Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Maka Duterte ka pa rin ba ?

lol ang talino ng nagsabi binenta sa tsina ang isla haha
parekoy
kilala ko si digong mahal nmin taga davao yan
anong ejk?haha ,
kompara mo muna ang city mo sa city ko
kung gaano ito kaligtas noon pa man
nong di pa sya presidente
 
Kaya may 8888 tayo to report any anomalies, hindi naman siguru iasa natin lahat kay PRRD diba? Hindi ito one man job.

wala naman akong sinabing iasa sa kanya saan part ba ako nag point na kasalanan niya lahat yun ? what I'm pointing lang is kahit kilala niya yung nilagay niya sa position di mo parin masasabing siya na talaga yung pinaka magaling at pang long term na dapat na naandun sa position na itinalaga sa kanya.

And about sa 8888 hindi naman kasi tayo sigurado na diretso ngang aaksyunan yung inireport mo what if may kapit parin yung mga corrupts sa 8888 department which is pag may nag reklamo sa 8888 malalaman nilang may reklamo na pala sa kanila then lay low muna . Puro mga what ifs mas maganda nang maging skeptic kesa maging die hard .

Im again clearing na I'm not anti PDD mula pagkabata hanggang sa edad kong to siya lang ang nakitaan ko ng tapang at may solution sa problema evidently sa drugs related. Sa other aspects nalang talaga ako nakukulangan not hes fault pero kung mapapansin mo yung kabobohang anti distraction law na pinatutupad ngayon mapapakamot ka sa gumawa nun.
 
cge nga try nyo si ROXAS kung cya naging presidente,.
alam nya ang bentahan ng druga sa makati at davao,.what the heck,.
suportahan na lang natin si digong,.
i hate drugs and crime kaya binoto ko sya
at di ako nagsisisi sa boto ko at di naman sayang iyon,.
kulang talaga ang 6 years para masugpo lahat ang problema
di nyo lang nakikita ang malaking kaibahan ngayn kesa noun,.
worst president ever is PINOY,.daming alam polpol naman
 
maka duterte prin ako kasi sya ang presidente natin... wag lang maging dutertard kasi pampagulo lng yan akala mo nakakatulong kay duterte yan pero nakakasira din ng name nya... hirap kasi masyado mahilig mga tao umidolo kaya nabubulag at nagiging bias
 
Last edited:
Not really but siya ang presidente natin ngayon at sana suportahan natin
Lalo lamang gugulo kung sa mga sarili pa lamang natin, hindi na maayos ayos.
 
Suportado ko pa rin ang Pangulo. Pero kahit sinusuportahan ko siya ay binabatikos ko din ang ibang policia niya kagaya ng pagbabawal ng yosi at mga curfew. Sobra naman yan. Yung war on drugs na yan pwede naman i-re-calibrate eh... sa halip na habulin mga users, habulin nila ang ulo. Tinutukoy ko yung mga drug lords at protectors. Ang PNP din kailangan linisin ang hanay nila at umpisahan natin si Bato dahil sa tingin ko hindi niya kayang lutasin ang problema ng PNP at lagi pa siyang naiisahan.
 
nuon pa naman naaalingasaw na binenta na ang WPS nung panahon pa ni GMA.
:)
Ewan kung haka haka. kasi hirap na silang bawiin nung panahon ni Panot.
Lalo pa nung nagkaisa na lisanin ng intsik at pinoy ang isla
ang sistema, Pinoy lang umalis.
Ayun, andun na mga intsik.
NAloko tayo.
Pero sa Tanong mo TS, Hindi.
Pero Support na lang kasi siya ung Pangulo.
Respeto ba.
Pero lately, nagugustuhan ko na s PD30.
Kasi andaming nagdudunung dunungan. Hindi pa tumakbong Presidente hahaha. madaming alam eh, SiLA na.
Sila na MAGAGALING haha
 
Simula pa lang nung panahon ng electoral campaign, anti-Duterte nako. Alam kong puro kasamaan lang gagawin nito pag naging pangulo at tama nga ako.
 
hINDI MAHALAGAK UNG MAKADUTERTE KA O HINDI KAHIT SINONG PRESIDENTE NAMAN ANG UMUPO KUNG WALA PA RIN TAYO DISIPLINA MGA FILIPINO HINDI PA RIN TAYO AAHON.

MGA SIMPLENG RULES NGA LANG HINDI NATIN MASUNOD.

WALA TAYONG UNITY YAN YUNG ISANG NGPAPABAGSAK SATIN.

HATAK DITO HATAK DOON.

IMBES NA MAGTULUNGAN.
 
noong una, solid na solid ako na fan ni digong pero ngayon hindi na. Sorry na lang. Ito ang mga kadahilanan:

1. Ibenenta ni digong ang mga isla natin sa tsina. Sa halagang $24b, na sinasabing soft loan, na walang kapalit daw, ay klarong klaro kung gaano siya kalamig ipaglaban ang pag-aari natin sa mga isla.

