Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Magnum Mini Movie part 2 [The Most Awaited Sequel]

Hint:
Bawat inyong makikitang link ay i-click para malaman kung sino'ng actor/actress ang gumanap o paano siya
napasama sa casting/production ng sequel na ito :rofl:
Para lubusang maintindihan ang kuwentong ito, dapat ay nabasa mo muna yung part 1. eto po oh Magnum Mini Movie

Plug ko na din Tropang Magnum at ang Kaharian ng Choco Magnum


Isang katanghaliang tapat, tirik ang araw at sobrang init kaya naisipan ni Amphie na magpalamig. Dumirecho siya sa isang computer shop na malapit sa kanila. Sa Heinriq's Cyber Cafe na pag-aari ng isang inhinyero na si Manong Vin. Pagpasok sa shop ay pumuwesto agad siya sa pinakadulo. Sabay lapit ng attendant sa kanya.

"Hi Sir! I'm Mineski, ilang oras po kayo?!"

"Open time na lang, madami kasi akong gagawin eh"

Paalis na sana ang bantay ng shop nang bigla siyang tawagin uli ni Amphie.

"Hhmm.. puwede bang pakilakasan yung air-con? ang init eh!"

"Ok po sir", agad umalis ang bantay ng shop at saka itinuloy ang naudlot na paglalaro ng DotA.

Nang makaalis na ang bantay,sinimulan na niyang gawin ang kanyang pakay. gaya ng dati, mga nakakapasong website ang mga binisita niya. "Ayos to",naibulong ni Amphie sa sarili niya. Perfect ang puwesto niya; bukod sa onte pa lang ang mga customers nang mga oras na yun, nasa tagong puwesto pa siya. Nagsisimula na siyang mag-enjoy sa ginagawa niya nang biglang may mag-message sa Yahoo! niya. Si Jenifer, ang nililigawan niya. Binasa niya ang e-mail.


Amphie,

Magandang araw! Halos isang taon ka na ding nanliligaw, nakita at napatunayan ko naman na tapat ka sa intensiyon mo.Pumunta ka dito sa bahay; gusto kang makilala ng aming padre de pamilya. At saka may ipagtatapat akong importanteng bagay sa'yo. Alas-tres ng hapon. Huwag kang mali-late. Teka, di ka pa nga pala nakakapunta dito sa amin. Eto ang address: #14th Avenue Symbianize Compound. Ang bahay namin ay katabi ng isang lumang kumbento at isang deep well. Kung di ka puwede, bigyan mo ako ng 10 reasons kung bakit di ka makakarating.

Nga pala, nung huling pagkikita natin, napansin ko yung ubo mo. Pa-check up ka muna, bago pa yan lumubha at lalong maging malala. Nasobrahan ka na naman siguro sa pagkain ng ice cream. Hihintayin kita.


With happy ♥
Jenifer​


P.S. : Tse!


Pagkabasa ng e-mail, dali-dali siyang umalis at pumunta sa pinakamalapit na clinic. Biglang nagbalik sa alaala niya ang lahat. Si Arci, ang unang babaeng minahal niya ay nawala sa piling niya. Ilang buwan lang naging sila. Iniwan siya nito at ipinagpalit sa isang lifeguard. Dinibdib niya nang sobra ang break-up nila. Nagpakagumon siya para makalimot. Nagpakaadik siya sa pagkain ng Magnum Ice Cream. Iyon siguro ang dahilan kung bakit madalas siyang magka-ubo. Nagkakilala sila ni Jenifer sa isang Dessert Lovers' Summit Event. Mahilig siya sa Magnum Ice Cream, si Jenifer naman ay sa Toblerone. Nang makilala niya si Jenifer, natuto siyang mag-move on.

