Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Mayroon bang ikalawang pagkakataon sa kaligtasan pagkatapos ng kamatayan?

Meron pong pagkabuhay muli.

Joh 3:16 Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak,
upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Wala po tayong literal na makikita diyan na Impyerno kundi yung huwag mapahamak.
Mananampalataya = Buhay ng walang hanggan.
Hindi mananampalataya = Buhay na walang hanggan sa impyerno Rev. 21:8

Noted po. I do not agree pero I respect your views po. :)

So kelan nga po mangyayari ang pagkabuhay muli kasi sabi mo after death, automatic humihiwalay ang kaluluwa ang mapupunta sa langit or hell?
 
Last edited:

ok po :)

Medyo mahaba po ito.

Ano ang unang pagkabuhay na mag-uli? Ano ang ikalawang pagkabuhay na mag-uli?

Tinukoy sa Daniel 12:2 ang dalawang magkaibang destinasyon na pupuntahan ng sangkatauhan: “At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba'y sa walang hanggang buhay, at ang iba'y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak.” Ang lahat ng tao ay bubuhaying muli mula sa patay, ngunit hindi lahat ay magkakapareho ng destinasyon. Inihayag sa Bagong Tipan ang karagdagang detalye ng magkahiwalay na pagkabuhay na mag-uli ng masama at matuwid.

Binanggit sa Pahayag 20:4-6 ang “unang pagkabuhay na mag-uli” at ipinakilala na ang mga taong kabilang dito ay yaong mga “banal at pinagpala.” Ang ikalawang kamatayan (lawa ng apoy, Pahayag 20:14) ay walang kapangyarihan sa mga taong ito. Ang unang pagkabuhay na mag-uli ay ang pagbuhay sa katawan ng mga mananampalataya. Sang-ayon ito sa katuruan ni Hesus tungkol sa “pagkabuhay na mag-uli ng mga matuwid” (Lukas 14:14) at ang “muling pagkabuhay” (Juan 5:29).

Ang unang pagkabuhay na mag-uli ay naganap at magaganap sa iba’t ibang yugto. Si Hesu Kristo mismo (ang “pangunahing bunga,” 1 Corinto 15:20), at nagbukas ng daan para sa pagkabuhay na mag-uli ng lahat ng nananalig sa Kanya. Nagkaroon din ng pagkabuhay na mag-uli ng mga banal sa Jerusalem (Mateo 27:52-53) na kabilang sa unang pagkabuhay na mag-uli noong mamatay si Hesus sa krus. Ang susunod na pagkabuhay na mag-uli para sa mga mananampalataya ay yaong mga “namatay kay Kristo” at magaganap sa muling pagparito ng Panginoon (1 Tesalonica 4:16) at ang pagkabuhay na mag-uli ng mga martir sa katapusan ng Dakilang Kapighatian (Pahayag 20:4).

Ipinakilala sa Pahayag 20:12-13 ang mga kabilang sa ikalawang pagkabuhay na mag-uli na mga “masasamang tao” na hahatulan ng Diyos sa harap ng Dakilang Tronong Puti bago sila itapon sa dagat dagatang apoy. Ang ikalawang pagkabuhay na mag-uli ang pagbuhay sa mga hindi mananampalataya at may kaugnayan sa ikalawang kamatayan. Sang-ayon ito sa turo ni Hesus tungkol sa “pagkabuhay na mag-uli sa paghatol” (Juan 5:29).

Ang pangyayari na naghihiwalay sa una at ikalawang pagkabuhay na mag-uli ay ang isanlibong taon ng paghahari ni Kristo sa lupa. Ang huli sa mga matuwid na bubuhayin ay “maghaharing kasama ni Hesus sa loob ng isanlibong taon” (Pahayag 20:4), “ngunit ang natitira sa mga patay [ang mga hindi mananampalataya] ay hindi bubuhaying muli hanggang hindi natatapos ang isanlibong taon” (Pahayag 20:5).

Anong laking kagalakan ang magaganap sa unang pagkabuhay na mag-uli ng mga patay! Anong laking kalungkutan naman ang magaganap sa ikalawang pagkabuhay na mag-uli! Anong laking responsibilidad ang pangangaral natin ng Ebanghelyo! “Agawin ninyo ang mga hahatulan sa apoy ng paghuhukom” (Judas 23).
 
