya ni kamote sa cr, can you swear not to hurt her that very moment?

Galit ka eh, or magagalit ka...kapag nasa ilalim tayo ng galit, marame tayong magagawa na di dapat. If sa tingin mo ok ka nun, kalmado, hindi nakainom, magsisinungaling pa ba sya nun?

Yun iniisip mong dinala nya yun lalaki sa bahay nyo, are you out of your mind? Baket mo iisipin yun? Bahay nyo yun and obviously, marameng makakakita at makakaalam. If she's really doing something wrong, syempre sa ibang bahay o lugar nila gagawin yun.

You see for those days, gulong-gulo ang utak ng asawa mo. She could have just killed herself those times na naguguluhan sya but she remained strong and decided to work after how many days kasi nya you're going home na and she maybe dont want you to worry.

BELIEVE her the way she believed you with your lies and excuses nun ikaw yun nasa situation nya. For God sakes, all I can say is that takot ka sa sarili mong ginawang multo. Na balikan ka ng mga kalokohan mo before, na gawin nya yun sa'yo.

You're not actually worried about your wife, but you're worried for yourself and for your damn pride. Lalaki ako eh, dapat hindi ginagawa sa akin tong ganito. I cant eat it all up most specially alam nun tropa ko yung ginawa ng asawa ko. Sh*t magiging issue ako sa bawat inuman ng mga kaibigan ko na mahina ako, na ginago ako ng asawa ko.

Mas masarap kaya pakinggan yun usapan ng tropa na uy ganda ng gf mo ah mas maganda sa asawa mo. Pre ito yun flirt ko sa office oh, ganda diba? Ilang beses ko na yan nakama... things like that...kesa yun huuu, iniputan ka nga sa ulo ng misis mo eh.

Just believe your wife, support her, console her. Sya ang na-ABUSE...you should have comforted her not to condemn her. Nagkamali nya sya and she told you sorry. She even willing to wuit her job. Ikaw can you do that to her to prove your love...quitting something important to you?
 
Agree ako na nasa taas ko..

Iba kapag asawa ang usapan, iba ito pgdating nung gf at bf pa lang kayo..

If you really love her, forgive her that's it..

No but's, no if's..

Ngayon kung mapapatawad mo naman sya?!

Leave all things na nagyari sa inyo, kasi baka sa susunod e maging cause ng problem nyo yan..

Settle all things na nangyari, itago na sa baul at wag ng balikan..

Kasi kung hindi ito gagawin, hindi magiging forever ang samahan nyo..:)

______________________________________

Sana before tayo magbigay ng sagot is aware tayo sa impact na maibibigay naten sa ts..
 
Hi Ms. Red, galit na galit ka ahh.. haha..

Ganun lang yan si red, but if you really know what happen sa kanya..

Ma-amaze din kayo kung pano sya ka-strong..

Well as I said, Marriage is Marriage..
 
grabe lang..ganito din ako mag-isip before..same with you TS..pero one advice lang ah..

wag ka magpapadala sa nararamdaman mo..timbangin mo mabuti..hindi porket nagkamali siya o hindi eh itatrato mo na siya ng ganyan..alam mo TS mahirap mawalan ng taong minamahal pero mas mahirap yung mawalan ka ng tamang pagiisip para makapagdesisyon ng maayos..


alam ko marami kang pinagdadaanan pero sana pumasok pa rin sa isip mong magpatawad..kung ikaw nga dati napatawad ng ex mo..for sure you also had sex with that other girl right?

binasa ko ng buong buo yung kwento mo..at talagang nakikita kong mahal mo yung asawa mo kaya sana mag-isip ka bago ka magdesisyon ng ganyan.. :)
 
- May mga time lagi nyang bitbit cp nya kahit sa banyo, tapos laging naka-silence, me mga call sya na ayaw iparinig sa akin
sir ito ang talagang kaduda duda..........mag imbestiga ka sir.........
 
