Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Maka Duterte ka pa rin ba ?

Hindi na

gising gising na nga kayo may sarili naman kayo isip hindi lahat ng sasabin ni Duterte ay tama matuto kayo mag criticize sa gobyerno at nagbabayad kayo ng buwis. DIba kahit sa magulang nyo sumsagot kayo pag alam nyong tama...


Ngayon guys kung alam nyo na mali naman na yung mga desisyon pero bakit parang ok parin sa inyo, wag masyado maging idolotirya sa kanya, na parang wala na sya ginagawang mali. Eh sa mga desisyon palang nya andami na palpak. May nagawa sya oo madami pero di ibig sabhin nun laging tama ang gagawinn nya, may sarili tayo utak at alam natin tama at mali kaya amgdesisyon tayo ayon sa sarili nating perspektibo. Mahalin nyo mga kapwa pilipino wag ung Presedente kasi nagkakamali din yan.

Isinilang ka palang ba sa panahon kung kelan nailuklok si Duterte? Or sadyang namimili ng mga issue? Baka nga sa gitna ng COVID-19 eh umattend lang ang Dilawan sa mga event ng malalaking company dito sa atin. SAF44 nakalimutan mo na?
 
Kahit pa sino gawin nating presidente let's face the reality na may masasabi paring hindi maganda kahit pa nga siguro diyos pa maging presidente natin. The real problem here is ourselves and mindset!
 
Ha ha ha nung kandidato pa lang sya solid na ako sa kanya kasi sya lang ang presidente na may paninnindigan at hindi puppet o tuta.
di sya pweding diktahan nang 1. Malalaking Relihiyon 2. Mayayaman, 3. Malalaking media, 4. Amerika at iba pa.
Gumising ka na, kasi kayo na lang mga dilawan ang 10 % na yan, baka bukas 0 na ha ha ha, ay di na pala kayo magigising kasi matigas na ang mag ulo nyo at busy kayo sa pag iisip kung ano ang mkakasira sa P. Duterte. Karamihan sa mga Presidente na matatapos na ang term bumababa na ang satisfaction rating pero sya tumaas pa rin patunay lamang na nagustuhan ng tao ang kanyang serbisyo.
 
Last edited:
mahirap maging presidente, i try nyo guys. Wala akong pakialam kung anong ibininta basta para sa kabutihan ng lahat. Duterte ever, marami akong nakitang malaking pag-improve ng pilipinas. Curruption ang isipin nyo, ang pag ibang pamaraan ng mga ahensya na dapat nila tayo ayosing i-entertain, diba?
 
me mga few things na di ko na gustuhan...few lang.at yung war on drugs wala na dami nanaman adik.hndi yata kaya mag multi task ni pres pero still i support his administration.
 
Still 100% Digong, ngayon ko lng feel na safe ang Pilipinas lalo na sa lansangan(walang abusadong pulis, walang abosadong basagulirong mga tao, walang snatcher etc.). HE is not corrupt. Matapang. Matalino. Sometimes maybe he had wrong decision. All we can do to help our beloved Leader is to SUPPORT him, and do our OWN business to make our country a much safer and better place to stay.
 
I wonder kung sino ipapalit ng mga tumutuligsa kay Pres Duterte na kandidato nila. Wag nyong sabihing si LENI? :lol::lol::lol:
 
Ayoko lang kay Du30 eh pro-chinese siya. Kung travel ban agad sana sa china eh di walang case dito.
 
Never been a duterte fan,, I admire his policies and his political philosophy. But like all presidents of the country they are just figureheads and cannot fully implement their policies. The real powerholders are the ruling mestizo elites families who have held this country since usurping power from spain.

We have no real representation and are only being patronized by these people, political parties serve to represent the differing principles of politics. One to represent the interests if a strong state and one to represent the interests of the people.

We do not have this, our political parties are all from the same fabric of rich cloth. They will in the end propagate the interest of the state because it will serve their interest.

Duterte may have the support of the masses but with no real political party representing his views and interests of the people, he will remain. Isolated politically. Yes some of his policies will be implemented but only to satisfy his stint. Quid pro quo still applies and currently he is surrounded by rich oligarchs trying to patronize him.

