Ang hirap maging masaya noh? Yung paulit ulit mong gagawin yung pang araw araw mo. Nakakasawa. Nakakaumay.
Ang pinakaimportante kasi eh alamo kung anong gusto mo sa buhay. Ano nga bang mali? ANo nga bang gusto mo? Bakit hindi mo alam? Hindi mo nga ba talaga alam o sadyang kinalimutan mo yung mga bagay na gusto mong gawin kasi iniisip mo na hindi na ito posible?
Gusto mo magaral pero walang time at pera? - Alamo ba na kung may bagay kang gustong mangayare eh gagawin mo lahat para lang matupad yun. Eto. Isa ito sa mga gusto mo. Dba ibig sabihin nito eh alamo kung anong gusto mo pero mahirap.
Kung mahirap maging masaya, mas mahirap yung hindi mo tinatangap kung anong meron ka ngaun. Mas mahirap mabuhay ng palagi ka na lang malungkot. Maas mahirap magisip kung bakit ganito o ganyan mga nangyare sayo at bakit sa dinami dami ng tao sayo pa nangyare.
Hindi ba pwede na maging masaya ka sa kung a nong meron ka? Hindi ba pwedeng magpasalamat ka kasi may trabaho ka? Hindi ba pwede na maging masaya ka kasi kumikita ka ng mahigit limang daan sa araw araw? Hindi ba pwede maging masaya ka kasi you are stronger than you think you are, imagine, sabi mo hindi mo alam ang gagawin mo, naguguluhan ka.. pero pumapasok ka sa trabaho. nagagawa mo yung trabaho mo ng maayos. Hindi ba pwede magisip ka ng positibo sa buhay?
Acceptance. isa ito sa mga kailangan mo ngayon. Tanggapin mo ang buhay na meron ka. Mahalin mo kung anong meron ka. Nasubukan mo na bang tangapin mga yan? Baka sakali gumaan pakiramdam mo kung tatangapin mo kung anong meron ka. Tandaan mo, madami kang natutunan sa lahat ng pinagdaanan mo at pagdadaanan mo. BE GRATEFUL EVERY DAY.
hindi ako masaya dahil napako ako sa sitwasyong gusto kong makawala pero hindi pwede.
Ano ba yang sitwasyon mo at hindi ka makawala? So sige, tumigil ka. Ikaw na din nagsabi na mawawalan ka ng pang bayad ng bahay at hindi ka makakain. worse case scenario, hindi ka na makakapagmobilarian.
Imagine, ganyan ang situation mo pero nakakapag Mobilarian ka pa din.
Hindi mo ba naisip na magkaron ng goals sa buhay? Kahit gaano ka pa nakakulong sa isang situation, maari ka pa din magplano upang matupad mo yung mga pangarap mo. Naisip mo nga magopen dito sa mobilarian eh, pagpaplano pa ba ng goals sa buhay?
Bakit uso sa atin magpakain sa problema? Hindi ba pwedeng yung problema ang mamroblema sa atin?
Napakaikli ng buhay. Wag kang mabuhay ng malungkot or onting problema lang eh parang give up ka na. Wag ka maguluhan, wala sa simula o gitna o dulo yan. Kahit matanda ka na at gusto mo magsimula, magagawa mo. Wag kang nega sa buhay.
wala akong talento, wala akong hilig, di ako magaling sa kung saang bagay. Ang tanong, nasubukan mo na ba lahat? Sumubok ka muna. ♥
Kahit hindi ka naniniwala sa kanya, ipagdadasal pa din kita. You have many blessings. Wag kang bulag.♥
PS: Ang late na ng comment ko. Hoping ako na maayos ka na ngayon. ^^