Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Undesirable ending

UNDESIRABLE ENDING
(iGingerBread)


Hope you like it :)



PROLOGUE

Undeniable Mark
Unspoken Feelings
Incurable Pain

Trampled Soul
Troubled Heart
Broken Lives that needs to restart.

Someone remember.
Someone forget.
How can they ease the pain and never regret?

No one knows what to do.
No one deciphers the code of the truth.
Both of them lies in the thorn.
And suffer with their Undesirable Ending.



“Sa mundong ito, iilan na lang ang magsasabi ng totoo. Iilan na lang ang may dignidad. Iilan na lang ang tatayo para sa katotohanan. Iilan na lang ang bubuka ang bibig para sagipin ang mga taong nakalubog na at kailangan ng tulong.”

-Litthe Fynn Alleje


"Ang duwag mo Nair. Kahit kailan, hindi ko tatanggapin yung reason mo. Napanuod mo kung paano patayin ang mga magulang ko. Kung paano sila bawian ng buhay. Alam kong nakita mo kung sino yung gumawa nun. But you never speak. You never speak Nair. Nanatili kang tahimik. Pinili mong maging safe. Nakakasuka. I think it's enough. Kung ayaw mong magsalita, i'll accept it. Pero huwag mo akong pigilang maghanap ng kasagutan. Please lang. Stay out of my life Nair. Hindi kita kailangan."

-Litthe Fynn Alleje




UNDESIRABLE ENDING FULL


"Would you stop talking bitches? Ang iingay ninyo. Puro naman kalandian pinag-uusapan ninyo."
Narinig kong sigaw ng isang babae sa mga babaeng katabi niya. Bakas sa mukha niya ang pagkairita.

"Ano bang pakialam mo? Wala kang pake kung gusto naming mag-ingay."
Sagot naman nung isa sa mga babaeng sinigawan niya.

Halos lahat ng pasahero ay nakatingin na sa kanila. Nanunuod. Naghihintay ng susunod na eksena. Nanatili namang nag-iingay yung mga babae.

"One more stupid voice. Hihilahin ko na yang mga buhok niyong mukha namang hindi nakakatikim ng shampoo." Seryosong sabi nung babae sa kanila.

Walang takot na makikita sa mukha niya. Her face says nothing.
Nilapitan ko siya kahit na nagsisiksikan na dito sa loob ng MRT. Hihigitin na sana nung isang babae yung buhok niya pero pinigilan ko ito.

"Oops. Sorry mga miss. Masama ang manakit ng kapwa. Pasensya na kayo sa inasal ng babaeng ito." Ngiti kong sagot sa kanila. Trying to make a mood.

Sakto namang pagbukas ng pinto ng MRT pagkatapos kong pigilan yung away nila. Ang bilis nung babaeng tumayo at lumabas sa lugar na kinaroroonan namin.
Sumunod naman akong lumabas at sinundan ito.

"Litthe Fynn Alleje." Tawag ko sa kanya.

Yes. I know her. My childhood friend. This girl who i cherish the most.

"Lidth Nair Estrada." Sagot naman niya sakin.

Humarap siya sakin pero wala pa din akong mabasa mula sa kanya. Hindi ko pa din alam kung ano ang iniisip niya.

"Pwede bang tumigil ka na kakasunod sa akin? Hindi kita kailangan sa buhay ko. Kinasusuklaman kita."
Prangka niyang pagkakasabi sakin bago tuluyang umalis palayo.

Masakit.
She's the only girl i love pero hindi ko makayang angkinin.
Hanggang kailan ka ba mabubuhay sa nakaraan?
Hanggang kailan mo ako sisisihin sa pangyayaring yun?

=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=

"Pre! Anong trip gagawin natin ngayon ha?!"
Tanong sakin ng papalapit na si Edzel Trinidad.

Kalokohan.
Yan ang madalas gawin ng barkada namin.

