Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

is my wife cheating or not? pa advice naman po

Status
Not open for further replies.
From Page 1 to Page 85 pinilit ko basahin ang Posts ni TS. Tragic love story but it really does happen. Di na natin pwede masisi or kumbinsihin si TS na baguhin desisyon niya about his wife and the way their relationship ended. Wala na magagawa tungkol dun. If this will be a mistake it will be a mistake which he must live by.

Let's put things in perspective here. Para kasing nagiging Team TS vs Team Wife ni TS o kaya Team Husband vs Team Wife or Team Boys vs Team Girls. Lets do it how lawyers and law students do it. Ang isang kaso papaiksiin at ipipilit isummarize ng complete sa kelangan na detalye. Facts, Issue, Ruling/Held.

Unahin natin ang issue para di na rin to matulad sa iba.

Issue: Bakit nagkaganun ang wife ni TS?

Facts: Si TS pinagdududahan niya ang asawa niya kasi nawala na ang lambing nito sa kanya at palagi na lang niya hawak ang cellphone niya kahit magpunta ng banyo bukod dun parati din itong nakasilent. Di naman ito makuha ni TS or mapagusapan yun kasi once na umpisahan pagusapan ganung maseselang bagay parang maguumpisa ang away nila at yun ay gustong iwasan. Isang araw napagisipan sunduin ni TS asawa niya at nakita niya ang asawa niya na may kausap na lalake na bisor pala niya. nagseselos si TS kasi habang naguusap asawa niya at yung bisor nagtatawanan sila na di naman nangyayari sa pamamahay ng mag-asawa.

Kinompronta ni TS ang asawa niya tungkol dito, pero madalas ito iapagtanggol ng katrabaho ng asawa niya. nagconfess naman ng maayos ang asawa niya kaya nagkaayos. nagpunta si TS sa Cebu para sa training bumalik ng konti communication nila mag-asawa pero may araw na hindi bigla nagttxt asawa o kaya di matawagan ang cellphone. may nagsabing kaibigan ni TS na may nakita siya about sa asawa niya nung mga panahon na di nagttxt ito.

Nag-away ulit si TS at ang asawa niya. Dumating naman ulit katrabaho ng asawa niya para magexplain sa buong pangyayari na mahirap paniwalaan. Nagdesisyon si TS na puntahan ang asawa sa trabaho at hanapin sinasabing lalake na kasama ng asawa. Nang malaman niya na ang bisor yun, pinuntahan niya yun at hinabol pero walang nagawa si TS kasi hinarangan siya ng mga guard.

Nagreklamo si TS sa manager ng pinagttrabahuan ng asawa niya. pero ang policy nila is anything outside work premises (pasensya na di ko maalala tamang words na ginamit)di na nila sagot. Magsampa na lang ng reklamo sa korte kung gusto magreklamo. pero sa di inaasahan na pangyayari ayaw ng asawa ng magulo pa kaya di na idiniretso reklamo. dahil sa desisyon na yun, di na naayos pagsasama ng mag-asawa at tuluyan na silang naghiwalay.

Held (Baguhin na lang natin... Reasons):

bakit nga ba nagkaganun ang asawa ni TS?- bago natin sagutin yan sagutin natin mga ibang tanong na magdudugtong sa tanong na ito.

Bakit ayaw niya idiretso reklamo - Kahit sino naman yata na tao ayaw ng magulo o may madadamay pang iba na tao lalo na kung palagi ka tinutulungan nito o kaya kasamahan sa trabaho. Ang paghahain ng reklamo ay totoong napakatime consuming. maaabala ka at ang productivity mo sa trabaho ay talagang mababawasan. bisor pa kinalaban mo baka naman matanggal ka pa sa trabaho. At sa pagkakataon na matanggal sa trabaho mahihirapan ka maghanap ng panibago lalong lalo na pag nakita sa records mo kung bakit ka nga ba umalis sa past work mo. Isa pa na pwede mangyari is siniraan ka na sa ibang companies therefore making it difficult na makahanap ng ibang trabaho. Ganun din mangyayari dun sa kasamahan na katrabaho ng asawa niya, if she'll testify ano kakahinatnan niya. same as sa asawa ni TS.

