Kandila
Dinala na naman ng gabi ang kadiliman
Oras na naman pala para liwanag ay iwanan
Ano ba ang paraan upang dilim ay iwasan
Pawiin ang puso kong iyo ngang nilisan
Gabi-gabi na lang ba akong mangangapa?
Sa pagmamahal mo na di naman madama
Paulit-ulit mo naman kasing ginagawa
Pag-ibig ko'y laging binabalewala
Sumisidhi ang damdamin ko'y puno na ng lungkot
Sa pag-kagat ng gabi puso ko'y binalot na ng takot
Tila ba'y isang salot pagmamahal mo'y lahat hinakot
Kaya ko pa bang maabot kung ang pagmamahal mo ay tuluyan ng nanlambot , nalagot
Sa alab ng pag-mamahalan na para bang apoy
May kung ano at ang liwanag mo'y itinaboy
Mga puso na natin ay puno na ng panaghoy
Hinipan ng hangin ang lagab-lab at tuluyang di na natuloy