Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Serial Story My Dream Romance

My Dream Romance

Una sa lahat ito ay likha lang ng aking imahinasyon, ang totoong nangyari lang ay yung hanggang sa Xerox lang bukod dun wala na totoo sa mga ito. Talagang malawak lang ang aking imahinasyon LOL. Dahil imahinasyon ko ito.. ako ang bida syempre :lmao:



Nagsimula ang lahat noong 2014, nagtra-trabaho si raffy sa barangay hall nang mga sandaling iyon, kakahired lang nya don at medyo naninibago pa sya sa work place. Halos lahat ng trabaho ay natutunan ni raffy, ultimo hindi sakanyang trabaho sya na ang gumagawa (nagpapalakas pa ko yan) kahit na ayaw ni raffy sige lang. Nang isang araw may nagpa xerox sa barangay hall na istudyante, busy si raffy nung time na yun pero si raffy padin ang inutusan ng secretary.

Sec.
“Raffy may magpapa Xerox unahin mo muna yun”

R
“Sige te wait lang”

Maya maya lumapit na si raffy sa istudyante at kinuha yun ipapa Xerox nya..

R
“Ate ilan copy?”

M
“Kuya tig 3 copy po.. ”

R
“Okay ate wait lang”

Yun mga pinapa Xerox nya tinignan ni raffy ng palihim.. mga documents ito tulad ng ID, NSO, form etc. 20 years old na sya pero mukhang 18 lang.. baby face ih lol.

R
“Ok n ate, bale 20 pesos lang”

M
“Ito po bayad. Salamat po”



Hindi dapat yun 20 pesos lang, 40 pesos yun pero nagandahan ako kaya half nalang ang bayad haha. Lumipas ang ilang araw hindi na ulit naligaw sa barangay si Mae, pero laking gulat ni raffy na malapit lang pala sa barangay hall ang bahay ni Mae. Nakita ni raffy na pauwi na ito sa Apartment na inuupahan nya. Gumawa si raffy ng way para makita sya, meron katapat na tindahan yun apartment nya, lola ni raffy din may ari ng tindahan kaya hindi sya nahiya. Kunwari bibili si raffy ng pancake pero ang talagang intensyon nya ay sumilip kay Mae.



R
“Lola pabili nga ng pancake 2”

L
“Sige wait lang ah inaayos ko pa.. upo ka muna dyan toy”

R
“Sige lola tatayo nalang ako lagi kasi ako nakaupo dun sa barangay hall kaya tatayo nalang ako.”

L
“Sige ikaw bahala”

Maya maya may lumabas sa gate, at yun ay si Mae. Bibili sya ng pagkain para sa hapunan nya. Medyo nagkatitigan sila raffy at mae, pero laking gulat ko na ningitian nya si raffy. Kaya si raffy kilig na kilig sa isip nya. Nasa isip ni raffy na “Aba hindi suplada” kaya nagtanong si raffy sa lola nya.

R
“Lola matagal na ba yun babae na yun sa apartment na yun?”

L
“Hindi bago lang yan dyan, last month lang. Nag rent sya dyan dahil malayo ang kanyang pinang galingan. Solo lang sya dyan at tita nya ang nagpapa aral sakanya”

R
“Ahhh… bakit po tita nya nagpapa aral sakanya?”

L
“Ulila na sya, wala na nanay at tatay. Kaya yun tita na nya ang nagpapaaral dyan. Bakit toy gusto mo ba?”

R
“Hindi po lola tinatanong ko lang po haha”

L
“Sus toy alam ko na yan mga ganyan galawan, pwede kita ipakilala sakanya, gusto mo ba?”

R
“Nahuli nyo agad ako lola haha.. sige po mukha naman mabait at hindi suplada sya”

L
“Oo mabait yan bata na yan, mamaya kapag bumalik sasabihan ko sya”

R
“Sige po la kayo po bahala”

L
“Sige, oh ito na pancake mo 10 lang”

R
“Ito po.. gusto ko pa po sana mag tagal kaso baka hinahanap na ko sa barangay hall la.. una na po ako”


Nagdaan ang ilan araw nakita ulit ni raffy si mae. Umaga yon 8am papasok palang si raffy sa barangay hall nang makita sa malayo na palabas na ng gate si mae at papasok na sa school. Pero papasok na rin si raffy ng gate noon kaya hindi na sila nagkasalubong sa daan. Pero nung uwian na sa office dumaan muna si raffy sa tindahan ng lola nya para bumili ng pancake, meryenda muna. Hindi inaasahan ni raffy na pauwi na rin si mae nung time na yun, nakita ni raffy na papalapit na si mae sa gate. Nakita ng lola ni raffy na papasok na sa gate si mae nang biglang tawagin nya ito.


