Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Kailangan ba talaga?

Magsimba ka na lang tapos. Mas malapit yan.

Kung alam mo sampung utos. Dapat alam mo rin yung bagong 2 o tatlong utos. Ayan kunti na lang yan sundin mo na lang hindi excuse ang tinatamad kundi sobrang pagod o meron importanteng bagay na biglang dumating.
 
Magsimba ka na lang tapos. Mas malapit yan.

Kung alam mo sampung utos. Dapat alam mo rin yung bagong 2 o tatlong utos. Ayan kunti na lang yan sundin mo na lang hindi excuse ang tinatamad kundi sobrang pagod o meron importanteng bagay na biglang dumating.

nasa 10 utos din yata sa catholic yung pagsisimba eh..kaya sundin mo ang utos ng dios..magsimba ka hehe
 
Nakow kung sa iba ka mapupunta baka hindi lang linggo ang pagpunta mo sa dambana(hindi para ikasal). Or baka puntahan ka sa bahay ninyo. Magpapameryenda ka pa. Baka gusto mo gawin rin namin, aba, baka isang barangay ang pameryendahin mo. :lol:
 
Maraming salamat sa mga payo niyo po. Hindi ko akalain na okay pala iyon kala ko na didisobey ko ang diyos. Pero nagagamit ko naman ang 10 commandments sa buhay ko. Nagagawa ko naman siya kahit ilan lang, pero ayun lang talaga pinaka tinatamad ako mag SIMBA. Hindi ko alam kung bakit ganoon, hindi naman sa sinasabing malayo yung simbahan datapwat malapit lang ito sa amin, pero tinatamad talaga ako, pero kapag simbang gabi, at pasko nag SISIMBA ako. At nakikinig talaga ako sa sinasabi ng pari.

hindi ko po ipinapayo na sundin ninyo ang inyong relihiyon o kahit anu pamang relihiyon...
ang payo ko po ay sundin ninyo ang Biblia dahil ang Biblia ang Salita ng Diyos na hindi nagbabago...
marami po kasing relihiyon na nagtuturo ngunit taliwas naman sa aral ng Biblia...
may mga relihiyon din po na ginagamit ang Biblia para makahikayat ng tao ngunit ang tunay na layunin ay mapakilala at mapaangat ang kanilang mga tradisyon...
may mga grupong ding ginagamit ang Biblia para sa mga sariling interes hindi para malaman ang katotohanan mula sa Diyos...
may mga grupo ding ipinapangaral ang Salita ng Diyos pero hindi nila ito isinasabuhay...

Sapagkat may lilitaw na mga huwad na mesiyas at mga huwad na propeta. Magpapakita sila ng mga kamangha-manghang himala at mga kababalaghan upang iligaw ang marami kahit na ang mga hinirang ng Diyos. Tandaan ninyo, ipinagpauna ko nang sabihin ito upang kayo'y makapaghanda. --Mateo 24:24-25

"Mag-ingat kayo sa mga hindi tunay na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang tupa, ngunit ang totoo'y mababangis na asong-gubat." --Mateo 7:15

Hindi ito dapat pagtakhan sapagkat si Satanas man ay maaaring magkunwaring anghel ng kaliwanagan. Kaya, hindi kataka-taka na magkunwaring lingkod ng katuwiran ang kanyang mga lingkod. Ang kanilang kahihinatnan ay ayon lamang sa kanilang mga gawa. --2 Corinto 11:14-15

Mga minamahal, huwag ninyong paniniwalaan kaagad ang bawat nagsasabing nasa kanila ang Espiritu. Sa halip, subukin muna ninyo sila upang malaman kung talagang mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila, sapagkat marami nang huwad na propeta sa mundong ito. --1 Juan 4:1


God bless...:)
 
Since Catholic ka din ay bibigyan kita ng mas mahabang explanation relating sa pagsisimba. aside from the fact na obligatory ito and nasasaad din ito sa ten commandments to set aside a day of worship to the Almighty...

supposedly the mentioned above should be enough reason for us to go, dahil isang oras lamang ito and dedicated talaga ang araw na ito sa Kanya.

But to understand it fully, kailangan mong intindihin na the way to communicate with Him is through prayer at may two kinds of prayer, individual prayers and communal prayers. ang foundation natin sa catholic is Jesus' Our Father, meaning ganito tayo dapat magdasal sa kanya. First is to Praise, second is ang request, third is to ask forgiveness for sins, 4th is for protection.

ang individual prayers mo focuses on your own intentions, requests wishes. for communal it is for the whole community, the country and the world. di mo ba napapnsin sa mga liturgy is nagdadasal tayo para sa sambayanan, sa pamayanan, at sa buong mundo. we are praying for others, meaning we are sharing our prayers as a community. and dahil nga community mas malakas ang boses dahil mas marami ang nagdadasal para sa iisang focal point....

second point, is ang pagsisimba ay celebration na rin, the eucharist ang focal celebration ng pagsisimba. morbid nga lang para sa hindi nakakaintindi pero we are celebrating the sacrifice of Jesus to save us from our sins. we are reacknowledging his sacrifice for us, and in the same manner we are continuously accepting him in our lives.

kaya nga before the mass ends is binibigay ang hostia as symbol of Jesus body and us accepting it....