They know he will only be here in the short run and no other similar president will most likely be allowed to win or to run.

that is the weakness of our politics because it does not rely on principles but rather on populism.

Even I do not relate to political party since they do not have a stand on issue nor a principle to stand on.

So duterte may be great but to be honest, after his stint everything goes back the way it was.
 
ito rin ang iniisip ko. kung di ako nagkakamali, jan 31 ang first case ng covid 19 sa pilipinas kung at that time nag imposed na ng travel ban para sa ibang bansa, di sana mangyayari to na tayu na mismo ang nagtravel ban sa mga kalapit na mga bayan natin.
 
The only thing that I don't like about President Duterte is his being Pro-China specially allowing the POGO operations because I really hate gambling whether legal or illegal. And please stop making accusations without stating facts or references.
 
The only thing that I don't like about President Duterte is his being Pro-China specially allowing the POGO operations because I really hate gambling whether legal or illegal. And please stop making accusations without stating facts or references.

Actually noong 2017 mainit si Duterte sa Internet based gambling, kaya sabi nya ipasara nya lahat ng E-gambling facilities malapit sa mga paaralan. Pero walang nagyaring pagsara, napilitan lng bumaba sa pwesto ang chairman at pinalitan ito ni Duterte, tapos nwala na yung isyu. Fast forward 2019 bigla nalang lumakas ang internet based gambling which now POGO. Dahil dito marami ang nagtaka kung bakit ang isang presidente na ayaw sa gambling ay bigla nalang nag iba ang isip at ito pa ang malakas na sumuporta.

Hindi tuloy mawala sa isipian ng mga tao na baka may mga campaign donors si Duterte na may malaking interest sa gambling business.
 
Actually noong 2017 mainit si Duterte sa Internet based gambling, kaya sabi nya ipasara nya lahat ng E-gambling facilities malapit sa mga paaralan. Pero walang nagyaring pagsara, napilitan lng bumaba sa pwesto ang chairman at pinalitan ito ni Duterte, tapos nwala na yung isyu. Fast forward 2019 bigla nalang lumakas ang internet based gambling which now POGO. Dahil dito marami ang nagtaka kung bakit ang isang presidente na ayaw sa gambling ay bigla nalang nag iba ang isip at ito pa ang malakas na sumuporta.

Hindi tuloy mawala sa isipian ng mga tao na baka may mga campaign donors si Duterte na may malaking interest sa gambling business.


Totoo ung galit sya sa Gambling dati dahil nadiskubre nya ang mga katiwalian at corrupsyon. Inallow nya ung mga Pogo dito sa pinas dahil malaki ang tax na ibinabayad nila na makakatulong din naman sa pondo ng bayan pandagdag sa huli tayo din makikinabang, ang mali lang ay yung mga chinese na pati mga kriminal ay pinapasok at mga eligal na nakapasok sa bansa, ayun lang naman
 
hindi ako naging fan ni duterte, at hindi rin ako support ng mga aquino... Ang loyalty ko ay sa pilipinas na ipinaglaban ng mga bayani natin...
ayokong mabigo ang administrasyon ngayon, lalo na sa panahon ng sakuna, and hinihingi lang naman ng taong bayan ay isang konkretong plano kun ano ang sunod na hakbang para maiwasan ang paglaganap pa ng COVID-19, hindi kasi pagbabanta ang kailangan ng mga pilipino ngayon kundi sagot sa mga tanong, at pagkain. Hindi naman magrariot o magsisilabasan ang mga tao kung may pagkain na sa kanilang hapagkainan.

"If the Philippine government would treat it's people like a mother takes care of it's infant there would be no problem...
A mother that would provide sustenance...
A mother that would protect and care...
A mother that would replace the dirty diapers...
And then the baby will have no reason to cry..."

Sana po ay maintindihan niyo na hindi to pagatake sa presidente, kundi paghingi ng tulong ng mga nagugutom na mga pilipino...
 
