Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Essay monolog

Sa paghigop ng mainit na kape habang minamasdan ang usok na binugang unti unting humahalo sa hangin at nawawala. Umuukilkil sa aking isipan na kailangan kong mag sulat. Mga ideyang di mapalis sa aking isipan, mga kwentong ako lang ang nakakaalam.

Ako nga pala si Anown di ko tunay na pangalan, karakter na nilikha para sa bertwal na pakikipag kwentuhan. Matagal tagal na rin akong nakikipag talastasan sa mga taong walang pagkikilanlan. Dito sa sulok ng Internet kung saan di naaarok ng batas ng lipunan. Sa likod ng liwanag ng monitor, sa pag tipa ng mga teklado at kableng tanso lamang ang ugnayan.

Tumatakas, umaamot ng panandaliang humpay sa ating mabilis na buhay. Dito sa bintanang walang hanggan kung saan totoong buhay nati'y saglit nating kinakalimutan. Sa likod ng mga walang kawawaang usapan, mga katatawanang pinag sasaluhan. Mga lungkot at hirap na ating pinagdaraanan umaasa na tayo'y madamayan. Mga pagi-ibig na natatagpuan ng di inaasahan dili' ba't parang mas totoo ang ating nararamdaman.

Sa kabila ng mga kasinungalingan, di natin maitatanggi na sa tagal ng paghimpil natin dito sa mundong kinakasanayan. Unti unting nating pinapakita totoo nating mga sarili. Mga bagay na sinabi nating hindi na dapat pa nilang malaman. Mga sinasariling sikreto, mga natatagong nararamdaman.

Ubos na ang aking kape, patay na rin ang baga ng sigarilyong kanina'y pinangagalingan ng mga usok na kung pagmamasdan ay walang pinagkaiba sa atin. Sumasayaw sa hangin, naglalakbay sa kawalang tila'y walang katapusan, hanggang sa pagpikit ng ating kamalayan, di na natin alam kung nasaan.
 
Back
Top Bottom