Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story My Unending Hour

My Unending Hour

Maraming paglalakbay ang gagawin natin sa buhay. At sa bawat paglalakbay ang daming pwedeng daanan, may mga daan din na dapat iwasan.

Minsan nga sa sobrang dami ng daan, bukod sa nakakalito na, nakakaligaw pa. Mapapatong ka na lang, saan ba talaga yung tama? Ano nga ba yun tama? Ulitmo nga yung mga GPS nalilito na sa dami ng highways at shortcuts.

Yun ngang usong-usong “hashtag travel goals”, iisipin ko pa lang maglista ng bucket list ng “places I want to visit before I die” eh nakakapagod na. Pwede bang magkaron na lang ng isang straight na daan? Tapos andun na lahat, madadaanan mo na lahat, makikita mo na lahat, maeexperience mo na lahat.

At yun mga crossings sa kalye, yung crossing na may nickname na pedxing, pang-asar yun eh. Lalo na yun crossing sa kanto ng Buendia, yung eksaktong tawiran na yun, bwisit yun talaga, pahamak.



Isang umaga na naka-fast forward ang kilos ng lahat ng tao, dahil Monday nanaman at kailangan pumasok at magtrabaho. Habang patawid ako sa crossing ng Buendia. Doon ko unang nakita ang ngiting nakapag-pa-slow-mo ng mundo ko. Napa-shit na lang ako dahil weakness ko talaga yun mga ganitong klaseng ngiti. Hindi ko nga alam kung sinadya ba talagang sa akin sya tumingin saka ngumiti. Tangina naman kuya oh, natunaw ang puso ko that instant eh.

Para bang na-magnet akong sumunod sa kanya, wala nga akong pakialam kung palayo sa building namin ang punta nya basta malaman ko lang kung sino sya, san sya nagtratrabaho, o single pa ba sya. Kaso ang bilis ng lakad nya, na parang may hinahabol at lumulutang sa hangin sa bilis pero yung aura nya napaka-positive, masasabing kong masaya sya, masayang-masaya pa nga ata.

Hiningal ako sa paghabol sa kanya at sa totoo lang ang sakit-sakit ng mga binti at paa ko dahil sa tiis gandang heels na pinilit akong bilhin dahil sale sa Glorietta. Hindi naman kasi nainform ni tadhana na may mga ganitong ganap today.

Sinundan ko sya hanggang sa Coffee Bean kung san sya pumasok, baka sakaling makahanap ako ng tyempo na maapproach sya. Kahit ako pa magbayad ng kape nya, the hell I care, desperada moves man, eh na love-at-first-sight ako eh.

Kaso hindi ko kinaya ang mga sumunod na tagpo. Hala sya! may babae mineet sa coffee shop. Sakit bes! At yun halik nya sa labi ng babae, yun yung nakapagbalik sa akin sa reyalidad na 8:05 na at late na ko sa trabaho. Tinatamad na din ako pumasok dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. November na ngayon at nagamit ko na lahat ng sakit para makapag-sick leave at ang natitira kong vacation leave eh budgeted na sa darating na pasko. Kung pwede ko lang sana gamitin yun 3 days kong bereavement leave eh gagamitin ko na, tutal naman pinatay na ni kuya ang puso ko.

Para tuloy ang sarap mag-kape, yung expresso, yung bagong kulo. Yung pinaka-matapang na kaya akong gisingin sa katotohanan. Sasabayan ko na ng biskwit tutal meron naman ng dapat paglamayan.

Pero bakit ganun? Yung masayang tagpo kanina biglang nagbago. Umiiyak ba sya? Kung oo, bakit doble sa 'kin ang sakit? Bakit ang sakit-sakit para sa 'kin ng tagpong ito. Yung ngiting nakapinta sa labi nya kanina nabura na. Sa pagkakatitig ko sa kanya eh hindi ko na nga napansin na wala na pala ang babaeng nasa harapan nya. Anong nangyari? Anong nangyari?! Halos gusto kong isigaw.

Eto nanaman ako na parang sirang lalapit sa kanya, aabutan sana sya ng panyo, aalukin syang dito sa tabi ko maupo, na dito sa balikat ko umiyak, handa akong makinig sa kanya at i-assure sya na magiging okay din ang lahat. Kaso bago pa ako makalapit, nakaalis na sya. Wala akong magawa kundi sundan na lang sya ng tingin. Nawala yun kanina nyang sigla. Sana maging okay agad sya. Yun na lang ang tangi kong nahiling.

Napaupo na lang ako sa silyang binakante nya, hawak ang kaninang kapeng iniinom nya. Anong nangyari kuya? Ganun ba kabilis nasagot ang bitterness line ko na walang forever at maghihiwalay din kayo?

Parang naamoy ko pa sya, yung tipong ‪8 am‬ pa lang pero amoy 11:55 na. Just so he know, ito yung scent from Oxygene na nakakapag-pa-head-over-heals sa 'kin kapag naamoy ko. But wait, teka lang! Ibig bang sabihin nito bumalik sya? Kinakabahan pa akong dahan-dahang tumalikod to check kung nasa likod ko sya. Contemplating of what will be my excuse, why am I sitting here and why am I holding his cup of coffee.

