Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Nang dahil sa isang orasyon

Orgenman

Recruit
Basic Member
Messages
4
Reaction score
0
Points
16
Good afternoon mga ka-symbian. Nais kong humingi ng tulong sa inyo kung paano malulutasan itong kakaibang pangyayari sa'kin. Simula kasi nung binigyan ng orasyon yung erpat ko ng isang manggagamot, nung inusal namin, nagsimula akong makarinig ng mga boses na hindi naririnig ng iba. Buong araw silang nagpaparinig sa'kin, nung una mga compliment ang pinaparinig sa'kin, pero ngayon hindi na maganda, tulad ng manakit ka ng kapwa, etc (pero siyempre hindi ko ginagawa). Isang kamalian pala ang paghingi ng tulong dun, akala ko makakatulong pero hindi pala. Kung may maitutulong kayo sa'kin, salamat :)
 
Orasyon ,salitang kastila,na ibig sabihin sa tagalog ay dasal,,,,,,kung libretang orasyon latin ang binigay sa tatay mo,pasunog mo ts ,baka dasal na masama ang nabanggit ng tatay mo,
 
Nasunog ko na dati pa eh, pero ganun pa rin. Nakakarinig pa rin ako ng mga kung anu-anong boses.
 
Baka naman may sakit na ikaw sa pagiisip ha? Ako din kasi may madidinig na nagsasalita sa akin mula pa ng teenage days ko. Siya nga ang nagsabi na magreply ako sa thread mo.

Medyo weird nga. Pero ako masasabi ko na matino akong tao at walang tama ang utak ko. Kahit basahin mo pa ang mga posts ko dito sa symb.

Advice ko sa'yo suriin mo mabuti ang sarili mo. Kung sigurado ka na di ka lang nappraning, magrelax ka at para makaisip ka ng mabuting paraan para malutas yan. Ikaw ang makakalutas sa problema mo.

Humanap ka rin ng makakausap na tunay na may alam sa mga orasyon. Sana nga nailista mo dito kung ano ba ang orasyon na sinasabi mo para matulungan ka namin.

Mabuhay ka TS at Godbless you.

:hat:
 
Maayos kalusugan ko, walang sakit, palagi pa ngang malinis tenga ko eh. Hehe. Pero seryoso, 'di naman ako napapraning. Pero nagsimula talaga lahat yun dahil dun. (Mumurlum mumurtum mumurciatum yung orasyon) Tinatanong ko pa nga kung may naririnig yung mga kasama ko dito sa bahay na ibang nagsasalita eh wala raw. Sa ngayon wala pa akong nakakausap na may kaalaman sa orasyon, naghahanap ako sa net kung ano yung orasyon na yun pero wala akong makita. Pero pag nakakarinig lang ako mahina lang, kumbaga murmurs ganun.
 
Against Lumay, gayuma and love potion to be freed from it.

MURMURLUM MURMURTUM MURCIATUM
EGOSUM
CRUZEN
PORTES PARTES

Ayan ts , eto naka list yung orasyun mu, kunting tanong lang ts bkt nyu gnmt yung orasyon ,para san ?
 
Yung tatlong nabanggit ko lang ang nadasal namin ng erpat ko eh. Dati kasi may sakit ako. Tapos ayun simula nun nakakarinig na ko.

Saka wala akong lovelife for the past few years. Enjoying the single life ako eh. Haha.

EDIT: Tapos eto pa, tinago ng erpat ko sa wallet niya yung papel. Nang tinignan ko matapos ng ilang buwan napalitan yung nakasulat: Aum arimpas aum na. Pagkakatanda ko talaga murmurlum murmurtum murmurciatum yung nakasulat tapos biglang naging ganun.
 
Last edited:
sorry ts, its symtoms of mental ill called shizophrenia,before too late need psychiatrist help
 
T.s eto sabihin q sayo kaya inutos ng Dios eto


Deu 18:10-11

10 Huwag makakasumpong sa iyo ng sinomang nagpaparaan sa apoy ng kaniyang anak na lalake o babae, o nanghuhula o nagmamasid ng mga pamahiin o enkantador, o manggagaway, 11 O enkantador ng mga ahas, o nakikipagsanggunian sa mga masamang espiritu, o mahiko, o sumasangguni sa mga patay.



kasi may masamang epekto talaga yan...kung ako sau mananalangin ako lagi kaya lang di ka sa rebulto manalangin...kung gusto mo tulungan kita p.m mo ako...masamang espiritu yan...dapat labanan mo ng spiritu din yan...sa tamang paraan po...
 