@josh6912

First, yung sinabi na "paano na tayo" you can't conclude this na may "relasyon" nga sila. He even said "umaasa ako e" not "UMASA ako e" that only means hindi pinaasa ni wife si Kamote.
Those "white lies" ganto lang yan e example : Kung yung boss mo hinahanap ka na kasi wala ka pa sa office. Eh nalate ka ng gising anong idadahilan mo? are you going to tell him the truth or natraffic ka? of course, you're going to tell him "white lies" para hindi magalit. Just like what his wife did.

dun sa laguna events:
here: sabi nga nung ate g. pinauna na nya si wife kasi may Last 2 songs. sabihin na natin approximately 3 or 4 mins every song, that's 8mins. Exaggerated naman yung 10-20 mins :slap: hindi naman siguro right away sinundan agad ni Kamote si wife at binigay yung phone. Umiiyak pa nga daw nung narinig nung Ate G. i cannot conclude na walang ngyaring "forced kiss", what i'm just saying is Hindi ginusto ni Wife yung nangyari para masabing nagcheat nga sya.

The fact na Kuya aminin mo mapride ka talaga, you don't even try to understand your wife's situation, her feelings as well. C'mon! She's in shock of what her boss did to her. at yung "thought" na pano nya ieexplain yun sayo? Instead of comforting her, trying to weigh the situation. Oo, magulo yung utak mo that time. Pero man! wala kang napatunayan na niloko ka nga ng wife mo. Kung iisipin mo yung mga sinabi sayo nung friend mo, yung wife mo galit dun sa boss nya, at sinabi pang wag syang hawakan that only proves na hindi ka nya niloko, para sabihin mong wala ka ng trust sa kanya.



Eto pa kuya. you cheated on her twice. yung pangalawa hindi nya nalaman right? kung aaminin mo yung sa kanya. Sino sa inyong dalawa ang dapat mawalan ng tiwala? Think.


Palamig ka muna bro, kung gusto mong isave yung relasyon nyo, alisin mo yang pride mo, at para mawala na yang duda mo kausapin mo si Kamote kung ngawa nga ng wife mo na pagtaksilan ka. Pero sa ngayon, wala ka pa po napapatunayan. yun lang :)
 
>> nung una kong mabasa ang story ni TS, umiyak ako sa harap ng computer. I won't dare to comment kung di ko naranasan ang naranasan niya. sabi nga ng iba, madali lang magcomment.


>> 1st na nagcheat sakin ang, mag-2years na kami. I admit may kasalanan ako, masiyado akonng mahigpit sa kanya.. then dumating yung time na puro paghihigpit na lang. Dun kami muntik maghiwalay and she had an affair. for a week naging sila, nagkita sila for a day. sinabi ng guy may nangyari sa kanila (nung galit na galit na siya kasi ako pinili niya kasi mahal na mahal niya ako, we know each other by the way).
But I know walang nangyari sa kanila, kinwento lahat sakin ni baby ang nangyari, cos i believe in her. They shared one kiss, and mas nangibabaw yung pagmamahal ko sa kanya.

Pero aaminnin ko, yung tiwala ko nabawasan na...

