Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Miss Na Kita

Miss Na Kita

Oo na, panalo ka na, miss na kita,
Walang magawa 'pag di nakikita.
Nalulungkot, naiinis, parang bata,
Hindi maitatago sa unang talata.

Bakit nga ba gusto hawakan ang mga kamay,
Kung kapag nalulungkot 'di ka kadamay?
Bakit nga ba gustong ikaw ay yakapin,
Gayo'ng wala ka naman sa aking piling?

Bakit ko hanap ang matamis mong boses,
Kung narinig ko lang ito ng tatlong beses?
Bakit nais makita ang iyong mukha,
Kung sariling hiya ay 'di maitatatwa?

Sa piling nya, ikaw ba ay maligaya?
Bakit 'di makita ang liwanag ng saya?
Siya ba ang dahilan ng iyong mga lumbay?
Pinababayaan at walang gumagabay.

Alam kong mali ang isipin kita,
Dahil nasa kanya ang iyong mga mata.
Kahit na ikamuhi, kahit magbanta,
Kahit isakdal, hindi itatangging "Miss kita".

Inaalay ko to sa mga taong nakakamiss sa taong mahal nila na may mahal ng iba.
Magsamasama tayo.
 
Back
Top Bottom