Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Naniniwala ka ba sa aswang? Trip to Antique

yung roommate ko, inaasawang kung isang co-worker ko. wahahaha. gabi-gabi.
 
naniniwala din ako sa aswang at multo kasi naka experience na ako
dun samin sa masbate
buntis yung 2 kung tita at kami lang na tatlo noon sa house umalis kasi tito ko ,mga 12 na ng gabi wla na tao sa labas tapos gising pa ako kasi nga mainit brownout at inopen ko yung bintana sa room kung asan kami ng mga tita ko pag tingin ko sa my mga wire at almost 15 lng na dangkal yung wire sa bintana namin nakatitig sakin yung nga mata ng di ko alam kung tao ba yun basta po ulo lng siya at yung dila niya ang nakasabit sa wires halos di ako makapagsalita nun at mabilis kung ginising mga tita ko pagtingin nila wala na yung creature na yun. duguan pa yung ulo niya ,hanggang ngayun naalala ko pa yung itsura.


And then dun parin po sa bahay namin buntis yung kapitbhay namin. at gabi din nun biglang nagising ang kapatid ko ng 3 years old at biglang umiyak ng walang dahilan tapos biglang my bumagsak dun sa bubong namin at parang naglalakad at pagka ilang minute ay nawala na din tapos pag ka umaga nun pag tingin ni papa dun sa roof ay yuping yupina sa isang part di naman sguro kaya ng tao gawin yun db?

And yung tita ko nakakita din ng 2 malalaking aso sa roof nung kapitbahay nila, kasi baby pa yung pinsan ko noon. ang ginawa niya pinagmumura niya at tinakot habang my hawak na taga yung tita ko hehe matapang kasi. at yun nawla nalang bigla.

yun lang sa ngayun ma e kukwento ko , meron din dun saming matandang mananaggal hanggang ngyun buhay pa. Pero alam na ng lahat na mananaggal yun at sbi ng lola ko na nanggagamot my mga aswang daw na 1 month or 1 year lang kung kumain ng tao or hayop, nakalimutan ko yung tawag sa kanila. Tsaka merong tinuro sakin yung lola ko na dasal para layuan ka nung asawang. At tested na niya yun. :slap: 2 years ng nakaraan nung tinuro niya sakin kaya nakalimutan ko na. basta pa roman or greek word yun
lola ko kasi nanggagamot ng mga nakulam or mga nagkakasakit na di mapaliwanag ng science.
At nangungulam din siya. pero yung mga masamang tao lng gingawan niya nun.:alright:
 
Na assign ako sa Iloilo/Antique at naging sakop ng area ko hanggang Culasi. Pag nasa Antique ako, based ako ng San Jose. Medical rep ako nun mga 1988 pa yun. Yung kasama ko sa work, naliligo noon mga 10 na ng gabi....nakakita siya sa window ng babae sa labas...ang problema, 2nd floor yung banyo at nakalutang sa hangin yung nakita niya (half-half) he he...napatili palabas ng banyo ang kasama ko
 
Last edited:
asuuus! wag nyo takutin ang sarilinyo sa aswang aswang na yan! gusto nyo makakita ng aswang? tingin kayo sa salamin! :rofl: bwahahhahaha!
 
asuuus! wag nyo takutin ang sarilinyo sa aswang aswang na yan! gusto nyo makakita ng aswang? tingin kayo sa salamin! bwahahhahaha!
angel ang nakikita ko sa salamin bro :laugh:
 
Hahaha. Alam ko lang ay isa yan sa kayamanang natural ng ating bansa, na nagmula sa ating mga ninuno. Ngayon, di na ata napapahalagahan yan, madami na kasi ang hindi naniniwala jan. At nagproprogress na rin ang ating bansa dahil sa bagong henerasyon
 
Hahaha. Alam ko lang ay isa yan sa kayamanang natural ng ating bansa, na nagmula sa ating mga ninuno. Ngayon, di na ata napapahalagahan yan, madami na kasi ang hindi naniniwala jan. At nagproprogress na rin ang ating bansa dahil sa bagong henerasyon
kahit yung mga aswang po db. ,bumababa na sila sa city at namumuhay na paarang normal na tao. kasi di naman sila araw araw or every week kumakain na tao or hayop eh.
 