bumawi siya, bumawi ako.. \

until

>> the 2nd, on our 6th year, nagsasama na kami.. may katext siya...
naging sila, sa text. once lang sila nagkita, sa bar, I was there.
Pero alam, ex ako. She treated me like I wasnt there that night. Sabi ko pa nga, uuwi na ko, then she said, kunin mo na gamit ko. I was like "f*ck!".. Di ako umuwi, pero masama na timpla ko. 2 girls were there who were actually flirting with me.. The one held my hand and the one kissed me. But none of those mattered.
Umuwi kaming magkaaway. masamang masama yung loob ko. Madaling araw na yun. Di ko siya tinabihan matulog (wala pa kong alam nun na sila). Kinaumagahn, nag-aaway kami then she said lalabas lang muna siya para mag-unwind at para mabawasan init ng ulo. Which is unlikely, kasi pag nag-aaway o tampuhan kami, inaayos namin to, hindi iniiwanan. Yung mga time na yun pala, she's using her mobile phone na madalas than usual. Nung nagtetext siya, kinuha ko cp niya, inagaw niya, nag-agawan kami. as in. Naagaw ko and nabasa ko na dun pala siya pupunta sa katext niya. Nanghina ako, umiyak, and didn't know what to say. hagulgol talaga. Dun niya ko inamo, nagpaliwanag and everything. Parang nawala lahat ng tiwal ko sa kanya. Yes, text lang yun pero yung maliit na bagay, puwedeng lumaki. Sa una text lang? sunod kita... What's next?
I ended their relationship, ginamit ko cp niya. or so i thought.
Uwuwi siya sa kanila ng sumunod na linggo,. That was saturday.
Nung nasa bus na siya, I kept on calling her.. Busy. Laging busy. so pinaring ko globe niya and I texted her. Then tumawag siya na iritable ang voice. She said kausap niya pinsan niya. So i said ok, sana makita ko yan sa call register mo.
Sunday, tinawagan ko ng hapon, sabi niya mamaya na, magkwentuhan sila ng mama niya. Binaba ko phone. Then I called her again, number busy... number busy ng number busy. So itexted her. ginamit daw ng kapatid niya.
Monday dumating siya. erased ang call register.
I asked her, "di ko alam, di naman ako techie, ginamit yan ng kapatid ko kahapon".
Kinutuban ako,. So I texted her sister, nagpanggap akong siya at pinagalitan ko na "anong ginawa mo sa cp ko, erased messages and call register" the sister replied, "ano alam ko diyan? ayaw mo ngang ipahawak. Di ko naman hinihiram." P*cha di ko naman siya kayang saktan. Umiyak lang ako ng umiyak. Nagmakaawa siya sakin and she ended the relationship.
BTW, nung week pala na bago siya umuwi, kinuha ko cp niya. But she texted the person nung nasa office na nila siya. haaayyy....

>> kung mahal mo siya, I know your dilemma. Yung ayaw na pero mahal na mahal mo eh. She's the one I want to spend my life with.

>> on our 8th year, ayun yung kaibigan ko, pomoporma pala sa kanya sa panahong di kami ok (2months di kami ok). Di niya sinabi. Ineerase din niya messages. NUng nalaman ko, ska naman tumatawag yung friend ko pag nasa office na siya. Di nagtetext o tumatawag yun pag nasa bahay na si baby. Nahuli ko lang again.. Tapos nung tinanong ko , dineny niya. Then saka ko pinakita yung text..
we will be on our 9th year.
pero yung mga sakit na binigay niya, andito pa rin.

>>. dumating sa point na nasabi ko sa kanya, sana di na lang kita pinaglaban nung una pa lang.
sana di na kita minahal...

>>mahal na mahal niya ko, alam ko naman yun. alam ko din naman ang mga pagkukulang ko.

>> and yes, dun sa nabasa kong comment, pwedeng di ka niya kayang iwan, but that doesn't mean di ka niya kayang pagtaksilan.

>> pwedeng ikaw ang mahal na mahal niya, but that doesnt mean di siya naaatract sa iba.

>> and tama din yung nabasa ko dito na di naman ipupursue ng isang tao kung di siya nakahanap ng butas.

>> Yung sinabi ni kamote na "PANO NA TAYO?", bat di niya sinagot ng "ANONG TAYO?".

>> ang problema kasi sa mga taong ganyang nakikisawsaw sa iba, mapagbigyan lang yung l*st, thrill nila, wala na silang paki sa masasagasaan nila.

Ang maadvice ko na lang sir, para malaman mo kung nagsisinungaling o hindi yung wife mo, SUE MR. AV. Ituloy mo o hindi, tingnan mo lang reaction ng asawa mo at ni ate G.
Di naman siya takot na mawalan ng trabaho di ba? at witness naman si ATE G. dapat di alam ni ate G at ng asawa mo na kakausapin mo sila, para di sila makapaggawa ng scripted na kuwento.
and BTW, kung pinilit siyang halikan, it would only take it less than a minute. Tama, bat di siya sumigaw?

At kung ngyari nga na pinilit siya, ikaw lang ang tanging lakas niya, kahit di niya man sabihin sayo, she should have called or texted you, kasi bilang partner niya, ikaw ang lakas niya.

