Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Kung minsan nang naligtas, ligtas na ba magpakailan pa man?

serialkey07

The Martyr
Advanced Member
Messages
774
Reaction score
33
Points
88
Power Stone
Space Stone
Reality Stone
Soul Stone
Time Stone
Mind Stone
Sagot: Kung ang isang tao ay minsan nang naligtas, ligtas na ba siya magpakailan pa man? Nang magsisi ang isang tao sa kanyang kasalanan at tinanggap si Kristo bilang kanyang tagapagligtas at kung Siya ay tinanggap ng Diyos bilang anak, ang kanyang bagong relasyon sa Diyos ang nagbibigay ng katiyakan sa kanyang kaligtasan at ang kaligtasang ito kailanman ay hindi na mawawala pa. Tinitiyak ng mga talata sa Bibliya ang katotohanang ito. Sinasabi sa aklat ng Roma 8:30 "At ang mga itinalaga Niya noong una pa ay kanyang tinawag. Ang mga tinawag Niya ay Kanya ring pinawalang-sala, at ang kanyang mga pinawalang-sala ay Kanya namang binigyan ng karangalan" Sinasabi ng talatang ito na sa sandaling pinili ng Diyos ang isang tao, para na rin siyang nabigyan na ng kaluwalhatian sa presensiya ng Diyos sa kalangitan. Wala nang makahahadlang sa araw na bibigyan ng Diyos ng kaluwalhatian ang isang mananampalataya sapagkat ito ang layunin ng Niya para sa kanya sa umpisa pa lamang.

Sa sandaling ang isang tao ay pinaging matuwid, ang kanyang kaligtasan ay tiyak o ginarantiyahan na - siya ay ligtas na at parang siya'y binigyan na rin ng karangalan sa langit kahit hindi pa siya nakakarating doon. May mga importanteng katanungan si Pablo patungkol sa kaligtasan sa aklat ng Roma 8:33-34 "Sino ang maghaharap ng sakdal laban sa mga hinirang ng Diyos gayong ang Diyos ang nagpapawalang-sala sa kanila? Sino nga ang hahatol ng kaparusahan? Si Kristo bang nasa kanan ng Diyos? Siya pa nga ang namatay at muling binuhay, at ngayo'y namamagitan para sa atin." Sino ang magdadala ng paratang sa mga pinili ng Diyos? Walang sinuman, sapagkat si Kristo ang ating tagapagtanggol. Sino ang hahatol sa atin? Walang sinuman, sapagkat si Kristo ang namatay para sa atin , at ang Siyang humahatol." Mayroon tayong tagapagtanggol at hukom at ang hukom ding yaon ang atin mismong Tagapagligtas. Ang mga mananampalataya ay isinilang na muli noong sila ay nanampalataya (Juan 3:3; Titus 3:5). Kung mawawala pa ang kaligtasan ng isang Kristiyano, babalik na naman siya muli sa dati niyang pagkatao. Walang sinasabi saanman sa Bibliya na ang isang taong isinilang na muli ay mawawala pa sa kanyang pananampalataya. Ang Banal na Espiritu ay nananahan na sa lahat ng mga tunay na mananampalataya (Juan 14:17; Roma 8:9) at binautismuhan na sila sa Espiritu upang makabilang sa katawan ni Kristo (1 Corinto 12: 13). Upang mawala ang kaligtasan ng isang mananampalataya kinakailangang umalis sa kanya ang Banal na Espiritu at tanggalin siya bilang miembro ng katawan ni Kristo. Sinasabi ng Juan 3:16 na ang sinumang mananampalataya kay Hesu Kristo ay magkakaroon ng "buhay na walang hanggan." Kung ikaw ay nanampalataya kay Kristo ngayon at nagkaroon ng buhay na walang hanggan, pero kinabukasan nawala ito, samakatuwid hindi ito maituturing na walang hanggan. Dahil kung mawawala pa sa iyo ang iyong kaligtasan, ang ipinangakong buhay na walang hanggan sa Bibliya ay isang kasinungalingan at malaking pagkakamali. Sa aking paniniwala, ang pinakamatibay na pangangatwiran tungkol sa katiyakan ng kaligtasan at hindi nito pagkawala sa isang tunay na mananampalataya ay nasabi na lahat ng Bibliya, "Sapagkat natitiyak kong ang kamatayan, ang buhay, ang mga anghel, ang mga pamunuan, ang mga bagay sa kasalukuyan, ang mga bagay na darating, ang mga kapangyarihan, ang kataasan, ang kalaliman o alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon (Roma 8:38-39)."

