Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Mataas masyado ang URIC ACIDITY? Well Read this for prevention!

o2mix143

Recruit
Basic Member
Messages
10
Reaction score
0
Points
16
PAALALA: Laging nasa huli ang pagsisisi.
BASAHIN AT ALAMIN


77R3G0a.jpg


ml34uoq.jpg


Ano Ang Uric Acid At Sanhi Ng Pagtaas Nito?

Ang uric acid ay isang uri ng kemikal na nabuo sa katawan na maaaring nagmula sa mga pagkaing mayayaman sa "purine" gaya ng atay, lamang-loob, pulang karne, sardines, mackerel, at iba pa.

Nagkakaroon din ng mataas na uric acid level ang isang tao kapag palainom ng alak, o kaya naman ay may kondisyon gaya ng gout/arthritis, diabetes, obesity, at problema sa bato o kidneys.

Kailangang mailabas ang uric acid sa katawan sapagkat ito ay isang waste product - kemikal na di kailangan ng katawan.

Nailalabas ang uric acid sa pamamagitan ng pag-ihi at pagdumi para maregulate ang normal na level nito na naglalaro sa pag-itan ng 2.5 - 7.5 mg/dL para sa babae at 4.0 - 8.5 mg/dL para sa lalaki.

Kapag hindi nailabas ang uric acid sa katawan, mananatili ito sa daluyan ng dugo, kaya naman kapag nagpa-uric acid blood test o urine test ka, mataas ang uric acid level mo.

Kapag ikaw ay sobra sa timbang, malamang ay mataas ang iyong uric acid level. Bawas-bawasan ang kain.

Huwag kumain masyado ng pagkaing mayaman sa purine gaya ng:

atay
lamang-loob
pulang karne
isdang mayaman sa omega 3 (sardines, tuna, mackerel)
sitaw (o kapamilya nito)
munggo
dilis
bagoong
tahong (o anumang shelled-foods)

Pwede ang lahat ng uri ng gulay maliban sa mga nabanggit. Kung kakain ng karne, huwag lagi yung mapupulang karne gaya ng baka, baboy, kabayo, kambing, at iba pa. Pwedeng kumain ng karne ng manok.
 
Last edited by a moderator:
inom lang ng maraming tubig lagpas pa 8 glass of water a day. Para matulungan niyo kidney niyo makapag flush.!
 
salamat d2.Problema ko din ang uric acid
 
Back
Top Bottom