Pwedeng nangyari yung kuwento niya, puwedeng hindi..
Puwede ring hindi niya kasabwat si ate g.
puwedeng nagsasabi ng totoo asawa mo o hindi.
Kaw lang nakakaalam niyan.. kasi mas kilala mo siya.

And I feel you when you said parang di mo na siya maiwan ng hindi ka nangangamba..
 
pag nag sinungaling may lihim
madaming sikreto ung wife mo sir
advice lang sir hanap ka na ng iba
you don't deserve that treatment
hanggang maaga pa
madami naman diyan hiwalay sa asawa nakahanap ng bagong asawa
uulitin at uulitin lang nya yan gagawin
base sa kwento mo ts hindi pwede pagkatiwalaan ang asawa mo
 
ayoko magbasa ng post ng mga babae dito nakakabadtrip pinagtatanggol ung kalahi nila hehehe............
 
ayoko magbasa ng post ng mga babae dito nakakabadtrip pinagtatanggol ung kalahi nila hehehe............

And like you, pinagtatanggol niyo ang kalalakihan.

Ayos lang, may kanya kanya tayong opinyon.


Mabuhay tayong lahat! Hahha!
 
ayoko magbasa ng post ng mga babae dito nakakabadtrip pinagtatanggol ung kalahi nila hehehe............


haha di ako babae:lmao:pero mali din na tratuhin mo ng ganon yung girl kung ikaw nga mismo nagawa mo manloko dati:rofl:
 
mabuti pa pagkampihin nyo na lang si TS at misis nya para i-sue nila si kamote :lol:

parang kamote cue lang :lmao:
 