Noong una, solid na solid ako na fan ni Digong pero ngayon hindi na. Sorry na lang. Ito ang mga kadahilanan:

1. Ibenenta ni Digong ang mga isla natin sa Tsina. Sa halagang $24B, na sinasabing soft loan, na walang kapalit daw, ay klarong klaro kung gaano siya kalamig ipaglaban ang pag-aari natin sa mga isla. (Opinion based on guesses but with no tangible facts. Haka-haka)

2. Na dismaya din ako dahil sa ngayong siya na ang nakaupo, gusto niyang patawan ng tax ang mga kooperatiba, 33% tax proposed rate na mas malaki pa kesa sa mga bangko. Mas dumami ang taxation na naging pahirap sa mga kababayan natin at naging busy yong mga alipores niya kung saan kukuha ng tax. Buti na lang at na pressure siya na ibigay ang increase sa mga SSS pensioners. (Taxes make the country run. Hindi maapprove ang Free Education bill ni Bam Aquino kung wala tayong pera para dun. Where did we get the money? Taxes. Increase para sa SSS pensioners. Where did we get the money? Taxes. Free Philhealth membership sa mga mahihirap at senior citizens. Where did we get the money for that? Taxes. Maraming bills ang hindi ipinasa ni PNoy dahil wala daw pera. ang sagot para magkapera? Taxes.)

3. Wala siyang abilidad sa ekonomiya at inaasa lang niya ito sa kanyang mga alipores. Wala rin siyang long-term 'vision' para sa Pilipinas, gaya ng magkaroon ng sustenable development at magkaroon ng inclusive growth na ang resulta ay dumami ang trabaho at maiangat ang buhay ng mga kababayan natin. Ang gusto lamang niya ay mag takda ng 'increase' sa mga sweldo ng mga tao sa gobyerno, bigyan ng kung ano-ano ang mga dukha para umasa sa kaniya at gawin siyang dios nila (fanaticism). ("long -term vision" part of his platfrom while running for presidency was Federalism. It was introduced in Congress and in the Senate for the country to be divided into different independent states. This way Imperial Metro manila will not have the power to majority of businesses in the country. People will not need to go to that pig sty of a place pero ayaw nang mga Idol nyong disenteng tao.)

4. Mahilig magsinungaling, ika nga ay half-truths at half-lies ang pinagsasabi niya. Noong bago siya maupo, sinabi niya, mahirap daw siya kaya daw tumakbo siya pagka Mayor para suportahan ang pag-aaral ng mga anak niya. Nung kinalaunan at binulgar ni Trillanes ang tagong yaman niya ay sinabi niya na di daw siya mahirap, marami daw iniwan na mga ari-arian ang mga magulang niya kasi dating Gobernador naman pala ang Tatay niya.

5. Bastos ang pananalita at halos lahat ng speeches niya ay pabalik-balik, parang sirang plaka. Mahilig magmura at di isinasaalang alang ang mga nakikinig na may mga bata na ginagaya siya. Salungat talaga sa itinuturo ng paaralan at kagandahang asal. Balitang balita din na babaero siya. (Trillanes? really? LOL)

6. Mahilig magyayabang na progresibo daw ang Davao at kontrolado ang peace and order ng siyudad, pero, ang totoo marami pa rin ang bentahan ng droga sa lugar at kaya pala di inaatake ang siyudad ay nagbabayad daw ito ng revolutionary tax na P1M per month sa mga NPA. Di pa kasali dito yong private army na itinatag niya na Taskforce Davao. (Fallacies. I don't know how or where you got this information but check your sources first.)

7. Sinasabi pa niyang hindi daw korup ang gobyerno niya, pero, kitang-kita naman ang kanyang pagka 'bias'. Denipensahan si Misuari, PGMA, Napoles at pati na yong mga convicts. Kung talagang ayaw niya sa korup, meron sana tayong narinig na mga taga Davao na nakasuhan ng 'corrupt practices', especially, nung isiniwalat niya ang 'smuggling ng rice'. Klarong klaro kung meron nga smuggler eh may kasabwat yon na taga gobyerno pero wala man tayo narinig na may nakasuhan sa Davao. (This could be true or not but I don't have first hand and tangiblr information about this so no comment. Hindi kasi ako mahilig sa haka-haka.)

