Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Maasim na amoy

krakatoa797

Recruit
Basic Member
Messages
8
Reaction score
0
Points
16
Paano po ito matatanggal? May mga sabon po ba sa katawan na nakakatanggal ng maasim na amoy ng pawis? Mabilis lang po kasi akong pawisan kahit onting galaw lang papawisan na agad.

Sabi po nila sa paglilibag po ito ang problema po pagnaglilibag ako (gamit Loofah) wala naman pong nangyayari namumula lang ang balat ko at masakit sa pakiramdam. Patulong naman po! Maraming salamat :)
 
mataba ka ba? Iwas ka sa fatty, oily at spicy food saka water lang inomin mo. lagay ka din tawas sa kili kili at kung may buhok kili kili mo eh shave mo.
 
yung tawas, lagay mo sa tubig, ibuhos mo sa katawan mo sa huling banlaw pag naliligo ka. yung bestfriend kong mataba, ganyan ang ginagawa .
 
bumili ka ng "KATIALIS" sa botika ipahid mo sa kilikili at buong katawang (pwera sa mukha) pagkatapos maligo, konti pahid lang at araw-araw maligo. gamit ko yan for 5 yrs na.
 
try mo BIODERM soap ,or punta kna lng sa derma na doctor
 
TS need talaga proper hygiene. Minsan akala natin nalinis na natin ng husto yung katawan natin pero hindi pala. Ganito ang gawin mo TS, Unahin mo mag shampoo tapos wag mong babanlawan agad hayaan mo lang na nakababad ang shampoo sa buhok habang nagsasabon ka ng katawan. Ang reasoning ko dito TS eh yung ulo natin mabilis talaga mag paswis at naiipunan ng oils kaya mas maganda kung medyo matagal ang shampoo sa buhok. Ngayun habang nakababad ang shampoo sa ulo mo eh sabunin mo ang katawan mo (ipahid ang soap bar sa buong katawan) pagkatapos bitawan mo yung soap bar at ngayun ay kuskusin mo naman ng loofa yung buong katawan mo para bumula ang sabon at sabay narin matanggal mo ang mga natuyo at namuong pawis sa katawan mo. Pagkatapos nito banlawan mo na ang buong katawan mo at siguraduhin mong walang maiiwan na sabon ( mararamdaman mo naman yan wala nang dulas ) kasi pag may naiwan nagko-contribute din yun sa hindi magandang amoy. Gawin mo yan twice a day, isa sa umaga pagka gising at sa gabi bago matulog. Yung bed sheet dapat laging pinapalitan every 3 to 4 days kasi nagpapawis tayo habang natutulog at yung mga dead skin cells natin naiiwan sa bed sheet. Kapag naipon yun bumabaho ang bed sheet at kumakapit sa balat at damit natin yung amoy. Lastly siguraduhin na malinis ang mga damit. Labhan mo ng mabuti TS wag kang mag tipid sa sabon at yung mga damit mo na kahit bagong laba ay may kurot ng mabahong amoy ay ibabad mo sa sabon tapos banlawan ng mabuti at ibilad sa araw para mamatay ang mga mikrobyo. Ang body odor kasi dala ng bacteria na kumakain ng mga ipina-pawis natin at syempre yung waste product nila ay yon ang nagiging mabahong amoy. Sana makatulong to sayo TS. Good luck!
 
try mo maligo 3 times a day tpos sa kilikili mo lag mo ng MILKU meron yan sa 711 o mga mini mart.....
 
Hindi po ako mataba, tisaka wala po akong problema sa amoy ng buhok ko ang problema ko lang po yung pawis ko talaga lalo na po sa likod.

Salamat po sa mga sagot niyo susubukan ko po isa-isa! :)
 
Bumili po ako ng Bioderm na Soap & Ointment.. Question po: Pwede ko ba gamitin din yung Ointment pangtanggal ng bad odor?
 
Bumili po ako ng Bioderm na Soap & Ointment.. Question po: Pwede ko ba gamitin din yung Ointment pangtanggal ng bad odor?

Tawas lang ts at nasa pagkain yan. Kain ka muna gulay lalo na madami fibers at inom madami water. Baka naipon na toxins sa katawan mo kaya bumabaho. Umiinom ka ba? Iwas muna sa mga bisyo. Parang tatay ko lakas umiinom kaya bantot pawis niya.
 
Last edited:
Wala naman po akong bisyo at lalonghindi ako umiinom. Pero sige po susubukan ko 'yan
 
Wala naman po akong bisyo at lalonghindi ako umiinom. Pero sige po susubukan ko 'yan

Dati may putok din ako eh at nahihiya ako noon. Sinubukan ko mga deodorant pero wa epek tapos nakakamantsa pa ng damit. Pinasubok sa akin ang tawas at ayun effective sabay shave na din ng hair sa kili-kili dahil nakakabaho din yun.
 
Hindi po ako mataba, tisaka wala po akong problema sa amoy ng buhok ko ang problema ko lang po yung pawis ko talaga lalo na po sa likod.

Salamat po sa mga sagot niyo susubukan ko po isa-isa! :)

ayon nga kasi lodi. Walang problema sa pawis, kahit gaano ka karami mag pawis okay lang. Ang problema talaga yung mga bacteria na kumakain nung pawis natin. Yon ang nagco-contribute sa body odor. Yon ang dapat patayin. Medyo matagal na proseso yan kasi parang overhaul lifestyle. Akala mo ang dami mong kailangan gawin at magtatagal sa banyo pero kapag nasanay kana at naging routine mo yan mabilis na :D
 
Back
Top Bottom