Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story "POSER" (Wattpad\Globe #makeITsafePH #WritingContest Entry





“Naka-green ka?!”
“Ikaw ‘yung naka-green?”




--------

Ako si Joaquin,pero tawagin nyo na lang ako’ng Wax. Ayoko ng pangalan ko,tunog kontra-bida.Masaya naman ang buhay ko,o atlis mas pinipilit ko’ng piliin na magsaya. Kahit ang totoo naman eh kabaligtaran ang aking nadarama.

Masalimuot ang mundo.
Maglaro ka man o magseryoso.
Sa huli..
Ang mahina ang talo!

Pero sa mundo ko’ng punong-puno ng kalokohan at panggagago.
Andoon..
Naninirahan si Apple.
Ang mansanas ng aking buhay!
Ang mansanas na nakahanda ako’ng kagatin.
Magka-sala man ay mamahalin pa rin.
At hahamakin ang lahat.
Dahil hinding-hindi na ako papa-awat.



“Hi!”



Nakilala ko s’ya sa peysbuk.
Sa kalagitnaan ng hating-gabing madilim,mag-isa,umuulan at malamig ang hangin.
Bigla siyang dumating.
Tila isang mahigpit na yakap na pumukaw sa aking pamamanglaw.


Uy Hi!!”


Reply ko sa chat message n’ya.
Bagama’t nahihiwagaan sa kung sino siya’y napatuon ang aking atensyon sa profile picture n’yang ang pagka-ganda ng pagkaka-ngiti. Walang sinabi ang hinihigop ko’ng kape. Kapeng may ginkgo binoba at ginseng. Ang kanyang mga mata na animo’y nakikipagtitigan sa’ken,dagling ginising ang malaon nang natutulog ko’ng damdamin.



Magkakilala ba tayo?” dugtong ko.

“Hindi,pero matagal na kitang ini-stalk!” sagot n’ya.


Ako’y napangiti.
Kinilig ng kaunti.
Pinigilan ko’ng mapaihi.
Dahil ayokong tumayo.
Binuksan ko sa new tab ang kanyang profile .


“Friends tayo sa FB!!”

“Oo nga!”
naiisip ko’ng isagot. Habang mat’yagang pinapasadahan ng buklat ang mga seksi nya’ng larawan. Ang lakas nya’ng maka-Kim Domingo. Ang lakas tuloy ng kabog nang dibdib ko. Hindi naman ako relihiyoso pero may pagkakataong napapa-antanda ako at napapa-Sus Ginoo!

Alam ko’ng magtatampo ang Diyos,pero natutukso ako’ng siya’y sambahin.
Sabihin nya lang.
Ngayon pa lang.
Sisimulan ko na’ng mag-Ama Namin.

Kaakit-akit s’ya sa paningin at ang sarap nya’ng kausapin. Napagkwentuhan namin halos lahat. Mula sa pinakamu-munting bagay hanggang sa mga alamat. Mula sa halos araw-araw na pagtaas ng presyo nang mga bilihin at gasolina. Mga ninanais sa buhay,kinahihiligan at pinapangarap. At napakaraming kung ano-ano lang na kahit na,ano?,bakit?,subalit,at datap’wat.

Hanggang sa lumalim na pala ng lumalim ang gabi’t bumabaw ang aming kaligayahan. Ang gaan-gaan nya sa pakiramdam. Namalayan ko na lang na mag-uumaga na pala nang aksidenteng mahulog ang puso ko, este ang cellphone na hawak ko.

Sobrang dami pa nya’ng sinabi’t mensahe.
Pero, naka-idlip na pala ako.



Nagpatuloy lang ang mga araw at linggo. At ang isang buwan ay mabilis lang na tinakbo ng oras na lumilipas ang buong magdamag nang wala kaming kamalay-malay. Hindi maubos ang aming kwentuhan at huntahan at kasiyahan ko’y nag-uumapaw.

Hindi s’ya nakakasawang kausap.
Hinding-hindi ko s’ya pagsasawaan.


Binago n’ya ang buhay ko. Mula nang dumating s’ya,na-realized ko’ng ang sarap-sarap palang mabuhay. Binigyan n’ya ako ng panibagong pananaw sa kung paano dapat titignan ang mundo.

“I always feel better.”

Dahil kapag kausap ko s’ya,hindi ko kailangang magpanggap. Nasasakyan n’ya lahat ng sinasabi ko,mga trip ko,mga banat at jokes ko. Mga himutok at hugot,at mga pa-utot ko sa buhay. Pakiramdam ko,natagpuan ko na ang soulmate ko. Ang kapares ko. Ang puto sa aking dinuguan,ang chicharon sa aking sukang sawsawan. Ang babaeng hinugot sa aking tadyang.

“Parang gusto ko ng maniwalang may forever!!”

Ayoko ng magpaka-ampalaya,tama nang pagiging bitter.



Halos magdiwang ng Bagong-Taon ang puso ko nang ibigay n’ya sa’ken ang cellphone number n’ya. Dinig na dinig ko pa nga ang putukan ng mga kwitis sa alapaap,at sa tuluyang pagsabog ng mga ito’y nag-ningning ang lahat ng nasa paligid at kumislap.

Kahit halos araw-araw n’ya ako’ng hinihingian ng 100php load. S’yempre pang-data. At s’yempre para maka-chat siya. Bale-wala sa akin yan.

“Ang pag-ibig daw ay isang sugal.”

Iniisip ko na lang,ngayon pa lang tumataya na ako.
Pumupusta…
Sa tadhanang tinatakda ng kapalaran para sa amin’g dalawa.
Sabi nga nila
“Paano ka tatama kung hindi ka naman tumataya?” at sa sugal ng pag-ibig ko sa’yo Apple,nakahanda ako’ng ipusta ang lahat.

Isasangla ang lahat.
Maging ang bahay at lupa ng aming kapit-bahay.
Pati pustiso ni Inay.
At kahit pa makipag-suntukan ako sa pinaka-siga sa lugar nyo. Oo,gagawin ko. Mapatunayan ko lang na seryoso ang pagtangi ko sa’yo. At baka sakaling mag-milagro’t umihip mula sa Kanluran ang hanging Amihan at sa wakas ay bigyan mo ng official na label ang kung ano-man ang meron tayo. At sambitin mo ang pagkatamis-tamis mo’ng Oo.


“Oo??!!”

“Oo sabi!!”

“Oo nga!!”


“Naka-green ako!”




Alas!
Dininig na ng langit ang aking dasal. Ang eksenang magkikita tayo’t inasam nang kay-tagal! Dahan-dahan ang iyo’ng paglakad mula sa malayo at ikaw ay unti-unti ko’ng natatanaw. Ang bilis nang tibok ng puso ko at ako’y kinakabahan. Habang papalapit ka ng papalapit ay para akong kinikilabutan


Kapag talaga nagbiro ang tadhana!!


“Ikaw ba si Joaquin??”

“Hindi ah!! Allergic ako sa Apple Green!!”





--wakas--






 
Back
Top Bottom