Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Pangalawa

Pangawala

Gusto kong maging malaya,
Malayang magmahal at mahalin
Malayang ipagmalaki ka at maipagmalaki din
Malayang magpatawad at patawarin
Malayang isigaw ka at ipagsigawan din

Ayoko ng nakatago sa iyong likuran
Maging anino mo at sunud-sunuran
Ayoko ng damdamin ko’y mabaliwala
Na ang luha ko’y ipagwalang-bahala

Kung sana ang tawa ko’y sayo ay musika
Ngunit kahit ngiti ko’y hindi sayo mahalaga
Kung sana sa listahan mo ako’y iyong una
Subalit sa araw-araw ako’y pangalawa

Sumisigaw ang puso ko sasakit
Dahil ang buhay ko’y napuno na ng pait
Nang ang kalayaan ko’y iyong ipagkait
Mula sa pag-ibig mong walang kasing lupit

Ayoko ng mabuhay sa kasinungalingan
Sa mga pangakong walang kasiguraduhan
Kahit gaano pa katamis ang iyong salita
Hindi na sapat ang katagang mahal kita

Gusto kong maging malaya
Malayang magmahal at mahalin
Malayang ako’y kilalanin
Malayang mundo mo’y maging atin
Malayang ikaw ay maging tunay na akin
 
Back
Top Bottom