Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Malungkot na Ulan

Bumuhos ang ulan mula sa kalangitan
Bigla bigla ding sumabay ang aking kalungkutan
Naalala ko na naman ang masasaya nating nakaraan
Na para bang isang gabi lamang ang nagdaan.

Nasaan ka na kaya ngayon?
Ramdam mo din kaya ang lamig ng panahon?
Naaalala mo kaya ang pait ng ating kahapon?
Na hanggang ngayon sa puso ko’y nakabaon.

Bakit nga ba tayo nagkaganito?
Pagmamahala'y bigla na lang nagbago.
Ang mga pangarap na ating binuo
Para bang winasak ng isang malakas na bagyo.

Malungkot na ulan, kailan kaya ito titila
Sana paglipas nito, lungkot ko din ay isama
Sapagkat mga mata ay pagod na sa pagluha
Laging nangagarap, ikaw ay muling makita.
 
wahhh bakit nakakrelate ako sa tula na eto..ang ganda pero ang lungkot at ang sakit sakit ..wahhh :(
 
ang sarap magkape habang nagbabasa ng ganito :lol: keep it up! :salute:
 
Back
Top Bottom