Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Serial Story Lovelife ng Isang Weirdo na Torpe pa

Lovelife ng Isang Weirdo na Torpe Pa.
Chapter 1: Unang Dugo
Busy ang lahat sa kanya kanyang gawain at ng may napadaan na isang nakakalaglag matang chickababe na ang pangalan ay Soleen. Ang paligid ay parang huminto kagaya nung superpower ng Korean Alien sa My Love From The Star pagkadaan ng dalaga. Pangalan palang niya nakaka-lbm na at ang mga tao sa Barangay Pusong Bato ay nakatitig na parang hinuhubaran na ang dalaga. Papuntang tindahan na pagmamay-ari ng ating weirdo na torpe pa na bida ang chikababe at ito'y agad napansin ng bida na nooy naglalaro ng flappy bird sa gilid ng kanilang munting sari-sari store.
Soleen: Tao po!
(Agad sinunggaban ang pagkakataon ng ating weirdo na torpe pa na bida)
Bida: Ano pong atin? (halatang nanginginig ang boses)
Soleen: May load kayo?
(Kumuha ng kapirasong papel ang bida para ibigay sa chikababe samantalang pwede naman ipa type nalang agad sa reloader Cellphone)
Bida: Paki lagay nalang ang # mo.
(Inabot ang bayad at yun ang unang holding hands daw nila samantalang natapik lang ng bida ang kamay ng dalaga)
Soleen: Sukli ko!

Umalis na ang dalaga at naulit nanaman ang paghinto ng oras at ang mga tao doon ay nag transform bilang tarsier ng bohol.
-Exit
Makaraan ang isang araw, sa 24 hours na pag-iisip ay napagpasyahan ng weirdo na torpe pa na bida na i-text si Soleen na matagal ng pinagpapantasyahan ng bida at ang dahilan kung bakit palaging naglalagi sa CR ang bida.
Halo-halong emosyon at parang tumabko ng 1 milya dahil sa dami ng pawis at matapos ma type ang message nyang "Hi Soleen, ang ganda mo jeje" ay nagdadalwang isip pa syang i-send ito dahil sa nararamdamang halong kaba at pananabik at ng napindot na nga niya ang sent button ay nabunutan na ng tinik ang bida.
Makaraan ang isang minuto ay hindi na mapakali ang bida dahil baka maulit nanaman ang pang seenzoned sa kanya ng chikababe na si Soleen sa Facebook. Kung ano-ano na ang na prepredict nya at ang precognition nya na palaging mintis ay nagkakarombla na sa kanyang isipan.
Tininingningning "1 message received from "MyFgfSoleen"
Magkahalong tuwa, saya at kaba ang namumutawi sa binata at kung ano ano na ang iniisip na reply ng kanyang iniibig.
From: MyFgfSoleen
Message: sin0w qah? Hindi acuh maqnda at lalonq hnde acuh c Soleen. Bf nya ito at xan mo naquha number cuh?

Nanglumo ang binata sa natuklasang balita at dahil sa kabiguan ay nahihampas nya ang hawak hawak na cellphone na nooy hiniram nya lang pala sa kanyang kaibigan dahil once in a quarter lang magpa load ang weirdo na torpe pa na bida.
Dito nagsimula ang masalimoot na buhay pag-ibig ng binata at itoy ay tinawag nyang "nice post".

Next Chapter: Wrong Direction
 
Last edited:
ngayon lang ulit ako nagawi sa section na 'to, at yung mga ganitong klase ng kweto ang namiss ko :lol:
 
Salamat sa mga reply! Sensya di na ako nakapag update. Completo na sana ang storyang 'to kaso na reformat ko yung memory card ko kaya antay2 muna kayu para sa next update.
 
Back
Top Bottom