Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Maka Duterte ka pa rin ba ?

Yes Duterte pa din, kasi puro kamalian lang nman napupuna nyo tapos reklamo ka ng reklamo d ka nman botante. Itanong mo sa sarili mo, my nagawa ka din bang mabuti para umunlad ang bayan? in a simple way. like pagtapon ng basura sa basurahan, manigarilyo sa tamang lugar, sundin ang batas and etc.
 
hindi ako naging makaduterte, at hindi magiging makaduterte. puede bang maka Pilipinas nalang kayu. sa ganyang paraan hindi kayu magiging bulag sa mga pangyayari ng bansa natin. lahat naman siguro ng naging lider ng bansa ay may kontribusyon sa kaunlaran at may nagawang mabuti para sa bansa, gayunpaman nararapat din naman siguro na sila ay punahin natin kung may nagawa sila na para sa atin ay mali. don"t love and serve politicians, love and serve your country.
 
Pinagsisihan kong naging dutertard ako. Grabe..
 
magaling si duterte bilang isang pangulo para sa akin..ngayun lang nagbago ng maayos ang pilipinas..ang binabalita lng sa tv ang bias..kaya wag maniniwala sa balita.
 
Supporter pa rin ako now and forever, ewan ko ba bakit yung iba dito putak ng putak na binenta daw niya sa china yung mga lupa natin? eh sino ba nakipag back negotiation sa china nung 2012 (trilliling) ha? Kaninong termino ba tinayo yung mga infrastructure sa WPS (A-Q-NO), tapos ngayon sasabihin niyo na binenta ni digong, susme.

Pati yung mga tax binabanat niyo sa kanya, sa TAX tayo kumukuha ng mga pang sustento natin sa mga infrastructure na kasalukuyang ginagawa sa atin.

Tapos sasabihin ng mga dilawan na walang long term vision para sa Pilipinas? eh anu yung mga tulay mga riles ng tren, na ginagawa, baka hindi niyo nalalaman na ang Europa nung early 1900s lumago ang ekonomiya nila dahil mas napabilis ang transportasyon ng mga produkto dahil sa tren na patuloy na umusbong.

Bastos daw pananalita? okay na yun kesa sa maayos mag salita (aquino) na tumatawa habang iniinterview noong hongkong hostage bus crisis nung august 2010, ni hindi man lang humingi ng tawad sa pamilya ng mga namatay na hongkong nationals, ganun ba ang gusto niyong lider?
 
Duterte pa din, bilang ofw ramdam ko ang mga pagbabago, umuwi ako ng Pinas nung June, nag parenew ng driving license at nagasikaso ng pagtrasnfer ng titulo ng lupa, hinde ko ineexpect ang bilis ng serbisyo ng mga govt official, lalo pa walang lunch break na ngayun so tuloy tuloy ang pagprocess ng mga documents, never ko ito naexperience noon, nakakatuwa lang, bakit pa kasi kelngan maging si Duterte ang pangulo para matamasa ang mga ganitong pagbabago,,
 
kitang kita ang mga pababago patungo sa positibo
maagarang aksyon sa mga serbisyo at imprastraktura
matamaan ang sino, maliit o malaki, tuloy parin sa pag proseso
minsan, may mga kailangan lampasan at ipagwalang bahala para sa ikabubuti ng nakararami
eto ang kasalukuyang gobyerno na naayon sa lahat maging mahirap o mayaman
100 porsiyento suporter po ni ating pangulong Duterte!
 
Yes na yes..
Kitang kita naman dba?
May nakita akong maganda kumpara sa nakaraang admin.

Pag bulag ka at may pagka abnormal, wala kang makikita kundi mali lang nya. Hehehe:beat:
 
Last edited:
Oo. Buong buo pa rin suporta ko sa Pangulo. Bata palang ako naririnig ko na yang salitang "Duterte" (may relatives living in Davao). Forget about the killings. Normal yan. Pero do not attribute all to Duterte. Dun tayo sa malaking pagbabagong nangyayari:

- Lisensiya ko 5 years
- Passport ko 10 years
- Mas madami nang nag iinvest sa Pilipinas
- May takot na ang mga gumagamit ng ilegal na droga, kung di man, may 2nd thought na sila
- May respeto na sa mga Pinoy lalu na dito sa ibang bansa
- Nabawasan na takot ng mga tao gumamit ng kalye, samantalang dati kahit nasa loob ka na ng bahay, may pag aalinlangan ka pa

Dito sa Kuwait, Natakot ang maraming arab na mawalan ng pinoy servant lalu na dun sa nangyaring kasambahay na sinilid sa ref. Sa tagal ko sa Mid East, wala pa kong nakitang Presidente na kumilos ng agad agad tulad ni Duterte. May results yung step nya na mag dtop deployment ng OFWs last 2018
 
Aminin niyo man o hindi, majority ng mga pinoy suportado si duterte, so hindi na yan nakakapagtaka kung sa 2022 election manalo si inday sarah duterte, haters gonna hate na lang.....
 