Pakatandaan na ang Diyos na nagligtas sa iyo ay Siya rin ang mangangalaga sa iyong kaligtasan. Sa sandaling tayo'y naligtas na, ligtas na tayo magpakailan pa man. Ang ating kaligtasan ay tiyak at ang katiyakang ito ay pang walang hanggan.

Ano ang doktrina ng nawawalang kaligtasan o conditional security?
Maaari pa bang mawala ang kaligtasan ng isang Kristiyano?
 
Last edited:
Once saved always saved? example po naanib ako sa inyo so means ligtas na kuno ako? then it happens nahiwalay ako or nagpakasama nambabae , nag drugs, pumatay nang madaming tao, ligtas padin ba ako? kung babasehanko ang pahayag mo eh ligtas padin, is this logical?
 
Brod nung una ganyan din tanong ko..."once save always save" (osas) nakapakinig na rin me ng message pero bakit ganun ano po ba talaga ang issue d2 sa OSAS na ito, talaga bang nawawala ang kaligtasan? kasi kung hindi.. pwede abusuhin kahit pa sabihin na tayo ay tao lamang pero sabagay si jesus naman yung nag sacrifice hindi tau, by grace nga po eh.pano nga ba titingnan ang tumpak na ideya sa OSAS, let it be that way na lng po ba kung papaano tayo lalong malalapit sa Dios o sasabihin mo na lng na nawawala sya para lalong umiwas sa masama ang tao.
"The Bible says that when one person accepts Jesus as His healer, Savior, and Lord, the angels in heaven rejoice. If you prayed to receive Jesus and believe it in your heart, remember this day. Because Today, according to the Bible, your name is written in heaven. And if you commit sin, you will still be saved. The question is about security of salvation. Is salvation lost when you commit a sin? Now, in fairness to scholarship, let me tell you that the Christian community has two ideas about this. Several Bible scholars and theologians say yes, but there are also those who say no, it is not lost.
Legal and Actual Holiness, I think that we have to look at the two types of holiness, the legal and the actual holiness. When I accepted Jesus as my Savior and lord I don't become actually holy; I become legally holy. Meaning, what He did for me makes me holy, what He did for me I cannot undo. I am given a legal status called clean. I'm now called a child of God. So, if I accept Jesus as my Savior and Lord, and then commit a sin while I'm alive, I have to pay for that sin here on earth. But I will not have to pay for that in the next life because that's what Jesus paid for.
Faith, not sinlessness, brings salvation. Ang tanong, na-save ba kayo dahil wala kayong kasalanan? Hindi! Sinlessness does not give you salvation. It is your faith in Christ that gives you salvation. Kung minsan nagkakasala ka nga pero hindi naman ibig sabihin nawala yung faith mo. Nagiging guilty ka nga eh! That means may faith ka pa, and it is faith that gives you salvation. It is only what Christ did that is relevant.
However, you can lose the joy of salvation. So, pwede na pala akong magkasala kasi hindi naman mawawala ang salvation ko? Yes, pwede. Pero matutulad kayo kay David na nawala ang joy of salvation. Kaya, sabi niya, Return to me the joy of my salvation.* Hindi niya sinabing "Return to me my salvation". Alam niyang hindi nawala yung salvation, pero nawala yung joy. Pwedeng mawala ang blessing, mawala ang prosperity, mawala ang peace. Naaksidente ka, naputol ang dalawang kamay mo, naputol ang dalawang paa, nakapatong ka lang diyan na parang lumpiang macao, buhay ka pa! Ang kaluluwa mo pag namatay ka, saved! Pero look at you life, parang impyerno, parang nasa impyerno ngayon. Kasi hindi sila nabubuhay sa kabanalan.
'Sinless' Christian. Kaya technically, wala tayong kasalanan pagdating sa Diyos. Pagharap mo sa Ama, wala siyang makikita kundi kabanalan, perfection. Charged to Christ na lahat ng kasalanan mo! Kaya nga sabi sa John 1:29, Behold, the Lamb of God, who takes away the sins of the world! Kinuha na ni Kristo lahat at inilagay sa katawan Niya.
While we are told that we should live a holy life, if we sin, 1 John 1:9 says, we should confess to the Lord; because we have an advocate with the Father. That is why I react to that question - if a person accepts Jesus as Savior and Lord, will he not commit sin? It is different to commit sin, and it is different to live in sin. This is the actual difference between those who are in the Lord, and those who are not. You commit sin like a sheep. Sheep are very particular about their cleanliness. Because they are walking on the ground, they get dirty. What they do is to scrub themselves against rocks, trees, or anything to get the mud off their bodies. A pig behaves differently. A pig, in the morning, will look for a mud hole and stay there. You try to pull the pig out, and the pig will squeal and stay there. So, if one accepts Jesus as Savior and Lord, he will still commit sin because he is still in human frame. But he will not intentionally, continuously, and stubbornly live in sin like those who are not in the Lord.
AT THE END OF THE DAY BAKIT PA RIN PINAGTATALUNAN ANG "ONCE SAVE ALWAYS SAVE"? Simple lng nman sa sarili mo alam mo kung sino tinanggap mo at alam mo naman ang mabuti sa masama ang isang tao na ligtas na iiwas sa masama,,pero yung gusto pa rin magkasala nasa kanya un..kung baga nasa proseso din ang isang tao once tinggap mo si jesus as lord and savior.. lalo na pag narecieve mo yung holy spirit as your guide.. maiintindihan mo yung proseso always pray and listen to the word of God importante un lalo na kung marami kang tanong, subukan mo din makinig sa ibat- ibang message about word of God tapos ikaw mismo ang humanap ng sagot sa tanong mo...hahahahaha
 
