Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

mga mam at sir about sa poknat

Rovain

The Devotee
Advanced Member
Messages
348
Reaction score
0
Points
26
biglang may poknat na ako sa ulo tatlo agad tas lumalaki paano gagawin para tubuan ulit ng buhok ....

yung mura lang or kung may mga halaman na nakakagamot bigay kayo ng tips mga sir
 
boss take kalang ng ascorbic acid or much better consult a docktor nag kaganyann din aq dati puyat stress kulang daw sa vitamin c
 
Poknat?? as in naglalagas ang buhok?? Hmm maraming dahilan yan brad... Genetics, Hair Styling products, food, stress, environment. etc. Pm me para makapag-usap tayo. kasi kailangan mong malaman kung ano ba yung dahilan kung bakit ka napapanot sir...
 
ako din eh bigla ko napansin may poknat ako sa bandang likod ng ulo ko tsk nakakainis sabi nila stress daw to?? pano kya magagamot to???? :noidea:
 
Tawag dyan, alopecia areata. Mas magandang punta ka sa duktor (dermatologist) para mabigyan ka ng gamot.
 
ung kakilala ko, nagkapoknat sya dahil sa stress, akala namin hindi na babalik buhok nya. ang ginawa nya, gumamit sya palmolive green tapos ilalagay nya sa poknat tapos imamassage nya mga 3-5 minutes, tapos derecho ligo na. everyday nya un ginagawa mga 2-3 mos cguro bumalik naman :lol:
 
sakin tatlo na poknat parang limang piso yung isa sa likod sa taas maliit parang piso naman paano kaya mafamotga mam at sir . stress nga po ako at dami iniisip at malakas mag yosi at alak
 
biglang may poknat na ako sa ulo tatlo agad tas lumalaki paano gagawin para tubuan ulit ng buhok ....

yung mura lang or kung may mga halaman na nakakagamot bigay kayo ng tips mga sir

Ang tawag po d'yan sa kondisyon mo sir ay Alopecia areata, kusa po yang gumagaling makalipas po ang ilang buwan. Ngayon kung hindi ka na po makapag-antay ng ilang buwan ay maari ka pong pumunta nalang sa isang dermatologist para maresetahan ka po ng gamot. Kalimitan ang ibinibigay po d'yan na gamot ay iyong Minoxidil. Meron po yang oral form at topical, o iyong pinapahid. Ang mga topical form (hal., lotion) po ng Minoxidil ay kalimitan po non-Rx o hindi na kinakailangan ng reseta ng doktor; nariyan nalang po halimbawa iyon pong Regroe 3%, 5%, 6% at Revital 2% Soln. Nagrerange po ang mga presyo n'yan mula 500Php hanggang sa 2,000Php depende sa kung ilang percent po ang bibilin mo. Ngayon maliban po sa Minoxidil iyon pong Finasteride (anti-andronergic), hal., Propecia, ang kalimitan din pong nirereseta sa naturang klase ng pag-lulugas ng buhok. Ang isang tab po n'yan naman ay nagkakahalaga po ng 59.92Php kada 1 mg.

Pagdating naman po sa diet makakatulong po sa'yo kung kakain ka po ng mga gulay tulad ng patatas, pipino, berde at pulang sili dahil mayaman po ang mga ito sa mineral na silica, lalo na po yung mga balat ng mga nasabing gulay. Folic acid, biotin, Vit. B5 at para-aminobenzoic acid (PABA) na supplements ay makakatulong din po para papakapalin pong muli ang naglulugas na buhok. Ang mga essential oils naman po na kinabibilangan ng thyme, rosemary, lavender, cedarwood, at sa carrier oils, tulad ng grapeseed, at jojoba, ay pawang mga napatunayan po sa mga pag-aaral na epektibong magpanumbalik ng mga buhok sa mga lugar kung saan nagkaroon ng paglulugas o paglalagas (Hey, I. C., Jamieson, M., Ormerod, A. D., "Randomized trial of aromatherapy: Successful treatment for alopecia areata," Arch. Dermatol., 134 (1998), pp. 1349-52).

Kung nakatulong po sa'yo sir ang mga impormasyon na ito ay pwede mo pong i-like ang ating FB page po dito at blog naman po dito. Salamat po.
 
Last edited:

wow ayos ang sagot hindi pala mapapanot to kasi ilang buwan babalik din?

paano yung makinis na yung pagkabilog babalik rin ba na tubuan ng buhok sir
 
Back
Top Bottom