8. Mahilig mang-aangkin ng mga accomplishments. Kung susuriin mo ang Davao hindi naman talaga gaanong progresibo. Marami nga walang trabaho. Halos lahat ng taga Davao ay umaalis papunta sa Maynila o abroad para maghanap ng trabaho. Wala namang maraming pagawaan o 'factory' ang Davao, ang karamihan ay nagtatrabaho lang sa mga bagong tayong mga mall, gaya ng SM, Abreeza at NCCC mall. At yong iba ay sa mga bagong tayong 'call centers' na sa pagkakaalam ko ay accomplishment ito ni dating Speaker of the HOuse 'Boy' Nograles. Kung mapupunta ka sa centro Davao, backward pa rin ang place na typical probinsya. (Kindly explain how it became the sole accomplishment of Speaker Nograles? You do understand (i hope you do) that if the city gov't does not approve any businesses it will not happen. Yes, Speaker Nogralse may have had a big role on the development but not him alone. I think you need to learn how a gov't runs muna.)

9. Mahilig siya sa EJK. Kung kukunin mo ang mga datos sa patayan sa Davao sa mga balita o dyaryo, malalaman mo na hindi lang mga may edad ang namamatay, pati, mga kabataan ay pinapatay nung lumaganap ang DDS. (EJK? here we are again with the Haka-haka. Tangible proof muna po bago gamitin ito sa isang discussion.)

10. Mahilig sa palakasan. Kitang kita naman, ang nilagay sa MTRCB ay isang blogger ng adult website. Yong nga pinsan ko nag-apply doon sa isang institusyon ng gobyerno sa Davao, nadismaya siya dahil pumasa siya halos lahat ng eksamin pero nung kalaunan sinabihan lang siya ng interviewer na ang 'final' ay hindi daw sila ang magdedesisyon. Nalaman na lang ng pinsan ko na may recommendation letter pala na dumating sa opisina at nakalagay na doon ang mga pangalan na rekomendado. Talagang na dismayado ang pinsan ko dahil nga akala niya patas ang laban yun pala hindi. (I feel for your pinsan. Marami po ang biktima ng ganyan. it's unfair and It should have not have happened in the first place. I have never heard any gov't body in the world, past or present where this did not happen. What can you do? Be the best of who you can be that anyone who does not accept you into their team would feel that they are stupid because you are a vital part of it.)

I Just hope this gets intelligent arguments. Huwag lang yung puro keyboard warrior style na "Bobo mo tanga"
 
ito rin ang iniisip ko. kung di ako nagkakamali, jan 31 ang first case ng covid 19 sa pilipinas kung at that time nag imposed na ng travel ban para sa ibang bansa, di sana mangyayari to na tayu na mismo ang nagtravel ban sa mga kalapit na mga bayan natin.

Para lang sa kaalaman mo, hindi ganun kadali mag patupad ng travel ban na parang sa bahay mo lang na hndi ka magpapapasok ng bisita mo. Diplomatic issue yan ng mga BANSA.

Example nito ginawa ng US:

European Diplomats Are In Utter Disbelief Over Donald Trump’s Coronavirus Travel Ban

Source: https://www.buzzfeed.com/albertonardelli/european-diplomats-trump-coronavirus-travel-ban

ito highlight sa link
"
Diplomats from four countries affected by the measures said their respective governments had not received advance notice of the ban. One of the diplomats told BuzzFeed News that US counterparts had been in contact to explain the order only after it’d been announced.

The European Commission and Council were also not informed, according to a joint statement issued by Ursula von der Leyen and Charles Michel on Thursday morning. The EU presidents said: "The Coronavirus is a global crisis, not limited to any continent and it requires cooperation rather than unilateral action.

“The European Union disapproves of the fact that the US decision to impose a travel ban was taken unilaterally and without consultation."