Napansin niyang nasa tapat na siya ng isang clinic nang maputol ang kanyang pagmumuni-muni. Ang pangalan ng clinic ay beibhy pandas' health clinic. Napakamot siya sa ulo. "veterinary clinic yata ito", aniya. Pumasok siya. Mukhang mga tao naman ang mga nasa loob kaya nakahinga na siya nang maluwag. Medyo mahaba ang pila ng mga magpapakonsulta. "Magaling siguro ang doktor", dagdag pa niya.

Dalawang mahabang upuan na magkatapat ang sumalubong sa kanya. Lima ang nakaupo, pang-anim siya. Umupo na din siya at minasdan isa isa ang mga katabi niya pati yung mga nasa harap niya. Lahat sila ay naghihintay sa muling pagtawag ng doktor sa susunod na papasok sa silid.

Sa kaliwa niya, katabi niya ang isang nagkukunwaring bading na nakasuot ng costume ni Darna.

"Parang kilala kita?! nagkita na ba tayo dati?" tanong ni Amphie sa nagkukunwaring beki.

"Haler! ngayon nga lang kita na-sight eh, ok ka lang manong? naka-drugs ka ba?!" sagot nito sa tonong malandi.

"Aah ehh.. wala naman. kamukha mo lang siguro", pag-iiwas ni Amphie.
"Teka, bakit ka nandito?", usisa niya ulit.

"Eh kasi nagkamali ako ng nilunok na bato. Sumali kasi ako sa pageant, talent ko ang mag-Darna. Dapat Snowbear Candy yung lulunukin ko, kaya lang pinalitan pala ng holen ng mga inggiterang kaagaw ko sa korona. Imbiyerna talaga. Itatanong ko lang kay doc kung panu ko mailuluwa yung pahamak na marmol"

"Aaahh ganun ba", tatangu-tangong tugon ni Amphie sa naka-Darna suit.
"Eh ikaw tol, ano'ng nangyari sa'yo?!" tanong ni Amphie sa katabi ng beki.

"Electrician ako tol. nag-shortcircuit yung transformer na inaayos ko. Nakuryente ako. Papa-check ako kay doc kung puwede pa ba akong magkaanak. sayang kasi lahi ko."

"Eh yung lalaking nasa harapan natin na kanina pa nagsasalita mag-isa?! di ko maintindihan yung sinasabi niya" balik tanong ni Amphie sa nabulunang beki.

"Di ko sure eh, pero kapitbahay namin yan. Sobrang talino niyan eh. Taga-hakot ng medal sa school namin yan. Kaya lang sa sobrang talino, ayan parang naging freak.Alam ko lagi siyang nandito. Baka makikipag-brainstorming kay doc."

"Eh yung lalaking naka-wheel chair na balot ng benda ang buong katawan, nakataas pa yung isang paa. Kawawa naman.."

Ang sumagot ay yung nag-ala Kuryente King. "Kainuman ko yan tol. Kaibigan kong stock broker yan 'pre. Ginulpi ng mga tanod sa lugar namin. Caught in the act kasi na may ka-affair kaya ayan, bali bali ang buto. Na- citizens' arrest."

"Ah ganun ba?! eh yung babaeng naka - red na dress, red na shoes, red na bag at may bitbit na baby?!"

Hindi nakasagot pareho ang dalawang kausap niya. Kaya tumayo siya at naglakad papunta sa binibining kanina pa niya gustong makilala.

"Good afternoon miss, pamangkin mo?"

"No! he's my new born son. Why?"

"Oh! Nothing.. He's cute..", sabay balik niya sa upuan. "Sayang! Taken na pala. Tsk.. Tsk..!" bulong niya sa sarili.

"Next patient please"

Nang matapos yung limang nauna sa kanya, agad siyang pumasok sa silid ng doktor.

"Magandang hapon po doc!"
"Magandang hapon din. sige maupo ka!"

Malamig sa loob ng silid. Tadtad ang buong silid ng mga poster/streamer/banner/tarpaulin ng paborito niyang Magnum Ice Cream. Nakapanglalalaway ang mga larawan. Di niya napigilan ang sariling tanungin ang doktor.