So kinokontra mo po yung una mo sinabi na Automatic na humihiwalay ang kaluluwa sa patay na katawan at mapupunta sa langit/Impiyerno? Sabi kasi jan yung iba ay maghihintay pa sa pagkanaririto ni Kristo... Ung iba sa 1000 years na paghahari pa ni Kristo... at yung iba ay pagkatapos pa ng 1000 years, at ung iba naman sa katapusan pa ng dakilang kapighatian????

So ano po ba talaga? Lumalabas po na hindi po pala automatic na humihiwalay ang kaluluwa sa katawan pagkamatay... kasi sabi jan mag aantay pa sila... habang nag aantay, nasaan po yung mga humiwalay na kaluluwa????
 
Wait lang po. Pag aralan kona muna yan yung pansamantalang kalagayan ng kaluluwa.

Hindi mismo sa akin galing ito ts pati yung naunang post ko.
Pero kumbinsido ako sa explanation about sa Muling pagkabuhay at sa pag tulog ng kaluluwa.

Ang "pagtulog ng kaluluwa" ay isang paniniwala na pagkatapos mamatay ng isang tao, ang kanyang kaluluwa ay "matutulog" bago maganap ang muling pagkabuhay ng katawan at ang paghuhukom. Ang konsepto ng "pagtulog ng kaluluwa" ay hindi ayon sa Bibliya. Kapag inilalarawan ng Bibliya ang isang tao na "natutulog" patungkol sa kamatayan (Lukas 8:52; 1 Corinto 15:6), hindi iyon nangangahulugan ng literal na pagtulog. Ang "pagtulog" ay isa lamang paraan upang ilarawan ang kamatayan dahil ang katawan ng namatay ay mukhang natutulog. Sa oras na tayo ay mamatay, haharap tayo sa paghuhukom ng Diyos (Hebreo 9:27). Para sa mga mananampalataya, ang lumisan sa katawan ay makasama ang Panginoon (2 Corinto 5:6-8; Filipos 1:23). Para sa mga hindi mananampalataya, ang kamatayan ay nangangahulugan ng walang hanggang kaparausahan sa impiyerno. (Lukas 16:22-23).

Bago ang huling pagkabuhay ng mga patay, mayroong pansamantalang langit - ang Paraiso (Lukas 23:43; 2 Corinto 12:4) at pansamantalang impiyerno - ang Hades (pahayag 1:18; 20:13-14). Gaya ng makikita ng malinaw sa Lukas 16:19-31, hindi natutulog ang taong namatay kahit sa Paraiso o Hades. Kaya't masasabi na ang katawan ng tao ay "natutulog" habang ang kanyang kaluluwa ay nasa Paraiso o Hades. Sa pagkabuhay ng mga patay, ang katawang ito ay "gigisingin" at babaguhin at gagawing isang katawan na walang kamatayan na mabubuhay sa walang hanggan, sa impiyerno o sa langit. Ang mga nangasa-Paraiso ay dadalhin sa bagong langit at bagong lupa (Pahayag 21:1). Ang mga nasa Hades naman ay itatapon sa lawang apoy (Pahayag 20:11-15). Ito ang mga huli at eternal na destinasyon ng lahat ng tao - na nakabase sa kung ang isang tao ay nagwalang bahala o nagtiwala kay Hesu Kristo para sa kaniyang kaligtasan.
 
Last edited:
update...

Ndi ko na po sana papansinin reply kasi magmumukhang ipinipilit ko sarili kong belief sa inyo... Pero since mukhang gusto po ninyo na magreply ako... may ilang bagay lang po ako na napansin....

Wait lang po. Pag aralan kona muna yan yung pansamantalang kalagayan ng kaluluwa.

Hindi mismo sa akin galing ito ts pati yung naunang post ko.
Pero kumbinsido ako sa explanation about sa Muling pagkabuhay at sa pag tulog ng kaluluwa.

I find it hard to believe na kumbinsido ka sa explanation because it took you weeks to respond... If you are really convinced, you know in your heart what is your doctrine about this major teachings.... This only shows na you are just blindly accepting the explanation because it suite your belief system. But then again, who am I to judge... again I am just pointing that out... no response necessary.