Basta ako kasama ang buong angkan at mga taumbayan dito sa amin solid duterte kami mga pre
 
Noong una, solid na solid ako na fan ni Digong pero ngayon hindi na. Sorry na lang. Ito ang mga kadahilanan:

1. Ibenenta ni Digong ang mga isla natin sa Tsina. Sa halagang $24B, na sinasabing soft loan, na walang kapalit daw, ay klarong klaro kung gaano siya kalamig ipaglaban ang pag-aari natin sa mga isla.

2. Na dismaya din ako dahil sa ngayong siya na ang nakaupo, gusto niyang patawan ng tax ang mga kooperatiba, 33% tax proposed rate na mas malaki pa kesa sa mga bangko. Mas dumami ang taxation na naging pahirap sa mga kababayan natin at naging busy yong mga alipores niya kung saan kukuha ng tax. Buti na lang at na pressure siya na ibigay ang increase sa mga SSS pensioners.

3. Wala siyang abilidad sa ekonomiya at inaasa lang niya ito sa kanyang mga alipores. Wala rin siyang long-term 'vision' para sa Pilipinas, gaya ng magkaroon ng sustenable development at magkaroon ng inclusive growth na ang resulta ay dumami ang trabaho at maiangat ang buhay ng mga kababayan natin. Ang gusto lamang niya ay mag takda ng 'increase' sa mga sweldo ng mga tao sa gobyerno, bigyan ng kung ano-ano ang mga dukha para umasa sa kaniya at gawin siyang dios nila (fanaticism).

4. Mahilig magsinungaling, ika nga ay half-truths at half-lies ang pinagsasabi niya. Noong bago siya maupo, sinabi niya, mahirap daw siya kaya daw tumakbo siya pagka Mayor para suportahan ang pag-aaral ng mga anak niya. Nung kinalaunan at binulgar ni Trillanes ang tagong yaman niya ay sinabi niya na di daw siya mahirap, marami daw iniwan na mga ari-arian ang mga magulang niya kasi dating Gobernador naman pala ang Tatay niya.

5. Bastos ang pananalita at halos lahat ng speeches niya ay pabalik-balik, parang sirang plaka. Mahilig magmura at di isinasaalang alang ang mga nakikinig na may mga bata na ginagaya siya. Salungat talaga sa itinuturo ng paaralan at kagandahang asal. Balitang balita din na babaero siya.

6. Mahilig magyayabang na progresibo daw ang Davao at kontrolado ang peace and order ng siyudad, pero, ang totoo marami pa rin ang bentahan ng droga sa lugar at kaya pala di inaatake ang siyudad ay nagbabayad daw ito ng revolutionary tax na P1M per month sa mga NPA. Di pa kasali dito yong private army na itinatag niya na Taskforce Davao.

7. Sinasabi pa niyang hindi daw korup ang gobyerno niya, pero, kitang-kita naman ang kanyang pagka 'bias'. Denipensahan si Misuari, PGMA, Napoles at pati na yong mga convicts. Kung talagang ayaw niya sa korup, meron sana tayong narinig na mga taga Davao na nakasuhan ng 'corrupt practices', especially, nung isiniwalat niya ang 'smuggling ng rice'. Klarong klaro kung meron nga smuggler eh may kasabwat yon na taga gobyerno pero wala man tayo narinig na may nakasuhan sa Davao.

8. Mahilig mang-aangkin ng mga accomplishments. Kung susuriin mo ang Davao hindi naman talaga gaanong progresibo. Marami nga walang trabaho. Halos lahat ng taga Davao ay umaalis papunta sa Maynila o abroad para maghanap ng trabaho. Wala namang maraming pagawaan o 'factory' ang Davao, ang karamihan ay nagtatrabaho lang sa mga bagong tayong mga mall, gaya ng SM, Abreeza at NCCC mall. At yong iba ay sa mga bagong tayong 'call centers' na sa pagkakaalam ko ay accomplishment ito ni dating Speaker of the HOuse 'Boy' Nograles. Kung mapupunta ka sa centro Davao, backward pa rin ang place na typical probinsya.