L
“Mae sandali”

Kinabahan na ng todo si raffy na nasa isip isip nito ay sana wag makita ng lola nya at wag tawagin ito. Dahil hindi sya preferred. Pero wala na naandon na kaya sinakyan nalang din ni raffy yung sitwasyon.

M
“Bakit po?”

L
“May ipapakilala ako sayo, apo ko sa Pamangkin. Si Raffy nga pala.. mabait yan ne”

M
“Ayy nakita ko na po sya sa Barangay hall hehe nagpa Xerox po ako doon last time. Hello Raffy ako nga pala si mae”

Nasa isip ni raffy noong time na yun “hindi mo na need magpakilala dahil kilala na kita haha”


R
“Hello Mae nice to meet you ulit hehe”

M
“Oo nga hehe nice to meet you too”


R
“NP nga pala ano kinukuha mong course?”

M
“BSIT course ko and 3rd year college na, 1 taon nalang paghihirap hehe ikaw ba ano dati mong course?”

R
“AIT naman ako, Associate in Information Technology, bale yun course ko na yun pwede 2 years at pwede mo din I continue sa 4 years. 2 years lang yun kinuha ko.”

M
“Bakit hindi mo pinagpatuloy sayang naman.”

R
“Tinamad na kasi ako.. basta may reason ih haha… kwento ko nalang next time pauwi narin kasi ako”

M
“Sure hehe sige ingat pauwi :)

R
“Sige thank you :)

Pigil na pigil ang kilig ni raffy nun time na yan. Ang saya saya nya nun time na yan hanggang pag tulog naka ngiti sya. Parang baliw lang. Nakalipas ang ilan araw nag decide si raffy na puntahan si mae sa apartment nila para maituloy yun naputol nilang kwentuhan at para na rin makasilay. Halos araw araw si raffy sa apartment ni mae. Malapit lang naman ang uwian ni raffy kaya ok lang gabihin ng uwi. Tinutulungan din ni raffy si mae sa pag aaral, halos parehas lang din naman ang kanilang course kaya natutulungan ni raffy si mae sa kanyang mga assignment at project. Halos mag isang buwan na si raffy nagpupunta kela mae. Isang gabi nagtanong si mae kay raffy.

M
“Uy raffy ok lang ba lagi ka naandito? Baka kasi may magalit”

R
“Oo naman ok lang no… wala naman magagalit kung meron man sana…”

M
“Sana ano?”

R
“Wala nevermind haha”


M
“Ano nga? Parang baliw to”

R
“ehhh kasi.. paano ko ba sasabihin”

M
“Sabihin mo na kaharap mo ako oh.. ano ba yun?”

R
“Kasi… gusto kita mae”


Tinitigan lang nya ako at napangiti.

M
“……………….”

R
“Noong una palang kita nakita iba na yun naramdaman ko sayo, kaya gumawa ako ng paraan para makilala kita, ok lang naman kung friends lang kaya mo ibigay. Basta nasabi ko sayo yun nararamdaman ko ok na ko dun.”

M
“Inuunahan mo naman ako agad, mabait ka raffy may magkakagusto naman sayo hindi naman lahat ng babae sa itsura tumitingin no.. alam mo lagi mo ako pinapatawa at sinasamahan at naging masaya ako. Doon palang + pogi points’ kana sakin, saka una palang alam ko na may gusto ka sakin. Wag ko nalang daw sabihin na sinabi sakin ng lola mo. And yes nakuha mo nga loob ko. Kita ko yun effort mo sakin at alam ko totoo nararamdaman mo sakin.”


Hindi maipaliwanag ni raffy ang nararamdamn nya.. ayaw naman nya na mag assume kaya tinanong nya si mae para makasigurado sa kanyang iniisip.

R
“Ahhh so ibig sabihin mahal mo rin ako mae?”

M
“Yes, alam mo raffy wag ka negative mag isip lagi, pansin ko yan sayo. Baguhin mo palitan mo ng positive thoughts raffy.”

