Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Others Kape

Kape

Eto na naman ang simula ng araw ko, tutunog ang alarmang kagabi ko pa itinakda bago matulog. Kukuha ng tuwalya, pagpasok sa banyo at unang babasain ang paa pakikiramdaman ang tubig kung unti-unti na bang umiinit na sa pagbasa sa ulo'y makakaya. Magbibihis, mag-aayos, gagamitin ang pabangong sabi mo'y gustong gusto mo.

Nakahain sa mesa ang itlog na binudburan ng paminta. mga gulay-gulay na ok naman ang lasa, kanin na hanggang sa lalamunan ko lang babara pero ang pina-iintay ko ang pag-abot mo ng kape sa aking mesa. Ngingiti ka at babatiin mo ko ng "Magandang umaga!".

Kilalang kilala ko ang bawat galaw ng labi mong kahit walang tinta ay kasing tingkad ng mansanas na kakapitas lang sa sanga, mga kamay mong makikita ang sipag at tiyaga sa araw-araw mong ginagawa, ang iyong buhok na nakalugay at sasabay sa bawat kumpas ng hanging umiihip sa buong paligid, sa pormahan mong simple ni walang kung ano-anong abubot sa nakasabit o nakatali ngunit talo ang mga nakabistida sa ganda mong nakakaakit. Isang kang halimbawa ng babaeng pinapangarap ng isang tulad ko, simple pero nakakabighani ang puso noong minsa'y nakakuwentuhan tayo.

At eto, dadaan na ang bus na aking hinihintay, papatak na ang alas syete y medya at ako'y aalis na. Iaabot ko na ang bayad sa lahat ng aking kinain ngayong umaga habang bitbit ko ang kape na medyo malamig na, kakaway ka at sasabihing, "Salamat sir! Balik ho kayo", at ako'y ngingiti at umaasang sana minsan makilala lamang kita sa tunay mong pangalan at minsa'y ako naman ang magtitimpla ng kape sa sabay nating pagsasamahan.
 
Last edited:
Hahaha wow inspirado :) kunin mo number nya
 
ayyiiieee.. inlab ito.. mas masarap yung kape kapag mainit :giggle:
 
Salamat sa pagbabasa :)
 
Back
Top Bottom