Last edited:
mahirap paniwalaan ang OSAS na ito, sa aking opinyon ay hindi po ito ayon sa kasulatan
 
Once saved always saved? example po naanib ako sa inyo so means ligtas na kuno ako? then it happens nahiwalay ako or nagpakasama nambabae , nag drugs, pumatay nang madaming tao, ligtas padin ba ako? kung babasehanko ang pahayag mo eh ligtas padin, is this logical?

Kung ikaw ay umanib sa amin, pero hindi ka nagsisi sa iyong mga lasalanan at hin mo tinanggap si Kristo bilang Tagapagligtas at Panginoon mo at hindi ka nanampalataya sa kanya. Hindi ka maliligtas. John3:16,John1:12
Kung hindi ka kaanib sa amin ngunit nagsisisi ka sa iyong mga kasalanan at tinanggap mo si Kristo bilang Tagapagligtas at Panginoon mo at nanampalataya ka sa kanya.maliligtas ka.

Ang tunay na kay Kristo ay bagong nilalang na 2Cor 5:17. Kung sinasabi ng sinoman na tinanggap niya na si Kristo, ngunit ganun parin siya katulad ng dati nung hindi pa siya nakakilala kay Kristo katulad ng sabi mo po. nambabae , nag drugs, pumatay nang madaming tao. Nangangahulugan na wala siya kay Kristo or hindi siya tunay na mananampalataya. Dahil ang na kay Kristo ay bagong nilalang na. Dahil ang bunga ng mananampalataya or yung tumanggap kay Kristo ay nag bubunga ng mabuting gawa hindi perpekto sa pag gawa ng mabuti. Efeso 2:10.

- - - Updated - - -

mahirap paniwalaan ang OSAS na ito, sa aking opinyon ay hindi po ito ayon sa kasulatan

Iyan po ay nakasulat sa Bibliya, paki tingnan po yung mga verses na nakalagay diyan sa post ko at yung explanation.

- - - Updated - - -

Brod nung una ganyan din tanong ko..."once save always save" (osas) nakapakinig na rin me ng message pero bakit ganun ano po ba talaga ang issue d2 sa OSAS na ito, talaga bang nawawala ang kaligtasan? kasi kung hindi.. pwede abusuhin kahit pa sabihin na tayo ay tao lamang pero sabagay si jesus naman yung nag sacrifice hindi tau, by grace nga po eh.pano nga ba titingnan ang tumpak na ideya sa OSAS, let it be that way na lng po ba kung papaano tayo lalong malalapit sa Dios o sasabihin mo na lng na nawawala sya para lalong umiwas sa masama ang tao.
"The Bible says that when one person accepts Jesus as His healer, Savior, and Lord, the angels in heaven rejoice. If you prayed to receive Jesus and believe it in your heart, remember this day. Because Today, according to the Bible, your name is written in heaven. And if you commit sin, you will still be saved. The question is about security of salvation. Is salvation lost when you commit a sin? Now, in fairness etc etc etc etc...


Tanong: "Ang seguridad ba ng kaligtasan ay lisensya sa paggawa ng kasalanan?"