R
“Ok sige, so ano na status natin, tayo na ba mae?

M
“Oo gusto naman natin ang isa’t isa.. basta wag mo lang ako lolokohin! Ipapa tokhang kita haha joke! I help you to improve your confidence raffy dito lang ako ok”


Tuwang tuwa si raffy nun sinabi ni mae yun… Yun feeling na abot kamay mo yun tagumpay <3


R
“Salamat mae I love you, so anu na tawagan natin yan hehe”

M
“Tawagan? Call sign ganun? Wag na pang teenager lang yan haha… ok na tawag mo sakin Mae at ako raf, yun palayaw mo.”

R
“Kung sabagay tama ka haha.. sige yun nalang kung saan ka masaya doon tayo mae”



M
“Sige yun nalang, teka 11:30pm na masyado nang gabi pauwi hindi ka pa ba hinahanap sa bahay nyo raf?"

R
“Hinahanap na nag text na nga mama ko, asan na daw ako haha, uwi na ko mae chat chat nalang sa facebook ah”

M
“So ganun nalang yun?”

Hindi agad na gets ni raffy kung ano gustong gawin nya, medyo nagtampo si mae sa mga oras na yun.

M
“Wala manlang I love you? Kiss? (nagsalubong kilay nya)

Hinalikan ni raffy sa pisngi at nag sabi ng I love you kay mae. Pero may sinabi ulit si Mae kay raffy.

M
“Ohhh bakit doon ang kiss? Kapag gf mo sa lips dapat tsk ulitin mo.”

Napatawa nalang si raffy sa reaction ni mae at ito ay ginawa nya, hinalikan nya sa lips si mae, pero laking gulat nya na hindi pala smack ang gusto nyang kiss, torrid kiss pala. Nagulat si raffy nun una pero hindi ako nagpatalo, laban din ako syempre haha. 5 minutes ang tinagal ng kiss nila at nasa isip isip ni raffy na palaban pala itong si mae.




Itutuloy… mahaba haba pa ito haha.
 
Last edited by a moderator:
mukang hahaba yun short story mo TS :) hahaha abang abang sa kasunod na kabanata.. salamat
 
mukang hahaba yun short story mo TS :) hahaha abang abang sa kasunod na kabanata.. salamat

Intense agad TS ahahaha. Abangan ko to :thumbsup:

Update ko kapag hindi na busy at gumana na utak ko ng normal :lmao:
Intense agad.. mas intense yan next update :naughty: :lmao:



Anyway thank you for reading my fantasy story :lol:
 
So ayun nakauwi na ako at natulog na. Kinaumagahan ay cellphone agad ang hinanap at tinignan kung may message si mae, pagtingin nya meron nga kaya yun ngiti ay abot tenga.

R
“Good morning mae iloveyou! Wait ligo at pasok na ko, ingat sa pagpasok sa school!

Dali dali ako naligo kasi late na ko haha, araw araw late kaya napapagalitan ako lagi ng mababait na konsehal e. Pagkarating ko sa barangay hall open agad ang phone at wifi tinignan kung may reply si mae, nalungkot ako kasi walang reply ewan baka hindi yun nag oopen ng phone kapag papasok, so ako inasikaso ko muna mga nadating na tao, pass 10am naubos na yun tao so it’s free to check my facebook haha, pagka open may message dali dali ko binuksan at si mae na! YES! Lol

M
“Pasensya na Raf late reply ako naligo at nag ayos kasi ako papasok sa school eh, nga pala may prob ako mamaya pwede ba ko ulit magpatulong sayo? Hirap kasi ako pagdating sa computer eh”

R
“Ok no prob mae chat ka lang or text mamaya kung pupunta na ko, basta wag 8am-5pm kasi nasa office pa ko yan”

M
“Ok sige wait may class na kami, see you mamaya iloveyou!”


So ayun nga tinulungan ko sya, ramdam ko na talaga hirap sya kaya sa mga nagdaang araw ay lagi na ko andun sa b.house nila kahit walang assignment or project na gagawin tambay lang ako sa b.house, konting fast forward natin kasi hahaba lalo. 1st monthsary na naming, so ako naman may surprise bumili ako ng chocolates and flowers tapos post sa fb na picture together with mahabang caption lol. Yun fb post nauna na then yun flowers and chocolates to follow pag awas sa office. Nagkaroon lang ng konting problema kasi dumagsa araw nay un kaya pagdating ng 5pm latang lata ako dahil sa sobrang daming tao. Kaya noong pauwi na ko hinang hina ako paglalakad pauwi at noong nasa amin na ko biglang may nag text sakin na expect ko na si mae yun. Pag open ko sa phone at message sya nga.