Nandito kami sa classroom at hinintay ang professor namin.
I roll my eyes for a second.
Fynn is with her friends’ pero hindi naman nagsasalita.
She's just listening to them as usual.

"Malay ko sa inyo mga sira ulo. Lagi ninyo na lang akong dinadamay."
Sagot ko naman sa kanila.
Bigla naman akong binatukan ni Carl na nakatayo pala sa likuran ko.

"Tado pre. Masakit yun ha!"
Reklamo ko naman sa kanya.

Same routine.
Same circle of friends.
Ganito lang kami lagi.
We just love our lives.

"Isa."
Sigaw ko ng biglang pumasok sa classroom yung professor namin.

"Ano na namang binabalak mo Mr. Estrada?"
Sagot naman ni Sir Philip na sanay na ata sa pinaggagagawa ko.

"Dalawa."
Pagtutuloy ko naman ng pagbibilang.
Nakita kong napabuntong hininga siya habang pigil tawa naman yung mga kaklase ko.

"Stop this nonsense Mr. Estrada. I already checked your exams and i'm sorry to say na ikaw ang pinakamababa sa buong klase."
Seryoso namang sabi ng professor namin.

"Paano nangyare yun Sir! Nagreview naman ako!"
Sagot ko naman sa kanya.

Tyring to act like a child.
Naririnig ko na ang mga mahihinang tawa ng mga kaklase ko.
I take a glimpse at Fynn pero wala pa din.
I never see her smile sa mga pinaggagagawa ko.
"Well. I think you did review your exam playing online games."
Sabi naman ni Sir Philip sabay abot ng exam paper ko sa iba kong kaklase.

Naghagalpakan naman sila ng tawa nung makita ang mga sagot ko.

"Kailan pa naging Mathematician si Roshan pre?"
Pang-aasar pa nung isa kong barkada.

Ilang minuto ding asaran bago pa nagsimula ang klase.
Hindi magagawa ni Sir Philip na patalsikin ako ng klase.
My parents own this school.
It's not possible to kick me out of my own school right?

=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=

"Can anyone give their opinions on what living in this world means?"
Another crazy question na naman galing kay Sir Philip.


Yan talaga ang hilig niya.
Magtanong ng random questions kapag halatang inaantok na ang buong klase.
Magtatawag ng kahit na sino para punan yung tanong niya.

"Can you, Ms. Alleje?"
Dugtong pa niya.

Sa lahat ba naman ng tatawagin si Fynn pa.
Ilang segundo ang lumipas bago pa sagutin ni Fynn ang tanong niya.

"Living in this world means? To be ready for pain, betrayal and lies. "
Seryoso namang sagot ni Fynn.

"And how can you say that?"
Tanong pa ulit ni Sir na walang kaalam alam sa pinagdaanan niya.

"Because that's the truth. Sa mundong ito, iilan na lang ang magsasabi ng totoo. Iilan na lang ang may dignidad. Iilan na lang ang tatayo para sa katotohanan. Iilan na lang ang bubuka ang bibig para sagipin ang mga taong nakalubog na at kailangan ng tulong."
Tuloy tuloy niyang sagot sabay tingin ng masama sa akin.

Oo. Ako ang taong tinutukoy niya.
Hindi pa din niya natatanggap ang ginawa ko ng mga oras na yun.
Hindi pa din niya nakakalimutan ang desisyong pinili ko.

"Hindi naman kasi lahat ng bagay, papabor sa gusto mo."
Narinig kong sagot naman ng isang babae sa sinabi ni Fynn.
Umubo naman si Sir Philip at pinaupo na si Fynn. Nanatiling tahimik ang buong klase.
Ang kaninang masayang aura ay napalitan ng tensyon.

"Ano ba kayo! It's just her opinion! Bakit ang seseryoso ninyo dyan?"
Sigaw ko sa buong klase.

Tulad ng dati. Pinakitaan ko sila ng isang ngiti.
Ngiting gusto kong pumawi sa sakit na nararamdaman niya.
Pero alam kong hindi madali. Alam kong hindi niya tatanggapin.