Dun po nagsabi n kung pwede i post nya s FB ung story ko, pls don’t, ung mga kwento ko po are factual events, ayaw ko namang ma-identify ako ng mga officemates ko at kaawaan, pls leave me some pride.If already there, paki-alis po.
Eto po mga nangyari these past few days, d2 pa rin ako s office, talagang nagpapagabi ako b/c i don’t wanna go home and here I am posting again.
By 4:30pm Sun, I was already home. I rcved a txt from my wife kung d daw ako pagod, sunduin ko n lang sya s work. Txtd my friend rightaway at sabi ko punta n ko s kanila. Over a 4 bottles of beer , he told me what he saw Wed early morning, bet 5 to 6am, paalis sya, pupuntahan nya daw utol nya s Crame. Bubuksan nya sana gate para ilabas ung car nila ng biglang me humintong sasakyan s may tapat nila. Ung kalye nga po pala namin is dead-end n ung kanto, dun kami malapit, kaya ung mga papunta sa amin i/o ideretso ung sasakyan nila is bumababa n lang s kanto kung hindi rin lang taga roon, kc maraming car na nakapark dun sa kalye at masikip para magmaniobra ng sasakyan. Bumaba raw s sasakyan ung wife ko, then another girl & guy, then ung driver bumaba rin at pinigilan ung wife ko sa braso. Ung friend ko hindi na raw nya ibinukas ng diretso ung gate nila kc parang me lovers quarrel daw, so silip n lang sya. Parang nagsosori daw ung guy pero d nya gaanong madinig, pero nung lumakad ung wife ko paikot ng sasakyan pinigilan ulit nung guy at dun na natapat s gate nila. Eto daw nadinig nya walang labis walang kulang, dun daw nya nakita ung face ng girl na talagang ung wife ko, sabi daw nung guy “pls sori na, paano na tayo, paano na ko, patawarin mo na ko pls, me sinabi pa raw ito n “umaasa ako e”. Ung wife ko raw galit at sabi wag syang hawakan. Ung isang girl daw biglang lumapit, galit din at sabi “ Sir, pwede ba, tigilan nyo n kc c (name ng wife ko), me asawa na ung tao..” Ung isang guy daw, ala lang, nakatingin lang, marami daw dala, me kaldero pa. Bumitaw daw naman ung guy n kausap ng wife ko napahiya daw cguro dun s isang girl. Ung wife ko diretso lang ng lakad pauwi s amin di lumilingon, kasunod ung dalawa pa. Nung pinaandar daw nung guy ung sasakyan dun agad sya lumabas, kinuha daw nya ung plate#, inabot pa s akin. Yung pisngi ko namumula n s galit, isip ko me nangyari talaga, sabi ko s friend ko tnx, susunduin ko n misis ko at kung pwede s amin lang ‘to. Pinapakalma ako ng friend ko, hintayin ko n lang daw c wife at sa bahay n raw mag-usap. Pero ung galit ko di ko nmapigilan, kaya ung friend ko inoffer n lang ung car nila, samahan daw nya ko.
Mga 7pm nasa mall n kami, diretso ako dun sa lugar ng wife ko, kita nya sa mukha ko ung galit, sabi ko mag-undertime sya, hindi ako aalis dun at hihintayin ko sya. Nakita ko ung takot s face nya, saglit lang daw papaalam sya. Biglang lumapit ung friend ko tinuturo ung guy malapit s escalator n nakatingin s amin, un daw ung nakita nya. P*&%^, c kamote nga, ung mukha ko pulang pula n cguro s galit noon, ganun kc ako lalo n pag nakainom. Nung lingunin ko parang namutla, at pababa ng escalator c loko. Habol ako, kasunod ung friend ko. Ambilis ni kamoteng lumakad nakahalata cgurong ako ung asawa ng nilalandi nya. Sigaw ko “pare saglit” pero diretso pa rin ito, nagmura na ako “pi naman e, saglit sabi”, alam ko nakakatawag n ako ng pansin ng ibang tao pero wala kong pakelam, c gago nakalusot s employees entrance, me guard doon, pinigilan ako, bawal daw, sabi ko kkausapin ko lang ung pumasok, ayaw talaga. Noon ko lang napansin dumadami ng tao sa paligid, wife ko nasa likod ko n pala umiiyak, sabi ko uwi n kami. Sasabihan nya lang daw si Ate G, para ipagpaalam sya. Hinintay ko n lang sya dun sa isang corner. Sa kotse d ko mapigilan galit ko. Sabi ko akala mo cguro di ko malalaman na di ka pumasok nung mga nakaraang araw (though hindi ako sure), may nakakita sa yo nung Wed, may naghatid din sa yo pauwi, ba’t ang dami-dami mong lihim sa akin, ano bang kasalanan ko s kanya, na kung gusto n nyang sumama dun ke kamote wala n kong pakelam, hakutin na nya gamit nya at magsama cla sa impyernong mga p.i nila.Iyak lang ng iyak ung wife ko, wala raw silang relasyon di daw sya ganun. Ayaw namang mangatwiran iyak lang ng iyak, pnakalma n ko ng friend ko, sa bahay n lang daw namin pag-usapan.