Bakit di sinasabi ng asawa ang lahat ng nangyari? Bakit pa niya kinailangan itago sa asawa niya? (di magreply sa txt o tawag? - Di natin palagi pwede sabihin na nagiisip pa siya ng sasabihin o talaga naman wala siya maisip agad sabihin- di tugma alibi niya sa gusto niya iparating. Kelangan natin tingnan physiology, mental at emotional state ng babae. Matagal mawala ang shock sa kanila pag may nangyari na masama. Kapag nasa state of shock ang babae or stressed dahil sa blockmail or kung ano ano pa like sa work... kahit ano gawin mo di talaga makakapagsalita yun. Magfflashback sa isip niya ang mga masasamang nangyari or masasamang consequence pag basta basta niya sinabi ng buo ang mga totoong nangyari.

Iniisip din dito magiging reaction ng lalake kaya di pwede basta basta sabihin ng babae mga ganun bagay. Gaya ng sabi ko nung una, maiiskandalo sa trabaho at matitindi ang consequence ng bagay na yun. Mag ala Rambo ka sa mall, o sa work place ng asawa mo sisante kakalabasan nun.

ngayon pwede na natin sagutin pinaka maganda tanong bakit nagkaganun ang asawa?

-bata kinasal
-kinasal ng wala pa masyado napapatunayan lalake (I'm not belittling TS here- pwede naman kasi siya maghanap panibago partner at least natuto na, time to be a better lover and husband)
-kulang sweldo (not sure pero kung ganun trabaho ng asawa palagay nagiging sapat lang sweldo sa bills)
-mga kasama niya sa trabaho
-nature ng trabaho ng asawa
-past ( kung walang past, walang present- history)
 
Para siguro maiwasan na ganitong mga pangyayari...

-wag magpakasal ng bata ang mga lalake- So ano ipinaparating ko? wala naman hinahabol ang lalake na oras di ba? Makakabuntis at makakabuntis ang boys. siguro the perfect age para magpakasal is 30 to mid 30's. pano ko nasabi? By that time malalaman mo na kakahinatnan mo. Alam mo kung ano na direksyon mo. Kung sa ibang bansa ka ba or iipon ka muna pera tapos balik ka sa Pilipinas para magnegosyo ng maayos. Hindi yung kasal ka ng bata naeenjoy mo ba asawa mo? You have bills to pay! Tapos wala ka makita trabaho dito? Mangingibang bansa ka kung kelan may asawa at anak ka na? Di mo alam namimiss ka ng asawa mo o paglalambing mo sa ibang tao tuloy yun hinanap? That would be a husband's nightmare.

-Be a good provider- related sa sinabi ko sa taas

-Build a career muna bago kasalan

-Be with your partner for most of the time- I know mahirap to sa panahon ngayon pero nagagawa naman. mahirap na maiputan or lokohin

-sa halip na mag iinom ka, o sa halip na bote ng beer buhat buhat mo, try mo kaya barbell! Mag gym ka na lang. Mas gusto ng babae ang amoy ng pawis ng lalake na nagggym kesa amoy ng alak mula sa katawan ng lalake. Builds natural testosterone pa. it does make wonders
 
Hi TS.

Sobrang lungkot ng nangyari sayo. Almost 2 months na and I know nasa abroad ka na.

Hope you are moved on now or kung hindi pa eh sana nasa proseso ka na ng paghilom ng mga sugat ng kahapon.


Goodluck TS. Let God be thy light :)
 