"Unggoy ka! Ang dami mong alam!"
Sagot naman ni Edzel.

Nagsimula na namang mag-asaran ang klase.
Hindi naman sa binabastos namin si Sir Philip dahil kasali din naman siya sa nang-aasar.
Pagkatapos ng klase. Nilapitan ko naman yung babaeng sumagot kay Fynn.

"Pamela."
Tawag ko sa kanya.

"Bakit?"
Sagot naman niya sakin.

Kitang kita ko sa mukha niya ang kaba.
Kilala nila ako. Maayos akong makipagbiruan.
Pero alam nilang lahat na hindi nila pwedeng galawin o pagsalitaan ng masama si Fynn.

"Watch your mouth."
Seryoso kong sabi sa kanya.

"I understand."
Sagot naman niya saka tumakbo palayo.

Hindi ko na mabilang kung ilang lalaki na ang pinagtripan namin dahil sa ginawa nila kay Fynn.
Mahal na mahal ko siya at gagawin ko ang lahat maprotektahan lang siya.

"Why don't you just tell her the truth Nair? Sa tingin ko, mas gagaan ang sitwasyon ninyo that way."
Biglang sabi ni Edzel na hindi ko namalayang nasa tabi ko na.

Edzel Trinidad.
My bestfriend.

"You don't know what you're saying Ed. Paano ko magagawang ipagtapat sa kanya ang mga bagay na yun? Kada susubukan kong sabihin, parang may malaking batong nakaharang sa lalamunan ko. I don't have the courage to tell her." Pagtatapat ko sa kanya.
"Ako ang nahihirapan sa’yo pre. I think it's her right para malaman. But i can't blame you. Alam kong mahirap yan."
He then tap my shoulder bago nagpaalam umuwe.

Nagsimula na din akong maglakad pauwe.
Hindi na nga ako nagdadala ng kotse dahil gusto kong makasabay si Fynn pauwe, masyado naman siyang mailap sa akin.

I still remember that time.
That night when that thing happen.


*FlashBack*


"Ikaw na ang bahala sa anak namin Nair. Alam kong hindi mo siya pababayaan."
Seryosong sabi sa akin ng Papa ni Fynn.

Nandito ako ngayon sa bahay nila Fynn dahil sa tinawagan ako ng mga magulang niya.
Mrs. Julieta and Mr. Julius Alleje.

Hanggang ngayon, hindi ko pa din matanggap ang nalaman ko.
Pero naiintindihan ko ang kapahamakang dulot nito sa kanila.
Alam nilang mahal na mahal ko ang anak nila kaya handa silang ipagkatiwala sa akin ito.

Kasangkot sila sa isang illegal na organisasyon at nasa proseso sila ng pagkalas sa mga ito.
Sapilitang pagkalas.
Nasa harapan ko ang mga patunay ng transakyon ng kanilang grupo pero hindi ko naman maintindihan ang mga iyon.

"Makakaasa ho kayo. Hinding hindi ko po pababayaan si Fynn."
Sagot ko naman sa kanila.

Hindi ko alam pero parang namamaalam na sila sa mga kilos na pinapakita nila.
Hindi ko mapigilang malungkot at mapaiyak sa sitwasyong pwedeng sapitin ni Fynn.
Sinimulan na nilang ilagay ang mga gamit sa bagaheng hawak nila at nagpasya ng umalis upang tumestigo laban sa organisasyong sinalihan nila.

Paalis na sila ng eksakto namang makarinig kami ng mga katok mula sa pintuan.
Mag aalas dose na ng gabi pagtingin ko sa aking relo.
Sino naman ang bibisita ng ganitong oras?
Dinapuan ako ng kaba sa ideyang baka isa sa mga kasamahan nila ang nasa likod ng pintuan ng bahay na ito.