Sa bahay 2loy ung galit ko sabi ko, “pi, ano? naiputan mo n ko s ulo, sabi ko antanda-tanda n nun a, malaki p tyan (kc napansin ko, me tyan n c kamote), pera ba, kaya ko ring kitain un ah. Ung sama ng loob ko noon, parang naiiyak n ako, sabi ko magsama n clang 2, binuksan ko ung cabinet naming at inihagis s kanya mga damit nya, sabi ko lumayas n sya. Yung wife ko diretso lang ng iyak dun sa dulo ng sofa, hayaan ko daw syang magpaliwanag. Ano n naman sabi ko, lulusutan mo n naman ako, ggwin mo n naman akong tanga, 2loy 2loy lang salita ko. Nung medyo kumalma ako dun sya nagsalita. Eto ung kwento nya, nung Tues daw, talagang iniiwasan nyang magsolo silang dalawa, lagi sya s tabi ng friends nya, nagtxt p raw ito, na usap cila pero d nya pnancin. Nung ngtxt daw sya s akin na matulog n ko noon, nagpaalam n sya kna Ate G kc nga nahihilo n sya, inaya daw nya ito n magshower n cila para mkapag-rest n, cge daw sabi ni Ate G susunod n sya kc kumakanta p ung bf, last 2 song n lang daw. Ung isa daw nilang friend e kausap ni kamote kaya d na nya inaya. Ung CR daw is, walang pinto pero, may ihian ng boys s loob, may 3 cubicles w/ door, 2 dito shower rooms, ung isa wlang shower, toilet seat lang. Maliligo n sya ng kinatok ni kamote at inaabot ung cp nya n nklimutan pala nya. Nung bahagya daw nyang buksan para abutin ito, itinulak daw ung door, pumasok, bigla syang niyakap at ang sabi mahal n mahal sya at bakit siya pinapahirapan. Sinara p daw ung door at pilit syang hinahalikan. Di daw nya alam ang gagawin buti n lang daw at sumunod c Ate G at pilit pnabubuksan ung pinto. Sinenyasan p raw sya ni kamoteng tumahimik pero tinabig nya ito at binuksan ung pinto. Dun n raw sya umiyak k Ate G, c kamote walang imik daw na umalis. Sagot ko k wife me nangyari ng ganun pero wala syang sinabi s akin. Bakit di sya sumigaw, bakit di nya hinintay ung mga kasamahan nya bago magshower and of all things ung cp maiiwan nya e lagi nga nyang dala? ang dami kong butas n nakikita s kwento nya. Tinanong ko rin kung nakitaan ba sya ng katawan ni kamote, hindi daw, nakadamit p raw sya. Sabi ko so hindi k nga pumasok nung mga nakaraang araw at di mo sinabi s akin, at kung hindi pa may nagbalita sa akin n nakita ka di mo rin sasabihin. Natatakot daw sya baka magwala ako pag nalaman ung nangyari, baka kung ano ang gawin ko. Kaya di siya nakapasok talagang sumama pakirandam nya s nangyari, at ayaw nyang makita ung bisor nila. Sabi ko sabi mo ung cp mo na nabasa at nasira, so di rin totoo yun? tanong ko ulit. Di raw, nawalan daw talaga sya ng ganang sumagot kahit s anong txt o tawag nung araw n un. Pusa, labo talaga, kailangan bang isa-isahin ko p ung mga kasinungalinan nya, ano p bang mga di ko alam? tanong ko, kc sabi ko, di ko na alam kung maniniwala pa ako s ‘yo, andami mong itinatago. Wala daw cila talagang relasyon, maniwala daw ako, sorry daw s paglilihim nya. Sa inis ko, lumabas ako ng bahay parang di ako makahinga, dun ako nag-stay s may gate namin. Bumili ko ng beer s tapat, at uminom pero di ako pumasok ng bahay, pumasok lang ako ng gate at naupo s harapan. Mga 11pm, me kumatok, si Ate G, worried lang daw sya. Sabi ko walang nagyari dun s kaibigan nya, buhay pa. Pinagbuksan ko ng pinto, nasilip ko ung wife ko, andun p rin s pwesto nya, umiiyak p rin, ung mga damit n ibinato ko andun pa rin. Pumasok c Ate G, nag-usap cila, wala akong nadinig, sinarahan ko kc ung pinto pagkapasok nya at bumalik s pwesto ko, sa isip ko, bahala kayo, magkutsabahan p kayo. After mga 20min cguro lumabas ito, lumapit s akin, kung pwede raw kaming mag-usap. Wala daw talagang relasyon ung wife ko at c kamote, sa kanya raw lagi nagco-confide wife ko. Nung pinagtsitsismisan n raw ung 2 tungkol s closeness nila, sinabihan nya ung wife ko tungkol doon, umiiwas daw naman ito pero c kamote lang ung talagang lumalapit. Close daw ung group nila at since di naman maiiwasan talaga since same work at superior nila ito, nakikiride-on lang ung wife ko. Wala akong tinatanong pero tuloy ung pagtatanggol nya sa wife ko. Nung Wed daw, nung magpaalam ito na magsho-shower na, sinabihan sya n sabay n cila, pero kumakanta p nga ung bf nya. Sa isip ko saktong-sakto ung mga kwento nya kung ano ung sinabi ng wife ko ah. Pinauna nga nya to at sinabing susunod n sya. Katabi nya daw ito at napancin nga nya na naiwan ung cp, nung tumayo daw ung wife ko, nakatingin c kamote, at napancin din ung cp ni wife at sabi sya n ang magbibigay kasi na-c-CR din sya. Nag-excuse daw ito dun s isang friend nila at sabi babalik sya, saglit lang. Natapos n raw ung 2 song nung bf nya, d pa rin nabalik c kamote kaya sumunod n sya. Narinig nga daw nya ung ingay sa shower room kaya talagang kinatok nya, nagulat nga sya andun c kamote s loob at wife ko. Umiiyak daw