2. Na dismaya din ako dahil sa ngayong siya na ang nakaupo, gusto niyang patawan ng tax ang mga kooperatiba, 33% tax proposed rate na mas malaki pa kesa sa mga bangko. Mas dumami ang taxation na naging pahirap sa mga kababayan natin at naging busy yong mga alipores niya kung saan kukuha ng tax. Buti na lang at na pressure siya na ibigay ang increase sa mga sss pensioners.

3. Wala siyang abilidad sa ekonomiya at inaasa lang niya ito sa kanyang mga alipores. Wala rin siyang long-term 'vision' para sa pilipinas, gaya ng magkaroon ng sustenable development at magkaroon ng inclusive growth na ang resulta ay dumami ang trabaho at maiangat ang buhay ng mga kababayan natin. Ang gusto lamang niya ay mag takda ng 'increase' sa mga sweldo ng mga tao sa gobyerno, bigyan ng kung ano-ano ang mga dukha para umasa sa kaniya at gawin siyang dios nila (fanaticism).

4. Mahilig magsinungaling, ika nga ay half-truths at half-lies ang pinagsasabi niya. Noong bago siya maupo, sinabi niya, mahirap daw siya kaya daw tumakbo siya pagka mayor para suportahan ang pag-aaral ng mga anak niya. Nung kinalaunan at binulgar ni trillanes ang tagong yaman niya ay sinabi niya na di daw siya mahirap, marami daw iniwan na mga ari-arian ang mga magulang niya kasi dating gobernador naman pala ang tatay niya.

5. Bastos ang pananalita at halos lahat ng speeches niya ay pabalik-balik, parang sirang plaka. Mahilig magmura at di isinasaalang alang ang mga nakikinig na may mga bata na ginagaya siya. Salungat talaga sa itinuturo ng paaralan at kagandahang asal. Balitang balita din na babaero siya.

6. Mahilig magyayabang na progresibo daw ang davao at kontrolado ang peace and order ng siyudad, pero, ang totoo marami pa rin ang bentahan ng droga sa lugar at kaya pala di inaatake ang siyudad ay nagbabayad daw ito ng revolutionary tax na p1m per month sa mga npa. Di pa kasali dito yong private army na itinatag niya na taskforce davao.

7. Sinasabi pa niyang hindi daw korup ang gobyerno niya, pero, kitang-kita naman ang kanyang pagka 'bias'. Denipensahan si misuari, pgma, napoles at pati na yong mga convicts. Kung talagang ayaw niya sa korup, meron sana tayong narinig na mga taga davao na nakasuhan ng 'corrupt practices', especially, nung isiniwalat niya ang 'smuggling ng rice'. Klarong klaro kung meron nga smuggler eh may kasabwat yon na taga gobyerno pero wala man tayo narinig na may nakasuhan sa davao.

8. Mahilig mang-aangkin ng mga accomplishments. Kung susuriin mo ang davao hindi naman talaga gaanong progresibo. Marami nga walang trabaho. Halos lahat ng taga davao ay umaalis papunta sa maynila o abroad para maghanap ng trabaho. Wala namang maraming pagawaan o 'factory' ang davao, ang karamihan ay nagtatrabaho lang sa mga bagong tayong mga mall, gaya ng sm, abreeza at nccc mall. At yong iba ay sa mga bagong tayong 'call centers' na sa pagkakaalam ko ay accomplishment ito ni dating speaker of the house 'boy' nograles. Kung mapupunta ka sa centro davao, backward pa rin ang place na typical probinsya.

9. Mahilig siya sa ejk. Kung kukunin mo ang mga datos sa patayan sa davao sa mga balita o dyaryo, malalaman mo na hindi lang mga may edad ang namamatay, pati, mga kabataan ay pinapatay nung lumaganap ang dds.

10. Mahilig sa palakasan. Kitang kita naman, ang nilagay sa mtrcb ay isang blogger ng adult website. Yong nga pinsan ko nag-apply doon sa isang institusyon ng gobyerno sa davao, nadismaya siya dahil pumasa siya halos lahat ng eksamin pero nung kalaunan sinabihan lang siya ng interviewer na ang 'final' ay hindi daw sila ang magdedesisyon. Nalaman na lang ng pinsan ko na may recommendation letter pala na dumating sa opisina at nakalagay na doon ang mga pangalan na rekomendado. Talagang na dismayado ang pinsan ko dahil nga akala niya patas ang laban yun pala hindi.

salamat boss sa pagta type nito. Parehas ang ating saloobin.
 
hINDI MAHALAGAK UNG MAKADUTERTE KA O HINDI KAHIT SINONG PRESIDENTE NAMAN ANG UMUPO KUNG WALA PA RIN TAYO DISIPLINA MGA FILIPINO HINDI PA RIN TAYO AAHON.