Mabilis ang pagrehistro ng mga pangyayare sa isip nina Mr. Julius.
Pinagtago muna nila ako sa may pintuan papuntang kusina bago naghandang buksan ang pinto.
Nakasilip lang ako sa pwestong kinatatayuan ko sapagkat hindi naman ako makikita dahil sa dilim ng paligid. Tanging ang ilaw lang na nagmumula sa sala ang nagbibigay liwanag sa aming lahat.

Pagbukas nila ng pintuan.
Tumambad sa akin ang pamilyar na mukha ng isang tao.
Nakangiti ito tulad ng palagi kong nakikita.
Lalabas na sana ako sa tinataguan ko nung bigla kong mapansin ang hawak niya na nakakatutok sa mga magulang ni Fynn.

Baril.

May hawak siyang baril.
Hindi ako makapaniwala sa katotohanang dumapo sa isipan ko.
Hindi matanggap ng puso ko ang tumambad sa harapan ko.

Next thing i know, nakahiga na at duguan ang mag-asawa sa harapan ko.
Ang mga magulang ni Fynn.
Hanggang sa makita kong kinuha ng taong yun ang bagahe saka tuluyang umalis.

"A-anong nangyare Nair?"
Lugmok na sabi ni Fynn na hindi ko napansing nagising at ngayon ay naglalakad na palapit sa mga magulang niya.

"Ma.. Pa.. Gising! Papa! Nair! Ano bang ginagawa mo?! Tumawag ka ng tulong."
Nagising ako sa sigaw ni Fynn.

Dali dali akong tumakbo para humingi ng tulong.
Hindi ko alam kung anong dapat gawin.
Napakabilis ng pangyayari.
Ang kaninang buhay na buhay na sina Mrs. Julieta and Mr. Julius.
Ngayon ay wala ng buhay na nakahiga sa kabaong na inasikaso ng mga tiyahin ni Fynn.

Hanggang ngayon, paulit ulit pa din sa tenga ko ang mga hagulgol ni Fynn ng sabihin ng doktor na wala ng buhay ang mga magulang niya.
Ang namumugto niyang mata na gusto kong patigilin sa pagluha.
Pero wala akong magagawa.
Alam kong walang makakaalis ng sakit na dinadala niya kundi sapat na oras para makalimot.

"Ipapakulong ko ang walangyang gumawa nito sa magulang ko Nair. Magbabayad sila. Hindi ako titigil hanggat't hindi sila nasisintensyahan."
Madiin na pagkakasabi ni Fynn na ngayon ay katabi ko na.

"Pero paano Fynn? Hindi natin alam kung sino sila. Wala tayong ideya kung bakit nila pinatay ang magulang mo." Sagot ko sa kanya.

Hindi ko kilala.
Hindi ko kilala ang pumatay sa mga magulang niya.
I didn't see the face of that murderer.
Tumingin sa akin si Fynn ng may pagdududa.

"Nair. Magulang ko ang pinatay nila. Hindi pwedeng umupo na lang ako dito at walang gawing kahit na ano."
Galit na galit niyang sabi.

"Alam kong nakita mo kung sino ang pumatay sa magulang ko Nair. Nagmamakaawa ako sa'yo. Kailangan ko ng tulong."
Mangiyak ngiyak niyang dagdag sa sinabi niya.

"Hindi ko kilala. Hindi ko nakita Fynn."
Sagot ko sa kanya.

Ilang beses pang nagmakaawa sa akin si Fynn pero laging hindi ko kilala ang nakuha niyang kasagutan sa akin.
Hanggang sa sumuko na siya.
Hanggang sa nagbago na siya.
Hanggang sa ibang Fynn na ang umusbong sa kanyang pagkatao.

Hindi ko pwedeng sabihin Fynn.
Wala akong lakas ng loob sabihin kung sino ang pumatay sa magulang mo.
Ayoko lang madamay ka din at may mangyaring masama sa'yo.
We should forget about it.
Kailangan mong mamuhay ng normal.
Kailangan mo ng iwaksi ang mga nangyari sa nakaraan.