c wife kaya alam nya n malamang binastos ito ni kamote. Iyak raw ng iyak ung wife ko at nag-aaya ng umuwi. Sinabi nya daw ito sa bf nya pero wala nga raw silang masasakyan kc madaling araw na. Bakit daw naman cila nagmamadali e uuwi rin cila ng mga 4am. Di raw nya masabi s bf nya ung problema. Pagbalik nga raw niya sa room nila, umiiyak pa rin wife ko. Mga 4am daw umalis n cila ng Laguna pero inihatid p daw nila ng bf nya sa bahay ung wife ko, kahit mauna sila dapat bababa, para di maiwan k kamote ung wife ko. Sakto n sana ung kwento nya, pati s kwento ng friend ko, kaya lang naitanong ko, ano suot ni wife nung makita nya sa loob ng banyo ung wife ko at c kamote. Dun ito medyo natigilan, sabi e ano...naka-bra n lang wife mo, pero suot p rin ung short, malamang daw nakapag-alis na ito ng tshirt nung pasukin ni kamote kc nga magsho-shower. Napamura n naman ako, p*&^%% ang sabri nya s akin, nakadamit pa sya, anong kasinungalinan n naman un. Nagulat c Ate G s reaction ko, wag ko raw pagalitan c wife, di raw nito gusto ung nyangyari. Bigla akong tumayo at pumasok s bahay, sabay tanong k wife kung bakit nagsinungalin n naman sya, sabi ko, “sabi mo may damit kp nung pasukin ni gago e bakit sabi nito (itinuro ko c ate G, na nakasunod n agad s akin) naka-bra ka na lang!” Nagkatinginan pa ung 2, ung wife ko na humihikbi na lang e umiyak na naman, again, natakot daw sya sa maaari kong gawin, pero idinidiin nya n walang nangyari. E bakit kp nakapasok ng Sabado, bakit di kayo nagreklamo, tanong ko ulit. Ayaw daw nya ng eskandalo, again, wala daw namang nangyari. Ililihim n lang daw sana nya ang lahat. Nung Sat daw knausap nya c si kamote at pinagbantaang irereklamo na ito pag naulit ung nangyari at kung pwede wag n magdidikit s kanya. Ung ulo ko parang umiikot na talaga sa mga kwento nila. May kapani-paniwala, may hindi. Nasuntok ko ung pinto s kabwisitan, lumabas ako ng bahay at dahil di ko alam ang gagawin. Tumambay lang ako s kanto, natanaw ko p c Ate G ng pauwi mga 1hr after cguro. Umuwi ako ng bahay mga 2am n at s sofa n lang natulog. Nagising ako ng 7am, naghanda s pagpasok, nakita ko sya’ng nagluluto.D ko na pinancin, naligo lang ako at gumayak para pumasok. Lumapit sya s akin, kain n raw kami, hindi n raw sya papasok s work. Sabi ko wala akong pakialam, at kung gusto nya sumama n sya dun k kamote, sinabayan ko ng alis. Sa office di ako makawork ng ayos, dami kong tanong s sarili. Bakit di nya sinabi n di sya pumasok ng Wed to Fri, nagkita kaya sila sa bahay, kung totoo na binastos sya bakit di sya sumigaw, wala n pala syang pang-itaas, ano nangyari nung mga time n yun, halik lang ba? Paano kaung di sya kinatok, hahayaan n lang nya lahat, sabi nya nahihilo n sya nun, so ibibigay n lang nya? O baka naman nagtagpo talaga sila s CR, gumawa ng milagro at ung kwento nilang pagkatok ni Ate G e gawa-gawa n lang nila. Kung totoo man kwento nila, nasobrahan yata sya ng paglalandi k kamote, di ba nabanggit ng friend ko na tanong nito `paano n tayo’ so parang me unawaan na nga ung dalawa. Nabubuwang n yata ako, baka sa bawat araw ng pumapasok ako ngayon, naiisip ko, baka pinag-uusapan n ako nilang dalawa o baka naman nagtatagpo n sila. Hindi ko n yata siya pwedeng iwan mag-isa ng walang iisipin. Ang totoo nyan from Mon to this day, cold treatment kami, maghahanda sya ng breakfast/dinner pero di ko ginagalaw, nagpapa-late ako lagi ng uwi, punta dun s friend ko, inom ng konti, makalimot lang. Mon, tapos naming uminom ng konti, nag-aya akong balikan naming sa mall c kamote, masapak man lang, pero nakaleave daw ito sabi nung napagtanungan naming. Tues, ung friend ko na ang nag-ayang balikan namin kc nga baka naman niloloko kami nung napagtanungan namin, isang oras kaming paikot-ikot dun s floor, wala talaga .
Etong wife ko , cge p rin ang sorry s akin,. Kanina nga, kahit di ko pinapansin, nakuha pang magpaalam sa akin, magpapaalam lang daw sya ng ayos sa office nila. Sinagot ko bago ko binirahan ng alis, “di ba sami ko, wala n aking pakialam sa iyo, magtrabaho ka o hindi wala akong pakialam, magkita man kayo ni gago, saan man kayo pumunta, wala akong pakialam!”
Alam nyo what’s torturing me, ung time n nasa CR sila, and picture of his hands on her always comes out of my mind. Part of me says kalimutan ko na lahat, pero naiisip ko, paano ung mga time n wala sya s paningin ko, mapagkakatiwalaan ko p ba sya? Tuwing aalis n lang ba ako, magiisip ako ng kung ano-ano? I think we’re leading to separation, nawala n talaga ung trust ko sa kanya.

