Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

need some serious advice

Status
Not open for further replies.

aRkii

Recruit
Basic Member
Messages
11
Reaction score
0
Points
16
sana lahat ng sana natututpad .. sana lahat ng iniiwan binabalikan
 
Last edited:
nako ts isang seryosong advice.. TIGILAN IWASAN mo na siya.. block sa chat kung pepwede para lang makaiwas
makakasira ka ng pamilya isang malaking HUWAG NALANG! :)
hindi laging tama yung nararamdaman natin kaya hindi din dapat laging sundin
 
2 years kami ng ex ko , naghiwalay kami 6 months ago kasi niloko nya ko .. Kahit sorry wala akong narinig sakanya o kahit anong paliwanag kung bakit nya nagawa yun .. gulong gulo yung isip nung mga panahong yun .. Ang hirap kasi we're both working on same company .. Halos araw araw ko sya nakikita .. Halos araw araw nabubuhay yung galit ko sakanya .. after 1 month may nakilala ko , alam ko sa sarili ko hindi ko sya gusto , pinilit ko yung sarili ko na magustuhan sya pero wala talaga kasi si ex pa din mahal ko .. Thankful din naman ako kahit papano kasi nakayanan ko yung sakit dahil sakanya lalo na nung nalaman kong nabuntis na ng ex ko yung gf nya hanggang sa nagpakasal sila .. Nilibang ko sarili ko dun sa nakilala kong guy , pero hanggang usap lang yun , chat at tawagan pero hindi naging kami .. til now ganon pa rin status namin ..

2 months after ikasal si ex , nagkita kami sa birthday ng isa sa common friends namin .. pero bago kami nagkita dun , nagkakachat na kame , humingi sya ng sorry and he said na nagsisisi sya .. kaya sabi ko sakanya ginusto mo yan kaya maging masaya ka na lang , kasi ako masaya na ko para sayo ,

dun sa birthday ng isa naming kaibigan , nag confess sya sa harap ng mga friends namin hindi ko alam kung dala lang ba ng alak o ano , na naipit lang daw sya sa sitwasyon , tapos nag usap kami na kaming dalawa lang .. He cried ! sabi nya mahal na mahal nya daw ako pero ako ayokong maniwala , kasi kung mahal nya ko una pa lang hindi na dapat sya nagloko .. Umiyak din ako nun kasi pakiramdam ko nung time na yun bumalik lahat ng sakit , nasabi ko na lang sakanya tama na , wag mo ng ipilit kasi hindi na pwede.
Niyakap nya ko ng mahigpit habang umiiyak sya , tulo lang ng tulo yung luha namin nung gabing yun ..Pagkatapos nun hindi na ulit kami nag usap kahit sa chat . Tapos last week biglang ayan na naman sya chat ng chat , ayoko bigyan ng ibig sabihin yung pagpaparamdam nya eh , kaso napapadalas pero lagi ko naman pinapaalala sakanya na hindi na pwede , may asawa ka na magkaka anak ka na , palayain mo na ko ! sinabi ko sakanya tulungan nya kong makalimutan sya .. Kaso ngayon naguguluhan na ko , kasi alam ko sa sarili ko mahal ko pa rin sya pero hindi na pwede .. Lagi nya sinasabi na "andito lang ako para sayo" .. kaya sabi ko sakanya sana noon mo sinabi yan nung mga panahong kailangan kita at gulong gulo ako .. Hindi ko alam kung anong motibo nya 6 months kaming walang communication tapos sasabihin nya sakin mahal na mahal nya ko .. wtf ..

Ano bang dapat ko gawin kasi naguguluhan na ko sa nararamdaman ko .. Although wala kaming relasyon , nakokonsensya ako kasi alam ko pakiramdam ng maloko .. Kahit masama ginawa nila sakin noon

Do yourself a favor and walk away from your ex and the new guy. You hit the nail on the head when you said that if he loves you he shouldn't have cheated and you should keep that in your mind because cheating is by choice and not by chance even when a person did it under the influence of alcohol. You need to remember that he cheated on you and he didn't bother coming back until he saw you again in that birthday party. After seeing you, he has become melodramatic and he seems to want you back. So in essence and I hope you realized that he's cheating on his wife already. For a married guy and with a kid already, he doesn't seem to be emotionally stable or responsible. I know you still love him, after all you just broke up 6 months ago but it doesn't mean that you need to do something about it. Because at this point you need to give yourself a chance to love yourself more. You need to accept that it's over and don't let his actions and motives cloud your good judgement and thought. Additionally, you cannot ask him to help you move on nor to let you go because he is trying to pull you in and you can't trust him so be the better person and cut all forms of communication for the sake of his family(wife and child) and yourself.

It is now time to slowly pick up the pieces and move on. Yes moving on takes time depending on the person but if you can cut all sorts of communication with him plus if you will keep in mind that you don't deserve a cheater, then that's a very good start.