MGA SIMPLENG RULES NGA LANG HINDI NATIN MASUNOD.

WALA TAYONG UNITY YAN YUNG ISANG NGPAPABAGSAK SATIN.

HATAK DITO HATAK DOON.

IMBES NA MAGTULUNGAN.

Di ako sang ayon sa sinasabi mo.
Una, paano magkakaroon ng unity eh sa puro kurakot ang nga naka upo? Halos lahat ng pulitiko yumayaman. Sa Europa lang yata ako nakakita ng pulitikong nagbibisekleta.

Aba matulungin naman ang Pinoy, kahit nga sa mga kalamidad nagtutulungan. Pati nga mga refugees pinatutuloy pa.

Kung disiplina wala talagang disiplina ang Pinoy, di tayo nag iisa, kahit nga China walang disiplina. Japan lang at Singapore ang madisiplina kasi mahigpit ang batas at saktong implementasyon. May nagkukusa ng disiplina pero iilan lang yon lang may mga prinsipyo sa sarili. Yong iba walang pakialam kahit pa mataas ang pinag aralan. Simpleng basura di nga maitapon ng tama. Bili ng bili ng gadgets di naman kelangan. Yong iba bumibili ng kotse kahit di kelangan, pang Hambug lang at pampasikip sa kalye.
 
Last edited:
Suportado ko parin si digong biruin mo nagawa niyang ipasara ang boracay wala siyang pake kung hihina ang turismo kasi kung mawala yan lalo lugi sng pinas . Sa mga dumaan na administrasyon naalala ko pa wala silang nagawang ganun meron pa noong elemtary ako piso para sa ilog pasig hanggang ngayon wala parin improvement kada daan mabaho parin. Sana ngayong manila bay na ang lilinisin sana maki cooperate yung mga establishment na may hazardous o may mga waste materials na tinatapon dun .
 
kahit na anong marinig kong negatibo, solid DUTERTE parin ako. di naman agad nasusulusyonan ang mga problema natin. di naman sya magician dba? lets just wait and pray mga ka symb! unti unti tayong aasenso!
 
Oo duterte pa rin ako, ang mahirap kasi sa inyo puro kamalian lang nakikita nyo, napakahirap maging isang pangulo ng isang bansa, ang hirap din kasi eh gusto, gusto'y masunod at maibigay, Baka nakakalimutan nyo nag-iisa lang ang pangulo para sa buong pilipino. kumpara naman sa mga nagawa ng mga nagdaang mga pangulo di hamak naman na mas marami syang nagawa sa sambayanan.
 
Solid Anti-Duterte ako. Alam ko simula pa lang walang gagawibg mabuti ang taong puro kasamaan ang lumabas sa bibig. Lahat ng mga kritiko kahit matitinong mga tao binabatan kahit Diyos. Pero tikom ang bibig pagdating kay Marcos, sa China at sa mga kaalyado nyang corrupt na mga pulitiko.
 
Mostly yes 8/10 but not for duterte alone but the government as a whole. happy naman ako sa nangyayari sa buhay namin. kung meron man mga bagay na di ako sang ayon, di na para mag aksaya ng oras para dun kasi di naman ako pretentious na tao. i don't give a damn.
 
Ayaw ko. Noon, ayaw ko kay Duterte. Nang naging presidente si Duterte, sabi ko, baka magustuhan ko. Magiging Duterte na rin ako basta meron nangyari maganda sa ekonomiya. E baka right choice maging presidente si Duterte, pero wala naman nagbago sa ekonomiya ni hindi nga umangat and so ang result, ayaw ko pa din sa kanya.

Siguro, sa sobra focus sa drug addict, ang economy ng Pilipinas ay nalimutan na. I mean okay naman kung susugpuin ang drug lord pero parang doon lang siya naka focus at wala ng iba pa. Sa bagay, ganyan lang ata talaga siya. Tanggapin natin. At saka... basta, hindi ko ma explain. Sana naman, ma turn on ako pero hinde e. Sorry talaga.


Oo duterte pa rin ako, ang mahirap kasi sa inyo puro kamalian lang nakikita nyo, napakahirap maging isang pangulo ng isang bansa, ang hirap din kasi eh gusto, gusto'y masunod at maibigay, Baka nakakalimutan nyo nag-iisa lang ang pangulo para sa buong pilipino. kumpara naman sa mga nagawa ng mga nagdaang mga pangulo di hamak naman na mas marami syang nagawa sa sambayanan.

Literally speaking, parehas lang tayo lahat. Kung gusto nila si Duterte, meron rin sila ayaw na presidente noon. Meron rin sila nakikita puros kamalian ng mga presidente at hindi nila nakita ang kabutihan na ginawa ng presidente noon dahil puros kabutihan lang ang nakikita kay Duterte.

Wala naman perfect president. Same lang, kaya nga, wala ako kinakampihan presidente :lol: haha.
 
Last edited:
Back
Top Bottom