*FlashBack*


Nagising ako bigla dahil sa tunog na nagmumula sa cellhpone ko.
Nakatulog pala ako.

"Sira ulo, inistorbo mo tulog ko."
Sagot ko sa tawag ni Edzel.

"Gago. Pumunta ka agad dito! Nandito kami sa Serviantes!"
Seryoso namang sabi ni Edzel sa akin.

"Bakit? Anong nangyare?"
Sagot ko naman sa kanya.


Parang masama ang kutob ko.
And what i guess is right.

Si Fynn na naman. That girl.
Sumama sa kaklase naming lalaki para makipag inuman at ngayon binabastos na ng mga hayop na yun.
Hindi kayang pigilan ni Edzel si Fynn.
Walang may lakas ng loob pumigil kay Fynn kundi ako lang.
Ako lang.

Dali dali na akong pumunta sa sinabing lugar ni Edzel.
Inaabangan naman niya ako sa labas kaya madali ko siyang nakita.

"Nasaan sila?"
Tanong ko sa kanya.

"Nasa loob. Sa may kanan, pangatlong mesa."
Sagot naman niya sa akin.

Naglakad na ako papunta sa mesang tinuro ni Edzel.
Palapit kay Fynn.
Halos manginig ang buo kong katawan ng makita kong nakaupo si Fynn sa gitna ng dalawa naming kaklaseng lalaki.
Yung isa, nakapulot ang kamay sa baywang niya habang yung isa naman, dikit na dikit ang mukha sa pisngi niya.

Hinablot ko sa damit yung lalaking kulang na lang ay halikan si Fynn sa sobrang lapit ng mukha niya saka ko sinalya palayo kay Fynn.
Hindi pa ako nakuntento, sinugod ko pa at binigyan ng sunod sunod na suntok sa mukha yung lalaki. Parang nagdidilim yung paningin ko sa sobrang galit sa mga hayop na lalakeng ito.

Nagbalik lang ako sa reyalidad nung biglang may umawat sa akin mula sa likod.
Hinila niya yung kamay ko at pilit na nilalayo sa lalaking bugbog sarado sa harapan ko.
Si Fynn. Si Fynn ang umawat sa akin.

"Tama na! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! Hindi kita kaano-ano Nair! Wala kang pakialam sa buhay ko at sa kung anong gusto kong gawin!"
Sigaw niya sa akin.

Parang tinusok ng paulit ulit yung puso ko dahil sa mga salitang sinabi niya.
All this time, kapakanan niya lang yung nasa isip ko.
All this time, siya lang ang laman ng puso ko.

Hinila ko siya palabas sa lugar na kinaroroonan namin.
Kahit pa pilit siyang pumapalag, hindi niya kinayang makawala sa pagkakahawak ko.
Tumigil ako sa may parke na medyo malapit sa Serviantes.
"Hanggang kailan ka ba magkakaganyan Fynn? Pwede bang itigil mo na ito!"
Pigil na pigil ang hinanakit sa boses ko.

"Wala akong ginagawang masama! Pwede bang tantanan mo na ako! Ayokong makipag-usap sa'yo!"
Sigaw niya sa akin sabay akmang aalis sa kinaroroonan namin.

Hinila ko siya pabalik pero iwinaksi niya lang ang kamay ko.

"Huwag kang parang bata Fynn! Kausapin mo ako! Ibalik natin yung dating tayo."
Seryoso kong sabi sa kanya.

"Hindi ko kayang ibalik ang dati. Hindi kita kayang pakitunguhan tulad noon. Hangga't hindi mo sinasabi ang totoo, magiging ganito tayo."
Mangiyak ngiyak na naman niyang sagot sa akin.