Sagot: Ang kadalasang dahilan sa pagtutol sa doktrina na hindi nawawala ang kaligtasan ay ito diumano ang dahilan ng katuruan na ang mga Kristiyano ay puwede ng mamuhay sa paraang gusto nila - at sila ay maituturing pa ring ligtas sa kabila noon. Maaring ito'y totoo sa teknikalidad ngunit hindi ito ang tunay na kahulugan ng doktrina na hindi nawawala ang kaligtasan. Ang isang taong tapat na tumanggap kay Hesu Kristo bilang kanyang tagapagligtas at tinanggap ng Diyos bilang kanyang Anak ay maaaring makapamuhay minsan sa isang makasalanang pamumuhay - subalit hindi niya ito patuloy na gagawin. Ang tunay na Kristyano ay kakaiba na kaysa sa isang karaniwang tao sa uri ng kanyang pamumuhay. Dapat isapamuhay hindi at hindi lamang isaisip ang dapat gawin ng isang tao na nakaranas ng pagliligtas ng Diyos.

Malinaw na sinasabi sa Bibliya na ang kaligtasan ay sa biyaya ng Diyos, sa pamamagitan lamang ng pananampalataya sa ginawa ni Hesu Kristo. Ng ang ang isang tao ay nagtiwala kay Hesu Kristo, at siya ay tinanggap ng Diyos bilang anak, siya ay naligtas na at nagkaroon ng seguridad ng kaligtasan. Ang kaligtasan ay nakakamit sa pamamagitan lamang ng biyaya, ngunit ang taong iniligtas ng Diyos ay tiyak na magpapatuloy na paggawa ng mabuti at ang kabutihang iyon ay hindi upang siya ay maligtas kundi upang patunayang siya ay ligtas na. Tinugunan ni Apostol Pablo ang ganitong isyu sa aklat ng Galacia 3: 3, "Ganyan ba kayo kamangmang? Kayo ay nagsimula sa pamamagitan ng Espiritu. Kayo ba ngayon ay ginawang ganap sa pamamagitan ng gawa ng tao?" kung tayo ay naligtas sa pamamagitan ng ating pananampalataya, ang ating kaligtasan ay may katiyakan sa pamamagitan din ng ating pananampalataya. Hindi natin mapagtatrabahuhan ang ating kaligtasan. Samakatuwid, hindi rin natin mapapanatili ang ating kaligtasan sa pamamagitan ng ating mga gawa. Ang Diyos ang Siyang nagpapanatili ng ating kaligtasan (Judas 24). Ang Diyos ang siyang humahawak sa atin ng mahigpit sa Kanyang mga kamay (Juan 10: 28-29). Walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos (Roma 8: 38-39).

May mga tumatangkilik sa sa doktrina ng seguridad ng kaligtasan na naniniwalang kinakailangan nilang panatilihin iyon sa pamamagitan ng kanilang mga mabubuting gawa. Ito ay salungat sa kaligtasan sa dahil sa biyaya ng Diyos. Tayo ay naligtas dahil sa ginawa ni Hesus, at hindi dahil sa ating sariling mabubuting gawa (Roma 4: 3-8). Kapag sinabi nating kinakailangan nating sundin ang mga Salita ng Diyos o mamuhay ng maka-Diyos na pamumuhay upang mapanatili natin ang ating kaligtasan ay katulad din ito ng pagsasabing ang kamatayan ni Hesus ay hindi sapat para bayaran ang lahat ng ating mga kasalanan. Ang kamatayan ni Hesus ay sapat para bayaran ang lahat ng ating mga kasalanan - noon, ngayon, at sa hinaharap, bago pa man tawagin ang tao o pagkatapos niyang maranasan ang kaligtasan(Roma 5:8; 1 Corinto 15:3; 2 Corinto 5:21).

Ang ibig sabihin ba nito, puwede ng mamuhay ang mga Kristiyano sa paraang gusto nila at mananatili pa ring ligtas? Malinaw na sinabi ng Bibliya na ang totoong Kristiyano ay hindi mamumuhay sa paraang "ayon sa kaniyang kagustuhan." Ang mga Kristiyano ay mga bago nang nilalang (2 Corinto 5: 17). Makikita sa mga Kristiyano ang bunga ng Banal na Espiritu (Galacia 5: 22-23), at hindi ang mga gawa ng laman (Galacia 5: 19-21). Malinaw na sinasabi ng 1 Juan 3: 6-9 na ang totoong Kristiyano ay hindi mamumuhay sa pagkakasala. Bilang kasagutan sa akusasyon na ang biyaya ay pagkunsinti sa kasalanan, idineklara ni Apostol Pablo, "Ano ngayon ang sasabihin natin? Magpapatuloy ba tayo sa kasalanan upang ang biyaya ay sumagana. Huwag nawang mangyari. Papaano nga na tayong mga namatay sa kasalanan ay patuloy na mamumuhay pa roon?" (Roma 6:1-2).

