Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Essay isang Hiling

Isang hiling


Paano nga ba gamitin ang isang hiling? Isang hiling na ibibigay at kung anuman ito ay tiyak na ipagkakaloob sayo. Meron kang ilang minuto para mag-isip, sa lalim pati isda ay pwedeng malunod sa kakasisid. Pumapatak ang pawis sa isang hiling na nais makamit. Iisa lang ngunit kung iisiping mabuti ay napahirap sagutan, iisa lang pero kahit ito'y tinatawag na hiling maari ka pa ring umuwing talunan.

Kapag ika'y bata, malamang tsokolate at laruan ang unang papasok sa kaisipan. Ligayang dulot alam mong may kalalagyan. Ngunit kapag ika'y hindi na, malamang walang humpay ang takbo ng mga bagay-bagay sa ating karunungan, iniisip ang puwedeng maging makuha ngunit maiisip din ang tagal na idinidikta. Marami ang pipiliin ang pera, nangungunang papasok sa tenga iisiping mabubusog ang bulsa siguro ang iba'y magsasabing, "Oo tama, matalinong pasya." pero sana alam mong gamitin ang pera sa tama, kaysa masira ang buhay mong noo'y panatag na noong hindi ka pa sinampal ng isang hiling na paksa.

Hindi naman lahat, salapi ang kailangan meron lang talaga silang personal na kahilingan na kung matutupad ay higit pa sa anumang bagay sa mundo ay hindi mahihigitan. Mga mag-asawang walang anak, mga iniwan ng magulang, mga nalulungkot sa kaarawan nila at ang kanilang ama o ina'y nasa ibang bansa para makipagsapalaran at marami pang kahilingang sa mata ng iba ay hindi alintana.

Hindi sayang ang isang hiling kung gagamitin lang ng buong puso't diwa. Marami sa atin, isang mukha ng hiling lang ang kilala eto ay yung mga nakikita sa pelikula. Bakit hindi nyo kilalanin ang isa pa niyang itsura, na ating pinagwawalang bahala. Ito'y iniiwasan dahil sa isang mukha ng hiling na ito'y hindi agad binibigay ang anumang sabihin mo madalas aabot ng buwan o taon bago ito mapapasaiyo. Pero sa bawat anyo nito ay may iba't ibang pagkakabuo, ang isa'y iisa lang at malamang di mo pa makikita ang isa na ma'y nasa atin lang ngunit di ginagamit dahil sa palagay nati'y walang bisa.

Ikaw kapatid? Nakikilala mo na ba ang isang pang anyo ng hiling?
 
Back
Top Bottom