"Doc, mahilig din po pala kayo sa ice cream?!", sabay libot ng mga mata niya sa buong silid.

"Ah hindi naman masyado, dealer/supplier/wholesaler/retailer lang ako niyan. Teka, maiba tayo, ano nga pala ang problema mo?!"

"Eto po kasing ubo ko, pabalik-balik na lang", sabay demo niya ng kumakahol na ubo.

May kinuha sa drawer ang doctor. Ilang saglit ang lumipas, inilatag sa harap niya ang mga palad ng doctor. Sa kanang palad ay isang blue pill at sa kaliwang palad naman ay red pill. Napaisip siya. Di kaya si Morpheus ang nasa harapan niya?!Naalala niya tuloy yung pelikula ng isang naka black suit + black shades na lalake na iniilagan ang mga bala sa pamamagitan lang ng pagliyad. Nakapako lang ang tingin niya sa dalawang capsule.

"Eto ang mga gamot mo,kunin mo. Parehong soft gel capsules ito. Itong blue ay Clusivol at itong red naman ay Robitussin."

"Aayy, gamot pala. Akala ko naman pinapapili ako kung papasok ba ako sa Matrix o hindi.", bulong niya sa sarili.

"Salamat doc"
"Huwag ng doc itawag mo sa akin. thadz na lang."

Lumabas siya ng clinic na masaya, medyo nabawasan na din ang pagkahol niya. Sinilip niya ang oras sa wristwatch niya. Ala-una na, dalawang oras na lang. Nagpunta agad siya sa isang convenient store. direcho agad siya sa freezer. Kumuha ng tig-iisang flavor ng paborito niyang Magnum Ice Cream; almond, classic at chololate truffle. Gusto na niyang talupan yun isa isa at lawayan hanggang matunaw sa dila niya. Pero pinigil niya ang sarili. Ireregalo niya yun kay Jenifer. Pagkakuha ng ice cream, pumunta na siya sa counter.

"Good afternoon sir! Welcome po sa 7-11. I am Panjo, at your service." binayaran na niya ang mga binili.
"I received P150.00 for 3 items at dahil kayo po ang pang- one thousandth customer namin sa branch na ito, you are entitled to bring home this item", sabay pakita sa kanya ng isang malaking durabox.

"Hhmm.. puwede bang next time ko na lang i-claim?! aakyat kasi ako ng ligaw eh", paghingi niya ng paumanhin.

"Ahh ganun po ba. Sige sir. Ire-reserve ko na lang po para sa inyo. Mahirap nga namang maglakad ng may bitbit na ganito, umakyat pa kaya."

Paglabas ng convenient store, nag-abang na siya ng bus na masasakyan. Buti na lang may dumating naman agad. Pag-akyat sa bus, dumirecho siya sa bandang likuran bitbit ang pasalubong niya sa nililigawan. Isinandal niya ang pagod na katawan sa upuan ng air-con na bus.

"Hey dude, may i borrow your ballpen? wika sa kanya ng katabi niya sa upuan. Mukhang Fil-Am, naka black shades pa.

"Here dude", sabay abot niya ng ballpen sa katabi, magsasagot pala ng crossword puzzle ang Amboy.

Napabuntong hininga siya. Sumandal. Nag-isip isip. Nakatulog.
Ginising siya ng konduktor. Nasa terminal na pala siya. Napakamot siya sa ulo. Sakay ulit siya pabalik. Tiningnan niya ang bitbit na ice cream, nag-uumpisa nang matunaw. Pagbaba ng bus, hinanap agad niya ang binigay na address sa kanya ni Jenifer. Nagtanong tanong siya.

"Manong, puwedeng magtanong?! Alam niyo po ba ang address ba ito?!" tanong ni Amphie sa barangay tanod na si Mang Turyo na may pasan na madaldal na parrot sa kanyang kanang balikat.

"Dun sa eskinitang yun, Pasok ka. Pag lusot mo, makikita mo na yang bahay na yan. Katabi niyan ay lumang kumbento at isang deep well.