Several diplomats took to Twitter to voice their displeasure with the ban. Italy’s deputy head of mission to the UK said Trump was using an emergency as another opportunity to attack China and the EU. "That says everything," Alessandro Motta wrote.
"

Syempre ang Pilipinas nakipagcoordinate muna sa mga bansa para sa TRAVEL BAN. Kung hindi nila ito gagawin maraming bansa magagalit
(for example, wala silang time pauwiin mga mamamayan nila na nandito satin, mga export & import products at marami pang ibang pwede nilang ayusin muna)
Tadaan mo maraming PILIPINO ang OFW. Panu nalang kung hndi nila pauwiin din mga nagnananais makauwi satin?

Hirap kasi sa inyo masyado kayong nagmamagaling na parang ang dali dali lang gawin ang ganito ganyan.
Wag kayo magsalita na parang marunong/may experience kayo magpatakbo ng Bansa. Puro lang kayo NGAWA ng NGAWA.
Bago kayo magNGAWA. Bakit hndi nyo muna itanong ung "BAKIT ginawa nila ito? BAKIT hindi ito ginawa nila? Bakit delay? at marami pang BAKIT" TAPOS MAG RESEARCH KAYO NG FACTS. FACTS hindi TSISMIS.

Peace Pinoys.
 
hindi ako panig kahit saan. panig ako sa kung anong tamang ginawa ng bawat presidente. sa ngayon ang pinakamali ang lantaran na transformation ng Pilipinas sa ilalim ng China. No need to explain. Dahil ang makaduterte ay makaduterte. Ang makadilaw ay makadilaw.
 
Bago niya inihayag ang kanyang suporta sa china eh nakipagmeeting muna siya sa mga nagdaang presidente na buhay pa. Siya lang ang gumawa nito. Ibig sabihin need niyang malaman ang mga international deals na pinasukan ng bawat isa kasi hindi pdeng idisregard un. Ngayon kung baket pinili niyang suportahan ang china eh sa opinyon ko eh malaki kinalaman ng mga nagdaang namuno. Si erap nga pinaalis ang US base sa bansa eh. Kung ilalagay mo sarile mo sa kanya anu gagawin mo kung baon na sa utang ang bansa mo sa pagiging corrupt ng nauna sayo? Lalaban ka ba at isusugal buhay ng nasasakupan mo sa labang hindi mo kayang ipanalo? 6 years ang pagka pangulo anu gagawin mo? Walang Effective Long term plans ang bawat pangulo after ni marcos kasi nga after nila maaring idisregard ng susunod na namumuno unless kapartido nila eto. Si marcos lang ang meron long term plan at city master plan para ayusin ang trapik sa metro manila. Pero dinisregard lahat eto ni cory. Kasi sa tingin niya mas ok ang plano niya. Pero walang nangyari hanggang sa panahon ngayon problema parin yan. Atleast ngayon kahit paano eh bumabalik na tiwala ng tao sa gobyerno na di tulad dati na kapag sinabing pulis eh buwaya agad. Ang hirap problema kasi sa mga aktibista eh walang pagbabago sa mindset nila kapag na brainwash kang maging aktibista eh totally aktibista ka na. May makita kang mali sa gobyerno irarally mo. May social media na ngayon tulad netong site na to palitan ng opinyon. Ung mga aktibista kasi eh nagrerecruit din ang mga yan ang hindi nila alam eh ginagamit lang din naman sila ng mga oligarkong nagpopondo sa grupo nila. Walang totoong makakapagsabi sa knila na ni minsan eh hindi sila binayaran lalo na sa rally. Anu ba gamit nila? para sa destabilisasyon at gulo. Isisiwalat nila lahat ng mali sa gobyerno at hindi bibigyan pansin ang mga mgandang nagawa naman neto. Walang Perpektong tao kahit ikaw sa sarile mo hindi ka perpekto MAS LALO na ang gobyerno na binubuo ng mas maraming taong hindi perpekto. Anu ba ambag mo? tapatan mo ng sampu gaya ng sampung maling nakikita mo. Kahit kelan walang mamumunong perpekto. Napakababaw naman na dahil lang sa pagmumura eh hindi na dapat maging presidenteng may tamang layunin sa bansa at sa mga tao. Ang nakikita ko ngayon eh presidenteng may political will na bunga ng internet media na patas ang laban sa katotohanan depende na sayo kung paloko ka dahil babad ka sa bias websites like rappler.
 
Back
Top Bottom