M
“Raf medyo ma late ako ng uwi 8pm ah kasi may tataposin kami sa school pa, punta ka 8:30pm. Nga pala kanina ko lang nabasa yun fb post mo haha ang haba nang caption! Happy 1st monthsary ulit iloveyou! See you mamaya :kiss:


R
“Sige haha see you mamaya iloveyou! Pahinga lang ako konti pagod din ako”

Nagpahinga ako at natulog ako nag bilin ako sa mama ko na gisingin ako ng 7pm kasi may pupuntahan ako, pag higa ko ng 5:20pm tulog agad ako, nanaginip ako nun hindi ko lang alam kung ano nang biglang may tumatawag sakin na mahina na papalakas.. “Raffy!....Raffy!....Raffy! 8:20pm na pala nakalimutan kitang gisingin ng 7pm.

R
“WTF! 8:30pm usapan namin hayyyyss! Dapat pala nag alarm nalang ako!”


Dali dali ako nag ayos at kinuha ko si phone ang daming missed calls at text yare! Open din ako messenger dami din message nya waaah!. Inom ako tubig tapos may nakita akong Pineapple juice ininom ko ng dali dali sabay sibat. Hindi na ko nakakain non sa pagmamadali kaya nung naglalakad ako kumukulo tiyan ko haha. Nakarating na ko sa pinto ng b.house nila 8:45pm ako nakarating to be exact, 15mins lang naman ako late kaya ok lang to hindi sya magagalit lol. Kumatok ako ng 3 beses at binuksan nya yun pinto, natulala ako sa nakita ko.

M
“tsk late kana dami kong call at text at chat pa, ni isa wala akong natanggap na sagot?!”

R
“Sorry Mae kasi nakatulog ako nagpagising ako kay mama pero 8:20 ako ginising e, sorry talaga”

M
“hays oh sya pumasok kana dito”


So ayun pumasok na ko nang naka ngiti at napa bulong nalang ako sa sarili ko na “P*cha mapapabalan ata ako ah” Suot kasi nya sando lang na manipis na pang tulog tapos short na pink na manipis din na pang tulog. Dali dali ko binigay yun regalo ko at kiniss sya sabay sabing “Happy 1st monthsary Mae” ganon din sinagot nya at yun ngiti nya ibang iba haha.



BABALA!!! Ang sumunod na eksena ay SPG so pinili ko nalang sa ADULT CHAT ipost para damang dama nyo hahaha
NOTE: Kung hindi nyo feel basahin yun SPG you can skip.

SPG moments :naughty:


 
Last edited by a moderator:
Ampotek. nabasa ko na dn SPG! hahah iba ka TS hahaha.:rofl::rofl::rofl: Proven na cobra at ice cream. Snow bear soon to test :naughty:
 
Ampotek. nabasa ko na dn SPG! hahah iba ka TS hahaha.:rofl::rofl::rofl: Proven na cobra at ice cream. Snow bear soon to test :naughty:

Hahaha astig ba! :rofl:
Tapos na yun SPG part, basahin mo ulit :rofl:



----UPDATE----

Inumaga na ako ng uwi 5:50am nakauwi ako samin, gising na silang lahat patay! :lmao: kumatok ako sa pintuan ng bahay namin at pinag buksan ako ng kapatid ko na lalaki. Pagkapasok ko palang sa bahay andon na mama ko nagkakape nakatitig sakin tiger look :rofl: biglang nagsalita “San ka natulog raffy at hindi ka manlang nag sabi hindi ka uuwi?” sagot ko “Nawalan ako ng load eh ttext ko sana kayo, andon ako sa b.house ng gf ko, nagpatulong sakin sa project eh ang hirap inabot kami ng madaling araw” :naughty: :rofl: tanong ulit ni mama “Anong project naman yun at inabot kayo ng ganong oras ha?” sagot ko “Tungkol sa life span eh basta hirap ipaliwanag” nagkatitigan kami ng kapatid ko na lalaki tapos ganito reaction nya -> :naughty: :lmao: Banggit ni mama “Meron ba non?!” sagot ko “Oo naman ma ano ka ba” nagkatitigan ulit kami ni kapatid :naughty: :rofl: At pagkatapos nang Q&A dali dali na ko naligo at pumasok sa office, maya maya nakakaramdam ako ng body pain :slap: tapos parang tamad na tamad ako magkikilos at hindi makapag isip ng tama kasi puyat nga. Natapos ang mga ginagawa ko 2:30pm na. Nag open ako ng facebook wala pa chat si Mae. Online sya 14 hours ago pa kaya ako na nag chat.

