Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Mala bob ong quotes

Feedback please. Thanks


Quotes Counter = 53;

53. "Ayoko mahirapan kaya pinaghirapan ko na hindi mahirapan."

52. "Sana lahat ng lalaki kagaya mo = sana yung crush ko idagdag yung feature na gusto ko sayo, wag ka mag alala kasi di kita crush."

51. "wag kang assumming. kapag nagkatotoo nakaka spoil ng surprise. kapag naman hindi nagka totoo, doble yung kabadtripan."

50. "makipag break ka na lang kung ang pag-ibig moy parang
kumain lang ng apat na extra rice at ang ulam ay sabaw lang at toyo,
nabusog pero hindi masaya."

49. "Kaya ako pumasok sa isang relasyon para maging masaya, hindi para mag karoon ng kaaway araw-araw."

48. "Ang pag ibig, parang patak ng ulan sa bintanang salamin. Kapag tapos na ang ulan, mawawala na din ang tubig sa bintana ngunit may maiiwan pa din na marka. "

47. "Minsan kasi hindi na mo na alam kung magiging masaya ka kapag wala na sya, o malulungkot ka lang din kung andyan pa sya."

46. "take mo na pag may lakas ng loob ka na na tanggapin kung anuman yung maging resulta."

45. "Kung di ka nya makita habang kasama ka nya,bakit di mo subukan na mawala ng minsan,
malay mo yan lang pala ang kailangan para malaman nya ang yong tunay na kahalagahan."

44. "Libre lang ang mangarap, yung pagtupad ang magastos."

43.(not originally from me)
"Ang tao parang lata lang,
Maingay kapag walang laman."

42. "Ang mahirap sa malayo na ang nararating ay meron kang naiiwan,
At ang mahirap naman sa sumasabay ay yung mabagal na pag usad."

41. "nakaka tuwang isipin na ang mga nagiging bata ay tinatawag na biyaya,
at sa kabilang banda nakakalungkot din na tinatawag ito ng iba na problema."

40. "Parang tetris lang yan, kusang dumadating :D"

39. "TANDAAN!
Ang madaling daan ang mas madalas na sa bandang huli ay mahirap,
At ang mahirap na paraan ang mas madalas na sa bandang huli ay nagiging madali."

38. "Alam ko kung bakit hindi ka nakokontento dito sa mundo,
alam ko rin kung bakit parating may kulang sa buhay mo,
dahil pakatandaan mo, ang mundo ay ginawa ng Dyos para sa pansamantalang tirahan nating mga tao, at may naghihintay na langit para sa ating permanenteng tirahan.
isang tanong na lang ang kulang, pinaghahandaan mo ba mula sa pansamantalang tirahan ang pag punta mo sa permanenteng tirahan natin?"

37. "Ang matutunan ang isang bagay ay hindi inborn o talent,
ito ay CHOICE"

36. "Ginawa ang edukasyon para magkaroon ng mabuting manggagawa,
Kaya wag kang mag taka kung bakit mas angat sayo yung classmate mo dati
kahit na alam mong mas matalino ka, dahil malamang na hindi s'ya nakulong
sa paniniwalang ang edukasyon ang mag aahon sa iyong kahirapan."

35. (not the exact line)
"Minsan hindi kailangan ng maraming tao sa mundo para
maging masaya ka,
Dahil kahit ikaw lang ang kasama ko ay buo na ang mundo ko"
- kapitan sino

34. "Ang mga taong sanay na walang ginagawa
ay ang mga taong kakaunti lang talaga ang kayang gawin."

33. "Tayo ay humahanap ng perpektong kapareha,
sa halip na gumawa ng perpektong pag-ibig."

32. "Mahalin ang ating nanay,
tandaan mo, hindi ka pa man nakakahinga, o nakakakita
sa kanya ka na unang nanirahan."

31. "Hindi dahil wala kang trabaho ay wala kang mahanap,
maaaring kaya wala kang trabaho ay dahil sa hindi ka napili.
Ayaw mo lang sabihin sa ibang taong nag tatanong sayo
dahil ang ibig sabihin nun, ndi ka qualified sa ganonong position."