9. Mahilig siya sa EJK. Kung kukunin mo ang mga datos sa patayan sa Davao sa mga balita o dyaryo, malalaman mo na hindi lang mga may edad ang namamatay, pati, mga kabataan ay pinapatay nung lumaganap ang DDS.

10. Mahilig sa palakasan. Kitang kita naman, ang nilagay sa MTRCB ay isang blogger ng adult website. Yong nga pinsan ko nag-apply doon sa isang institusyon ng gobyerno sa Davao, nadismaya siya dahil pumasa siya halos lahat ng eksamin pero nung kalaunan sinabihan lang siya ng interviewer na ang 'final' ay hindi daw sila ang magdedesisyon. Nalaman na lang ng pinsan ko na may recommendation letter pala na dumating sa opisina at nakalagay na doon ang mga pangalan na rekomendado. Talagang na dismayado ang pinsan ko dahil nga akala niya patas ang laban yun pala hindi.

hmm. solid na solid duterte supporter? mas matagal pa ako sayo dito panahon pa ng symb forum naalala pa kita lumitaw ka noon pure anti-duterte ka na kagad xdigoyx. You have your points but please stop misleading people in this forum..

I was a proud duterte fan. yes I WAS pero hindi masyado sa latest decisions nya ngayon especially with the Chinese issues. Pero I will say this straight he is still a lot better than any previous administrations. May political will, yes may paligoy ligoy but still more action than talk ang nakikita ko.
I leave it at that no hypocrisy added. just my 2 cents...
 
Last edited:
Di ako sang ayon sa sinasabi mo.
Una, paano magkakaroon ng unity eh sa puro kurakot ang nga naka upo? Halos lahat ng pulitiko yumayaman. Sa Europa lang yata ako nakakita ng pulitikong nagbibisekleta.

Aba matulungin naman ang Pinoy, kahit nga sa mga kalamidad nagtutulungan. Pati nga mga refugees pinatutuloy pa.

Kung disiplina wala talagang disiplina ang Pinoy, di tayo nag iisa, kahit nga China walang disiplina. Japan lang at Singapore ang madisiplina kasi mahigpit ang batas at saktong implementasyon. May nagkukusa ng disiplina pero iilan lang yon lang may mga prinsipyo sa sarili. Yong iba walang pakialam kahit pa mataas ang pinag aralan. Simpleng basura di nga maitapon ng tama. Bili ng bili ng gadgets di naman kelangan. Yong iba bumibili ng kotse kahit di kelangan, pang Hambug lang at pampasikip sa kalye.

It's simply "Nationalism", is what we need.
 
rate ko for him 75% Good moves - 95% bad moves. at lalong lumalala so sorry stop ko na support ko.
 
tanungin mo muna sarili mo kung kaya mo ba maging presidente at bawiin ang lupain ng pinas sa china. kung di mo naman pala kaya shut up ka na lang puru kayo kritik wala naman kayo binibigay na solusyon.
 
Duterte pa rin.. nabawasan na mga adik sa lugar namin, wala ng nag bebenta ng drugs..
 
Eh gusto nyo ang mga plano nyo bat di nalang kau mag presidenti...LOL....mas gugustuhin ko si digong kay sa puro nalang korapsyon...at saka sa nakikita ko yung mga adik ngayun di na masyado nagpapakita ng display..tungkol naman sa Isla na tinutukoy nila LOL di nyo naintindihan..makakain mo kaya yang rason nyo kung isang gabi i nuclear nalang tau? bunga-nga nalang malaki nyo pero pagdating sa giyera halatang panay tago nyo...yan ang iniisp ng presidenti wag makipag giyera sa bansang mas malakas sa atin nuclear lang katapat natin booom panis...bakit ikaw nalang ililigtas ng mga kakampi na sinasabi nyo? kung niligtas ka sa akala mo bat hangang nagyun andyan ka padin di ka nga nila kilala ligtas pa kaya?Solid na SOLID 100% never fade...
 
Last edited:
Back
Top Bottom