Ang "pagtulog ng kaluluwa" ay isang paniniwala na pagkatapos mamatay ng isang tao, ang kanyang kaluluwa ay "matutulog" bago maganap ang muling pagkabuhay ng katawan at ang paghuhukom. Ang konsepto ng "pagtulog ng kaluluwa" ay hindi ayon sa Bibliya. Kapag inilalarawan ng Bibliya ang isang tao na "natutulog" patungkol sa kamatayan (Lukas 8:52; 1 Corinto 15:6), hindi iyon nangangahulugan ng literal na pagtulog. Ang "pagtulog" ay isa lamang paraan upang ilarawan ang kamatayan dahil ang katawan ng namatay ay mukhang natutulog. Sa oras na tayo ay mamatay, haharap tayo sa paghuhukom ng Diyos (Hebreo 9:27). Para sa mga mananampalataya, ang lumisan sa katawan ay makasama ang Panginoon (2 Corinto 5:6-8; Filipos 1:23). Para sa mga hindi mananampalataya, ang kamatayan ay nangangahulugan ng walang hanggang kaparausahan sa impiyerno. (Lukas 16:22-23).

Bago ang huling pagkabuhay ng mga patay, mayroong pansamantalang langit - ang Paraiso (Lukas 23:43; 2 Corinto 12:4) at pansamantalang impiyerno - ang Hades (pahayag 1:18; 20:13-14). Gaya ng makikita ng malinaw sa Lukas 16:19-31, hindi natutulog ang taong namatay kahit sa Paraiso o Hades. Kaya't masasabi na ang katawan ng tao ay "natutulog" habang ang kanyang kaluluwa ay nasa Paraiso o Hades. Sa pagkabuhay ng mga patay, ang katawang ito ay "gigisingin" at babaguhin at gagawing isang katawan na walang kamatayan na mabubuhay sa walang hanggan, sa impiyerno o sa langit. Ang mga nangasa-Paraiso ay dadalhin sa bagong langit at bagong lupa (Pahayag 21:1). Ang mga nasa Hades naman ay itatapon sa lawang apoy (Pahayag 20:11-15). Ito ang mga huli at eternal na destinasyon ng lahat ng tao - na nakabase sa kung ang isang tao ay nagwalang bahala o nagtiwala kay Hesu Kristo para sa kaniyang kaligtasan.

There are several contradiction in the scripture here in your statement, tutukoy lang ako ng isa... example, binanggit mo na ibabalik ang katawan ng namatay para buhaying muli sa langit or hell... this is in contradiction sa bible verse saying na walang katawan ng tao ang pede pumunta sa langit... dapat maging espiritu... bakit pa ibabalik tapos huhubarin ulit pag aakyat na sa langit?

Yan na lang muna... ayoko po kasi magmukhang kinukumbinsi ko kau or anyone else :)
 
Ahh pasensya. Akala ko hindi mo alam naka reply na ako kasi enedit ko nalang yung last reply ko kasi hindi na ako makadagdag dahil newbie palang ako.

Pasensya ts. Wala akong sariling internet. Nakiki wifi lang ako.
I respect your Belief.
End na tayo since yan yung dahilan mu kaya hindi kana sana mag rereply.
 
mga ser ako po ay namatayan ng asawa this year makikita pa kya ako ng asawa ko labis po akong nasasaktan mga ser mahal n mahal ko ang asawa ko subrang mis n mis kuna siya mga ser salmt po
 
Kinalulungkot ko din ang nangyari sayo kapatid. Mahirap talaga mamatayan ng mahal sa buhay lalo na kung ito ay iyong asawa o anak. Pero may maganda pong binabanggit yung bibliya may kinalaman po sa mga namatay. Si Jesus po mismo ang nagsabi sa Juan 5:28-29 na magkakaron ng pagkabuhay muli at sya rin ang patunay na kaya nyang bumuhay ng mga patay. Ganun din po yung binabanggit sa Gawa 24:15. Sinasagot din po yung mga iba nating katanungan sa baba may kinalaman sa mga namatay. Sana mabasa mo po yung mga teksto na to at magbigay sayo ng pag-asa.

https://www.jw.org/tl/publikasyon/aklat/magandang-balita-mula-sa-diyos/ano-ang-pag-asa-ng-patay/
 
Back
Top Bottom