R
“Busy ba Mae? Chat ka or text ha kapag hindi kana busy iloveyou!”


4:20pm nag text sya sakin

M
“Raf pasensya na ah nagmamadali kasi ako kanina 11:30am na ko nakapasok ih, sakit buong katawan ko parang lalagnatin yata ako ang init ko kasi, uminom na ko ng gamot kanina, maya punta ka sa b.house. Iloveyou!”

R
“Geh punta ako, dadala ba ulit ako ng candy? HAHA :lmao:

M
“Lul sige ikaw lang kakain yan, masakit katawan ko!”

R
“Galit ka? Haha joke lang masakit din katawan ko e, geh maya na may tao na dito”

Nag out na ko ng 5pm dali dali ako umuwi samin at nagpalit ng pang bahay na damit. Kahit na masama na pakiramdam ko rin punta pa rin ako kela mae baka mag beast mode :lol: Malapit na ko sa b.house nila Mae may mga tambay sa labas. Nag uusap usap sila meron daw nasigaw na babae tapos ungol ng ungol daw. Ako naman nagmadali ako maglakad sa isip ko tawang tawa ako :lmao: Naandon na ko pero wala pa si Mae kaya pumasok na ko sa b.house, binigyan nya ko ng duplicate ng susi sa lock nya, ituring ko na daw pangalawang bahay yun b.house nila :naughty: :lol: Wala pa pagkain kaya nag luto na ko ng sinaing at ulam, para kakain nalang sya pag uwi. 7:20pm wala pa sya kaya nag ol na ko sa facebook, 5 hours ago pa sya online kaya nag text na ko sakanya.

R
“Mae saan kana? Nakaluto na ko ditto sa b.house uwi kana lalamig pa tong ulam.”

8pm na sya nakarating at parang pagod na pagod sya.

M
“Pasensya na Raf natagalan ako, nag ol ka ba o nag text? Lowbat phone ko kaya hindi ako naka response sayo pasensya na.”

R
“Oo nag ol ako at text sayo, pagod na pagod ka yata? Musta pakiramdam mo?”

M
“Daming ginawa sa school tapos sa P.E nag basketball pa, hindi na ko masyado nagkikilos at sakit nga ng katawan ko.”

R
“Uminom ka ng alaxan yun lang din ininom ko kanina at medyo naging ok na ko, wait ibibili kita”

Lumabas na ko at tinawag ako ng lola ko, lumapit ako at tinanong kung bakit. Pero nagtaka ako naka ngiti agad sya :rofl:

L
“Toy san ka pupunta?”

R
“Bibili po ako ng gamot para kay Mae masakit po katawan la”

L
“Ikaw toy ah hinay hinay ka rinig namin yun ingay kagabi, anlakas e”

R
“……………. “

L
“O sige na bili na ng gamot”

R
“Sige po la”


HAHAHA maygudnes! Sabi na eh :rofl: tsk tsk sa susunod lalagyan ko ng masking tape bibig ni Mae :rofl: Nakabili na ko ng gamot at bumalik na ko sa b.house, nakita ko si Mae nakahiga na kaya nilapitan ko sya para iabot yun gamot at inumin.

R
“Mae kumain ka muna at uminom ng gamot bago ka matulog dyan”

M
“Ano ulam? Buhatin mo ko papuntang lamesa” naka ngiting pagkakasabi nya.

R
“Ang bigat mo Mae saka hindi kana baby para buhatin pumunta kana ditto”

M
“P*cha kagabi anlakas mo ah, nabuhat mo nga ako! Ngayon hindi? Sumubo ka ng candy baka lumakas ka”


Nagkatitigan kami ng bruha at tumawa :lmao: hindi naman candy ang source of power ko nun :laugh: Lumapit na sya sakin at imbis sa upuan umupo sakin umupo ang bruha.