Pumasok siya sa madilim na eskinita. Lagot! 16 minutes na siyang late. bagamat kinakabahan, naglakad siya sa makipot na daan nang biglang may sumalubong sa kanya. Parang isang tambay na adik.

"Sir, may barya ka ba diyan?!" tanong ng taong sumalubong sa kanya.

Naku! Mukhang napagtripan siya. Masaklap to. Wala na siyang barya. Credit card at isang P500.00 bill na lang ang laman ng bulsa niya.

"Sorry bossing, wala akong barya eh!"

"Ano!? wala kang barya!? baka gusto mong...."

"I mean, wala akong barya. kaya eto na ang limandaan. sige mauna na ako sayo. Ingat ka, paalam." sabay karipas niya ng takbo palayo.

Kumunot ang noo ng naiwang lalake. "Bakit kaya siya tumakbo? Tinatanong ko lang naman kung may barya siya kasi magpapabarya sana ako. Saka baka gusto niyang pakyawin tong yosi at kending paninda ko. Ang weird!"

"Oh! bakit ngayon ka lang?! sige pasok ka" bati sa kanya ni Jenifer.

"Nasaan yung father mo?"

"Umalis na. Di ka na nahintay. Pumuntang simbahan. Relihiyoso kasi yun, laging maaga yun pag may misa. Gusto kasi niyang maupo lagi sa harapan. Sige, tuloy ka"

Pagpasok sa loob, pinaupo siya nito sa sofa ng sala.

"May ibang bisita ka pala?!" wika ni Amphie habang pinagmamasdan ang lalakeng nakaupo sa kabilang sofa. Mukhang mayaman, naka-postura, guwapo. Sa lamesa ay may ilang bote ng RC Cola. Naka-headset at humi-head bang na parang isang DJ habang nagre-repack ng sako sakong sugar at spice.

"Amphie.. ganito kasi yun eh.. gusto kong sabihin sayo na siya ang pinili ko. Yun ang talagang totoong dahilan kung bakit kita pinapunta dito. Pasensiya ka na ha?!"

Halos pagsakluban siya ng langit at lupa sa kanyang naringi. Isang taon siyang nanligaw tapos saglit lang ay wala na?! Gusto niyang umiyak pero di niya magawa. Walang anu-ano ay umalis siya. Masama ang loob, puno ng paghihinagpis at paghihimutok.

"Amphie wait!", natigilan siya sa paglabas ng pinto. Nagkaroon siya ng pag-asa. Mukhang nagbago ang isip ni Jenifer na bastedin siya. Eto yung tipikal na eksena sa isang pelikula na kung saan matapos magkatampuhan ng magkasintahan at akmang lalayo na yung isa, ay tatawagin naman siya nung isa.

"Amphie..nakalimutan mong..."

"Sabi na eh", sa loob loob ni Amphie. May nakalimutan ngang sabihin sa akin si Jenifer.

"Amphie.. nakalimutan mong iwanan yung Magnum Ice Cream na pasalubong mo para sa akin.. Paki-lapag na lang dun sa lamesa. Salamat.."

Parang natunaw na ice cream ang puso ni Amphie. Nilapag nga niya ang bitbit na ice cream sa lamesa at dali-daling lumabas ng bahay. Pagkalabas, napatingin sa sky si Amphie. Biglang pumatak ang ulan, umambon na tila nakisabay sa pagluha niya. Naglakad siya. Di niya alintana ang mga nagdaraang sasakyan at ang mga taong nakatingin sa kanya. Nag-umpisa na naman siyang ubuhin. Halos isang oras siyang naglakad. saktong pagtila ng ulan ay huminto ang paa niya sa tapat ng convenient store na binilhan niya kanina. Nanginginig sa lamig at basang basa, pumasok siya sa tindahan.

