Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Others Long Distance

Long Distance.


Mahirap talaga pag long distance, matetest ng sobra yung relasyon nyong dalawa. Madaming remedyo pero tiwala lang talaga sa isa't isa yung sasagip sa inyo. Kung wala kayong trust, walang mapupuntahan at panigurado puro away lang kayo.

Madaming nag sasabi na "Sa simula lang mahirap" pag long distance, pero di ako sang ayon dito. Mas mahirap pag tumagal na, at yung mga unang buwan o taon yung mas mahirap. Pag simula pa lang, sobrang miss na miss nyo yung isa't isa. Parehas kayong sabik na sabik. May init pa din dahil nga kakahiwalay nyo lang. Nandun pa yung sweetness at lambingan.

BF : "i miss you beh!"
GF : "I miss you too!"
BF : "Di pa din ako makapaniwala, kailan lang mag kasama tayo. Ngayon nanjan ka nanaman."
GF : "Oo nga e. Miss na miss na kita. Matagal pa hihintayin natin bago tayo mag kita ulit."
BF : "Miss na talaga kita beh!"
GF : "Miss na miss na din kita!"

O di ba, ang cheezy. Masakit na nakakainis kasi wala kang magawa para magkasama kayo (either di kaya o hindi pwede). Pero madali pa din to. Buo pa yung bond nyong dalawa sa isa't isa. Pag ganun, araw araw pa yung tawagan at usapan. Pero pag tumagal, unti unti na yang mawawala.

Yung relasyon parang "rubber band". Kapag hinila mo yung dalawang dulo, palayo ng palayo. Mapuputol yan. Kaya pag simula, kung san di pa masyadong banat yung "rubber band", matibay pa din yan. Pero pag tumagal na, ninipis na ng ninipis hangang maputol na nang tuluyan.

Kasi pag tumagal na, nasasanay na kayong dalawa na wala yung isa't isa. Yung araw araw na usapan nagiging linguhan na lang. Yung lambingan nagiging paulit ulit nalang. At dahil nga di na gaya ng dati, nag kakaron na ng pagdududa.

GF : "Bat di ka na tumatawag?"
BF : "Medyo naging busy e, ikaw? bat minsan di ka sumasagot sa mga messages ko?
GF : "Busy din. kamusta ka na? Parang nag bago ka na ah"
BF : "Nag bago? hindi naman. Ikaw? baka may nanliligaw na sayo jan ah?"

Pagdududa na nauuwi sa mas malalang pag tatalo.

(itutuloy)
 
Last edited:
Back
Top Bottom