Last edited:
Ang nangyayari kasi TS ay: Ang mga tao ay humihingi ng tulong sa mga espiritista, albolaryo, manghuhula, etc, para labanan diumano yung mga masamang espiritu. Ang problema kasi, yung mismong pag-gawa ng mga pag-aalbolaryo, panghuhula, mga esperetismo, ay galing din sa mga masamang espiritu. Hindi alam ng mga tao na humihingi sila ng tulong sa masamang espiritu para labanan ang masamang espiritu. :slap: Pakicheck mo po yung link, baka makatulong sayo TS. :)

Kaya Bang Kontrolin ng Diyablo ang mga Tao?
Kung paano inililigaw ng mga demonyo ang mga tao
 
Orasyon o dasal,sa panahon lumang israelita o judio gumagamit na ng salita may kapangyarihan ang mga judio ,ito ay sa wikang aramaic o hebrew ,sa pagssalin ng biblia sa latin kasama na ang ,septuagent version na greek bible ni st jerome,mas naging sikat ang orasyon o dasal na gamit bilang mahika o charm para sa sino mang tao,sinasabi pa maging mga angel na naisama ni lucifer sa lupa ay gumagamit din ng makapangyarihang salita ,ayon sa salitang gamit nila,opisyal na wika ng vatican ang latin na lahat ng orasyon na gamit ng alburario salin sa latin na sailta ,at ibang latin nagagamit talaga bilang charm,ngayon ts ano ba ang ibig sabihin ng latin na dasal ng tatay,baka naman hindi mo naitindihan,kaya ka nagkakaganyan
 
Last edited:
TS anong Orasyon? PM mo skin bka matulungan kita albularyo uncle ko meron xa npakaliit na libro ginagamit nya tuwing madaling araw nagdarasal xa gamit yun

- - - Updated - - -

TS meron kc tinatawag na tagapatay ng orasyon yun mkakatulong sau
 
nagpacheck ka ba sa mga doctor ?

baka naman may bukas na rugby or thinner sa bahay nyo at nalalanghap mo lang.

relax, check out muna sa doctor.
 
nagpacheck ka ba sa mga doctor ?

baka naman may bukas na rugby or thinner sa bahay nyo at nalalanghap mo lang.

relax, check out muna sa doctor.

lakas ng tawa ko dito :rofl:

ALAK lang katapat nyan . inom ka mga 3 hanggang apat na red horse then itulog mo ok na yan, huwag mo inuman ng gamot lalo ka masisiraan ng bait

tuwing umaga mag exercise ka ,magpapawis , tapos sa gabi inum ka ulit ng Red Horse , araw araw ganun , Huwag na Huwag kang iinum ng mga psychotic drugs ,huwag kang kumain ng baboy
 
There's no one can help you TS BUT OUR ONLY GOD JESUS CHRIST just pray ts and have faith also consult a specialist like doctor to have you check....

Indi namn kahihiyan kung mag pa check up sa isang doctor the THING is ginagawa mo ito sa ikabubuti mo....
 
amen to the post above me.
ang tunay na kagalingan ay nanggagaling kay Jesus..

pakatandaan po natin...espiritista, albolaryo, mangkukulam ay pinagbabawal ng Panginoon..turn only to Him and to Him alone..prayers..ipagpray mo na un Doctor na tutulong sa dad mo ay pagdadaluyan ng kagalingan na nagmumula sa Panginoong Hesus..


pa-OP ng mejo..hehe..