Kahit na tuliro at namumugto ang mga mata, alam niya ang pakay niya. Ang paborito niyang "comfort food". Dumirecho agad siya sa freezer, pero wala nang Magnum Ice Cream maski isa. Nadismaya siya pero di siya nawalan ng pag-asa. Lumapit siya sa counter para magtanong.

Nagulat siya nang makita kung sino ang bantay. Isang pamilyar na mukha na matagal din niyang hindi nakita. ang napakaamo at magandang mukha ng unang babae na bumihag sa puso niya at siyang ring unang dumurog dito. Si Arci, ang kanyang unang kasintahan.

Kapwa sila natigilan, parang naka-pause silang dalawa samantalang ang nasa paligid nila ay tuloy-tuloy lang ng galaw. Bagamat nagulantang, pinilit niyang maging casual.

"Hhmm.. miss may Magnum Ice Cream pa ba kayo?! wala na kasi sa freezer, baka meron lang naman." uutal-utal at nanginginig sa lamig na wika ni Amphie.

"Hhmm.. meron pa po sir, ngayon ko pa lang po ilalabas yung mga stocks. madami po kasing bumili kanina."
Umalis saglit si Arci at pagbalik ay dala ang tig-iisang flavor ng Magnum Ice Cream. hindi rin maitago ni Arci ang nararamdamang pagkagulat na may halong hiya at pangamba dahil sa ginawa niyang pag-iwan kay Amphie.

"P150.00 po lahat sir for 3 items, P50.00 each po." nakayukong wika ni Arci na nangingilid na ang luha sa mga mata.

"Wala na kasi akong cash, puwede bang card na lang?" tanong ni Amphie sa garalgal na tinig. Tango lang ang naisagot ng kausap niya. Iniabot niya ang credit card at prinocess agad yun ni Arci. pagka-swipe ay ibinalik sa kanya ang card kasama ang isang maliit na puting papel.

"Paki-pirmahan na lang po sir"

Kinapa niya ang bulsa niya para hanapin ang ballpen niya nang may biglang kumalabit sa likod niya.

"Hey dude! Here's your ballpen. Thanks for lending me this man", sabay abot sa kanya ng isang ballpen.Yung Amboy pala na nakasabay niya sa bus kanina na nanghiram ng ballpen niya para sumagot sa crossword puzzle. Pinirmahan niya ang resibo at paglingon niya ay wala na ang Amboy.

"Kumusta ka naman?!" tanong ni Amphie kay Arci habang ibinabalot nito sa supot ang mga pinamili niya.

"Ang totoo hindi okay..hindi masaya. Nagi-guilty ako sa ginawa kong pag-iwan sa'yo. Pinilit ako ng kuya ko na sagutin yung lifeguard na si Jef dahil malaki ang utang ng kuya ko sa kanya. Pero hiniwalayan ko siya kasi pinipilit niya akong makipag mouth to mouth resuscitation sa kanya, eh di naman ako nalunod bakit niya ako bubugahan ng hangin?!"
"Tapos kahapon, nagkahiwalay kami ng pangalawa kong boyfriend., stock broker siya. Nautangan din kasi ni kuya yun eh. si Kuya Turyo talaga, lagi na lang ako ang ginagawang pambayad sa mga utang niya. Buti na lang at nag-"tweet" sa akin yung alaga naming madaldal na parrot. Ichinismis na nag-uuwi daw ng chicks yung lalakeng yun pag siya lang ang nasa bahay. Kaya ayun, hinuli namin sa akto. Kaya ginulpi siya ni kuya kasama yung ibang tanod." paglalahad ni Arci sabay abot sa kanya ng pinamili niya.

"Eh ikaw, kumusta ka naman?! tagal din nating di nagkita. bakit basang basa ka?! anong nangyari sayo?!", may himig na pag-aalalang tanong ni Arci sa kanya.

"Mahabang kuwento. Basta ang bottomline, sawi din ako sa pag-ibig gaya mo." malungkot niyang sagot. "Hhmm.. puwede bang paki-hinaan yung air-con? nanginginig na kasi ako sa lamig eh" nangangatog na habol pa niya.