30. "Ang taong pinaka pumipigil at nag tutulak
sa mga bagay na gusto mong gawin ay iisang tao lamang,

ayon ay AKO. ulitin mo. AKO, AKO, AKO. sabihin mo sa sarili mo
AKO."

29. "ibigay ang lahat,
hindi ibigay ang sobra."

28."huwag mag trabaho para sa sweldo."

27. "paano ka tatanggapin?
eh hindi ka pa nga pinipili
ikaw na yung unang umaayaw?"

26. "Kung gusto mong maging mabuting tao
isang salita lang ang dapat mong tanggalin sa katawan,


PRIDE...."

25. "Sana sa mga nag papalaki ng anak,
huwag sanang manatili sa makalumang paniniwala
na ang pag tatapos ng colehiyo ang daan para maka ahon sa hirap,
dahil sa nakikita natin ngayon, maraming tapos na walang trabaho

bakit?
una dahil teknolohiya na ang gumagawa ng ibang trabaho nila
pangalawa dahil marami na ring ibang naka graduate na ka kompetensya
at pangatlo, ang kalimitan sa naka graduate ay pumasok lang para mag katrabaho
at hindi pumasok para mahasa ang kakyahan bago mag trabaho"

24. Share ko lang yung nabasa ko sa mcarthur ni bob ong
"Kapag napaniwala mo ang magulang mo na hindi ka nag laro sa tubigan
kahit na kitang kita ka nila na basang basa
ibig sabihin, hindi sila ang naloko mo,
ikaw ang naloko nila."

23. "Yung halaman ay ginawa para sa tao,
Ang hayop ay ginawa rin para sa tao,
Ang tao? , para saan?"

22. "Mas isipin ang iba kesa sa sarili
At mas tingnan ang sarili bago ang iba"

21. "Ang rupture day o judgement day, o end of the world
o kung ano pa mang tawag ay kagaya lang din ng kamatayan
ng tao, ang pinag kaiba nga lang sabay sbay na mawawala ang lahat,
hmm eh ano naman kung matuloy yan o hindi? wala pa din namang
espesyal na mang yayari diba?, sa bandang huli, di pa rin natin alam
kung kelan talaga ang oras natin"


20. "Ang natalo ay talunan,
ang umayaw ay mahina ang loob,
at ang di nag simula ay inutil"

19. "huwag kang gumising para lang tumulog."

18. "Mahalaga ang isang araw kaya huwag mong sayangin,
Nagamit mo ba ngayon ng tama ang isang araw mo?"

17. "Wala kang maaabot kung di mo ieextend ang kamay mo.
konting effort konting earnings,
sabi nga sa batas ni newton in every action there is an opposite and equal reaction.
kapag di mo pa din naintindihan, basahin mo ulit yung unang line."

16. "Kung magpapatawad lang, kaya pa siguro e,
kaso kung makakalimot, kahit pa sabihin na kasabay ng pag papatawad ang pag kalimot,
tumawa ka na lang pre, niloloko mo lang ang sarili mo."

15. "Kapag may sikat na tao at gusto mong gayahin,
huwag yung pag sikat yung gayahin mo
kundi yung ginawa nya para sya sumikat."

14. "lahat ng bagay ay mahirap,
kaya mamili ka na lang ng pag hihirapan."

13. " huwag isipin ang problema,
Yung solusyon ang isipin".

12."Mabuti na lang nung grade 1 ako naturuan ako mag basa at mag sulat
Mabuti n lang nung highschool ako naturuan akong umibig
Mabuti na lang at nung college ako mas natutunan kong maging mature
At ito ang pinaka mabuti sa lahat,
Mabuti na lang naisipan ng magulang ko na pag aralin ako
Di sana ndi ko napapabasa sa iba ang mga qoutes na to"


11. "Pumasok para gumaraduate,
Mag-aral para matuto."


10. "ang kapal ng mukha ko pala pag nag reklamo ako na nhihirapan ako.
Bakit?, eh may tao pa palang mas nahihirapan sakin eh."

9. "kapag wala ka ng makasama, kelangan mo ng makisama"



8. "Ang bagay ay mas madaling matutunan kapag kinailangan."