Magkahalong panghihinayang at relief yun naramdaman ko, relief na buti na lang wala sya pero sayang naman kasi wala sya. Ang gulo ko! Pero napangiti ako sa nakita ko. Yun dahilan kung bakit ko sya naamoy. Naiwan pala nya sa sandalan yun jacket nya. Yun lakas maka-pogi points nyang jacket. Bigla tuloy akong kinilig.

Sorry na pero hindi ko matiis. Pagkakataon ko na kaya to. Sumandal ako at inimagine ko na katabi ko sya, na nakaakbay sya sa likod ko tapos yayakapin nya ko. Pervert na kung pervert, imagination na nga lang eh, pagbigyan na.

Ang nakapagpatigil na lang sa imagination ko eh yun black box sa tabi ng chocolate cake at dahil sa pakielamera ako binuksan ko. At ayun, sing-sing ang laman. Nagse-serve na pala ang Coffee Bean ng accessories. Then I realized na ang tanga ko pala. May proposal keme pala kanina. And kung tama ang pagkakabasa ko sa nangyari kanina, I guess she said no. At ito siguro ang dahilan ng mga ganap kanina. Now I know kung bakit ganun na lang kasakit yun ganap kanina. Bakit ganun na lang kapait yun pagbabago ng aura nya. Tinanggihan ka nya, pero bakit? Kinaganda nya ba yun?

Napaisip ako kung babalikan kaya nya tong mga naiwan nya? Baka. Pwede. Siguro. Aantayin ko ba sya? Pwede. Siguro. Maghihintay ako.

Pero may isang oras na nakalipas nun umalis sya, maghihintay pa ba ko? Pwede pa? Pero "tanga umuwi ka na" ang sagot ng utak ko. Pero yun gamit nya eh? Iiwan ko na ba sa guard? Eh ayoko. Siguro yun jacket pwede kong ipagkatiwala pero ayoko pa rin. Tapos yun sing-sing? Wag na, mahirap na.

Speaking of the ring, masyado ba ko naaliw at nawala sa isip kong naisuot ko na pala sya. Pero in fairness ang ganda nya at bagay sa 'kin. Parang sinukat. Parang para sa akin talaga. Gusto ko kasi yun mga ganitong style, simple pero malaki yun rock. Haha. Yayamanin eh. Pero bakit bigla akong kinabahan? Bigla akong nanlamig at pinagpawisan. Totoo ba 'tong nakikita ko? Ahhhhh, may pilit na nagbabalik.



Sa byahe ng buhay, marami tayong pwedeng daanan. May deretso at may paliko. Minsan sa nakaraan natanong ko kung bakit ba hindi na lang isang deretso ang daan? Huwag ng masyadong pahirapan. Eh kaya naman pala kasi, sa bawat kanto at crossing ng paglalakbay may mga bago tayong matutunan, may mga bagay na pahahalagahan. At sa bawat paghakbang natin sa buhay may maari tayong makasalubong na pwedeng makikala at maging kaibigan at kung papalarin baka makasalubong mo rin ang taong pwede mong mahalin.

Katulad na lang sa crossing ng Buendia kung saan nagsimula ang lahat. Kung saan kita unang nakita, kung saan ako unang umibig sa'yo.

Itong daang ito ang babalik-balikan ko. Gamit ang jacket na naiwan mo, suot ang sing-sing mong pangako. Kaya andito ulit ako mahal ko, naghihintay sayo. Tatawid sa kalsadang naging paborito ko. Nagbabakasakaling muli kang makasalubong at susundan hanggang sa ating tagpuan. Magiging mahirap man ang tagpong babalikan ko ang masakit nating paghihiwalay, wala akong pakialam, uulit-ulitin ko to, bubuhayin kita, hanggang sa ngumiti kang muli.
 
Last edited:
ayos tong story na 'to.. kakaiba yung tinakbo. sana tama yung pagkaunawa ko.. husay!

:thanks: for sharing! dumadalas na ulit ang pagsusulat mo.
 
Last edited:
ayos tong story na 'to.. kakaiba yung tinakbo. sana tama yung pagkaunawa ko.. husay!

:thanks: for sharing! dumadalas na ulit ang pagsusulat mo.

and hopefully magtuloy-tuloy pa.
:thanks: for reading :);)
 
Ang ganda po my natutuhan ako ������☺����������

talaga po ba? buti may napulot ka. :lol:
:thanks: for reading
 
magkano kaya ang sing sing na iyon?

hehe
 
hehehe,,sad story naman ts,,pero alam ko yan kalsada na yan,,yan yun buhay natin...
 
magkano kaya ang sing sing na iyon?

hehe

naku hindi ko naestimate kung magkano eh. :lol:
:thanks sa pagbasa :)

- - - Updated - - -

hehehe,,sad story naman ts,,pero alam ko yan kalsada na yan,,yan yun buhay natin...

malungkot ba?
ingat-ingat sa pagtawid ha? :lol:

:thanks: for reading my story
 
Back
Top Bottom