Pero imbes na kunin ang remote ng air-con para pahinaan ang lamig nito, lumabas ng counter si Arci at lumapit kay Amphie. At saka niyakap siya nito nang buong higpit. Tanging ang Magnum Ice Cream lang na nasa kamay ni Amphie ang naging saksi sa tagpong yun.
Isang yakap na tumunaw sa mga pusong kay tagal nangulila at naghimutok.
Isang yakap na nagpalambot sa pusong ngayon ay natutong magpatawad.
Isang yakap na lumusaw sa damdaming sintigas ng bato at ngayon ay handa nang muling magmahal.

Sino ang mag-aakala na malayo pala ang mararating mo at kaya mong gawin para sa taong mahal mo. Na kaya mong magsakripisyo at ipaubaya ang sarili mong kaligayahan para sa ikasasaya nila.

Ang pag-ibig ay parang ice cream. Marami kang makikita at makikilalang bagong flavors, pero ang tiyak na babalik-balikan mo ay yung pinakapaborito mo sa lahat. Kahit na gaano man kapait ang pinagdaanan mo, wag kang mawalan ng pag-asa dahil darating din ang panahon na muli mong matitikman ang tamis ng tunay at wagas na pag-ibig. At kahit matagal kayong nagkalayo na halos nakalimutan mo na ang hitsura niya, sa kaibuturan ng iyong puso, ang lasa ng inyong pagmamahalan ay di mawawala kailanman.

Sadyang ganyan ang pag-ibig; masarap, nakapanglalaway pero mahal.
Halina at tikman ang sarap at ligaya ng muling pagsayad ng Magnum sa'yong Dila

Ikaw? ano'ng kuwentong magnum mo?!

# :hat: Amphie, ikaw na po sa part 3 ng Trilogy na ito :rofl:

 
Last edited:
@djvince oo na noh,panda bolpen hehe.. tatanda na yan si born-san sa next part.. Opo abangan natin part 3 kay Amphie..Casting talaga ha.hehe
 
Wahahahahaha :rofl: ang dami kong tawa dito kuya. Ang galing :clap: ang daming username pala ang isinama mo po dito,bakit di ako kasama?hehehe.. Nasaan na po ang part 3? :lmao:
 
Wahahahahaha :rofl: ang dami kong tawa dito kuya. Ang galing :clap: ang daming username pala ang isinama mo po dito,bakit di ako kasama?hehehe.. Nasaan na po ang part 3? :lmao:

wala pa po eh hehehe.. nag iisip pa po ako ng concept..
anyways, rto yung mga nakuha kong artista para sa part 3, paki-abangan na lang ang premier night nila.. :lmao:



ArCiZei - Cedric Labbao
jefiner - Dyen Rivera
blindpen18 - Aldrin Espiritu
Amphie88 - Ampy Garcia
breaker004 - Adrian Cruz
Circuited Soul - Rudolf Kenneth Purificacion
iksenim09 - Jerome Tablate
Oops15 - Kenneth Maiko Wijangco
14th - Gyro Renier
10reason - Marmandy Abadilla
Djvince301 - Vincent Mandocdoc
adiksadownload - Mark Andrew Cordovero
Miss Red - Jean Magcawas-Junio
born-san - Rexal Rey E. Fuertes
thadz - Ace Lagurin
takerock - Tak E Rak
komwari - Regie Constantino Cariño
melala- Cecille Carmela delos Reyes
psyknarph - Syksyk Symb
mind^^FREAK - Chilling Freeze
Sankaturyo - Ansley Ray Cruz
sam_wel - Sam Wel
16MinutesLate - Recci Crodua
skylar21 - Sky Rodriguez Morota
panjo - Joel Laig
Archangelic013 - Jed Genio
 
Last edited:
sir pwede ko ba i-post to sa ibang forum? :think:
hindi ko kakalimutan ang credits sayo :salute:

:thanks: in advance :salute:
 
Back
Top Bottom