Last edited:
cguro ts kelangan mo timbangn ung love mo sa knya at yung pride mo bilang lalake... kung ano ba dapat masunod.. kya mo nga gnawa tong thread na to kasi mahal mo xa at ayw mo xa mawala.. pero sa huli isinuko mo pa dn xa dahil sa pride mo na naiputan ka.. sana bago umalis ts nlgyn mo muna ng closure dahil sa gnwa mo pariwara pa dn ang aswa mo. pariwara dahil wala xang ibang matakbuhan kaw sana na asawa nya at c supervisor nya.. kaya mo na ba tnggapin na mkita mo o mabalitaan mo na my iba na si misis mo at ngsawa na humingi ng tawad?? pag bumaba na yung pride mo ts mararamdaman mo ung pgkamiss at dun mo na need timbangin kung mahal mo talaga xa or need mo na i give up... pero payo sana ts give her a chance.. sa kwento mo kasi d mo xa bngyn ng chance to prove na mahal k nya.. bata pa kasi misis mo d nya kaya ihanldle ung prob nya kelangan nya ng kausap. hirap kasi ikwento un sa nanay nya sa kaibigan nya sa kapatid nya na nanlalake xa.. ano iicpin sa knya?? kaya sa inyong 2 lng ni kamote xa pede lumapit kung hnd sasabog xa. sa gnawa mo pagiwan sa knya malamng kay kamote pa dn xa hihigi advice at c kamote namn todo comfort. kung ok na sau un d pabayaan mo sila kung ayw mo mangyari un give her a chance. lahat namn tyo ngkakamali. lahat tyo natutukso... lalo na dumating si kamote sabuhay ni misis mo nung mahina xa at kelangn nya kasup dhil sa narinig nya sa inyo mgtropa about sa x mo. tngn ko sa una gnamit nya c kamote para mareg xa sa work dahil gusto nya patunayn sau na kaya mgwork. dahil cnabi mo masarap buhay nya. ung unang nagyari dun sa nkita mo sa sakayan wala pa talaga yun . tngn ko totoo lahat cnabi ng misis mo. dun sa 2nd scene sa swimming totoo din cnabi ng misis mo kaso lng hnd kumpleto... kaya ko nasabi un dahil d namn nya kelangn ikwento sau ung ngyari dun sa cr d mo namn malalamn pro cnabi pa dn nya?? alm mo kung bkit?? dahil wala xa iba masasabihan.. duming dumi xa sa sarili nya dba? hirap nun pag ikaw lng nghandle sarili mo kaya nya cnabi sau. bkit d nya agad cnabi? dahil d nya alm kung papano sasabhn na d ka mgagalit dahil natatakot xa na mwala la. nandun na tyo ngkamali xa pro ngsisi xa ngeffort xa kaso ask kita ts anu ba dapat at kelangn gawin sana ng aswa mo para mgng ok kau nung time na un?? d pa ba nya gawa lahat ng alm nya paraan? nung time na galit ka sa kny dhil a at depressed ka ung time na dn un sisisng sisi asawa mo at depressed dn xa. tngn ko nagpalit dn talaga xa ng no. pero dahil salungkot at walng masabhn syempre kay kamote lng xa pede mgsabi xa ang unag ngtxt ky kamote dhil wala mkausap.. nung napnsin mo d na xa ngtetext sau or shall i say d ka na nya hinahabol pinuntahn mo xa at un nkita mo.. sa macdo. ..... tngn ko ts ngng masyado lng kayo malihim sa isat isa kaya ngkagnyn kau bata pa kasi kau 2 sana cnabi mo sa knya lahat ng doubts mo insecurities lahat ng nasa loob mo bago ka umalis.. at sana force mo xa to tell her the whole truth dahil dun k lng mgkakaron ng decision or closure. pagngkamali lng isang tao my 2 effect yn na pede mangyari its either d na nya uulitin dahil alm na nya ang risk na pede mawala sa knya or uulitin nya ulit dhil alm nya na mapapatwad mo xa. love sugal yn kaw ang mgdedecide ts walang kasiguraduhn. payo ko lng kung mhal mo give her a chance tnggpin mo xa para maprove nya na mgbabago xa pro d ko namn sinabi na patawarin mo na xa. dahil sa gusto mo mkalimutan xa dhil sa sakit gnun dn ang mangyayari sa knya dhil sa lungkot at pgsisis at walng mkausap.. pero kung tngn mo kaya mo na xa mawala let her go. un lng ts paxenxa na sa mga typo mga kasymb at paikot ikot ata ang feed back ko gusto ko lng share ung nasa icp ko ty
 
e2 pla mga kasymb kung sa tngn nyo malandi ung babae?? bkit need nya mgmakaawa kay ts sa anung dahilan?? pera??? d sana d nya pinipigilan c ts na umalis sana.. at nung paalis na sana c ts papuntang cebu at abroad d nya pipigilan kung gusto nya talaga manlalaki.. nung cnabi ng misis ni ts dun sa nanay nya madami ngyari dhil d pa dn nya maopen sa knila about dun sa cr scene... un lng po sna mbasa ni ts bago pa.
 
Nakakalungkot talaga ung nangyari kay TS.

Parang ako din, darating sa ganyan. :noidea:
 
Magagawa na lang dito magsilbing aral sa iba. kay TS wala na tayo magagawa sa ibang lalake na mukhang magkakaganito iwasan niyo na ang mga maaaring traps.