"Eto na naman tayo Fynn eh. Ilang beses ko nang sinabi sa'yong hindi ko kilala ang pumatay sa magulang mo. Hindi ko kilala ang tarantadong tumapos sa buhay nila!"
Sagot ko sa kanya.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ko maitatago ang bagay na ito.
Pakiramdam ko malapit na akong sumabog at ibunyag ang lahat ng nakita ko.
Pero hindi ko kaya.
Hindi ko kayang ilaglag ang taong yun.
Mabuti ng ibaon na lang sa limot ang lahat ng nasaksihan ko.

"Hindi mo kilala? Nagpapatawa ka ba Nair? Pwes ikaw, kilala ko. Kilalang kilala kita. At alam kong nagsisinungaling ka. Isa lang naman ang hinihingi ko sa'yo ih. Hinihiling ko. Ano pa bang gusto mong gawin ko Nair para lang sabihin mo kung sino ba yung punyetang pumatay sa magulang ko? Hindi ka pa kasi nawawalan. Hindi mo alam yung pakiramdam ng mawalan."
Tuloy tuloy niyang sabi sa akin.

Hindi man siya nakatingin sa akin.
Halatang halata sa boses niya ang sakit na nararamdaman niya.
Parang gusto kong yakapin siya at sabihing andito lang ako para man lang mabawasan ang dinadala niya. Pero alam kong itutulak niya lang ako palayo.

"Fynn."
Tanging salitang sambit ko sa kanya.

"Akala ko ba magkaibigan tayo Nair? Bakit ka nang-iwan? Alam mo ba, ikaw yung taong pinagkakatiwalaan ko. Hindi ko alam na kaya mo palang tumalikod sa pinagsamahan."
Umiiyak niyang sabi sa akin.

Gusto ko na ding umiyak dahil sa pinapakita ni Fynn sa harapan ko. A very weak Fynn. Na walang masandalan kahit na sino. Isang Fynn na punong puno ng sama ng loob.
"Ang daya mo Nair eh. You saw it. Ikaw ang nandoon nung pinatay ang magulang ko."
Dagdag pa niya.

"It's for your good Fynn. Ayoko lang masaktan ka. Ayokong manganib yung buhay mo. Ayokong mapahamak ka"
Sagot ko sa kanya.

Intindihin mo naman Fynn.
Nagmamakaawa akong intindihin mo.

"Wala akong pakialam kung mapahamak ako Nair. Ang mahalaga sa akin, yung hustisya para sa mga magulang ko."
Mabilis niyang sagot sa sinabi ko.

It's useless Nair.
Useless ang sinasabi ko.
Fynn wants the truth.
Pero hindi ko pa kayang ibigay yun. Hindi ko kaya.
Nakita kong humakbang patalikod si Fynn sa akin.
Lalayo na naman siya. She will be out of my reach again.

"Ang duwag mo Nair. Kahit kailan, hindi ko tatanggapin yung reason mo. Napanuod mo kung paano patayin ang mga magulang ko. Kung paano sila bawian ng buhay. Alam kong nakita mo kung sino yung gumawa nun. But you never speak. You never speak Nair. Nanatili kang tahimik. Pinili mong maging safe. Nakakasuka. I think it's enough. Kung ayaw mong magsalita, i'll accept it. Pero huwag mo akong pigilang maghanap ng kasagutan. Please lang. Stay out of my life Nair. Hindi kita kailangan."
Tuloy tuloy niyang pahayag bago tuluyang naglakad papunta sa lugar kung saan hindi ko alam.

Ano bang dapat kong gawin?
Hindi ko na alam ang dapat kong gawin!
I punched the wall for i don't know how many times.
Nakita ko na lang si Edzel na tumatakbo palapit sa akin at akmang pipigilan ako.

She's gone.
Bakit ganoon yung nararamdaman ko?
Pakiramdam ko, katapusan na ng mundo ko.

Paano?
Paano ako aabante kung kahit anong daan ang tahakin ko, may maaapakan at masasaktan ako?

=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=
 
Back
Top Bottom