same story kayu ng kuya ko ts..hehe share ko lang din..ngkaroon kasi kami ng reunion sa mother side non tas sa bohol sya ginanap (pero hindi ako nakasama dahil hindi ako pinayagan ng teacher ko..grade 4 ako nun..wawa)..minsan daw nagkayayaan silang magpunta sa kubo na malapit lang din naman sa tinutuluyan nila,nagtataka daw si kuya kung bakit nakapaligid mga pinsan namin sa kanya habang naglalakad..bisaya din mga pinsan ko ako half bisaya din..hehe edi un nakarating na sila sa kubo..habang nagkkwentuhan daw sila, may narining daw si kuya na pagaspas ng parang malaking ibon..hindi na natakot mga pinsan ko kasi sanay na sila sa ganun at kaya pala nila pinaligiran si kuya eh some sort of protection siguro kasi first time ni kuya sa bohol eh at walang syang alam sa mga kababalaghan don..so un nga may aswang daw pala dun sa lugar na yun..at alam ng mga pinsan namin yun..kahit daw si mama nung dalaga pa sya madalas makaexperience ng mga kababalaghan dun..kakilabot..
 
Totoo talaga si aswang, .taga antique din ako ts. ..bundok kasi lugar namin at maraming kwento na maraming aswang talaga sa amin gusto ko nga sana na makakita ngunit wala eh, .pero naniniwala ako, diba mga masasamang angel sila na ipinadala dito sa lupa ng Diyos. Kaya sila nananakot at nanggugulo. Napakarami talagang aswang ang nandito sa antique.
 
0t0r, share koh din experience k0h, my isang gabi nung papunta kami sa isang bday party, bario ito, mga 9pm na nung makarating na kami dun sa venue.. eto yung ngyari, hindi naman ako lasing nun dahil dalawang san mig lyt pa lang ang nainum k0h, habang umiihi ako sa my backyard, my babae na naka puti na mejo hindi mu makita ang mukha.. Hindi koh lang yun pinansin, tapus, pag kabalik k0h dun sa inuman, my naririnig ako na umiiyak na parang nagpapatulong, tapus winala koh lang ito.. eto ang malufet, pauwi nakami ng barkada k0h, dalawa lang kami sa isang m0t0r.. habang paparating kami sa isang cementeryo, my nag lilibing, nagtaka ako bakit gabi.. dahil ang alam koh umaga pag my ililibing.. lahat sila naka itim, tapus inovertake'an koh sila.. pag ling0n sa lik0d wala na sila, s0brang kinilabotan na ako, nangi nginig sa tak0t, at mejo my luha na ako, ung kasama koh hindi makapag salita, dahil na shock, kaya ngaun ung kasama koh ngaun, hirap na magsalita.. pag nagkikita kami, naaawa ako, ayun ung history k0h, madami pa ak0ng experience sa multo.. kaya mejo nasanay na ako, parang wala na lang, pag nakakakita ako.. anyway im fr0m il0c0s..

san ka sa ilocos ts
 
Totoo talaga si aswang, .taga antique din ako ts. ..bundok kasi lugar namin at maraming kwento na maraming aswang talaga sa amin gusto ko nga sana na makakita ngunit wala eh, .pero naniniwala ako, diba mga masasamang angel sila na ipinadala dito sa lupa ng Diyos. Kaya sila nananakot at nanggugulo. Napakarami talagang aswang ang nandito sa antique.

San ka sa Antique? Kami sa San Jose...
 
mga nagjojoke ng mga "aaswangin kita o mga mukha kang aswang" seryoso mga tol ilang beses ko na nabasa yan. jinojoke nio parin? babaw naman ng sense of humor nio.
 
Sabi nila mas matakot ka pa sa tao kaysa aswang...
 
may pinalabas na nyan sa tv patrol yung yaya na kinain yung lamanloob nung alaga nyang bata,
pinalabas din yun sa soco, kaya malamang totoo,
saka ang alam kaya nilang magpalit ng anyo into animal lang.
 
niwala na. ayan. ingat mga lasheng sa gabi baka di na kayo makauwi.
 

Attachments

  • aswang.gif
    aswang.gif
    257.2 KB · Views: 17
Back
Top Bottom