Kung maganda asawa niyo at palagi naman kayo na wala get ready for a competition. Di ko sinasabing dapat mayaman ka, kasi ang mga mayayaman din ay naloloko. Minsan nakukuha ang babae sa matatamis na salita, sa looks or yung laging andiyan ang lalake sa tabi ng asawa mo yari ka na.

Pinakaayos talaga is nagawa mo na mga gusto mo as a single person. Si TS nambababae pa pala nung kasal sila magbabackfire yan sayo. Kwento kwento sa mga kabarkada kung gaano kasarap ang buhay kung sakaling napunta ka sa iba, iwasan na lang. Kasi ang babae nasasaktan sa ganyan. Once na pumasok ng todo yan sa isip niya...baka gumanti yan.

At dun naman sa pagrereklamo... sa hirap nga naman ng buhay ngayon at paghahanap ng trabaho, ano aasahan mo sa asawa niya, pag nagreklamo siya, siya pa mapapahiya, siya pa mawawalan ng trabaho at mahihirapan din magtrabaho.

yun na lang.

Can't do anything for TS kung ayaw niya patawarin asawa niya or magbalikan sila at tanggapin pagkukulang niya sa relationship nila. Magagawa na lang dito sa thread na ito is magsilbing aral sa iba.
 
mahirap yan pag nagka anak kayo..... baka mapa kanta ka ng....

"parang-parang akin.. parang-parang hindi!, parang-parang akin, parang-parang hindi! hehe joke lang. ang gawin mo tol eh kalimutan mo kung nagche-cheat man sya talaga. wag mo ilagay sa isip mo yun. gawin mo ikaw ang magluto, ikaw ang magtext lagi, ikaw ang mag i love you. at simpleng yakap lang isang araw nadadagdagan ang pagmamahalan at pagsasama nyo. kalimutan mo na niloloko ka, kung niloloko ka eh di gantihan mo ng lubos na pag mamahal. ewan ko kung di sya maguilty. pero the best nyan eh kung alam mo yung story na "GAGANTI TAYO" eh yun gawin mo hehehe. Wag ka lang sa bandang huli gagaya na sisigaw na "patawarin na natin sila!" :dance:
 
2 questions at wish ko rin na sana ma-update pa ni TS 'tong thread n to (d po ba abot 'tong site frm other country?)
1) ano po ba ibig sabihin ng TS? nakiki-TS lang ako pero di ko alam ung meaning...sensya na, newbie lang.
2) i keep visiting this posts kc as a woman gusto kong paniwalaan ung wife n TS n wala talagang sex p n nangyari, pero ano nga ba ung s McDo? if she's been guilty all d time, bakit nhuli pa syang hawak ang kamay nya, y being w/ him again in d first place?

Sorry d na yata 2 ung questions ko...ewan di ako makabitaw sa story, haiz...pati 2loy n movie na One More Chance inulit ko, tama ung iba ha, tugmang-tugma ung sinabi ni Popoy sa life story ni TS.
 
2 questions at wish ko rin na sana ma-update pa ni TS 'tong thread n to (d po ba abot 'tong site frm other country?)
1) ano po ba ibig sabihin ng TS? nakiki-TS lang ako pero di ko alam ung meaning...sensya na, newbie lang.
2) i keep visiting this posts kc as a woman gusto kong paniwalaan ung wife n TS n wala talagang sex p n nangyari, pero ano nga ba ung s McDo? if she's been guilty all d time, bakit nhuli pa syang hawak ang kamay nya, y being w/ him again in d first place?

Sorry d na yata 2 ung questions ko...ewan di ako makabitaw sa story, haiz...pati 2loy n movie na One More Chance inulit ko, tama ung iba ha, tugmang-tugma ung sinabi ni Popoy sa life story ni TS.

OT:

TS means "thread starter"

:salute::salute::salute:
 
Para siguro maiwasan na ganitong mga pangyayari...

-wag magpakasal ng bata ang mga lalake- So ano ipinaparating ko? wala naman hinahabol ang lalake na oras di ba? Makakabuntis at makakabuntis ang boys. siguro the perfect age para magpakasal is 30 to mid 30's. pano ko nasabi? By that time malalaman mo na kakahinatnan mo. Alam mo kung ano na direksyon mo. Kung sa ibang bansa ka ba or iipon ka muna pera tapos balik ka sa Pilipinas para magnegosyo ng maayos. Hindi yung kasal ka ng bata naeenjoy mo ba asawa mo? You have bills to pay! Tapos wala ka makita trabaho dito? Mangingibang bansa ka kung kelan may asawa at anak ka na? Di mo alam namimiss ka ng asawa mo o paglalambing mo sa ibang tao tuloy yun hinanap? That would be a husband's nightmare.