thirdly is to make peace with the members of the community, maaring wala ka pang lakas ng loob pero kaya nga before you accept Christ through the communion ay nakikipagpeace ka sa mga kasimba mo at sa community and at the same time with yourself. paano naman magkakapuwang si kristo sa puso mo kung puno ito ng galit at gulo di ba.

and finally dahil nga naacept mo sya you should be replenished with God's grace and reminded to live in his will, kaya nga Go in peace and serve the Lord.

these things you are doing as a selfless act and as a sacrifice in itself. kaya tama yun comment dito na di excuse ang katamaran, but maybe it is because you still do not appreciate the main reason for going to mass. Hindi lang ito para sa iyo pero dahil miyembro ka ng community you should also share not only your blessings in the form of offertory but also of prayers.

additionally isa rin itong pagkakataon to learn anong mga teachings ni Jesus and ang interpretation ng Simbahan lalo na sa apllication nito sa present times at sa pang-araw araw na buhay. kaya nga yun priest na ang nagbabasa ng Gospel reading for the sunday kasama na ang 1st and 2nd readings ng ibang parts ng bible, na ineexplain nya later on sa sermon nya.

Bilang isang katoliko, kasama sa apostles creed ang paniniwala sa sakramento or sacraments bilang mga obligasyon nating gawin at tanggapin bilang kristiyano. ang eucharist na kabilang sa misa ay isa ring sakramento.

pero di naman pinupwersa ang mga katoliko magsimba dahil nga personal na obligasyon mo na ito sa Kanya, nasa iyo kung gagawin mo ba ito o hindi. Pero dahil nga sabi mo katoliko ka, siguro naman ay bahagi na dapat ito ng paniniwala mo.

So kung sa tingin mo ay hindi akma sa iyo ang paniniwala bilang katoliko, mas mainam na humanap ka na lang ng relihiyon na suit sa tastes mo. May free-will naman ang bawat isa sa atin, at kahit simbahan ay hindi madidiktahan ang magiging desisyon mo.

sana naliwanagan ka ts.
 
Last edited:
walang anuman, Gaya nga sa isang poem " You are a child of this universe, no less than the trees and the stars; you have a right to be here, and whether or not it is clear to you, no doubt the universe is unfolding as it should. Therefore be at peace with God, whatever you conceive Him to be."

ang pagsisimba should be an enriching experience, it should elevate your spirituality and make you a better person. kung mga may pagaalinlangan ka o hindi maintindihan sa paniniwala mo, nandyan ang mga religious leaders mo para gabay at para maexplain sayo. At kung sakali man na hindi ka nakumbinsi ng mga ito, nasa sa yo kung paano mo Sya hahanapin...

kaya nga binigay ng Panginoon ng Free-will ang tao, dahil mas masarap ang pagmamahal at pagsasamba kung ito ay bukal sa kalooban at nanggagaling sa puso.
 
Kailangan ba talagang mag simba ka sa araw ng linggo lagi? Lagi kasi ako nasasabihan ng " Hindi ka na nagsisimba, bahala ka sa buhay mo."

Hindi ko po kasi alintana na tinatamad akong umalis sa bahay, at hindi ko lang sakanila sinasabi na tinatamad ako. Dahil baka ma offend sila or whatever na ikakasama ng feelings nila para sa akin.

At kailangan din bang lagi ka nag sisimba para lang maligtas ka sa oras ng kasukdulan at mapanatili na ikaw ay may pananampalataya.

Sa akin kasi, kahit naman hindi ka mag simba, basta may paniniwala ka kay god at handa mo itong harapan sa oras ng pangangailangan. At may tiwala naman ako kay god na ililigtas niya ako. May faith po ako kay papa jesus btw CATHOLIC po ako.

Ang pagsisimba ay hindi daan patungo sa kaligtasan,,, in the first place mag kaiba ang simba sa samba?
ang ang pagsisimba at pagsasamba ay bunga lamang ng iyong pananampalataya,,, ginaGAWA mo lamang ito dahil gusto mo,,, hindi sa napipilitan ka lang
to make it simplified FAITH MUNA BAGO GOOD WORKS NOT GOOD WORKS MUNA BAGO FAITH,,, kapag GOOD WORKS MUNA eh siguradong mauumay ka at mananawa...
Ephesians 2:08-10New International Version (NIV)

8 For it is by grace you have been saved, through faith—and this is not from yourselves, it is the gift of God— 9 not by works, so that no one can boast. 10 For we are God’s handiwork, created in Christ Jesus to do good works, which God prepared in advance for us to do.

yes I believe ang pananampalatayang walang gawa ay patay,,, Ayon kay James,,, pero ano nga ba ang ibig sabihin ng buong Chapter? in the first place sino ang mga kausap niya o sino ang sinulatan niya? anong uring mga tao? mga Christian NA ba sila? o mga unbelievers ba?

Ang tanong? Ano ba ang dahilan bakit kailangang sumamba?
 
Ang pagsisimba po ay isang daan sa kaligtasan dahil ang simba po ay isang panalangin para sa Dyos. Doon nagkakameron kayo ng kumunikasyon. Pakikipagkapwa, pakikihalubilo sa kapwa mananampalataya. At pakikinig ng aral.
 
Back
Top Bottom