R
“Mae ayun ang upuan oh, saka ambigat ng ano” :rofl:


Sinampal nya ko ng mahina at tinignan ng nakataas ang kilay

M
“Ng ano? Ituloy mo”

R
“Hindi ako lalaban haha, ambigat mo kumain kana nga don”

M
“Ayoko!”

R
“Bakit?”

M
“kiss mo muna ako”

R
“Bibili muna ako ng candy wait” :rofl:

Sinampal nanaman nya ko :lmao:

M
“Bugbog ba gusto mo? Sakit nga katawan ko eh, pag ako nainis bibilhan kita ng madami non at ipapalunok ko sayo ng sabay sabay!”

R
“Joke lang naman, kumain kana dun kasi kulit mo eh!”

Umalis sya sa pagkakaupo sakin at kumain ng mabilis at ininom yun gamot, ang bilis talaga nya kumain parang real quick :rofl: tapos sabi nya I massage ko daw sya. Saktong sakto medyo may alam ako sa pagmamassage! Lumapit ako sakanya agad :naughty: :lmao:


M
“Maalam ka ba talaga mag massage? Baka kung saan saan makarating yan kamay mo huh!”

R
“Oo naman no shall we see!”

Kinuha ko muna yun VIX na nakatago sa aparador nya at ginamit yun sa pag massage sakanya. Inuna ko muna sa ulo nya, habang massage nag kwento ako about dun sa ingay nya kagabi, sabi ko ang dami nakarinig at pati lola ko narinig, ewan ko baka I chismis pa non, wala syang imik kaya diretcho lang ako sa pag massage sakanya, sinunod ko yun balikat nya, yun massage ko between soft and hard kaya napapa “ahhhh sige diinan mo dyan” kaya sabi ko wag mo ilakas pwede ibulong mo lang :rofl: natapos ko na sya I massage at tinignan ko yun oras 9pm na pala, sabi ko uuwi na ko, bumangon sya at lumapit sakin. Hinalikan nya ko tulad nun :naughty: :lmao:


M
“Ingat ka pag uwi iloveyou and thank you! :kiss:

Nag iloveyou lang din ako at kinindatan ko sya ng isa :naughty: :rofl: dali dali ako umalis non kasi madilim sa daan, medyo takot ako sa madilim :rofl: kaya nag flash light ako gamit phone.








TO BE CONTINUE!
 
Last edited by a moderator:
Fast forward natin, Sa isang relasyon naman normal lang yun away bati, ganon lang din yun nangyari samin ni Mae tulad ninyo at ng iba. Dumating sa point na nakipag break sya pero di rin naman nagtagal at nakipag balikan din. Yun ang uso ngayon diba? Break tapos balikan :lol: Saka doon din natatag ang isang relasyon. Lumipas ang ilan buwan. Madalang na ako pumunta sa b.house nila Mae, ikaw ba naman laging naandon hindi ka magsasawa? :lol: kaya ginawa ko ay nagpamiss lang sakanya ng kaunti. Nag chat sya sakin.

M
“Ano raf walang paramdam ah! Pagpatuloy mo lang yan sige lang!

R
“Busy ako pwede ba Mae, napunta naman ako dyan kapag hindi diba?

M
“Kelan yun huling punta mo dito? Last week! Saka napaka lapit lang ng b.house ko sa office nyo hindi ka manlang makasaglit!!!!”

R
“Hayyysss! Sige sasaglit ako dyan mamaya”

M
“Wag na!!!”