Ang walang hanggang katiyakan ng kaligtasan ay hindi lisensya upang gumawa ng kasalanan. Sa halip, ito ay katiyakan na ang pagliligtas ng Diyos ay sigurado na para sa mga nanampalataya kay Kristo. Papaano magagawa ninuman, pagkatapos niyang malaman ang ginawang pagsasakripisyo ni Hesus para sa kabayaran ng kasalanan ng sangkatauhan, ay magpapatuloy pa rin siya sa paggawa ng kasalanan (Roma 6: 15-23)? Papaano magagawa ng sinuman na nakakaunawa sa walang kundisyong pag-ibig ng Diyos sa mga tumanggap sa Kanya, na angkinin ang naturang pag-ibig at pagkatapos ay gamitin ito laban sa Diyos? Ang ganoong klase ng tao ay may maling pagkaunawa sa walang hanggang katiyakan ng kaligtasan dahil inaakala niya na ang pagliligtas ni Hesus ay nagpapahintulot sa kanya na gumawa ng kasalanan. Maaaring ang taong iyon ay hindi pa talaga nakaranas ng kaligtasan o hindi pa talaga naligtas. "Sinumang nananatili sa Kaniya ay hindi nagkakasala. Ang sinumang nagkakasala ay hindi nakakita sa Kaniya o nakakilala sa Kaniya" (1 Juan 3:6).
 
Last edited:
Ang walang hanggang katiyakan ng kaligtasan ay hindi lisensya upang gumawa ng kasalanan. Sa halip, ito ay katiyakan na ang pagliligtas ng Diyos ay sigurado na para sa mga nanampalataya kay Kristo. Papaano magagawa ninuman, pagkatapos niyang malaman ang ginawang pagsasakripisyo ni Hesus para sa kabayaran ng kasalanan ng sangkatauhan, ay magpapatuloy pa rin siya sa paggawa ng kasalanan (Roma 6: 15-23)? Papaano magagawa ng sinuman na nakakaunawa sa walang kundisyong pag-ibig ng Diyos sa mga tumanggap sa Kanya, na angkinin ang naturang pag-ibig at pagkatapos ay gamitin ito laban sa Diyos? Ang ganoong klase ng tao ay may maling pagkaunawa sa walang hanggang katiyakan ng kaligtasan dahil inaakala niya na ang pagliligtas ni Hesus ay nagpapahintulot sa kanya na gumawa ng kasalanan. Maaaring ang taong iyon ay hindi pa talaga nakaranas ng kaligtasan o hindi pa talaga naligtas. "Sinumang nananatili sa Kaniya ay hindi nagkakasala. Ang sinumang nagkakasala ay hindi nakakita sa Kaniya o nakakilala sa Kaniya" (1 Juan 3:6).

ITO ANG TAMANG SAGOT...
 
So kung iisipin nating mabuti walang katotohanan ang osas na sinasabi nyo kasi, sabi sa biblia ang mananatili hanggang sa wakas siyang maliligtas, so hindi tatama ang onced saved always saved dahil habang tayo nasa mundo pa, theres a chance pa na madala tayo sa mga kasalanan. Dapat ang sasabihin natin sa awa at tulong nang Dios makakapanatili tayo na tagasunod niya hanggang sa wakas, kasi maari magbunga nang kasamaan sa mga ibang tao, kasi once saved always saved eh.
 
Last edited:
Tanong: "Nakasulat ba sa Bibliya na hindi na mawawala ang kaligtasan magpakailanman?"

Sagot: Nang tanggapin ng isang tao si Kristo bilang kaniyang tagapagligtas at tinanggap siya ng Diyos, siya ay binigyan ng bagong relasyon ng Diyos bilang Kanyang anak na nagbibigay katiyakan na siya ay ligtas na at hindi na mawawala pa ang kanyang kaligtasan. Sinasabi sa Judas 1:24, “Sa Kanya na makapag-iingat sa inyo upang hindi kayo magkasala, at makapaghaharap sa inyo ng walang kapintasan at may malaking kagalakan sa Kanyang kaluwalhatian.” Ang Diyos ay makapangyarihan at may kakayahang ingatan ang mananampalataya upang hindi mawala ang kanyang kaligtasan. Nakadepende ito sa Diyos, hindi sa atin, kung ihaharap Niya tayo sa Kanyang maluwalhating presensya. Ang katiyakan ng kaligtasan ay dahilan sa pag-iingat sa atin ng Diyos. Hindi tayo ang nagpapanatili at nangangalaga sa ating sariling kaligtasan.