Lastly, lose the new guy as well since you said you don't like him at all. Since you are in a fragile state, you might unintentionally make the new guy a rebound which is unfair and totally wrong. If you need company then you approach your friends because it's their job to cheer you up and to help you move on.
 
TS baka naman nun nagbreak kayo eh gumanda ka, sumeksi at lalo naging blooming. Nun nakita ka ni EX, nalibugan at gusto ka lang ulit makasex.
Theory ko lang naman lol.
Pero my advice, same lang din ng mga unang comment. Sayang lang oras mo dahil masasaktan ka lang dyan, sa kwento mo kasal na si guy. Kaya kung maging involved ka ulit kay guy, ikaw pa magmuumukhang MASAMA kasi KASAL na sila.
 
Advice galing sa akin na lalaki:

Matagal lang natauhan yang ex mo kaya ganyan yan siya. Wala ka ng magagawa, wala na siyang magagawa at wag na wag ka ng gagawa ng kamalian kahit mahal mo pa yan dahil may matatapakan kang ibang tao at yun yung pinakasalan ng ex mo. Ilagay mo na lang sa sarili mo yung posisyon ng babae na buntis tapos yun pala makikipagbalikan lang sa ex niya kasi mahal pa pala niya. Paano na lang anak nila, paano na lang buhay niya, at ano na lang sasabihin ng magulang ng babae na nagkamali na naman siya. Babae ka, alam ko di mo pa alam ang feeling na buntis pero sana isipin mo yung dinadalang bata na kapag nawalan yan ng tatay e dadalhin mo sa hukay kapag nakipagbalikan ka pa. Kapag sa usapang sustento, magpapadala ang lalaki para sa bata e paano kung kulang yan kung nagkaanak din kayo ng ex mo?Pagsisimulan ulit yan ng away, mababalik na naman ang nakaraan na parang teleseryeng pinoy na mahilig magsensationalization. Ito pa, mahal magpa annulment nasa Php 200,000 plus magpapasustento pa siya sa bata hanggang mag 18. Kaya mo ba? If ayaw niyo naman ipawalang bisa kasal niya dun sa nabuntis niya, magsusustento parin siya for 18 years, kaya mo ba? At kaya mo rin ba na asawa ka nga niya pero sa papel hindi. Ikaw lang magiging kawawa sa bandang huli. Nagpakatanga kayo sa desisyon niyong alam niyo na nga na mali, hala nagpadaloy parin sa bugso na damdamin. Ano naman kung umiyak siya at nag iyakan kayo? Kaya nga naming umiyak :lol:
regrets yung iyakan niyo, hindi simbolo na mahal niyo pa isat isa.. REGRETS YUN HINDI LOVE! RRREEEGGGREEETTTSSS Grrrr

Kaya ikaw na umiwas, mag-apply ka sa ibang company, mag-iba ng contact details, kausapin ang magulang mo (kahit hindi mo pa sila close o pinapalo ka noon at hindi mo parin makalimutan hanggang ngayon) for advice. Wag sa kaibigan dahil kaibigan lang yan, magulang lang makakaadvice sayo at makakaprotekta sayo ng maayos if naisipan mo dun muna sa kanila tumira habang nag aantay ka magwork. Pwede ka din mag abroad baka malay mo andun pala hinahanap mo na lalaki kesa jan sa ex mong may sabit e dun ka na sa walang sabit di ba?
Ikaw na umiwas. Madaling makamove on kung pipiliin mong magmove on. Hindi madaling makalimot kaya nga nauuso yang tukso(layuan mo ako). Gawin mo sinasabi ko at hinding hindi ka talaga magsisi.

PS: May gf ako kaya di ako pwede para sayo joke lang:rofl:
cheer up! Di mo pasan ang mundo, di lang ikaw may ganitong sitwasyon. Maraming tutulong sayo lalo na magulang mo. Pwede rin kaibigan pero iba sumuporta ang magulang. Alam mo na sa sarili mo na hindi pwede, di ba? Alam mo na sagot sa mga tanong mo.




Walang mali na nagiging tama kung hindi kayang panindigan hanggang kamatayan.
 
Last edited:
salamat po sa mga advice nyo .. naliwanagan na po ako :) wala na po kami communication , hindi na din po ako nagreply sa chat nya , gumawa na po ako ng bagong account para maiwasan ko na din sya , and sa company naman po nagpalipat ako ng ibang shift para magkaiba ang schedule namin .. gustuhin ko mang umalis kaso wala pang malilipatan agad kaya yun muna naging option ko :)
 
salamat po sa mga advice nyo .. naliwanagan na po ako :) wala na po kami communication , hindi na din po ako nagreply sa chat nya , gumawa na po ako ng bagong account para maiwasan ko na din sya , and sa company naman po nagpalipat ako ng ibang shift para magkaiba ang schedule namin .. gustuhin ko mang umalis kaso wala pang malilipatan agad kaya yun muna naging option ko :)

That's a great development. Glad to hear it. Good luck.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom