Kung ako ang pipiliin
Araw-araw kang may almusal na nakahain
Hanggang sa hapunan, walang iintindihin
Tanggapin mo lang wagas kong pagtingin
Kung iyong tatanggapin
Mapupuno ka sa halik at ika'y yayakapin
Walang gabing malamig
At umagang malungkot sa aking mga bisig
Lahat ng pabor ay iyo
Lahat ng desisyon mo ay susundin ko
Ibibigay lahat ng gusto
Kahit ay mahirap, pipilitin ko
Sa paborito mong lugar ika'y dadalhin
Ang kaarawan mo'y araw-araw gaganapin
Ipaghahanda at pagsisilbihan
Sa bawat araw na daraan
Oo nga't imposible
Ang lahat ng aking mga sinasabi
Alam ko din namang imposible
Na pipiliin mo ko sa 'yong tabi
Paalam Contessa, sa diwa ko'y malaya ka na.
Araw-araw kang may almusal na nakahain
Hanggang sa hapunan, walang iintindihin
Tanggapin mo lang wagas kong pagtingin
Kung iyong tatanggapin
Mapupuno ka sa halik at ika'y yayakapin
Walang gabing malamig
At umagang malungkot sa aking mga bisig
Lahat ng pabor ay iyo
Lahat ng desisyon mo ay susundin ko
Ibibigay lahat ng gusto
Kahit ay mahirap, pipilitin ko
Sa paborito mong lugar ika'y dadalhin
Ang kaarawan mo'y araw-araw gaganapin
Ipaghahanda at pagsisilbihan
Sa bawat araw na daraan
Oo nga't imposible
Ang lahat ng aking mga sinasabi
Alam ko din namang imposible
Na pipiliin mo ko sa 'yong tabi
Paalam Contessa, sa diwa ko'y malaya ka na.