Ipinahayag ni Hesu Kristo, “Binibigyan Ko sila ng buhay na walang hanggan, at kailanma'y hindi sila mapapahamak; hindi sila maaagaw sa Akin ninuman. Ang Aking Ama, na nagbigay sa kanila sa Akin, ay lalong dakila sa lahat at hindi sila maaagaw ninuman sa Aking Ama” (Juan 10:28-29). Hawak tayo ng mahigpit ni Hesus at ng Diyos Ama. Sino ang maaaring makapaghiwalay sa atin sa mahigpit na pagkakahawak ng Ama at ng Anak? Sinasabi sa atin ng aklat ng Efeso 4:30 na ang mga mananampalataya ay “natatakan na noong araw na tinubos tayo ni Hesus.” Kung ang mga mananampalataya ay walang kasiguruhan sa kanilang kaligtasan, walang katotohanan ang pagtatak sa atin noong araw na tinubos Niya tayo sa ating mga kasalanan, sa halip ito'y totoo lamang noong araw na tayo nagkasala at hindi tayo nanampalataya. Sinasabi sa Juan 3:15-16 Ang sinumang nananampalataya kay Hesus ay may “Buhay na walang hanggan.” Kung ang isang tao ay pinangakuan ng buhay na walang hanggan, ngunit pagkatapos binawi rin ito sa kanya, hindi ito matatawag na “walang hanggan.” Kung ang walang hanggang seguridad ng kaligtasan ay hindi totoo, ang pangako na buhay na walang hanggan sa Bibliya ay isang kasinungalingan at malaking pagkakamali. Ang isa sa pinaka-makapangyarihang argumento tungkol sa katiyakan ng kaligtasan ay matatagpuan sa Roma 8:38-39, “Sapagkat natitiyak kong ang kamatayan, ang buhay, ang mga anghel, ang mga pamunuan, ang mga bagay sa kasalukuyan o sa darating pa, ang mga kapangyarihan, ang kataasan, ang kalaliman o alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon. Ang ating walang hanggang kaligtasan ay ginawa ni Kristo, ipinangako ng Ama, at sinelyuhan ng Banal na Espiritu.
 
Andiyan po sa signature ko sir allan.
 
ang tanong, paano ka magkakaroon ng kaligtasan?

ano ang tanda na ikaw ay ligtas.

Tanong: "Ano ang mga tanda ng tunay na pananampalataya o pananampalatayang nagliligtas?"

Sagot: Ito ang isa sa mga mahalagang katanungan sa buhay Kristiyano. Maraming mananampalataya ang nagdududa sa kanilang kaligtasan dahil hindi nila nakikita ang mga tanda ng tunay na pananampalataya sa kanilang sariling buhay. Mayroong mga nagsasabi na hindi natin dapat pagdudahan ang pananampalataya, ngunit sinasabihan tayo ng Bibliya na "siyasatin ang ating mga sarili kung tunay na tayo ay na nasa pananampalataya" (2 Corinto 13:5). Salamat na binigyan tayo ng Diyos ng sapat na katuruan kung paano natin matitiyak na tayo ay mayroon ng buhay na walang hanggan. Ang unang sulat ni Juan ay sinulat sa layunin na bigyan ng katiyakan ng kaligtasan ang mga tunay na mananampalataya gaya ng sinasabi sa 1Juan 5:13, "Isinusulat ko ito sa inyo upang malaman ninyo na kayo ay mayroong buhay na walang hanggan, kayong mga nananampalataya kay Kristo."

May mga serye ng pagsusulit sa 1 Juan na ating magagamit upang suriin ang ating sarili at ang katotohanan ng ating pananampalataya. Habang tinitingnan natin ang mga ito, dapat tandaan na walang sinuman ang perpektong makakaganap sa lahat ng ito ng sabay sabay sa lahat ng panahon, ngunit normal na makikita ang mga katangiang ito sa ating buhay habang lumalago tayo sa pananampalataya.