mag isip ka kung gaano mo sya ka mahal dun sa point na kaya mong kainin ang pride mo.. pero ako parang di ko ata kaya sakin kahit san si kamote pumasok na lugar aantayin ko sya lumabas mata lang yan walang latay . para sakin di naman siguro mag papakita ng motive ung kamote kung talaga di pinaasa in the first place at di mag lalakas ng loob ng ganun ka aggresive ung kamote... na posible na meron nga ng yari. lalaki ka at ang iba sa atin alam natin kung kailan tayo nagiging aggressive at hindi dapat lalot alam nya na may ibang tao o co employee nila na siguro eh alam din nila na meron sila relasyon....
at isa pa pwede sya o kayo mag reklamo act of lasciviousness sa pag yakap o pag halik .. kung papayag wife mo sure ako na talagang wala sila relasyon . pangit na ang dahilan nya para ma promote .. di nya kailangan gumamit ng isa tao para lang makuha ang promotion na hinihingi nya or regularitation .. isang part lang un ng pagka desperado...na sa tingin ko di nya naman talaga kailangan dahil sabi mo nakakaraos naman kayo at di naman talaga kailangan sya mag work...
minsan kailangan mo din bigyan ng time ang sarili nyo para mag isip.....
isa lang boss ang wag mo gagawin na saktan o pag buhatan ng kamay ang asawa mo .. puro lang naman tayo talaga conclusion as long as di natin nakikita mula sa sarili nating mata.. (pero di malayong nangyari)
try mo din kausapin ang manager nila boss na mas mataas pa sa kanya. di naman siguro nila hahayaan na meron isa silang empleyado na ganun .. na pwede din mngyari sa iba pang empleyado sabi mo visor lang un .. pwede sya matanggal sa trabaho.. karapatan mo yan bilang asawa dapat lang ipagtangol mo kahit na sabihin nila wala sila relasyon eh sabi nga pinasok sya sa cr hinalikan at niyakap "act of lasciviousness"
 
Last edited:
dapat talaga iconfront mo na ts si kamote ng magkalinawan na. nakakapagod oo, pero benefit of the doubt muna. listen to all sides.

goodluck ts. nakakaiyak yung story mo. kung ako nasa lugar mo baka nakapanakit na ko :(
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom