Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Manghahabi

Manghahabi

Ikaw ang pinakamagaling na manghahabi
Na ang puso ko'y pumili
Sa pagdaan ng mga araw ng iyong pagsusulsi
Unti-unting binabalot ang puso kong sawi

Sa padating mo ako'y sumigla
Huminto sa pagtagas ang dugong pula
Sa bawat paghabi mo ng bawat sugat
Sarili ko'y muling inangat

Araw-araw walang humpay
Walang katapusang sinulid ang ibinigay
Mga yakap mong kay init ang hangad
Sa pagmulat ng mata sa umaga ikaw ang bubungad

Nagdaan pa ang mga araw
Gumagaling sa pagmamahal mong natatanaw
Nadarama ang bawat alaga
Sagad sa buto ang pangakong itinaga

Malapit mo nang matapos ang paghahabi
Nasanay na akong ika'y nasa tabi
Sana dito ka na lang at palaging umiintindi
Gagawin ko ang lahat wag ka lang umuwi

Darating tayo sa panahon ng wakas
Na ang lahat ay may hangganang walang takas
Natatapos ang mga hiram na pag-ibig
Gusto mo man o hindi kailangan mong ikabig

Sa iyong paglayo unti-unti kong nadarama
Ang pagpatak ulit ng dugo sabay ng luha
Di mapigilang masaktan
Sa paggising ko, wala nang masisilayan

Ang dulo ng sinulid ay nasa iyo
Natatastas ang hinabi mo
Nawawasak sa distansyang dulot nito
Umaasang babalik ka ulit sa piling ko
 
Back
Top Bottom