1. Nasisiyahan ka ba sa iyong pakikisama kay Kristo at sa kanyang mga hinirang na iyong kapwa mananampalataya? (1 Juan 1:3)

2. Masasabi ba ng mga tao sa iyong paligid na lumalakad ka sa liwanag o lumalakad ka sa kadiliman? (1 Juan 1:6-7)

3. Inaamin mo ba at pinagsisisihan ang iyong mga kasalanan? (1 Juan 1:8)

4. Sumusunod ka ba sa Salita ng Diyos? (1 Juan 2:3-5)

5. Ang iyong buhay ba ay kinakikitaan ng pag-ibig sa Diyos sa halip na pag-ibig sa sanlibutan? (1 Juan 2:15)

6. Ang iyong buhay ba ay kinakikitaan ng paggawa ng mabuti? (1 Juan 2:29)

7. Ninanais mo bang patuloy na magkaroon ng matuwid na pamumuhay? (1 Juan 3:3)

8. Nararanasan mo ba ang unti-unting pagkawala ng pagnanais sa kasalanan? Do (1 Juan 3:5-6) [Nangangahulugan ito ng hindi pagpapatuloy sa kasalanan, hindi ng kawalan ng kasalanan]

9. Iniibig mo ba ang iyong mga kapatid sa pananampalataya? (1 Juan 3:14)

10. Ginagawa mo ba ang iyong sinasabi o sumsalungat ang iyong mga gawa sa iyong sinasabi? (1 Juan 3:18-19)

11. Ninanais mo bang patuloy na magkaroon ng isang malinis na budhi? (1 Juan 3:21)

12. Nararanasan mo ba ang pagtatagumpay sa iyong pamumuhay bilang isang Kristiyano? (1 Juan 5:4)

Kung masasagot mo ng "oo" ng buong katapatan ang mga tanong sa itaas o karamihan sa kanila, (habang nagsisikap ka pang maisapamuhay ang iba pa), ang buhay mo ay tunay na kinakikitaan ng bunga ng kaligtasan. Sinabi ni Hesus na makikilala ang Kanyang mga alagad sa kanilang mga gawa (Mateo 7:20). Ang mga sangang hindi namumunga - ang mga nagsasabing may pananampalataya ngunit hindi kinakikitaan ng bunga ng Espiritu (Galacia 5:22-23) ay itinatapon at sinusunog sa apoy (Juan 15:2). Ang may tunay na pananampalataya ay hindi lamang naniniwala sa Diyos (ang diyablo man ay nananampalataya din - Santiago 2:19) ngunit patuloyna nagsisisi sa kanyang mga kasalanan at patuloy na namumuhay sa pagsunod sa utos dahil sa iniibig Niya si Kristo. Tandaan natin na tayo ay naligtas sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi dahil sa ating mga gawa (Efeso 2:8-9), ngunit dapat na nakikita sa ating mga gawa ang katotohanan ng ating kaligtasan (Santiago 2:17-18). Ang tunay na pananampalatayang nagliligtas ay nagbubunga ng mabubuting gawa; ang pananampalataya na walang gawa ay hindi tunay na pananampalataya at hindi makapagliligtas ng sinuman.

Bilang katibayan sa mga kumpirmasyong ito, dapat nating tandaan ang mga pangako ng Diyos at ang katotohanan ng ating pakikibakang espiritwal. Si satanas ay kasing totoo ng ating Panginoong Hesus at siya ang kaaway ng ating kaluluwa. Nang manumbalik tayo kay Kristo, naghahanap si Satanas ng pagkakataon upang dayain at talunin tayo. Susubukan niya tayong kumbinsihin na tayo ay mga talunan at hindi karapatdapat at sumuko na ang Diyos sa atin. Nang tayo ay maging kay Kristo, mayroon tayo ng katiyakan ng Kanyang pagiingat. Nanalangin si Hesus para sa atin sa Juan 17:11, "ingatan Mo sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Iyong pangalan - pangalang ibinigay Mo sa Akin - upang sila'y maging isa, gaya nating iisa." Muli sa talatang 15, nanalangin Siya, "Ingatan Mo sila mula sa masama."

Sa Juan 10:27-29, sinabi ni Hesus, "Nakikinig sa Aking tinig ang Aking mga tupa; nakikilala Ko sila, at sumusunod sila sa Akin. Binibigyan Ko sila ng buhay na walang hanggan, at hindi sila mapapahamak; walang makakaagaw sa kanila sa Aking mga kamay. Ang Aking Ama na nagbigay sa kanila sa Akin ay lalong dakila sa lahat; walang makaaagaw sa kanila sa kamay ng Aking Ama." Kung naririnig mo at sinusunod ang tinig ni Hesus, isa ka sa Kanyang mga tupa at hindi ka Niya bibitiwan kailanman. Nagbigay si Hesus ng napakagandang paglalarawan kung paanong iniingatan ng Diyos ang mga Kristiyano. Sinabi Niya na hinahawakan Niya sila ng Kanyang mga kamay gaya ng mga kamay ng ating mapagpalang Ama na siyang nagbibigay sa atin ng dobleng katiyakan ng buhay na walang hanggan.
 
pwede po dito na lang sa simpleng sagot? Thanks.

