Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Others Literati Writing Challenge.. Tsismis sa kanto

Huli man daw at magaling huli pa din. Wala kasi akong confidence sa mga ganitong one shot. But for all its worth eto na sya.




" Ang laki kong tanga. Naniwala ako sa mga pangako mo." ito ang iyak ng isang ginang habang inaalalayan sya pasakay sa sasakyan ng baranggay. Malamang dadalihin sya sa counceling center kung mayron man sa baranggay. Yan na lamang ang tagpung inabutan ko nang subikin kong maki-usyoso.

Papasok na ako noon sa aking trabaho nang makita ko ang makapal na kumpol ng mga tao. Akala ko nga may sale kaya napalapit din ako. Baka machamba ng isang magandang item.

Sa aking paglapit nadinig ko ang sigaw, iyak at sumbat ng isang babae. Malamang kako, isa nanaman itong kaso ng mister na hindi nakuntento sa adobo. Lalo akong nacurius, baka makakuha ako ng picture o video na pwede ko i-post sa fb at maging viral at maging daan ng aking pagsikat.

At ayan na nga, dismayado ako dahil wala na akong inabutan. Sabi nga nung barkada ko, tae man ng manok wala ka ng mapupulot. Nagsimula akong lumakad palayo sa scene, dismayado, higit sa lahat nakakairita yung na curious ka tapos wala kang nalaman.

" Eh, matagal na palang naghihinala si mareng Elsa dyan sa asawa nyang si Badong." linya ng isang manang sa kanyang kaututang dila na nagpangiti sa aking labi at nagpakislap sa aking mga mata.

Marahan akong lumapit sa kanilang pwesto, stealth mode kumbaga. Baka kasi mailang silang mag tsismisan pag bigla akong sumabat.

" Balita ko nga mare. Hindi daw ito yung unang beses na nahuli nya yang si Badong. Pati daw yung isa nilang kasambahay ay tinalo nya." buong pag gilas na binaggit ni manang no.2.

" Nakakapanghinayang, mabait naman si Elsa maging si Badong. Hindi ko inakalang sa ganito lang matatapos ang kanilang pag-sasama. Naaalala ko pa nung magkasintahan palang silang dalawa eh halos hindi mo mapaghiwalay. Yung ina nga ni Elsa na si Corazon eh laging nag-aalala baka daw madisgrasya ang anak nya. Pero naging mabait at magalang si Badong." pagpapatuloy ni ramdom manang no.1

" Ano po ba sa tingin ninyo ang naging dahilan ng pagbabago ni mang badong?" naisingit ko nung nag pause si manang no.1

" Alam mo iho, ang tingin ko lang ay may naging panganga-ilangan si Badong na di natugunan ni Elsa."

" Pano naman po nagsimula yung kaguluhan dito at nasaan po kayo nung mga oras na iyon? dugtong ko.

" Ito kasing si Elsa naghinala sa asawa, kadalasan daw kasi sabay silang umaalis nito at inihahatid sya sa trabaho. Ngunit ngayon daw ay nagpahuli ito ng alis. Kinutuban na daw si Elsa. Yun bang women's tuition." si manang no.1

"Woman's intuition po ata ang tinutukoy nyo." singit ko.

"Ay oo yun na nga. Bale nag wawalis na ako sa harap ng bahay namin nun nung makita ko si Elsa pabalik sa bahay nila sakay ng isang trisikel. Dali-dali syang pumasok ngunit lumabas din naman. At namataan ang kotse ng kanyang asawa. Yun naman ang nilapitan. Nung makita ko yun hinagilap ko agad itong kumare ko kasi tiyak na iskandalo ito." pag papatuloy ni manang no.1 " Nung pagbalik ko kasama itong kumare ko nagkakasampalan na at may mga baranggay na na umaawat. Medyo madami na ding tao."

" Nakuhaan nyo po ba ng video yung pangyayari? o picture?" singit ko.

"Hindi iho pasensya na, wala kasi akong dalang cellphone." si manang no.2

"Nakita nyo po ba yung itsura nung kalaguyo o kung ano ang ginawa ni aling Elsa?" tanung kong muli.

"Naku iho, hindi na kami nakalapit madami ng tao. Mahirap na baka mapagbintangan pa kaming tsismosa." si manang no.1

Wala nanaman akong nahita sa dalawang ito. Akala ko ayun na sablay pa din. Nagdisisyon akong hayaan na lamang ang kwento na ito mukahang tae nga ng manok wala na akong mapupulot.

Bigla akong nabangga ng isang lalaking hindi nakatingin sa kanilang dinadaanan. Lalag ang cellphone nya pati na ang sa akin. Sabay kong dinampot para hindi din sya makatakbo agad. Nung pagpulot ko ng cp niya nakita ko ang isang larawan. Namukhaan ko si Elsa, kaya nagtanung ako.

"Brad, hindi bat si aling Elsa to, sino yung ibang kasama nya?"

"Ah, si mang Badong yung asawa nya at si Intoy yung driver nila. Nahuli kasi kanina ni aling Elsa yung dalawa."

attachment.php



:thanks:
for reading!

 

Attachments

  • _20160913_005157.JPG
    _20160913_005157.JPG
    177.9 KB · Views: 49
Last edited:
ang kulit ng ending :rofl:
de Lima ang peg ni mang Intoy :lmao:
 
wala daw video:lol:

:thanks: sa pagbasa.
 
Back
Top Bottom