7. "Ang mali,, hindi lang tinuturuan ang tao para gawin ang tama,
Minsan, at madalas,, tinuturuan din ng mali ang tao para umiwas."


6. "kung bigatin sya at hindi mo kaya,
bakit hindi mo piliin ang mas magaan
para malaman mo talaga kung alin sa kanila
ang tunay na mas matimbang."

5. "kung kulang, dagdagan,
kung kulang pa, dagdagan pa,
pero kung kulang pa at wala na talaga,

ano ba ang dapat, ang maghanap ng iba o magtiis sa walang lasa?"


4. "iba ang kailangan sa gusto,,
kasi ang gusto pwedeng matiis kahit wala
hindi kagaya ng kailangan na kahit anong mangyari ay dapat makuha.."

3. "huwag mong sisihin ang teacher mo kung wala kang natutunan sa kanya,
kasi alam mo n naman na wala ka talagang maaasahan sa kanya ,
bakit mo ipagpipilitan pa?"

2. "hindi kulang ang 24 hrs sa buhay ng tao,
nag kataon lamang na gustong madaliin ng mga tao
ang mga gusto nlang gawin sa buhay nila"

1. "Huwag mong hayaan n ang limitasyon mo bilang tao ang humadlang sa iyong mithiin,,

bagkos mangarap at subukang tuparin ang lahat ng ito"


Other quotes
http://www.symbianize.com/showpost.php?p=6232330&postcount=26
 
Last edited:
Re: Mala bob ong qoutes

:more: pa TS. mga members na merong alam na ganyan post nyo naman dito. :)
 
Re: Mala bob ong qoutes

Pa-copy po.. Pa-share din.. salamat po..:)
 
Re: Mala bob ong qoutes

ahm lahaT po ng anjan eh ako ang gumawa hehe tnx
 
Re: Mala bob ong qoutes

upup n a way
 
Re: Mala bob ong qoutes

eto pa ho. :) dagdag ko lang.

Bob Ong Love Quotes | Bob Ong Quotes tungkol sa pag-ibig

“Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”

“Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.”

“Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”

“Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”

“Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

“Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

“Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”

“Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo..Dapat lumandi ka din.”

“Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”

“Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”

“Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”

“Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?”

“Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”

“Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”

Bob Ong Quotes tungkol sa PAG-AARAL

“Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!).”

“Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba’t-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan…”

“Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.”

“dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung ‘di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. sobrang lugi. kung alam lang ‘yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa eskwela.”

Bob Ong Quotes tungkol sa BUHAY (IN GENERAL)

“nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.”

“Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan.”

“Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.”

“Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa’yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?”

“Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”

Other Bob Ong Quotes

“Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima , sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.”

“ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko.”

“hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?”

“hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan. ”

“Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao.”

“Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.”

“Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.”

“Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa
paggawa ng wala.”

“iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala.”

“iba ang informal gramar sa mali !!!”

” Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay yun, dapat matagal na kong patay.”
 
Re: Mala bob ong qoutes

boss tonixxlee, majority po ay BOB ONG quotes di po ba? plus may dagdag na hindi kaniya.. thanks po dito.
 
Re: Mala bob ong qoutes

ganyan na nga ho. :) may e-book ho ba ang mga libro nya? gusto ko sanang mabasa.
 
Re: Mala bob ong qoutes

ahm alam ko meron, nakapost din yun sa sb eh, kaso ayun nga ang sabi ni Bob ong , di nya gusto ang pdf chuba chuba. pinapatay nya ang industriya ng litirature ng bansa hehe..
 
Re: Mala bob ong qoutes

upppppppppppssssssss
 
Re: Mala bob ong qoutes

Ito sa akin:

"Nagtatalo tayo hindi para may manalo, kundi para may maklaro".
 
Re: Mala bob ong qoutes

nakabalik ako sa lugar pero di ko naibalik ang panahon
 
Re: Mala bob ong qoutes

"Hindi lang balat nagkakakalyo, puso rin"

:panic:

nakuha ko sa uzzap naman to:

"Kung magamahal ka ng gwapo/maganda, ehdi picture ang pakasalan mo"
 
Re: Mala bob ong qoutes

wow dumadami na tayo hehe
 
Re: Mala bob ong qoutes

update mo ts.. ang ganda e..
 
Back
Top Bottom