Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem “Bagong Buwan Lumang Dalamhati”

“Bagong Buwan Lumang Dalamhati”

Binibilang ang mga sandali habang nakatanaw sa hinaharap.
Kailan ko ba matatagpuan ang dalaga na aking pinapangarap.
Lumbay na yumayapos sa dibdib kong puno ng katanungan.
Kapalaran ko’y nakasakay sa ulap na walang pinapakinggan.

Kung saan man ako dalhin ng hangin at ng mapaglarong tadhana.
Sana’y di kasing sakit na dulot ng isang palaso ng huwad na pana.
Kalendaryong walang malay ang bumubulong sa akin ng balita.
“Huwag ka ng umasa hangal, ang buhay mo’y mapupuno ng dalita.

Napapagod na akong lumuha hanggang sa ako’y makatulog sa gabi.
Gamot sa lumbay sinong makakapagbigay sinong makakapagsabi.
Bago na namang buwan ngunit luma paring dalamhati ang kwento.
Sinisisi ang sarili bakit naging mapusok bakit hindi na nakuntento.

Kung makakaladkad ko lang ang oras pabalik sa aking nakaraan.
Itutuwid ko ang nabaluktot at tatahakin ko ang nararapat na daan.
Huli na ang lahat mga kasalana’y di na mahuhugasan ng mga pangako.
Humihiyaw ang kasaysayan na ang katulad ko’y sa krus dapat ipinapako.

Ang mga salitang ito’y lumilipad sa loob ng silid na puno ng alaala.
Mga damit sa loob ng sisidlan na patuloy na nagbibigay ng paalala.
Ang araw ay sisikat muli sa silangan at lulubog pagdating ng dapit hapon.
Dapat ko ng pakawalan ang kapighatian at basagin ang piitan na garapon.
 
Last edited:
Back
Top Bottom