Magsisi sa mga kasalanan at tanggapin bilang Panginoon at Tagapagligtas si Hesu Kristo. Dahil siya lang ang daan tungo sa kaligtasan at wala nang iba. John 14:6,3:16,1:12.
 
Para po mainform po kayong lahat para maconsider niyo na dapat lahat ng nasa baba ay nagmamanifest sa inyo

Mark 16:16 "Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas;datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan"

Mark 16:17 " At lalakip ang mga tandang ito sa magsisimpalataya: mangagpapalabas sila ng mga demonio sa aking pangalan; mangagsasalita sila ng mga bagong wika (speaking in tongues);

Mark 16:18 "Sila'y magsisihawak ng mga ahas, at kung magsiinom sila ng bagay na makamamatay, sa anomang paraan ay hindi makakasama sa kanila; ipapatong nila ang kanilang mga kamay sa mga maysakit, at sila'y magsisigaling."

Mark 16:20 " At nagsialis sila, at nagsipangaral sa lahat ng dako, na gumagawang kasama nila ang Panginoon, at pinatotohanan ang salita sa pamamagitan ng mga tandang kalakip. Siya nawa."

Ano pong basehan niyo sa kaligtasan sir? Paki linaw lang po.

- - - Updated - - -

Ang pananampalataya kay Kristo ay nag bubunga ng mabuti 2COR 5:17.
Hindi natin makakamit ang kaligtasan sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan or paggawa ng mabuti eph. 2:8-9.Titus 3:5.
Tayo ay naligtas dahil sa pananampalataya at sa awa, habag, biyaya ng Diyos.
 
Last edited:
Paano kung hindi nagsasalita ng hindi maintindihang wika, nangangahulugan po ba na wala sa kaniya ang banal na espiritu?
 
Sa pamamagitan lang po ba ng pagsasalita sa ibang wika ang sign na may Banal na Espiritu ang isang tao?

- - - Updated - - -

Share ko lang po itong iba pang bunga ng Banal na Espiritu.
Inisa-isa sa Galacia 5:22-23 ang mga bunga ng Banal na Espiritu. “Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan.” Ang bunga ng Banal na Espiritu ay resulta ng presensya ng Banal na Espiritu sa buhay ng isang Kristiyano. Malinaw na itinuturo sa atin ng Bibliya na ang lahat ng Kristiyano ay tumanggap ng Banal na Espiritu sa oras na siya ay manampalataya sa Panginoong Hesu Kristo (Roma 8:9; 1 Corinto 12:13; Efeso 1:13-14). Ang isa sa mga pangunahing dahilan ng Banal na Espiritu sa buhay ng mga Kristiyano ay upang baguhin ang kanilang mga buhay. Gawain ng Banal na Espiritu na baguhin tayo ayon sa wangis ng Panginoong Hesu Kristo at gawin tayong kagaya Niya.
 
Bale ganito po ba sir yung ibig mung sabihin. Kung ang isang tao ay nanampalataya na kay Kristo at hindi nabawtismuhan bago mamatay hindi siya maliligtas?
 
Kung ang isang tao po ba ay nanampalataya na at hindi nabawtismuhan, himdi po ba siya maliligtas? Yes or No po?

- - - Updated - - -

Papaano po yung ibang mga apostol na hindi nakapag salita sa ibang wika ngunit nasa langit na ngayon. Papaano po sila naligtas like? Abraham po.

- - - Updated - - -

Mas maganda nga po kung dito lang sir para makita din ng mga tao kung alin ang totoo.
 
Last edited:
Paano po kung hindi mabawtismuhan sa tubig? Maliligtas pa po ba ang tao?

- - - Updated - - -

Ay sir pwede po ba tagalog lang tayo, hindi po kasi ako masyadong maka unawa ng english.

- - - Updated - - -

Kailangan po ba na kumpleto at walang kulang na makikita sa isang tao ang bunga ng Espiritu para masabi na siya ay may Banal na Espiritu at ligtas na po siya?
 
Last edited:
Ibig pong sabihin kung hindi mabawtismuhan sa tubig ang isang tao na nanampalataya na ay hindi siya maliligtas? Tama po ba?
 
Back
Top Bottom