-Be a good provider- related sa sinabi ko sa taas

-Build a career muna bago kasalan

-Be with your partner for most of the time- I know mahirap to sa panahon ngayon pero nagagawa naman. mahirap na maiputan or lokohin

-sa halip na mag iinom ka, o sa halip na bote ng beer buhat buhat mo, try mo kaya barbell! Mag gym ka na lang. Mas gusto ng babae ang amoy ng pawis ng lalake na nagggym kesa amoy ng alak mula sa katawan ng lalake. Builds natural testosterone pa. it does make wonders



You did make a lot of sense saying this!
Thanks par!
 
nanghihinayang ako TS dahil late ko na nabasa etong thread mo. sayang tlga. ndi man lang kita naabutan b4 k nag last post. well, goodluck sau TS!!!:)
kung sakali mpadaan k ulet d2 sa symb, hit a chat :) or reach me thru my email [email protected]

:salute:
 
Nakakalungkot naman di ko maisip kung ako ang nasa ganyang sitwasyon.
Godbless TS
 
Ur wife is cheating kahit alam mo ung shift ng trabaho nya wala ka naman dun para makita ang ginagawa nya napakarupok ng babae at higit sa lahat vulnerable sila sa mga bad image na lalaki gaya nga ng sabi ni addcypher sa post nya makikita mo din dito un. Ako nga walang kaalamalam eh hahaha ang saya diba. Buti nlng hindi ko naging asawa kasi patay ako dun
 
Para siguro maiwasan na ganitong mga pangyayari...

-wag magpakasal ng bata ang mga lalake- So ano ipinaparating ko? wala naman hinahabol ang lalake na oras di ba? Makakabuntis at makakabuntis ang boys. siguro the perfect age para magpakasal is 30 to mid 30's. pano ko nasabi? By that time malalaman mo na kakahinatnan mo. Alam mo kung ano na direksyon mo. Kung sa ibang bansa ka ba or iipon ka muna pera tapos balik ka sa Pilipinas para magnegosyo ng maayos. Hindi yung kasal ka ng bata naeenjoy mo ba asawa mo? You have bills to pay! Tapos wala ka makita trabaho dito? Mangingibang bansa ka kung kelan may asawa at anak ka na? Di mo alam namimiss ka ng asawa mo o paglalambing mo sa ibang tao tuloy yun hinanap? That would be a husband's nightmare.

-Be a good provider- related sa sinabi ko sa taas

-Build a career muna bago kasalan

-Be with your partner for most of the time- I know mahirap to sa panahon ngayon pero nagagawa naman. mahirap na maiputan or lokohin

-sa halip na mag iinom ka, o sa halip na bote ng beer buhat buhat mo, try mo kaya barbell! Mag gym ka na lang. Mas gusto ng babae ang amoy ng pawis ng lalake na nagggym kesa amoy ng alak mula sa katawan ng lalake. Builds natural testosterone pa. it does make wonders

Bill, I can’t seem to get-over with your story, you got us hanging in there,
You owe us the ending, man…
Sorry, girls, my sympathy still goes to Bill, and with that being said, I’d like to response on above thoughts from @smyle:

-wag magpakasal ng bata ang mga lalake
Yup, that makes sense, but same goes to the woman. It already happened anyway.
-Be a good provider
Bill is, isn’t he the one paying the house rent, and everything else? I think he
mentioned before, they’re not using his wife’s income since his salary can
still accommodate both of them.
-Build a career muna bago kasalan
He’s a supervisor now; such title is already on management level. That is a career. You might say he just got promoted, well, true, but there are other higher positions you should step on before going to that level, say, he’s maybe a team leader before, well, at age 23 that is already a feat.
-Be with your partner for most of the time
This one for Bill to answer, have you very busy man trying to reach those dreams? But you said you are already home before she did, so I guess, yes! You have the time.
-sa halip na mag iinom ka, o sa halip na bote ng beer buhat buhat mo, try mo kaya barbell!
Let us not forget, he just started drinking when she started cheating. “may tyan na si kamote”, so prob’ly Bill has none, and is fit.