Let me tell you a true story...
about sa pinsan kong babae..

napakayaman nila nun Asawa nya and pag bumibisita sila samen e palagi kame may pamasko..(matanda samen un ng halos 20 years) .. inggit kami dati dun sa buhay nila kasi ang yaman talaga nila.. may kotse..hangang 2nd floor ang bahay tapos spacious pa.. hehe.. dahil sa gusto pa nun pinsan ko na babae na swertehin pa, natuto sya na makinig sa fengshui (for luck daw)..at kinalaunan e pinapractice na nya..kahit dun sa bahay namen nagffengshui sya..hehe..wala naman nagbago..tpos nagkaron bigla sya ng connection sa di namin mawari na mga spiritista..may ngturo sa kanya ng latin na dasal..ang natatandaan ko lang na word ( hindi ko pa nga lam kung tama hahaha) is SATOR something.. nun una e gumagana sa kanya..madalas nawawala un sakit nun mga anak nya.. nun nagkaron sila issue nun asawa nya (due to infedelity ni lalake), ginagamitan nya din nun dasal na un..well lahat naman ng bagay ginagamitan nya ng dasal na natutunan nya..ndi gumaling un pambababae ni asawa nya..tapos sya napapadalas kumunsulta dun sa spiritista..hanggang sa nakita nalang namen na ngsisindi na sya ng mga kandilang puti..(mejo kinikilabutan ako habang tinatype ko to hahah..naalala ko kasi..partida nasa office pa ko neto ha..dami tao dito lol) ... nakita ni mami minsan na may sinisindihan sya na itim na malaking kandila na prang nakapilipit na ahas un design..tpos sinisindihan nya pabaliktad..meaning..pinapalabas nya un mitsa dun sa pwetan nun kandila imbes na gamitin un mitsa na nsa tuktok.. then nagsimula na maging kakaiba un utak at pagiisip nun pinsan kong babae.. mdalas may kinakausap magisa..balisa..sabi nya kinokontra daw sya nun kabit nun asawa nya sa pagdadasal nun SATOR na un.. :( tapos nawala sya sa katinuan.. (wala sila lahi ng baliw though alam ko na may chances parin na magka-schezo ang tao kahit wala sa lahi) .. binabalewala na ngayon sya ng pamilya nya..even her own children.. :( nakakaawa..nakakalungkot..madalas bumibisita sya samen..tinulungan namen sya hanggang sa makabalik sa dating pagiisip..mejo may konting prob paren pero ok na sya..at balak ko na siya ilapit sa Panginoon pagbalik ulit nya samen..

hindi ko sinasabi na ganito magiging kalalabasan ng mga nagoorasyon..pero isa to sa mga consequences ng pakikipagugnayan sa spiritista or sa sorcery, witchcraft.. nakakatakot.. pero buti nalang at ang Diyos ay buhay at tunay na makapangyarihan sa lahat.. sa kanya nagmumula ang tunay na kagalingan..
 
Last edited:
TS ang alam ko pag ganyan dahil karamihan yan sa lugar namin sa Sequihor.. ang orasion at lebreta at dapat lang basahin sa araw ng bernes at martes at dapat my gabay ka sa nag bigay sau dahil pag wala kang gabay nakaka baliw iyan eho... magpa tawas kana....

BASTA SURE KANG DIKA NAG SHABO,,, kaya ng magtatawas yan pero pag shabo yan mental ang bagsak mo jan.
 
uu madalas sa probinsya yan..pero un pinsan kong babae..pure manilenya un.. nakatira sila sa Sta Rosa Laguna..lapit samen..at nakalimutan ko banggitin na katulad mo, e nakakarinig din sya dati ng mga boses..sinasabihan daw sya na nambababae si asawa nya (which is totoo naman haha)..tpos sinasabihan sya kung kelan at nsaan ang asawa nya nambababae..


ganito gawin mo TS..iconfess mo kay God na nagkamali ka..na hindi ka nagtiwala sa Kanya at mas pinili nyo pa na lumapit sa mga spiritista..ihingi mo ng tawad ang paglapit mo sa mga albularyo..sincerely..at ilayo ka sa gawa ng kaaway (demons)..
 
TS, kung ikaw ay Katoliko, ang pinaka mainam mong gawin ay mangumpisal at tumanggap ng komunyon.

Kung protestante, ay mag pa pray-over ka sa iyong pastor.
 
Back
Top Bottom