Hindi na ko nag reply at nag offline na ko at umuwi, biglang nag text sya at sabing “T*ngina to biglang nag o-offline hindi ka manlang nag reply!!! Wag kana papakita sakin kahit kelan! Break na tayo!” Hindi rin ako nag reply kasi nakakabwisit lang hayyy haha. Mag 1 year na kami this coming week. Kaya kampante naman ako hindi yun totoo. Meron na ko nakahandang surprise with presentation (ginagawa ko na to since highschool) It takes an hour to edit and render, nilagay ko sa presentation yun mga happy moments namin and mga pictures namin with music background tapos sa huli long message para sakanya. So ayun 9:30pm na pero wala padin syang text, kaya ako nag punta nang wala sa oras. Praning din ako eh. Naandon na ko sa may tapat nila kumatok ako, naka ilan katok ako sa pinto pero ayaw ako pagbuksan, kaya tinakot ko ng kaunti :lol: sabi ko “Pag ka hindi mo binuksan pinto wawasakin ko to!” 5 seconds bukas na :rofl: naka kunot ang noo nya kaya halata mong galit, kaya ako inaya ko kumain sa labas “kumain kana ba? Bihis ka kain tayo sa labas” sagot nya “kumain na ko, tutulog na nga ako bigla kapa dumating dyan” sagot ko naman “Wag kana magalit ok? Next week gala tayo” sumagot lang sya na Bahala ka. Nagsalita ako na dito ako tutulog pwede? Sagot nya “Tumigil ka umuwi kana pwede diba break na tayo bakit kapa naandito” medyo nainis ako kaya “Naandito na nga ako diba? Pinuntahan na kita kahit na gabi na, nag aalala ako sayo e, tapos ganyan? Bahala ka kung yan gusto mo edi break!” hindi na ko nag intay ng sagot nya umalis na ko agad. Pabebe din ako ng kaunti :rofl: ganyan kami sa loob ng 1 year, akalain mo yun tumagal? :lol: Pero mahal namin ang isa’t isa kaya nag aaway pero hindi maghihiwalay :wub:

Patigasan kami hindi ako nag chat/text sakanya, mataas din pride nya kaya pataasan kami :lol: Nagdaan ang 3 araw wala parin chat/text sya kaya napa buntong hininga nalang ako at napasabi nang “grabe tong babae na to ayaw magpatalo ah, kaya ako nanaman ang talo. Kaya bili ako ng Jobee ng makakain tapos sibat sakanila, pampawala ng galit :lol: hindi na ko kumatok kasi naka bukas yun pinto, andun sya naglalaptop gumagawa ng project nila na sya lang yun gumagawa :slap: . Tinignan nya lang ako tapos balik ulit sa pag lalaptop. Nilagay ko muna yun dala dala ko sa lamesa tapos lumapit sakanya, dumagan ako sakanya :lol: mambwibwisit :lol: “Ano ba raf? May ginagawa ako need na naming to matapos” sagot ko “Need nyo na matapos? Eh ikaw lang nagawa yan oh, asan mga ka-group mo? Ano yun ikaw lang lagi gagawa ng mga group projects?” Hindi sya umimik sa sinabi ko, sabi ko ulit “Kumain muna tayo Mae tigilan mo muna yan, pagkatapos natin kumain tulungan kita” Hindi din sumagot ang bruha umalis agad sa tabi ko at pumunta sa foods :slap: :rofl: So ayun kumain muna kami mukhang gutom sya halos sya nakaubos eh :rofl: bigla ako nagsalita “Mae mukhang gutom kapa ah bibili pa ko?” :rofl: sagot nya “Sige kung may pambili kapa :lmao:” sagot ko “Sige basta mamaya ako naman kakain :naughty: :rofl:” hindi sya sumagot at tumawa lang :rofl: Natapos na kami sa pagkain kaya ako na gumawa ng project nila, sinabihan ko nalang sya na maligo na at sa bahay na muna namin kami mag stay” tanong nya “Bakit? May okasyon ba?” sagot ko “Wala, gusto lang kita isama don samin at unfair naman ako lagi napunta dito sayo ikaw once a month ka lang ata pumupunta samin, miss kana ni mommy :rofl:” tumawa lang sya at pumunta nang banyo at naligo na.



~ TBC
 
hehehe malikot talaga imahinasyon mo :rofl: lalo nakasama si huka:excited:yge
 
hehehe malikot talaga imahinasyon mo :rofl: lalo nakasama si huka:excited:yge

Uy napadpad ka dito :rofl: syempre doon na nga lang ako magaling :lmao:

Anyway thanks for visiting :lol:


Enjoy reading! :naughty:
 
malikot na imahinasyon at matabang utak hahaha good one TS! :thumbsup:
 
ipagpatuloy mo lang ang pagsusulat gamit ang iyong malikot at malikhain imahinasyon mo. :salute: abangan ko ang mga obra mo.

Nakarelate ako sa kwento mo kaya na engayo akong basahin, iba talaga kapag istudyante, masipag... mag-aral :D
 
Back
Top Bottom