Statistics says 20% of marriages survive betrayal 2 years the most, and that already includes counseling, and with both hoping to save it... Man, 20% is an F in school, so it for sure is an F in life. Marriage is built on Respect, Admiration, Passion and Trust, and with the trust gone, with the passion getting shared, the other two are in the toilet too.
 
wala na siguro, ending na talaga nila. Atleast, lumabas agad ang kulay habang wala pa kayong anak.
 
Sa mga boys diyan na nanloloko ng partners nila, di ko magets, magagalit kayo pag naiputan kayo e ano ba ginagawa niyo? Do good things and good things happen, do bad things and they are going back to haunt you. Di ba yan ang rule sa Karma? Ako una ko naranasan na niloko ako ng nililigawan ko pero ok lang sakin. BAkit? I was an absentee na manliligaw, andiyan lang para magpasikat. Niloko ulit ako ng gf. Or nasa isip ko lang yun. Ok lang sakin. Why? I was an absentee bf na may sariling malaking problema at di ko na iniintindi gf ko. Nasa tao din yan kung lolokohin ka o hindi. Kung perpekto kang tao, not just financially, physically, mentally or emotionally saka ka magreklamo kung bakit ka niloko ng asawa mo or gf. Kung match kayo e di match. No one has to be perfect. Just find that person that suits you.
 
TS, sad naman yung mga nangyari sayo.. ang nabasa ko lang ung 1st post mu. sa nabasa ko malamang nga may kinahuhumalihang iba ung wife. ganyan din kasi nangyari samen ng dati kong asawa i-share ko lang sana.. halos parehas din kasi yung kwenta mu sa nangyari samen.. pansin ko din nun na nanamlay ang pagibig nya saken, hanggang sa dumating sa point na nagsisinungaling na sya saken, nalaman ko yun kasi sabi nya wala syang cellphone.. yun pala meron at ginagamit nya yun pag umuuwi sya sa magulang nya. pero naging kalmado pa din ako.. mas pinaramdam ko sa kanya kung ganon ko sya kamahal. pag umuuwi ako galing sa trabaho.. dati sya unang nag-iilove you, biglang dumating sa point na hindi na nya ginagawa yun, pero binaliktad ko yun ako naman ang nauuna at lagi ko syang niyayakap. pinipilit kong lumabas kame lage. .. at yun na nga dumating ang pinakamasakit na pangyayari.. Aug 13 2012 , hindi na sya umuwi , ni kausapin nya ko wala.. basta para bang bula na bigla na lang naglaho sa kabila ng meron kameng dalawang anak. masakit un TS , so, ang mapapayo ko, gawin mu ang lahat, wag mung pabayaan yung nararamdaman mu, kung mahal mu ipaglaban mu, paramdam mu pa rin sa kanya kung gano mu sya kamahal, gumawa ka ng isang bagay na makapagpapaalala sa mga nakaraan nyo nung masaya pa sya sayo.. at least kung talagang malabo na , wala kang panghihinayang at masasabi mu ng buong puso na ginawa mu ang lahat. un lang TS. ganyan talaga.. sana magdasal ka. humingi ka ng gabay sa Dios, sya ang nakakaalam ng lalong mabuti para sayo. ganyan ang LOVE at buhay sa mundo, minsan may mga bagay na hindi talaga naten nakukuha lahat. may nagbabago. ang mahalaga wag kang mawawalan ng pagasa nasa Bible naman. pag nakikita ng Dios na mabuti ang puso mo at totoong nagmamahal.. bibigyan ka nya ng mabait na asawa na kailanman hindi matutukso at hindi ka iiwan. yun ang nasa Bible, TS. ang mabait na asawa bigay ng Dios..
(Proverbs 19:14)
 
TS binasa ko lahat ng post mo (9 in total ) medyo mahaba din.. Wag ka sana magalit ts and sana wag mo ignore tong advice ko.. Try going to Psychologist.. Oo hindi ka baliw, pero you are being rejected(one of the most painful feeling. why? kasi we are social animals ) . Makakahelp kami para makalimutan mo ung mga "PAIN" sa past. Kung pwede lang sana ako na lang tumulong sayo.. Pero hindi ko kasi linya yan..

Mas ok ba kung babawian ko na lang yang kamote na yan.. Mas marunong ako sa social eng.

PS. I think its better na mag POST / Update mo ung tread mo. Kasi mas makakatulong yan para mailabas mo ung sakit , pagod, lungkot,... Tska malay mo makuha yang story mo sa MMK o magpakaylanman hehehe :)
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom